You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

Quarter 3 Assessment - Week 1 and 2

Pangalan: Baitang at Seksyon: ________

Paaralan: Petsa:_____________

Gawain A.
Panuto: Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga katanungan.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng Jollibee habang kayo ay kumakain. Maraming
pagkain ang nasa inyong mesa sapagkat natanggap na ng iyong ina ang kaniyang sahod. Batid
mong hindi ninyo mauubos ang lahat ng ito. Ano ang iyong gagawin?
a. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang bata.
b. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger.
c. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita.
d. Paaalisin ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita.

2. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May dala siyang mabigat na bayong. Hirap
na hirap siya sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng dyip.
Ano ang iyong gagawin?
a. Lalampasan at hindi papansinin ang matanda upang makauwi agad sa bahay.
b. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-uwi mo.
C. Magalang na kakausapin ang matanda na ikaw na ang magbubuhat ng dala niyang bayong
hanggang sa sakayan.
d. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.

3. Naliligo ang pamilyang Garcia sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si Josh. May batang
babae na naliligo malapit sa kanila. Maya-maya, nakarinig sila ng tinig na humihingi ng tulong.
Namumulikat ang paa ng batang babae kaya nahihirapan siyang lumangoy. Ano ang posibleng
gagawin ng pamilyang Santos?
a. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod siya dahil hindi naman nila kaano-ano iyon.
b. Sasagipin at tutulungan ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano.
c. Sasabihan ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya.
d. Lalayo at ipagpapatuloy ang kanilang gawain.

4. Nadapa ang isang bata habang siya ay tumatakbo. Ikaw lamang ang nakakita sa kaniya dahil
hindi matao ang lugar na iyon. May dala kang first aid kit sa iyong bag. Ano ang gagawin mo?
a. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa bahay ninyo.
b. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan mo.
c. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang lunas ang sugat na natamo sa kaniyang pagkakadapa.
d. Pagtatawanan ang bata at iiwanan siya.

5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na lutuan o kalan. Ang bahay ng
iyong kaibigan ay nadamay sa sunog samantalang hindi naman nadamay ang inyong bahay.
Sinabihan ka ng pamilya ng iyong kaibigan kung maaaring makikitira muna sila ng isang
buwan sa inyong bahay. Ano ang inyong magiging tugon ukol dito?
a. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng pamilya ng iyong kaibigan.
b. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay.
c. Sasabihin sa magulang na huwag silang patuluyin sa inyong bahay.
d. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.

Gawain B
Iguhit ang bituin ( ) kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng
wastong paggamit ng multimedia o teknolohiya sa pagpapakita ng iyong talent at bilog
naman kung hindi.

__________ 1. Nakabuo ng sariling awitin ang pangkat tungkol sa kapaligiran


matapos mapakinggan ang kanta sa radio.
__________ 2. Paggaya o pagkopya ng poster na nakita sa internet.
__________ 3. Pagsali sa paligsahan ng pag-awit gamit ang voice recorder.
__________ 4. Paggamit ng “Tiktok” sa paggawa ng sayaw.
__________ 5. Pagguhit gamit ang application sa tablet.

You might also like