You are on page 1of 4

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

School of Health Sciences


Kasaysayan 1
mula kay A. Campomanes
STUDY GUIDE: WEEK 3

Mga Tugon sa Kolonyalismong Espanyol,


Reducción at Pag-usbong ng Lipunang Kolonyal

Babasahin:
• Tan (1987, 41-64); Abinales (2005, 45-101); Agoncillo (1990, 74-101)
• FERRER_Reduccion sa Bohol 19 Dantaon
• REED_Colonial Origins Manila Batavia Nascent Metropolitan Primacy Urban Systems
Southeast Asia

Papanoorin:
• Raiders of the Sulu Sea (2013): https://bit.ly/3bT2BGu

Mga Paksa
• pagtatag ng sistemang kolonyal
• reducción bilang instrumento ng mission civilisatrice
• tugon ng mga pamayanan sa kolonisasyon
• pagkakabuo ng mga bayang Kristiyano, Muslim at Katutubo

Mga Susing Konsepto


• kolonisasyon, kolonya, kolonyalismo
• reducción
• cabecera-visita complex
• patronato real
• sibilisasyon
• pueblo/ciudad
• taong-labas
• hispanisasyon
• mga “historikong komunidad” – i.e. Kristiyano, Moro, Infiel (Tan 1987)
• sinkretismo, katutubong Kristiyanismo o Katolisismo

Mga Pangunahing Punto

• Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa ideya ng pagdodomina o pagpapasailalim ng isang


grupo ng tao sa isa pa. Nagmula ito sa Latin na colonus, na nangangahulugang
magsasaka. Ipinapahiwatig ng etimolohiya na ito’y paglipat ng populasyon sa isang
bagong teritoryo upang magtayo ng permanenteng komunidad doon (kolonya). Sa
kabila ng pisikal na paglipat, ipapahayag pa rin nila ang kanilang katapatan at
koneksyon sa kanilang pinanggalingan. Ang mismong akto ng pagkokolonisa ay
kolonisasyon.
• Tumutukoy ang reducción sa patakaran ng paglilipat ng tirahan ng mga katutubo sa
mga pueblo (bayan) at ciudad na itinatag ng mga Espanyol. Hindi lamang pisikal na
paglilipat ang reducción sa ilalim ng mga kampana, nangangailangan ito ng pagbabago
ng kamalayan, kultura, at relihiyon. Sa pananaw na Espanyol, ginagawa nitong
sibilisado ang mga katutubo. Sa isang mas pragmatikong pagtingin, layunin nitong
padaliin ang administrasyon at Kristiyanisasyon. Sa mga pueblo, mas madaling
nababantayan, nasisingil ng buwis, at napapakilos sa mga gawaing pambayan ang mga
indio.
• Hindi lahat ng katutubo ay naging bahagi ng lipunang kolonyal. Mayroong mga
nagpatuloy na manirahan sa mga kabundukan at kagubatan (mga taong labas), malayo
sa mga pamayanang Kristiyano.
• Hindi pare-pareho ang antas ng hispanisasyon at Kristiyanisasyon. Pinakanatambad sa
kolonisasyon ang mga naninirahan sa kapatagan ng Luzon at Visayas. Hindi gaanong
matagumpay ang mga Espanyol sa mga Igorot sa kabundukan ng hilagang Luzon, sa
mga Muslim at Lumad ng Mindanao.
• Sa pangkabuuan, mayroong tatlong tugon sa kolonyalismo: pagtanggap, pagtakas at
tahasang pagtutol.
• Isinakatuparan ng mga paring relihiyoso (prayle) ang tungkulin ng Kristiyanisasyon.
Tinustusan ito ng Hari ng Espanya bilang vice real patron ng Simbahang Katoliko sa
Indias (Amerikang Latin at Asya).
• Sa usapin ng Kristiyanisasyon at hispanisasyon, dapat nating alalahanin na hindi iisang
direksyon (one-way) ang prosesong ito. Aktibong binabago ng mga Pilipino ang mga
impluwensyang kultural dahil mayroon silang kakayahan (agency). Hindi lamang sila
pasibong tagatanggap ng kultura mula sa labas. Sa Kristiyanismo, halimbawa, tinawag
ng mga historyador at antropolohista ang sinkretismo ng mga paniniwalang animista at
Katoliko na katutubong Kristiyanismo (folk Christianity o folk Catholicism).
• Muling isinaayos ng mga Espanyol ang sistemang politikal.Pinamunuan ng mga
Espanyol ang Filipinas (Gobernador y Capitan General at Real Audiencia) at ang mga
lalawigan (alcalde-mayor sa mga lalawigang mapayapa na; corregidor naman sa mga
hindi pa). Limitado ang partisipasyon ng mga indio at mestizo sa antas na pambayan at
pambarangay. Marami sa mga dating datu ay naging mga gobernadorcillo (pinuno ng
pueblo) at cabeza de barangay sa ilalim ng bagong kaayusan. Kabilang sila sa mga
unang kasapi ng principalia (ang mga prominente at makapangyarihang tao at
pamilya).
• Nakabatay sa etnisidad ang mga uring panlipunan sa panahong ito: ang peninsulares,
insulares, mestizo-Español at -Chino, indios, sangleyes, infieles at moros.

Mga Epekto ng mga Institusyong Kolonyal


Mga Pag-aalsa

Basahin:
• KAS 1 Modyul 5 Mga Pamayanang Pilipino sa Harap ng Pagbabago (1565-1872) P
Arinto :
• Hindi sasagutan mga gawain sa loob
• Joaquin (2004, 3-53); Agoncillo (1990, 80-116); Dumol (2013); Alvarez (2016);
Zialcita (2000) - makakatulong

• AGUADO_The Tagalog revolts of 1745 according to Spanish Primary Sources


• RODIL_TAMBARA_Dalawang Mukha ng Kasaysayan sa Silangang Mindanaw

Papanoorin:
• Kuwaresma (1998) (dokumentaryo ng Bookmark Inc.):
https://www.youtube.com/watch?v=J4fTAIQZUGA
• More Hispanic than we Admit (2008) maikling video ng Vibal Publishing para sa
librong may kaparehong pamagat: https://bit.ly/33sjvbc

Mga Susing Termino


• plaza complex
• arquitectura mestiza
• encomienda
• tributo
• polo y servicios
• bandala o compras reales
• monopolyo
• rebelyon, pag-aalsa, pag-aaklas

Mga Pangunahing Punto


• Makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mga epekto at pamana ng panahong
kolonyal na Espanyol sa flora at fauna, pagkain, arkitektura, musika, wika, literatura,
arkitektura, pagluluto, sining, agham, pananamit, at marami pang iba. Maraming bayan
sa Pilipinas ay itinatag bilang mga pueblo noong panahong kolonyal.
• Kalat-kalat ang napakaraming pag-aalsang naitala sa buong panahon ng pananakop ng
Espanya. Maikakategorya ang dahilan ng mga pag-aalsa sa mga sumusunod: a.)
pagkawala ng kapangyarihan (maginoo, datu, babaylan), b.) paggigiit ng katutubong
relihiyon, c.) oposisyon sa mga mapang-abusong patakaran ng mga institusyong
kolonyal at d.) mga alitan sa pagmamay-ari ng lupa – (lalo na sa mga lugar na
napasakamay ng mga relihiyosong orden).
• Nabigo ang mga pag-aalsang ito dahil sa 1.) paggamit ng pamahalaang kolonyal ng
mga katutubo mula sa ibang lalawigan para supilin ang mga ito 2.) superior na
kagamitan at taktikang military ng mga Espanyol at 3.) pakikipagtulungan ng mga
principal at 4.) pagiging lokalisado ng pagkilos dahil nga wala pang pambansang
kamalayan noon.

Takdang Aralin 5:
Isang Pahinang Reaksyon sa Dokumentaryo

A. Panuto. Sumulat ng isang pahinang reaksyon sa dokumentaryong Raiders of the Sulu Sea
(nasa ikalawang pahina ang mga sanggunian). Tanging ang mga babasahin at video natin sa
araling ito ang puwede mong gamitin sa pagsagot sa mga tanong. Chicago/Turabian in-text
citation (parenthetical) ang gagamitin: (https://bit.ly/3kddlm5). Hindi kailangang lagyan ng
numero ang bawat tanong. Tiyakin lamang na masasagot ang mga ito sa sanaysay.

1. Ano ang paksa ng dokumentaryo?


2. Paano nito inilarawan ang mga Muslim at ang ginawa nilang mga pagsalakay sa mga
Kristiyanong komunidad? Pamimirata ba o pagtutol sa pananakop ng mga dayuhan ang ginawa
nila? Paggigiit nga lang ba ng relihiyon at identidad ang ginawa nilang paglaban? Ipaliwanag
ang iyong sagot.

Takdang Aralin 6:
Talahanayan ng mga Pag-aalsa bago ang Himagsikang Pilipino

A. Panuto. Gumawa ng buod ng 15 pag-aalsa sa bago ang Himagsikang Pilipino. Tiyaking


naroon ang mga sumusunod na impormasyon: (a) pangalan ng pag-aalsa at taon/mga taon kung
kailan ito nangyari (b) (mga) pinuno at iba pang nakilahok (c) mga dahilan ng pag-aalsa (c)
kinahinatnan ng mga ito. Puwede nang bullets ang ilagay sa loob ng mga talahanayan. Hindi
naman kailangang buong pangungusap, basta madaling maintindihan ng babasa.

Isulat ang report/papel sa iisang (1) file lamang (pdf, .doc/x, .ppt/x, o jpg) isulat sa loob ng papel
ang subject, wk#, at pangalan.
Pagpangalan ng file: Subj_Wk#Act/Mod#_name
Hal: Kas1 Wk 1 MacGyver.pdf
Isubmit sa o bago Peb 1, 2022 5pm

Mga Sanggunian
Mga Epekto ng mga Institusyong Kolonyal

Agoncillo, Teodoro. 1990. History of the Filipino People. 8th ed. Quezon City:
GarotechPublishing.
Alvarez, Kerby C. 2016. Instrumentation and Institutionalization Colonial Science and
the
Observatorio Meteorológico de Manila, 1865–1899. Philippine Studies 64, 3/4: 385-416.
Cushner, Nicholas. 1971. Spain in the Philippines: From Conquest to Revolution.
QuezonCity: Ateneo de Manila University Press, 1971.
Dumol, Paul A. 2013. Reading the Foundation Dates of Spanish-era Parishes in a
DifferentKey. Pasig City: University of Asia and the Pacific.
Joaquin, Nick. 2004. Culture as History. Nasa Culture and History, 3-53. Pasig City:
AnvilPublishing.
Legardo, Benito Jr. 1955. Two and a Half Centuries of the Galleon Trade. Philippine
Studies3: 4, 345–372.
Rafael, Vicente L. 1988. Contracting Colonialism. Translation and Christian
Conversion inTagalog Society under Early Spanish Rule. Quezon City: Ateneo de Manila
University Press.
Reyes, Raquel G. 2019. Paradise in Stone: Representations of New World Plants and
Animals on Spanish Colonial Churches in the Philippines. Nasa Art, Trade, and Cultural
Mediation in Asia, 1600–1950, 43-74. London: Palgrave Macmillan.
Schumacher, John N. 1984. Syncretism in Philippine Catholicism: Its Historical
Causes.
Philippine Studies 32: 3, 251-272.
Zialcita, Fernando N. 2000. Why Insist on an Asian Flavor? Philippine Studies 48: 4, 523-
548.
Mga Pag-aalsa

Agoncillo, Teodoro. 1990. History of the Filipino People. 8th ed. Quezon City: Garotech
Publishing.
Corpuz, Onofre D. 2005. Roots of the Filipino Nation. Quezon City: University of
thePhilippines Press

You might also like