You are on page 1of 16

5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagsasaalang-alang ng Karapatan ng Iba
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo

1|Pahina
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – Ikalimang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
PAGSASAALANG-ALANG NG KARAPATAN NG IBA
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Jovelyn A. Aguas


Editor: Lolita Marcellana
Tagasuri: Lolita Marcellana
Tagaguhit Taga Anyo: Princes Dela Rosa
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basillo EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sion
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagsasaalang-alang ng
Karapatan ng Iba

Panimula

Lahat ng tao ay may kani-kaniyang karapatan mula pa noong siya ay


isinilang. Walang sinuman ang maaaring bumalewala bagkus ay kailangan nating
igalang at isaalang-alang ang karapatan ng bawat nilalang. Bilang isang bata,
nalalaman mo ba ang iyong karapatan? Maiisa-isa mo ba ang mga ito? Kaya mo
bang isaalang-alang ang karapatan ng iba?

Ang bawat mag-aaral na gaya mo ay kinakailangang alamin ang mga


karapatan, gayundin ang pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba. Ito ay mahalaga
upang mapangalagaan at matugunan ang pangangailangan ng bawat isa.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakapagsasaalang-alang ng Karapatan ng iba. EsP5P – IIg – 27

1|Pahina
Mga Layunin

Pagkatapos ng talakayan at mga gawaing pagkatuto sa araling ito,


inaasahang:

 nakatutukoy ang mga karapatan ng bata;

 naiisa-isa ang mga paraang magpapakita ng paggalang at


pagsasaalang-alang sa mga karapatan ng iba; at

 nailalarawan kung papaano pinangangalagaan ang mga karapatan ng


bata ng ilang ahensiya ng pamahalaan.

Balik Aral

Balikan ang tulang “Magpaubaya Ka”.


Ano ang gintong aral na natutunan sa nagdaang aralin? Magbigay ng isang
sariling karanasan kung saan ay nagpaubaya ka ng iyong pansariling kapakanan
para sa iba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagtalakay sa Paksa

Ang lahat ng tao ay may pantay na karapatan. Karapatan na dapat nating


igalang at isaalang-alang. Bawat isa ay may malaking tungkulin sa pagtamasa ng
mga karapatang ito. Hindi dapat balewalain at abusuhin ang mga karapatan ng
bawat isa dahil kapag ito ay naabuso at hindi nasunod, maaari itong magdulot ng
kapahamakan sa buhay ng bawat tao.

2|Pahina
Ang mga sumusunod ay ang mga karapatan ng mga batang tulad mo:

1. Karapatang mabuhay
2. Karapatang mabigyan ng pangalan at pagkamamamayan
3. Karapatang maging malakas at malusog
4. Karapatang makapag-aral
5. Karapatang ituring na kapantay
6. Karapatang makapagpahayag o makapagsalita
7. Karapatang makapaglibang
8. Karapatang makapamili ng paniniwalaan
9. Karapatang maging ligtas sa pang-aabuso
10. Karapatang maging ligtas sa pinagbabawal na gamut
11. Karapatang makibahagi sa kaunlaran
12. Karapatang makapag-isa

Ang mga karapatang ito ay dapat tandaan at isaalang-alang. Ang mga


lumalabag sa mga karapatan ng bawat isa ay dapat malaman ng mga magulang,
mga may kapangyarihan at mga ahensiyang may kinalaman sa pangangalaga ng
karapatan ng bawat nilalang. Halimbawa nito ay ang pagtatag ng Women and
Children’s Protection Desk sa bawat institusyon ng pulis sa buong bansa. Ito ay
tumitiyak na maagap na matugunan ang reklamo ng kababaihan at kabataan
kaugnay ng paglabag sa kanilang karapatan.

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Batay sa iyong binasa, ano ang isang bagay na dapat mong malaman at
mapangalagaan?

2. Bakit ito kailangang igalang at hindi dapat abusuhin?

3. Magbigay ng isang karapatan mo bilang bata. Nakamit o natatamasa


mo ba ito hanggang ngayon?

4. Nararapat din bang isaalang-alang ang karapatan ng iba? Bakit?

3|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1 ANO ANG KARAPATAN KO?


Panuto: Gumuhit isang bulaklak na kagaya ng sa ibaba sa isang malinis na papel
at magtala ng isang kaparatan ng gaya mo sa bawat petal nito. Pagkatapos ay
kulayan ang bulaklak sa kulay na gusto mo.

1
_________
5 _ 2

_ ___________
___________
_

4 3
________ _______

Pinatnubayang Pagsasanay 2 KILALANIN MO!

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba at ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
_____ 1. Kapag magsasalita ang kamag-aral ko, pinakikinggan ko.
_____ 2. Pinipilit ni Carlo ang kaniyang kaibigan na dumalo sa kanilang simbahan
kahit alam niyang labag ito sa relihiyon nito.
_____ 3. Nais mapag-isa ng matalik mong kaibigan kaya’t hinayaan mo na lang
muna siya sa gusto niya.
_____ 4. Ginagawa ng mga magulang ang lahat upang ikaw ay mabigyan ng
magandang kinabukasan.
_____ 5. Binuksan ni Christine ang regalo ng kaniyang nakababatang kapatid nang
hindi nagpapaalam.

4|Pahina
Pinatnubayang Pagsasanay 3 AYUSIN MO AKO!

Panuto: Iayos ang mga letra sa bawat bilang upang makabuo ng isang salita na
may kaugnayan sa karapatan ng bawat tao. Isulat ang nabuong salita sa sagutang
papel.

1. KARAPANTA - ____________________

2. ISAGNALA–ANGAL - ____________________

3. NGALIGA - ____________________

4. AYISNEHA - ____________________

5. NAGNALIAGNAGNAP - ____________________

Pinatnubayang Pagsasanay 4 TUNAY NA MAHAL!

Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


paggalang at pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba at kung hindi.

____ 1. Iniingatan ko ang aking pamilya laban sa pang-aabuso.

____ 2. Kinukuha ni Abby ang gamit ng kaniyang ate nang walang paalam.

____ 3. Itinataboy ni Steve ang mga batang nanghihingi ng pagkain sa kanila.

____ 4. Naghahanda ang mga magulang ni Princess tuwing kaarawan niya.

____ 5. Tinutulungan ko ang aking kapatid sa paggawa ng takdang-aralin.

5|Pahina
Pang-isahang Pagsasanay ANONG DRAMA MO?!

Panuto: Iguhit ang wastong emosyon kaugnay ng iyong nararamdaman sa


sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Mahalagang malaman ang mga karapatan ng bawat isa.

_____ 2. Wala kang magagawa kapag binully ka ng iyong mga kaklase.

_____ 3. Patuloy ang pagkukuwento ni Gail habang nagpapaliwanag sa


klase ang lider.

_____ 4. Binilhan ni Aling Josie ng mga gamut ang anak niyang may
sakit.

_____ 5. Nagtapos ng pag-aaral ang mga anak ni Mang Elino dahil sa


kaniyang pagsisikap.

6|Pahina
Pagsusulit

Panuto: Sabihin kung ang bawat pahayag ay tumutukoy sa pagsasaalang-alang sa


karapatan ng iba. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ikaw ay
sumasang-ayon at MALI naman kung hindi sang-ayon.

_____ 1. Tinawag ni Eric ang kaklase sa nakakainsultong pangalan.

_____ 2. Ipinagtatanggol mo ang iyong kaibigan na binubully ng mga


bata sa daan.

_____ 3. Binigyan ni ate ng pagkain ang mga batang nagugutom.

_____ 4. Pumasok si Khyne sa kwarto ni Khylene nang walang paalam.

_____ 5. Iginagalang mo ang desisyon ng iba kahit na kaiba sa sarili


mong desisyon.

_____ 6. Nasasaktan ka kapag nalalaman mong sinasaktan ng kaniyang


ina ang iyong kaibigan.

_____ 7. Natutuwa ka sa tuwing pinagtatawanan nila ang kaklase


ninyong may kapansanan.

_____ 8. Pinagtatawanan ni Alvin ang mga batang hindi na nakapag-


aral.

_____ 9. Nagpapaalam ka sa iyong kuya kapag gagamitin mo ang


kanyang cellphone.

_____ 10. Nakikipagkaibigan ka sa mga kaklase mo kahit na iba ang


relihiyon at paniniwala.

7|Pahina
Pangwakas

KARAPATAN MO, IPAGLABAN MO!


Panuto: Magtala ng limang (5) karapatan na dapat makamit ng isang batang tulad
mo. Isulat ito sa sagutang papel.

8|Pahina
Mga Sanggunian

Mula sa Aklat:

Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Batayang Aklat, p. 86-91 Vibal Group,


Inc. Quezon City, Philippines, Kagawaran ng Edukasyon, 2016

Gabay-Workteks sa Edukasyong Pagpapahalaga., p. 128-134, Sampaloc Manila,


Philippines: RBS Serye sa Edukasyon sa Pagpapahalaga-Gabay 5, 2004

9|Pahina
10 | P a h i n a
PAGSUSULIT ANO ANG KARAPATAN KO?
1. MALI
2. TAMA Ang kasagutan ng bata ay nakabase
3. TAMA sa kanilang napiling karapatan.
4. MALI
5. TAMA
6. TAMA
7. MALI KILALANIN MO
8. MALI 1. /
9. TAMA 2. x
10.TAMA 3. /
4. /
5. x
PANGWAKAS
Ang kasagutan ay base sa isasagot
at ideya ng bata. AYUSIN MO AKO!
1. KARAPATAN
2. ISAALANG-ALANG
3. IGALANG
4. AHENSIYA
5. PANGANGAILANGAN
TUNAY NA MAHAL!
1.
2.
3.
4.
5.
ANONG DRAMA MO?!
1.
2.
3.
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales

ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng

tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag

at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang

Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang

tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang

pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng

pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga

manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan

upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at

mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng

Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang

kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng

Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang

patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa


paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga

magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat

asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,

sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa

Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na

pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy

sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay

upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang

bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong

panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay

na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o
tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like