You are on page 1of 2

GAWAING PAGKATUTO SA ESP 5

Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksyon: __________


Petsa: _____________________________________

“Kapayapaan, Ating Ihatid!”

I. Panimulang Konsepto

Ang pamahalaan ang nangangalaga at nagbibigay proteksyon sa kaniyang mga


nasasakupan. Ito ay nagpapatupad ng iba’t ibang programa na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kapayapaan. Ang pagiging mapayapa ng bansa ang isa sa
pangunahing responsibilidad ng mga namamahala dito. Bilang responsableng
mamamayan, kailangan na makiisa tayo sa mga proyekto o programa nito.
Narito din ang ilan sa mga programa na nangangalaga sa karapatang pantao:

 Bantay Bata 163 - may layuning protektahan ang mga bata laban sa anumang
uri ng pang-aabuso.
 Child Protection Policy – ipinapahayag nito na ang mga bata ay may karapatan
upang maprotektahan laban sa pang-aabuso at pananamantala.
 “Laban Kontra Droga” - isang programa na pumupuksa sa paglaganap ng mga
krimen sa ating bansa. Ang mga tao na sangkot dito ay binibigyan ng
pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang mga sarili bilang paggalang sa
kanilang karapatang pantao.
 Human Rights Education – katuwang ng Commission on Human Rights ang mga
akademikong institusyon at mga civil society organizations sa pagtataguyod ng
mga programa para sa edukasyong pangkarapatang pantao kagaya ng mga
memorandum of agreement on human rights education, pagdevelop ng mga
education curriculum at teaching exemplars para sa mas epektibong pagtuturo ng
karapatang pantao sa kabataan.
Ang mga programang ito ay nagnanais na mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan sa lahat ng panig ng ating bansa.
Ang paggalang sa karapatang pantao ay nagdudulot ng matiwasay na pamumuhay
saan mang pamayanan. Sa pakikiisang ito, nabubuo ang kasiya-siyang samahan at
magandang relasyon na nagpapanatili ng pagkakaunawaan.

Narito naman ang ilang magagandang dulot ng paggalang sa opinyon at ideya ng iba:
- May maayos at matatag na samahan.
- Mapanatili ang pagkakaunawaan.
- Matuto na makapagtimpi sa kapwa at maging mahinahon sa pakikinig.
- Magkaroon ng pantay na pagtingin sa karapatan ng ibang tao.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT CODA SA MELC


Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan. (EsP5PPP – IIIf – 29)
1.1. paggalang sa karapatang pantao
1.2. paggalang sa opinyon ng iba
1.3. paggalang sa ideya ng iba
III. MGA GAWAIN

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa paggalang


sa karapatang pantao, opinyon, at ideya ng iba at MALI naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan bawat bilang.

__________1. Binalewala ng tatay ni Sandie ang paanyaya ng kanilang


kapitan na makiisa sa gagawing programa sa mga nakikipag-away sa
kanilang lugar.
__________ 2. Sumama sa mga barangay tanod ang kuya ni Glenda na
magbantay sa checkpoint para pigilan ang pagpasok ng ibang tao mula sa
kalapit na lugar.
__________3. Nakita ni Jean na nagdodroga ang mga kaibigan ng kaniyang
kapatid at hinayaan niya lamang ang mga ito dahil natakot siya sa mga
pagbabanta sa kaniya.
__________4. Ipinahiya ni Nina ang kaniyang kamag-aral sapagkat hindi niya
nagustuhan ang ideya nito patungkol sa binubuo nilang proyekto.
__________5. Hinikayat ni Gng. Santos ang mga mag-aaral na laging igalang
ang ideya at opinyon ng kanilang kapwa.
__________6. Si Maya ay nagbakasakaling mapakinggan kaya siya ay nagtaas
ng kamay at nagbigay ng kaniyang suhestiyon nitong nakaraang Barangay
Assembly.
__________7. Mataimtim na nakikinig si Kapitan Leo sa mga opinyon ng
kaniyang mga kagawad tungkol sa nalalapit na kapistahan.
__________8. Laging nakikipagdiskusyon si Aling Brenda sa kaniyang
kapitbahay tungkol sa mga tuyong dahon sa kaniyang bakuran.
__________9. Si Bam ay nagalit dahil hindi siya pinayagan ng kaniyang Lolo
Narding na umalis ng gabi.
__________10. Pinayuhan ni Telma ang kaniyang anak na laging igalang ang
karapatan ng iba.

IV. REPLEKSIYON/PAGNINILAY
Kumpletuhin ang pahayag:

Natutuhan ko sa modyul na ito na _______________________________________________


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

V. MGA SANGGUNIAN
DepEd (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies. ESP 5, p. 103
DepEd (2016). Curriculum Guide. Edukasyon sa Pagpapakatao 5, p. 74
Ylarde, Zenaida R. and Gloria A. Peralta, EdD, Ugaling Pilipino Sa Makabagong
Panahon. Reprint, Vibal Group, Inc., 2016, pp. 107-115.

Inihanda ni:

VICTOR M. REGALA JR

You might also like