Professional Documents
Culture Documents
1 (2010): 81-98
Unang natukoy ni Juan de Plasencia (1589) ang ugnayan sa pagitan ng bangka at lipunan
dito sa Filipinas. Sa mga lipunang mandaragat ng Timog-Silangang Asya at Pasipiko, hayag
ang ganitong ugnayan. Nananatili rin itong mahalagang bahagi ng kanilang kasaysayan at
napayagang yumabong sa lipunan. Ang kolonisasyong Espanyol sa Filipinas ay tila tahasang
pumutol sa pagsulong ng katutubong lipunang Filipino sa larangang maritimo. Nagbunga ito
sa unti-unting pagkawala ng mga kaukulang tradisyon at ng mga kaakibat nitong kulturang
materyal. Nanganganib na ring mabaon sa limot ang kakaunting nalalabing alaala ng bayan
ukol sa mga sinaunang tradisyon ng pandaragat at kultura ng bangka sa unti-unting
marhinalisasyon ng mga taong nagtataglay ng mga nasabing alaala. Layunin ng papel na ito na
tuklasin ang isang mahalagang aspekto ng ating kasaysayang maritimo—ang paggamit ng
simbolismo ng bangka sa sinaunang lipunang baranganiko. Dalawang katanungan ang gagabay
sa pag-aaral na ito: 1) Paano ang bangkang barangay ang naging simbolikong bangka ng
sinaunang lipunang Filipino? 2) Paano ang naging pagganap ng lipunan sang-ayon sa modelong
bangka? Mula sa pagsusuri, lumilitaw na mahalaga ang paggamit ng simbolismong bangka sa
sinaunang lipunang Filipino dahil ang bangka ang nagsilbing mikrokosmo ng lipunan kung saan
gumanap ito na lugar upang epektibong masubok ang mga kasunduang panlipunan at mga
itinatag na institusyong pambayan.
Juan de Plasencia (1589) was the first to note the relationship between boat and society in
the early Philippine communities. Among maritime societies in Southeast Asia and the Pacific,
the use of boat symbolisms in the ordering of early societies was more pronounced and was
reflected in the histories and was allowed to fully develop. Spanish colonization of the
Philippines abruptly aborted further development of the early Philippine maritime culture
along baranganic line. As a consequence, early Filipino maritime traditions and the
corresponding material cultures gradually vanished (and continue to vanish). Relics and
memories of these ancient past confront the threat of being forgotten as a result of the
marginalisation of people who continue to possess them. The objective of this paper is to re-
discover some of the important aspects of our maritime history. For this particular study, it
would be the use of boat symbolism in the ordering of the early or Pre-Hispanic Filipino
society. The study is guided by two questions: 1) How did the barangay came to be regarded as
the symbolic boat for early Filipino society? And, 2 ) How did the baranganic society acted
out the role within the boat-society? Analysis shows that boats served as the microcosm of
early Filipino society providing the venue for validation and legitimation of social relationships
and institutions.
Keywords: boat, barangay, maritime history, boat symbolism, boat society, early society, boat
culture, maritime tradition
Larawan 1: Mga bahagi ng at posisyon sa bangka. Ang bangkang nasa larawan ay iprinisinta ni
WH Scott (1994) bilang rekonstruksyon ng bangkang Caracoa. Sa kawalan ng larawan ng bangkang
pandigmang barangay, ang larawang ito ang pinakamalapit sa deskripsyon ng bangkang pangayaw na
barangay dahil sadyang hindi rin nagkakaiba ang kanilang disenyo maliban sa laki.
Paglalalayag at Kayaw: Pagsubok at kakailanganin sa paglulunsad ng pangayaw, ang
Balidasyon ng Ugnayang Panlipunan at pagbubuo o pag-
Politikal
KONGKLUSYON
SANGGUNIAN