You are on page 1of 5

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

School of Health Sciences


Kasaysayan 1
mula kay A. Campomanes
STUDY GUIDE: WEEK 2

Ang Sinaunang Pamayanan

Basahin:
• Scott (1979); Scott (1980); Scott (1994); tala nina Loarca at Plasencia sa Jocano (1975);
Salazar (2000, 5-8)
Tingnan:
• Mga larawan ng mga katutubong Pilipinong nabibilang sa iba’t ibang uring panlipunan
sa digital na kopya ng Boxer Codex (circa 1595): https://bit.ly/32akVYA (maaaring i-
download ang buong akda)

Panoorin:
• Philippine Treasures: https://bit.ly/2E1Fc9y
• National Treasures: A Journey Through History: https://bit.ly/3bSk5D3
• Gintong Pamana: https://bit.ly/3hrtliD
(panuorin nang magkakasunod ang iba’t ibang bahagi)

Mga Susing Termino


• plutokrasya, prinsipalidad (Scott 1979)
• barangay, bayan, karajahan, sultanato
• datu, babaylan/katalonan, panday
• hari, rajah, sultan
• ilaya, ilawod
• maginoo, timawa, alipin
• datu, timawa, oripun
• animismo, anitoismo

Mga Pangunahing Punto


• Ayon kay Scott (1979), mayroong apat na klase ng pamayanan sa panahon ng
sinaunang pamayanan (a) walang uring panlipunan (classless), mandirigma (warrior),
maliit na plutokrasya (petty plutocracy), at prinsipalidad (principality).
• Nagmula ang barangay sa pangalan ng bangka na naglulan sa mga kamag-anakan
noong una silang dumating sa kapuluan. Sa paglaon, ito na rin ang itinawag sa
pagsasama-sama ng mga kamag-anakang pinamumunuan ng isang datu.
• Mayroong tatlong pangunahing uri sa sinaunang lipunan: ang mga pinuno at ang
kanilang mga kamag-anakan (maginoo sa Tagalog, datu sa Bisaya); timawa (Tagalog
at Bisaya) at maharlika (Tagalog) (malalayang mamamayan), at ang oripun o alipin.
• Hindi pare-pareho ang naging pag-unlad at paglaki ng mga pamayanan. Dahil sa
kanilang kontrol sa kalakalan, naging mas mabilis ang pag-unlad at paglaki ng
populasyon sa mga pamayanang malapit sa ilog at dalampasigan (ilawod o sa-ilud)
kaysa sa mga nasa kabundukan (ilaya o sa-raya). Magiging mga sentro ng kalakalan
ang mga pamayanang ilawod sa paglipas ng panahon (e.g. Look ng Maynila, Cebu,
Palawan, Butuan, Cotabato, Sulu). Pinag-uugnay ang mga pamayanang ilaya-ilawod
ng kalakalang dumadaloy sa mga anyong tubig.
• Nakaayon ang tungkulin ng mga mamamayan sa kani-kanilang kakayahan. Nariyan ang
datu bilang pinuno (politikal at ekonomiko); babaylan/katalonan bilang manggagamot
at espesyalista sa mga animista/anituistang ritwal (kalusugang pisikal at spirituwal);
bayani (militar), manghahabi, magpapalayok, at panday (siyentipiko-teknikal) (Salazar
2004).
• Maituturing na animistiko ang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino. Kadalasan,
sinasamba nila ang mga espiritu ng kalikasan, mga diyos na may tiyak na lokalidad o
aktibidad, at ang kanilang mga ninuno (anito).
• Makikita ang oryentasyong pandagat ng mga ninuno natin maging sa relihiyon.
Kinakatawan ng disenyo ng Bangang Manunggul ang mga paniniwala sa kaluluwa at
sa paglalakbay nito patungo sa kabilang buhay. Nabigyang-diin na sa Abrera (2005)
ang “sentral ang kahalagahan” ng bangka sa sinaunang sistema ng paniniwalang
animista.
• Ang pagpapalawak ng sakop at kapangyarihan ng mga bayan ay nagmumula sakanilang
kakayahang maglayag, mangalakal at mangayaw (i.e. lumusob sa ibang bayansa mula
sa dagat).
• Bayan ang tawag sa mga nagsanib na barangay sa pamamagitan ng kasunduan
(pakikipag-alyansa sa panahon ng pakikidigma), kalakalan o kasal ng mga pinuno nito.
Pinamumunuan ito ng isang hari, na magiging rajah at sultan naman sa ibang lugar sa
paglipas ng panahon.

Ang Pilipinas sa Timog Silangang Asya

Basahin:
• Butuan’s Ancient Boat-Replicas Sail https://bit.ly/2Zjqbal
• Abinales at Amoroso (2005, 19-45); Hawkins (2008);
• Teodoro at Rodriguez (2005, 88-111)

Mga Susing Termino


• animismo, anitoismo
• Islam, Sultan, Sultanato
• Ummah

Mga Pangunahing Punto


• Malinaw sa mga ebidensyang historikal at arkeolohikal na nakikipag-ugnayan at
nakikipagkalakalan na ang mga pamayanan sa Pilipinas sa iba’t ibang mga pangkat,
populasyon, at estadong etniko sa Timog Silangang Asya at sa Tsina bago pa man
dumating ang Islam at Kristiyanismo rito. Patunay ang malalaking balangay na
natagpuan sa Butuan ng maunlad na pakikipagkalakalang maritima ng mga sinaunang
pamayanan.
• Makikita naman ang ugnayan ng mga bayan sa Pilipinas sa Timog Silangang Asya sa
sa nilalaman ng Laguna Copperplate Inscriptions (circa 900 MK). Nagpapahiwatig rin
ito ng pagpasok ng mga impluwensyang Indian bago pa dumating ang Islam.
• Pumasok ang Islam sa Timog Silangang Asya noong dantaon 13 sa pamamagitan ng
mga Arabeng mangangalakal at misyonero. Ipinapalagay na 1280 MK ang taon ng
pagpapakilala ng Islam sa Mindanao. Sa paglaganap ng ummah sa Mindanao, naitatag
ang Sultanato ng Sulu noong 1450 at ang Sultanato ng Maguindanao noong 1515.
Sentralisasyon ng kapangyarihang politikal sa Sultan ang estadong Islamiko.
• Hindi lamang relihiyon ang Islam kundi isang buong paraan ng pamumuhay. Ito ang
dahilan kung bakit higit ang kakayahan ng mga Sultanato ng Mindanao na tutulan ang
kolonyalismong Espanyol.

Panahon ng Eksplorasyon hanggang Kolonisasyong Espanyol

Basahin:
• Tala ni Pigafetta (ca. 1525) sa Blair & Robertson (1903), Tomo 33, 176-183)

Panoorin:
• Ferdinand Magellan: Voyages of Discovery – Circumnavigation:
https://bit.ly/3hrQnpI
• Magellan and the Battle of Mactan (lektura ni Dr. Danilo Gerona):
https://bit.ly/2FtMAuR

Mga Susing Termino


• sirkumnabigasyon
• Reconquista
• kolonya, kolonisasyon

Mga Pangunahing Punto


• Kombinasyon ng mga layuning politikal, relihiyoso at ekonomiko ang dahilan ng
pagpapadala ng Espanya ng mga ekspedisyon sa Asya at Amerika Latin noong dantaon
15 at 16. Pagkakataon itong palakasin ang kapangyarihan ng kaharian ng Espanya,
palaganapin ng relihiyong Kristiyano at kumita mula sa kalakalan, lalong-lalo na ng
mga pampalasa o rekadong matatagpuan sa Asya.
• Narating ni Ferñao de Magalhaes (Magellan) ang Pilipinas ngunit hindi siya
nakapagtatag rito ng permanenteng kolonya. Katunayan, napatay siya ng mga
mandirigma ng Mactan. Kaya mali ang pagtingin na nagsimula ang panahong kolonyal
sa Pilipinas noong 1521. Matapos ang ekspedisyong Magellan, nagpadala pa ulit ang
Espanya ng sunud-sunod na ekspedisyon, na pawang nabigo sa kanilang mga misyon.
• Ang marapat na kilalaning kolonisador ng Pilipinas para sa Espanya ay si Miguel Lopez
de Legazpi. Itinuturing na hudyat ng kolonisasyon ang pagtatatag nila ng kolonya sa
Cebu noong 1565. Itinatag nila naman nila ang siyudad ng Manila (Intramuros) sa
dating lokasyon ng Maynila ni Rajah Sulayman noong 1571. Ito ang magiging kabisera
ng bagong kolonya at ng imperyong Espanyol sa Asya.

Takdang Aralin 3:
Maikling Reaksyon sa mga Dokumentaryo
A. Panuto. Sumulat ng isang maikling reaksyon. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
loob lamang ng 1-2 pahina. Kailangan mong tukuyin ang mga babasahin na pagkukunan mo
ng mga impormasyon bilang pansuporta sa iyong mga sagot. Chicago/Turabian in-text citation
(parenthetical) ang gagamitin: (https://bit.ly/3kddlm5). Huwag kalimutang ilagay ang mg
sanggunian (references) sa huling pahina. Hindi kailangang lagyan ng numero ang bawattanong.
Tiyakin lamang na masasagot ang mga ito sa sanaysay.

1. Pag-ugnay-ugnayin ang nilalaman ng mga dokumentaryong pinanood mo.


2. Paano inilarawan ang ating katutubong kalinangan sa mga palabas na ito? Tumutugma ba
ang sinasabi ng mga palabas sa mga natutunan natin sa klase?
3. Pumili ng tatlong liktao (artifact) na itinampok sa dokumentaryo. Ibigay ang mga
pinakabatayang impormasyon tungkol sa mga ito (e.g. saan at kailan natuklasan, katangiang
pisikal, atbp.). Ipaliwanag ang kahalagahan nito sa ating kasaysayan.

Takdang-Aralin 4:
Pagmamapa ng mga Sentro ng Kalakalan sa Pilipinas
sa Panahon ng Sinaunang Pamayanan

A. Panuto. Mag-download ng Philippine Administrative Map sa website ng National Mapping


and Resource Information Authority (NAMRIA): https://bit.ly/35uKo0K. Sa tulong ng mga
babasahin, tukuyin sa mapa ang mga sentro ng kalakalan sa panahon ng sinaunang pamayanan.
Bilugan o tuldukan ang lugar sa mapa at lagyan ng caption. Malaya kayong pumili ng program,
app o website na ipang-eedit niyo sa mapa (e.g. Word, Powerpoint, Adobe Photoshop, Canva).
Basta ang output ay naka-PDF kapag ipinasa. Huwag kalimutang ilagay sa ibaba ng mapa o
sa ikalawang pahina ang mga sanggunian.

Isulat ang report/papel sa iisang (1) file lamang (pdf, .doc/x, .ppt/x, o jpg) isulat sa loob ng papel
ang subject, wk#, at pangalan.
Pagpangalan ng file: Subj_Wk#Act/Mod#_name
Hal: Kas1 Wk 1 MacGyver.pdf
Isubmit sa o bago Enero 25, 2022 12 nn
Mga Sanggunian
Ang Sinaunang Pamayanan

Junker, L.L. 1998. Integrating History and Archaeology in the Study of Contact Period
Philippine Chiefdoms. International Journal of Historical Archaeology 2, 291–320.
Scott, William Henry. 1979. Class Structure in Unhispanized Philippines. Philippine
Studies 27: 2, 137-159.
Scott, William Henry. 1994. Barangay Sixteenth Century Philippine Culture and Society.
Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
Teodoro, Noel V. at Mary Jane B. Rodriguez. 2005. Ang Bayan hanggang Pagkabuo ng
Sultanato. Nasa Kasaysayang Bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino. Lungsod
Quezon: ADHIKA ng Pilipinas Inc.
Hawkins, Michael. 2008. Muslim Integration in the Philippines: A Historical Survey.
Asia-Pacific Social Science Review 8:1, 19-31.

Panahon ng Eksplorasyon hanggang Kolonisasyon


Pigafetta, Antonio. 1524. First Voyage Around the World. Nasa The Philippine
Islands, 1493-1898; Volume XXXIII, mga pat. at tsln. Emma Helen Blair at James Alexander
Robertson, 27-267. Cleveland: The Arthur and Clark Company, 1903-1909.
Sitoy, Valentino. 1985. Filipino Responses to Spanish Colonization and Evangelization;
A History of Christianity in the Philippines, Vol. 1: The Initial Encounter. New Day Publishers,
Quezon City.

You might also like