You are on page 1of 27

Kahulugan

ng
REDUCCION
Balitaan
Balitaan ng mga
pangyayaring may kaugnayan
sa paksa.
Balik-aral
Laro: Pasahan ng Bola
Ipapasa sa mga mag-aaral ang bola at
sa pagtigil ng awit ay magbigay ng
dahilan kung bakit nagpasailalim ang
mga Pilipino sa Kristyanismo.
Pagganyak: Picture Analysis
Larawan ng pamayanan: Noon
Larawan ng pamayanan: Ngayon
Gawain
A. Pagbasa ng Talata
Iba ang anyo ng mga panahanan ng mga
Pilipino nang dumating amg mga Espanyol
sa kapuluan. Layu-layo ang mga
pamayanang Pilipino noon. Malaya ang mga
Pilipino noon kung saan nila gutong
manirahan.
Ang mga hukbong militar ng
Espanyol ang nagbigay-daan
upang magtatag ng bagong
panahanan sa kapuluan.
Nagsimula sila sa isang maliit na
pamayaan na kanilang itinatag
sa Cebu.
Ngunit hindi lamang ang mga
kawal ng Espanyol ang
nagkaroon ng malaking papel sa
pagtatatag ng panahanang
Espanyol sa kapuluan. Mahalaga
rin ang naging bahagi ng
misyonerong Espanyol sa
Dahil sa pagtanggap ng mga
katutubo sa relihiyong Katoliko,
minabuti ng mga paring misyonero na
tipunin ang mg tao sa isang lugar. Ang
mga Pilipino sa mga barangay na
nasakop ng mga Espanyol ay inilipat
sa mga bagong panirahan o reduccion.
Mula sa reduccion, nabuo ang mga
bayan o pueblo na may nakatalagang
misyonero. Ang mga pueblo at mga
kasamang barangay nito ang naging
lokal na yunit na pamahalaan. Ginawa
ng mga kinauukulan ang lugar na
pinaglipatan na isang pamayanan o
sentro.
May iba’t ibang paran ang ginawa ng
mga paring upang mapabago ang
panahanan ng mga Pilipino.
1. Ang mga pamilya sa isang
barangay ay pinagsama-sama sa
isang lugar at tinawag itong pueblo
o kabayanan.
2. Ang mga nakatira sa
baybaying dagat ng di
mapaalis ay ginawang
kabayanan o kabisera.
3. Sapilitang pinalipat ng mga pari
sa kapatagan ang mga Pilipinong
nasa kagubatan at kabundukan.
4. Nanatili sa kuweba at liblib na
pook ang Pilipinong hindi narating
ng mga pari.
Isinaayos ang pueblo ayon sa
batas kolonyal ng Spain. Sa
bawat pueblo makikita ang plaza
complex. Sa sentro nito ang
plasa at sa paligid ang simbahan.
Katabi nito ang convento at sa
ibang gilid ang mga bahay ng
mga nabibilang na principalia.
Ang reduccion ang naghanda sa
mga Pilipino sa pamahalaang
kolonyal.
B.Picture Analysis 
Pagmasdan ang dalawang nakalarawan.
Gusto mong turuan ang mga
tao sa pagtatanim ng iba’t ibang
uri ng gulay. Alin ang pipiliin
mong ayos ng panahanan upang
madali mo silang turuan? Bakit?
2. Pagsusuri
Tanong:
• Ano ang tawag sa bagong panahanan ng mga
Pilipino noong panahon ng Espanyol?
• Bakit nabuo ang reduccion?
• Sino ang namamahala dito?
• Paano ang naging ayos ng kanilang bagong
panahanan?
• Ano ang ginawang pag-aangkop ng mga Pilipino sa
bago nilang panahanan?
Paglalahat:

Ano ang
kahulugan ng
reduccion?
Paglalahat:
Pangkatang Gawain
Pangkat I – AYUSIN MO!
Ayusin ang mga metacards upang mabuo ang
kahulugan ng reduccion
Pangkat II – IGUHIT MO!
Iguhit ang wastong pagkakaayos ng bagong tirahan
ng mga Pilipino o reduccion
Pangkat III – ISULAT MO!
Sumulat ng isang maikling talata na naglalarawan sa
reduccion
PAGTATAYA
Lagyan ng bituin ang patlang sa bawat bilang
kung ang pangungusap ay wasto at araw kung
hindi.
_____ 1.Inilipat ang mga Pilipino sa
kanilang bagong tirahan na
tinatawag na reduccion.
 
_____ 2. Malaking tulong sa mga
pari ang lapit-lapit na tirahan ng
mga Pilipino.
_____ 3. Nasiyahan ang mga
Pilipino sa bago nilang
panahanan.
_____ 4. Ang mga Pilipinong
nakatira sa kuweba at liblib na
pook ay nahikayat na
manirahan sa kapatagan.
_____ 5. Ang parokya ang
pinakasentro ng kabisera.
KASUNDUAN
Magsaliksik kung paano
naitatag ang panirahan ng mga
mamamayan sa inyong lugar.
Isulat ang sagot sa inyong
kwaderno.

You might also like