You are on page 1of 11

• Ano ang nakikita sa larawan?

• Saan tumutukoy ang mga larawang ito?


• bajo de la campana - ilalim ng kampana
• Cabecera - poblacion,
• kapital pista - pagdiriwang ng mga patron
• Prayle- mga paring kastila
• pueblo – bayan
• Reduccion –paglilipat bayan
• Visita – mga baryo o nayon
• Kung naalala mo pa ang pananakop ng mga Espanyol
sa Pilipinas ay may tatlong pangunahing layunin –
bilang pagkukunan ng rekado o pampalasa;
pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at pagpapalawak ng
kanilang imperyo. Upang mapalaganap ang
Kristiyanismo, hinikayat nila ang mga Pilipino na tumira
sa mga cabecera at visita
• Ang paglipat sa cabecera ay pagtira sa “bajo de la
campana” o ilalim ng kampana. Ibig sabihin, dinig
nila ang panawagan ng kampana na magtipon sa
simbahan. Ang paglipat ng tirahan sa mga cabecera at
sa nakapligid nitong mga visita ay tinatawag na
reduccion.
• Pangunahing layunin nito ay upang mas madaling makontrol
ang mga katutubo kung hindi sila watak-watak at upang mas
mapadali ang pagbabayad ng mga buwis. Maraming Pilipino
ang tumutol sa reduccion. Nangangahulugan kasi itong higit
na pagsa-ilalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol. Para
naman sa ibang Pilipino, hindi madaling lisanin ang dating
tirahan lalo pa’t maraming salinlahi na ang nanirahan dito.
Upang mahikayat na lumipat sa cabecera at pueblo,
nagsagawa ang mga prayle ng mga makulay na pagdiriwang
tulad ng pista.
• Hindi lamang naging okasyon ito upang palaganapin ang
Kristiyanismo, naging pahinga rin ito ng mga Pilipino sa
araw-araw na gawain. Nagustuhan nila ang mga kaakibat
nitong prusisyon, sayaw, musika at mga pagtatanghal.
Binigyna halaga din ang doctrina sa pagtatag ng mga
bagong pamayanan kung saan tinuturo ng mga itinalagang
misyonero ang katesismong Katoliko sa mga mamamayan.
• . May mga hindi sumang-ayon sa reduccion kaya
minabuti nilang manirahan sa kabundukan upang doon
mamuhay ng malaya- hindi nagbabayad ng buwis at
hindi sumusunod sa patakarang Espanyol at tinatawag
silang mga taong labas


•Sumulat ng dalawang stanza ng tula.
(group 1)
•Lumikha ng awit hango sa awiting
pang hawak kamay. (Group 2)
Pagtambalin ang ang mga salita sa Hanay A at ang mga kahulugan nito na matatagpuan sa Hanay
B. Isulat lamang ang titik nang tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

___ 1.Kristiyanismo a. pagtuturo ng katolisismong katoliko ng mga mamamayan


___ 2.Misyonero b. parada ng iba’t ibang patron sa Pueblo
___ 3.Prayle c. relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol
___ 4.Bajo de la campana d. tawag sa bayan noong panahon ng Kastila
___ 5.Vista e. paring kastila na namamahala sa simbahang katoliko
___ 6. Reduccion f. nanganaghulugang nasa ilalim ng kampana
___ 7. Doctrina g. nagtuturo ng pananampalatayang kristiyanismo
___ 8. Pueblo h. mga baryo, nayon o barangay na matatagpuan sa pueblo
___ 9. Prusisyon i. sapiltang pagpapalipat ng mga Pilipino mula sa
malalayong lugar

You might also like