You are on page 1of 47

Saliksik E-Journal

Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Pambungad ng Patnugot

KASAYSAYANG BUHAY:
PANANAW, PAMAMARAAN, PANANALIKSIK
Roderick C. Javar, Ph.D.
Departamento ng Agham Panlipunan
University of the Philippines - Los Baños, Laguna

Napakahalaga ng papel ng tao sa kanyang lipunan. Sa triad ng mga elementong tao-


panahon-pook, ang tao bilang kolektibong aktor ang pangunahing tagalikha at
tagapagpagalaw ng kasaysayan. Bunga ang kanyang lipunan ng malikhain niyang
pagkilos at patuloy na pagpupunyagi para sa kanyang sarili—at sa mga pambihirang
pagkakataon, para sa kanyang kapwa. Ginugunita at/o itinatala ang mga pagkilos at
pagpupunyaging ito ng tao sa pamamagitan ng kanyang talambuhay. Nakaugat sa mga
salitang tala at buhay, ang “talambuhay” ay panumbas-Pilipino sa Ingles na “biography” na
nagsimulang gamitin sa Kanluran sa huling bahagi ng dantaon 17 upang tukuyin ang
personal na kasaysayan ng mga indibidwal. Anglisadong salin ito sa “biographie” ng mga
Pranses at “biographia” ng modernong Latin at mula rito’y halos kasabayang nagsanga ng
konsepto ng “biografia” ng mga Español at Italyano. Una nang ipinanumbas ang mga
nabanggit sa sinaunang “bios” (buhay) at “graphia” (pagsusulat) ng mga Griyego
(Steedman 1992, 5).

Pinakamatandang anyo ng kasaysayan (Garraty 1957, 3; Elumbre 2014, 9), ang talambuhay
ang pinakapopular at pinakapatok sa madla lalo na sa Pilipinas (McCoy 2000, 2). Sa
mahabang panahon, ang tradisyunal na pananalambuhay na bunga ng kolonyal na
historiograpiya ang tumayong dominanteng istruktura ng pagpapakahulugan at
paggagawad-saysay sa mga buhay-indibidwal sa Pilipinas (Mojares 2000, 36). Ngunit
hahamunin at babasagin ito ng maka-Pilipinong pananaw pangkasaysayan sa pag-usbong
ng Bagong Kasaysayan—paaralang pangkaisipang patuloy na nagsusulong sa paghulagpos
ng bayan mula sa mga nangingibabaw na tradisyong intelektwal bunga ng kolonyalismo
at masigasig na bumubuo ng mga bagong larangan ng pananaliksik tungo sa paglulunsad
ng talastasang bayan (Navarro 2000, 7; Elumbre 2014, 1). Bahagi ng mga mapagpalayang
kaisipang sumibol mula sa Bagong Kasaysayan ang pananaw ng Kasaysayang Buhay. Di

1 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

tulad ng anekdotal at elit-sentrikong katangian ng tradisyunal na pananalambuhay mula


Kanluran, isinusulong ng Kasaysayang Buhay na tingnan at suriin ang buhay ng
indibidwal sa konteksto ng kanyang kabihasnan (Navarro 2003, 4) at basagin ang
tradisyon ng pananalaysay na nakatuon lamang sa malalaking tao sa kasaysayan (Aquino
1999, 89).

Ibang-iba, kung gayon, ang pananaw at pamamaraan ng Kasaysayang Buhay sa


nakagisnang tradisyon sa pananalambuhay sa Pilipinas na ibinunga ng kolonyalismo.
Habang hindi ganap at ipinahihiwatig lamang ang ugnayan ng kasaysayan at kabuuang
proseso ng lipunan sa mga talambuhay, malalimang ipinopook naman ng mas
makaagham na dulog ng Kasaysayang Buhay ang buhay ng tao sa lipunang kanyang
ginalawan. Dahil dito, higit na natitiyak ang mas malalim na pagpapakahulugan sa buhay
ng tao at mas makatotohanan at makabuluhan ang pagsasakasaysayang buhay (Reguindin
at Elumbre 2008, 55-56; Elumbre 2014, 11).

Sa ganitong pananaw at pamamaraan ng pagsasakasaysayang buhay nakatuon ang


kasalukuyang isyu ng SALIKSIK E-Journal sa layuning makapag-ambag sa nilalayong
talastasang bayan. Nagsuri ang mga artikulong bahagi nito, na mga pananaliksik sa
buhay ng ilang Pilipinong indibidwal, batay sa pananaw ng mga Pilipino, nagpook sa mga
pag-aaral sa konteksto ng kabihasnang Pilipino, at nagsalaysay sa sarili nating wika.

ANG TAO AT LIPUNAN SA PAGLIKHA NG KASAYSAYAN

Kasaysayan ng Lipunan sa mga Indibidwal na Buhay

Karaniwang katangian ng mga tradisyunal na talambuhay ang labis na pagbibigay-tuon sa


mga temang masyadong personal at anekdotal. Umiikot ang ganitong mga naratibo sa
mga detalye ng kapanganakan, pagbibinata o pagdadalaga, mga magulang, paaralan at
kursong natapos, pangalan ng napangasawa at mga naging anak, at iba pang
impormasyong personal ng tao. Para bang sa mga detalyeng ito lamang uminog ang
kabuuan ng kanyang buhay. Ang paglimita sa mga impormasyong ito lamang ay
paglimita rin sa lawak ng pag-unawa sa relasyon ng indibidwal at lipunan at kaugnay na
tensyon sa pagitan ng mga bagay na personal at pampubliko. Sa ganitong pananaw
nakatungtong ang Kasaysayang Buhay. Upang higit na mabigyang-salaysay at -saysay ang
mga personal at pang-araw-araw na karanasan ng tao, tinitingnan ang mga ito na hindi
hiwalay kundi integral na bahagi ng kanyang panahon at kalinangan. Kinikilala ang
tumbasang ugnayan ng tao at kanyang lipunan sa pagbuo ng kasaysayan. Ang tao ay
walang kasaysayang hiwalay sa kanyang lipunan at ang lipunan ay historikal na produkto
ng mga nagpupunyaging mamamayan nito.

2 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Bukod sa mga detalyeng personal ng tao, tinutunghayan din sa Kasaysayang Buhay ang
mga proseso ng panlipunang pagbabago at kung paano masinsing nakahabi rito ang mga
karanasan ng indibidwal. Ang pagsasakasaysayang buhay, kumpara sa implisito lamang
at hilaw na pagsasakonteksto ng tradisyunal na pananalambuhay ay mahusay na
kasangkapang nag-oorganisa’t nagbibigay-daan sa paglalakip at pagpapaloob sa mga
indibidwal sa binanggit ni McCoy (2000, 2) na mga “ideolohikal at panlipunang istruktura
na nagtatakda sa kung paano—bilang mga paksang historikal, ang mga indibidwal at
kanilang lipunan ay kumilos at umasal para sa isa’t-isa.”

Kung gayon, ang buhay ng indibidwal ay mikrokosmong larawan ng kanyang lipunan.


Tulad ng saysay ng maliliit ngunit mahahalagang bahagi ng isang komplikadong mosaic,
ang salaysay ng buhay ng tao ay durungawan din ng kasaysayang mas malaki pa kaysa sa
indibidwal. Kaya nga ang Kasaysayang Buhay ni Ma. Rosa “Lola Rosa” Henson (Henson
1996; Coronel 2000) ay hindi lamang kuwento ng buhay ng isang dalagitang
Kapampangan sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kundi salaysay rin ng
kanyang panahon at lipunang ginalawan. Durungawan ito ng pyudal na lipunang
pinagmulan niya sa Gitnang Luzon at ng kalupitan na digmaan sa mga tulad niyang
naging comfort woman na dinakip, ikinulong sa mga comfort station at hali-haliling
ginahasa ng mga sundalong Hapones. Kinatawan ng mapapait niyang karanasan ang mga
piping bahagi ng kasaysayan ng kababaihang Pilipina—ang panggagahasa sa kanyang ina
ng pinaglingkurang asendero sa Pampanga, ang kanyang kabataan bilang anak sa labas
(siya ang ibinunga sa panggagahasa sa kanyang ina), mala-impyernong karanasan sa
kamay ng mga sundalong Hapones, at karahasang tiniis sa kamay ng malupit na asawa
(Coronel 2000, 186).

Ganito rin ang saysay ng nalathalang Kasaysayang Buhay ni Datu Piang (Abinales 2000)
sa pagsuri sa kanyang panahon at lipunan. Ayon kay Patricio Abinales (2000, 200, 203),
magkaugnay at magkapanabayan ang dalawang mahahalagang yugto ng buhay ni Piang:
1) ang pag-angat niya bilang maimpluwenyang pinuno ng Sultanato ng Maguindanao at
pinakamalakas na orang besar sa kalakhan ng Timog-Silangang Asya bago ang 1903, at 2)
ang pagkasadlak niya bilang marhinalisadong pinunong kolonyal at nanganganinong
pulitikong “Pilipino” sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano. Nakapaloob ito sa panahon
ng panghihina ng sultanato bunga ng pananakop ng mga dayuhan at ang kaugnay na
proseso ng pagtatakda ng mga teritoryong saklaw ng kolonyal na estado. Sinalamin ng
pakikipag-alyansa at kolaborasyon ni Piang sa mga Amerikano ang isang panig ng
kabuuang tugon ng mga tradisyunal na pamayanang Muslim at kanilang mga lider sa
pagdating ng mga humaliling mananakop. Hindi lamang kung gayon ang personal na
buhay ni Piang ang inilahad ng akda kundi ang kabuuang konteksto ng kanyang panahon
at lipunan, partikular ang paglawak ng masaklaw na kapangyarihang Amerikano sa
kolonya nito. Ipinakita nito ang ekonomiko at sosyopulitikal na transpormasyon
(“mutation” sa wika ni Abinales), at kalauna’y marhinalisasyon, ng mga tradisyunal at

3 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

katutubong istrukturang pulitikal sa bansa, lalo na sa Mindanao, sa ilalim ng mga


Amerikano.

Naglalahad din ng kalagayang sosyopulitikal ng panahon at lipunan ni Celia Mariano-


Pomeroy ang akdang sinulat ni Vina Lanzona (2000). Sa unang tingin, salaysay lamang
ito ng buhay ni “Lydia,” ang kauna-unahan at nag-iisang babaeng nahalal sa Politburo
(Political Bureau) ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP). Ngunit kuwento rin ito ng
maraming ligalig panlipunan sa panahon ni Mariano-Pomeroy bunga ng pyudalismo at
kaapihan ng masa mula sa kamay ng mga dayuhan at lokal na elit pagkaraan ng digmaan.
Ang kalagayang ito ang nagbunsod sa pag-usbong ng mga kilusang masa tulad ng PKP at
sanhi ng pagbabanyuhay ng isang mahinhin at malumanay na ginang tungo sa isang
palabang rebolusyonaryo. Ang buhay ni Mariano-Pomeroy, diin ni Lanzona (2000, 230-
231), ay larawan din ng pagpupunyagi ng kababaihan sa patriyarkal na lipunang Pilipino—
hindi lamang sa nararapat na puwang ng mga babae sa lipunan kundi sa pantay na
puwang nila sa pagsasakasaysayang buhay.

Tumbasang Ugnayan ng Tao at Lipunan

Hindi lamang nagbibigay ng aral at kabatiran sa personal at panlipunang buhay ng mga


indibidwal ang Kasaysayang Buhay kundi nagpapalawak din sa ating pag-unawa sa
mahahalagang kaganapang historikal. Sa pamamagitan nito, maaaring tingnan ang
kasaysayan hindi lamang bilang presentasyon ng mga pangyayari sa lipunan, kundi isang
mahabang serye ng mga salaysay ng buhay ng tao at ng kanilang interaksyon sa lipunan.
Tulad ng una nang nabigyang-diin, ang pagsasakasaysayang buhay sa tao ay maituturing
na pagsasalaysay na rin sa mundong ginalawan nito. Tugma at sumasang-ayon dito ang
tinuran ni Resil Mojares (2000, 48) hinggil sa kakayahan ng historyador (o
biograpo/mananalaysay-buhay) na isalaysay at patotohanan (o sa kasalungat na kaso,
siyasatin at baguhin) ang “mundong kinabilangan ng tao.”

Binigyang-diin ng pag-aaral ni Jun Cruz Reyes (1989) sa buhay ng sosyalista at lider


manggagawang si Rolando Olalia, halimbawa, na ang buhay ng tao ay nakaugat sa mga
ideya at kaganapang mas malaki kaysa sa pinapaksang indibidwal. Sa kanyang
obserbasyon, matatagpuan ang saysay ng pag-aaral sa isang partikular na salaysay-buhay
kung susuriin ang mga proseso ng mga pagbabagong historikal ng kanyang lipunan.
Masinsing nakahabi kasi ang mga indibidwal na aksyon, pag-uugali, at pagkatuto ng tao
sa mga tradisyon at ideolohiya ng kanyang lipunan at panahon. Sa madaling salita, sa
pamamagitan ng Kasaysayang Buhay, nabibigyang-puwang ang paglalakip sa mga
indibidwal bilang mahalagang bahagi ng kabuuang sistemang panlipunan.

4 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Sa pagsasakasaysayang buhay ko kay Macli-ing Dulag (Javar 2006), tiniyak kong


maipakita ang tumbasang impluwensya ng indibidwal at lipunan sa paggawa ng
kasaysayan. Binigyang-diin ng aking pag-aaral na hindi maihihiwalay ang indibidwal
mula sa ginalawang lipunan nito sapagkat “dala ng una sa bawat pagkilos nito ang diwang
taglay ng huli” (Javar 2006, 48). May kakayahang magtakda ang lipunan ng mga
panuntunan at alituntunin na siyang humuhubog sa gawi at pagkilos ng indibidwal bilang
bahagi ng malikhaing pagsasabuhay nito ng kanyang mga tungkulin sa loob mismo ng
nasabing lipunan. Sa kabilang dako, mapagpasya rin ang mga kilos ng tao sa paglikha ng
mga pagbabago sa lipunan (Javar 2006, 48-49). Sa kaso ng Kasaysayang Buhay ni Dulag,
ang kanyang buhay at pakikibaka laban sa mga dambuhalang saplad na binalak ipatayo
ng diktadurang Ferdinand Marcos sa kahabaan ng ilog Chico ay bahagi ng diyalektikal na
ugnayan ng indibidwal at lipunan sa isang partikular na panahon. Ang sabi ko:

Sapagkat nahubog sa pakikipag-ugnayan sa kapwa indibidwal, iba’t ibang


pamayanan, mga institusyon, at iba pang pulitikal at panlipunang puwersa
sa kanyang paligid, kapanabayang matutunghayan sa paglalahad sa buhay
ni Macli-ing Dulag ang mga prosesong panlipunan at kasaysayan ng
kanyang panahon. Ang kanyang buhay, lalo na sa panahon ng sigwa sa
kahabaan ng ilog Chico ay masasabing isang larawang mikrokosmo ng
kabuuang reaksyon o tugon ng isang lipunang nakikibaka upang
magtanggol laban sa banta ng agresibong estado. Ang pagtugon niya sa
mga hamon ay bahagi ng mas malawak na temang bumukal at umikot sa
kolektibong kilusang bayan ng mga katutubong mamamayan sa ilog Chico.
Kung kaya’t ang pagtalakay sa kanyang talambuhay ay isang talastasan o
diskurso rin sa diyalektikal na ugnayan ng indibidwal (si Macli-ing Dulag)
at kanyang lipunan (lipunan ng mga katutubong mamamayan sa ilog Chico)
(Javar 2006, 51-52).

Sa ganitong diwa’t pananaw sinulat ang mga kontribusyong artikulo sa isyung ito ng
SALIKSIK E-Journal.

Sa artikulo ni Janet Reguindin-Estella na may titulong “Pambansang Siyentista para sa


Pagpapalahi ng Halaman: Talambuhay ni Dioscoro L. Umali (1917-1992),” malinaw
na naipakita ang pagkakaugnay ng Kasaysayang Buhay ni Umali at Kasaysayang
Institusyonal ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB) kung saan siya nag-aral,
nagturo, at naglingkod bilang Dekano ng Kolehiyo ng Agrikultura. Mula sa pangarap na
karerang militar noong bata pa, kalauna’y niyakap ni Umali—bunsod ng mga
naglilimitang kadahilanang pampamilya—ang larangan ng pagpapalahi ng halaman o
plant breeding. Pumaimbulog ang papel ni Umali sa paghahalaman nang tuluyan siyang
dalhin ng institusyonal na inertia ng bagong yakap na karera sa agrikultura at akademya.
Sa kabilang dako, si Umali bilang aktibong panlipunang aktor, ay nagdala ng malalaking

5 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

pagbabago tungo sa lalong pagpapaunlad ng industriya ng paghahalaman—hindi lamang


sa UPLB kundi sa buong Pilipinas. Kaya nga sa pagsasakasaysayang buhay ni Reguindin-
Estella kay Umali, naipakita nito ang pagkakakawing ng mga pagbabagong institusyonal
na naganap sa Kolehiyo ng Agrikultura ng UPLB (gaya ng pagkabuo ng Dibisyon ng
Pagpapalahi ng Halaman) bunga ng mga pagkilos ni Umali bilang guro, administrador, at
eksperto sa agrikultura; at ang pagkahubog sa kanya ng institusyon bilang mahusay na
Pambansang Siyentista.

Ganito rin ang kalakasan ng artikulong “Kasaysayang Buhay ng Isang Intelektwal:


Talambuhay at Kaisipan ni Camilo Osias, 1889-1976” ni Valerie May Cruz-Claudio I.
Sapagkat nakatuon sa buhay at mga ideya ni Osias, tiniyak ng may-akda na ilagay ang
proseso ng intelektwalisasyon ng dating Resident Commissioner ng bansa sa Estados
Unidos sa konteksto ng pag-aaral nito sa ilalim ng sistemang edukasyon ng mga
Amerikano. Bilang unang pensionado mula La Union, produkto si Osias ng kolonyal na
edukasyon ng mga mananakop. Hindi kung gayon nakapagtatakang isa siya sa mga
akulturadong intelektwal na masigasig na nagpasok at nagtaguyod sa bansa ng mga
kaisipang Kanluraning niyakap at natutunan nito mula sa Estados Unidos.

Mahalaga sa pagkahubog ng pananaw at kamalayan ni Osias ang biographical


socialization na binanggit nina Erika Hoening at Peter Alheit (1995). Isa itong proseso
kung saan ang indibidwal ay lumilikha at nagtitipon ng mga biographical experience o
karanasang-buhay na pumapaloob sa magkakaibang sapin ng kaalaman na kanyang
natipon mula sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa lipunan. Ang walang patid na
prosesong ito’y patuloy na nabubuo at binabago habang ang indibidwal ay humaharap sa
mga panibagong karanasan (Hoening at Alheit 1995, 12; Javar 2006, 49-50). Sa nasabing
proseso, ang indibidwal ay bumubuo ng kanyang personal at panlipunang identidad mula
sa pakikipag-ugnayan nito sa kinabibilangang kalinangan. Ang mga natutunan at
karanasang nakuha ni Osias mula sa sistemang edukasyon ng mga Amerikano—
pangunahin sa mga instrumentong kinasangkapan ng mga dayuhan sa pananakop nila sa
Pilipinas—ay humubog sa kanyang pananaw na ang nasyonalismo at internasyonalismo
ay “magkakampi at hindi magkaaway.” Sa kanyang Pluralisadong Pilosopiya na
nakadalumat sa Datayoismo, itinaguyod ni Osias ang disidentipikadong nasyonalismo na
naglalayong pagsamahin ang mabubuti at magagandang impluwensya buhat sa labas at
iugnay ito sa mga katangiang taal sa mga Pilipino. Bagama’t may bahid ng
pagkamakabayan ang punto-de-bista ni Osias, kapansin-pansin pa rin ang balintunang
pagyakap nito sa mga impluwensyang kultural ng mga dayuhan. Kaya nga naniwala itong
ang “paggamit ng wikang dayuhan ay hindi hadlang o sagabal sa pagsulong ng
nasyonalismong Pilipino.”

Dahil dito, maaaring tingnan si Osias bilang malinaw na mukha ng ibinungang


kamalayan ng akulturasyong dayuhan—produkto ng “Mapagpalang” Asimilasyon ng mga

6 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Amerikano sa bansa. Sa bandang huli, bunga ang pagkahubog ng personal at


panlipunang identidad ni Osias ng walang humpay na tumbasang pakikipag-ugnayan
niya sa kanyang panahon at lipunan. Sa suson-susong aspekto ng prosesong panlipunan
sa buhay ng indibidwal (Osias), ang lalim at kasalimuutan ng penomenang
pangkasaysayan (Amerikanisasyon) na kanyang kinapalooban ay nagluwal sa kanyang
“kayumangging Amerikanismo.”

Panibagong durungawan ng isang partikular na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas ang


artikulo ni Alberto Paala Jr. na may pamagat na “Evelio B. Javier, 1942-1986.” Tungkol
ito sa Kasaysayang Buhay ni Javier, ang batam-batang Gobernador ng Antique na
pinaslang pagkaraan ng biglaang halalan o snap election noong Pebrero 1986. Hindi
maihihiwalay ang buhay ni Javier—lalo na ang mga huling bahagi nito, sa konteksto ng
karahasan at kaguluhan sa panahon ng mapaniil na diktadura ni Marcos. Ipinakita ng
pagsasakasaysayang buhay ni Paala Jr. kay Javier—tulad ng mga pinunto noon ni Philip
Abrams (1982, xiii)—na ang kasaysayan at lipunan ay nilikha ng patuloy at humigit-
kumulang sinadyang aksyon ng indibidwal at “ang indibidwal na aksyon, gaano man
binalak, ay nilikha ng kasaysayan at lipunan.” Maiuugnay ito sa pananaw ni Wilhelm
Dilthey (1961, 90) na tumitingin sa kurso ng buhay ng tao bilang isang sistema ng
interaksyon kung saan ang indibidwal ay “tumatanggap ng mga estimulo mula sa
mundong historikal, naiimpluwensyahan ng mga ito, at [bilang tugon] ay nang-
iimpluwensya rin sa [kanyang] mundo.” Bumubukal ang mga estimulong ito mula sa
konteksto ng lipunan, na binibigyang-hugis naman ng mga aksyon ng indibidwal. Ganito
sinalaysay ni Paala Jr. ang buhay ni Javier. Inilagay niya ang kuwento ng karerang
pulitikal ng Atenistang Gobernador sa loob ng konteksto ng lokal na pulitika ng Antique
at sa kaguluhang pulitikal sa bansa sa ilalim ng diktadurang Marcos.

Ang iba’t ibang estimulo na nakalap ni Javier mula sa kanyang interaksyon sa lipunang
ginalawan ay humubog sa kanyang mga pananaw, prinsipyo, at paninindigan. Ang mga
karanasan at pagkamulat na ito, sa kabilang dako, ang nagbunsod sa kanyang piniling
aksyon para tugunan ang mga hamon ng kanyang panahon. Sa tuluyang pagdala kay
Javier ng inertia ng kanyang lipunan at panahon, hindi siya naging pasibong tagatunghay
lamang sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Anak ng kanyang panahon at aktibong
mamamayan ng kanyang bayan, kumilos si Javier tungo sa pagbabago at pagtatanggol ng
demokrasyang hinamon ng awtoritaryanismo ni Marcos. Kamatayan ang itinugon ng
diktadura sa mapanindigang pagkilos na ito ni Javier.

Sa kabuuan, ipinakikita ng mga nabanggit na artikulo at mga kaugnay na pag-aaral ang


pangangailangang galugarin ang mahigpit na ugnayang naghahabi sa mga indibidwal at
lipunan. Sa ganitong paraan, mapapalitaw ang mayamang proseso ng pagsasalamuhaan
ng tao at mga panlipunang puwersa sa paglikha ng kasaysayan na isa sa mga tungtungang
ideya ng Kasaysayang Buhay.

7 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

KATUTUBO AT PREKOLONYAL NA PAGSASAKASAYSAYANG BUHAY SA BANSA

Mahalagang balikan ang mismong talambuhay ng pananalambuhay at


pagsasakaysaysayang buhay sa bansa upang higit na maunawaan ang mga pagbabago sa
pananaw at pamamaraan nito. Sa pamamagitan ng biograpikal na bersyon ng
panahunang tripartite (liwanag-dilim-liwanag), maipapakita ang magkakasunod na yugto
ng 1) pamumukadkad ng prekolonyal na pagsasakaysaysayang buhay sa mga pamayanang
etnolinggwistiko sa kapuluan, 2) pangingibabaw ng hagiograpiko at maka-elit na
historiograpiyang kolonyal at ang pagbura at/o pagpapalabnaw nito sa taal na tradisyon
ng pagsasakaysayan sa bansa, at 3) pagbangon ng pananaw na maka-Pilipino at
makamasa ng Bagong Kasaysayan tungo sa paghulagpos sa mga impluwensyang kolonyal
sa pananalambuhay at paglaganap ng Kasaysayang Buhay.

Bago pa dumating ang kolonyalismo, may maayos at de-sistemang pamamaraan na sa


preserbasyon at transmisyon ng mga salaysay-buhay ang iba’t ibang katutubong
pamayanan sa kapuluan. Nakahabi ang mga salaysay na ito sa mga epiko ng
magkakaibang pangkat-etniko na ipinapasa sa mga salinlahi sa pamamagitan ng
pasalitang tradisyon. Halimbawa, ang mga Subanun ay may Guman at Sandayo—mga
epikong nagsasalaysay sa makukulay na kasaysayan ng kanilang mga ninuno. Nariyan din
ang Hinilawod ng mga taga-Panay, Agyu ng mga Ilanun, Ullalim ng mga Kalinga, at
Hudhud ng mga Ifugao. Nakaimpok sa mga katutubong salaysay na ito ang magigiting na
kasaysayan ng mga katutubong pamayanan na maya’t maya’y binibigkas sa mga
pagtitipon o pagdiriwang upang ipaalala’t isalin sa kasalukuyang henerasyon. Kabilang
din sa mayamang tradisyong pasalita ng mga katutubong pamayanan sa bansa ang
Ulahingan at Tuwaang ng mga Manobo, Kudaman ng mga Palaw’an, Darangen ng mga
Maranao, at Biag ni Lam-Ang ng mga Ilokano. Bahagi ng mga salaysay ang mga
pagbabago sa lipunang katutubo tulad ng pandarayuhan, pakikipag-ugnayang panlabas,
digmaan, mga sakuna, at iba pa, at kung paano tumugon ang mga tao sa ganitong mga
hamon. Sa madaling salita, nakahabi sa mga pasalitang tradisyong ito ang kani-kanilang
kasaysayan at kalinangan (ADHIKA ng Pilipinas at NHI 2001, 36; Javar 2014, 62).

Sa Darangen, halimbawa, inilalarawan sa epiko ang katutubong pagkaunawa sa mga


kaganapan, institusyon, kilusan, mga personalidad, at iba pang mahahalagang detalye ng
lipunang Maranao (Tawagon 1983, 41; Javar 2014, 63). Taglay nito ang mga tala hinggil sa
linya ng pinagmulang angkan ng mga katutubo at pinaniniwalaang kauna-unahang
salaysay ng kanilang mga ninuno (Tawagon 1983, 49; Javar 2014, 63). Sapagkat
nagtataglay—at kung gayo’y impukan-kuhanan—ng mga kaalamang bayan, ang
Darangen, paliwanag ni Manuel Tawagon (1983, 41-42), ay “tumatayong behikulo ng
[katutubong] kasaysayan.”

8 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Tampok sa mga epikong ito ang kuwento ng kagitingan ng kani-kanilang bayani.


Halimbawa, bida si Lam-ang—ang mandirigmang bayani ng mga Ilokano—sa epikong
ipinangalan sa kanya, ang Biag ni Lam-ang. Sinasalaysay rito ang kanyang mga
paglalakbay, pakikidigma, pag-ibig, at iba pang detalyeng personal (Foronda 1975).
Tampok naman sa Darangen ang mabunying buhay ni Bantugen, ang pinakamakisig at
pinakamatapang na mandirigma ng Bembaran. Nasa konteksto ng mga paniniwala,
kaugalian, at pagpapahalaga ng mga Maranao, uminog ang kuwento ng epiko sa samu’t
saring tagumpay at kagitingan ng bayaning si Bantugen (Manuel 1963, 3; Javar 2014, 63).
Bagama’t karamihan ng mga detalye’y kathang-isip lamang, nilinaw ni Adonis Elumbre
(2014, 9) na ang mga salaysay sa mga epiko ay hindi para sa posteridad ng bayaning
indibidwal kundi para sa posteridad ng bayang mismong lumikha nito. Sa madaling
salita, salaysay ng kanyang lipunan ang kuwento ng buhay ng bayani. Kung gayon,
paliwanag niya (Elumbre 2014, 9), sinasalamin ng mga katutubong epiko ang batayang
pakahulugang salaysay na may saysay sa pinagsasalaysayan ng Bagong Kasaysayan
sapagkat “nakapaloob ito sa panloob na talastasan kung saan ang mga kategorya at daloy
ng salaysay ay gagap ng lahat ng kabilang sa etnikong grupo.”1

Maging ang tradisyunal na ritwal ng dung-aw ng mga Ilokano ay maituturing na bahagi


rin ng katutubong anyo ng pagsasakasaysayang buhay sa bansa. Pasalitang sinasariwa sa
panahon ng lamay ng mga namayapang indibidwal ang kanilang nagawa at mga
tagumpay sa mundo noong sila’y nabubuhay pa. Ang pagsariwang ito ay komunal, ibig
sabihin, kahit na sino sa pamayanan—kabilang na ang mga dating nakaalitan o
nakatampuhan ng namayapa—ay maaaring lumahok sa paggunita sa mga detalye hinggil
sa buhay nito (Ubaldo 2003; Ubaldo 2015). Hindi lamang mga positibong detalye kung
gayon ang binabanggit sa pasalitang salaysay na ito kundi maging ang mga negatibo rin.
Kumpara sa selektibong pagtatanghal ng Kanluraning tradisyon ng laudatio funebris,
pantay ang espasyong ipinagkakaloob ng dung-aw sa kapwa kapuri-puri at
nakamumuhing mga detalye ng buhay ng namayapa. Mahalagang linawing pagkaraang
isalaysay ng mga nakaalitan ang mga negatibong detalye ng buhay ng sumakabilang-
buhay, na naging sanhi ng kanilang away o tampuhan noon, ay humihingi ang mga una
ng tawad o dispensa (sa naganap na alitan) sa huli (Javar 2015, 281-282).

Panibagong anyo ng prekolonyal na pagsasakasaysayang buhay ang tradisyunal na


talaangkanan ng mga aristokratang angkan na kung tawagi’y salsila o tarsila. Nakapaloob
sa mga pasalitang talaangkanang ito ng mga Islamikong pamayanan sa Mindanao ang
linya ng kamag-anakang inuugat sa angkang pinagmulan ng mga datu at sultan
(Veneracion 1990, 2). Makikita sa tarsila ng Maguindanao, halimbawa, na si Sharif
Muhammad Kabungsuwan—ang tagapagtatag ng Sultanato ng Maguindanao, ay anak ng
isang Arabong sharif na pinaniniwalaang inapo ni Propeta Muhammad at nakapangasawa
ng isang babaeng Malayo na nagmula sa Johore (Gowing 1979, 21; Scott 1994, 176; Javar
2014, 63). Batay sa tarsila, paliwanag ni Peter Gowing (1979, 22), apo sa talampakan ni

9 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Kabungsuwan ang dakilang si Sultan Qudarat/Kudarat (Javar 2014, 63). Sa pamamagitan


ng kanilang tarsila, binakas naman ng mga Sangir (ng mga isla ng Sangihe-Talaud) ang
ugat ng kanilang kanunununuan sa panahon bago pa dumating ang mga Europeong
mananakop (Hayase 2007, 6; Javar 2014, 63).

Mayamang batis din ang mga talaangkanang ito ng kasaysayang lokal ng mga katutubong
pamayanan sa rehiyon at mahalagang sanggunian ng kasaysayan ng pagsisimula ng
relihiyong Islam sa Mindanao. Nakapaloob sa tarsila ng mga Tausug ang pagdating sa
Jolo ng mga mangangalakal at manlalakbay na Arabo upang ipalaganap ang
pananampalataya. Nakalagak sa mga salaysay nito ang pagdating ng isang dayuhang may
titulong Tuan Mashaika sa panahong sinasamba pa ng mga tao ang mga bato at di-buhay
na mga bagay; pagdating ni Karim-ul-Makhdum (na tinawag ding Tuan Sharif Awliya)
noong ikalawang hati ng dantaon 14; at pagdating ni Rajah Baguinda noong unang bahagi
ng dantaon 15 (Gowing 1979, 18-19; Javar 2014, 63). Kabilang din dito ang kuwento ng
pagdating ng isa pang Arabo, si Sayyid Abu Bakr, noong gitnang bahagi ng dantaon 15.
Ayon sa tarsila, napangasawa niya ang anak na babae ni Rajah Baguinda. Sa pagpanaw ng
biyenang lalaki, si Abu Bakr ang siyang humalili sa kapangyarihan at kalauna’y nagtatag
sa Sultanato ng Sulu (Saleeby 1963, 44-45; Javar 2014, 63).

Ipinakikita ng mga katutubong epiko at talaangkanang ito na mahigpit na nakakawing sa


kasaysayan ng mga angkan o pamayanan ang Kasaysayang Buhay ng mga indibidwal.
Ang Kasaysayang Buhay ng indibidwal ay kasaysayan din ng kanyang angkan o
pamayanan, at bise bersa. Malinaw na hindi inihihiwalay ng mga katutubo, lalo na sa
panahong prekolonyal, ang mga indibidwal mula sa kanyang lipunan. Kumpara sa
introduksyong kolonyal hinggil sa pangingibabaw at pagdidikta ng ilang piling indibidwal
sa “pagpapagalaw” ng kasaysayan, ang katutubong pananaw sa paglikha ng kasaysayan ay
bunga ng tumbasan/balikang interaksyon ng tao at kanyang lipunan.

Sa kabuuan, batay ang mga prekolonyal na tradisyon ng pagsasakasaysayang buhay sa


bansa sa mga katutubong kaalamang bayan at sistema ng pagpapakahulugan ng mga
pangkat etnolinggwistiko sa bansa—ibig sabihin, batay sa pananaw ng bayan at nasa
sistemang pangkalinangang nauunawaan at gagap ng taumbayan. Higit sa lahat, ang
preserbasyon at transmisyon ng mga epiko, talaangkanan at iba pang anyo ng katutubong
pagsasakaysaysayang buhay ay nasa mga wikang nauunawaan ng lahat sa lipunan. Sa
madaling salita, ang prekolonyal na pagsasakasaysayang buhay ay nasa Pantayong
Pananaw at nagsusulong ng nilalayong talastasang bayan. Sapagkat ang taumbayan ay
nagkakausap-usap hinggil sa sariling kasaysayan, sa wikang nagkakaunawaan ang lahat,
at batay sa mga konseptong mula at bumubukal sa sariling kalinangan; maituturing ang
yugtong ito bilang panahon ng liwanag sa kasaysayan ng pagsasakasaysayang buhay sa
Pilipinas.

10 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

HAGIOGRAPIYA AT PRODUKSYON NG MGA BANAL NA BUHAY

Ang Pasyon at mga Kuwento ng Pagpapasakit at Sakripisyo

Sa kasamaang palad, pinakupas at pilit binura ng kolonyalismong Español ang mayamang


tradisyon ng pagsasakaysaysayang buhay ng mga katutubong pamayanan sa kapuluan.
Kinutya at binansagang “mga walang kabuluhang tala” (vain genealogies) ng mga dayuhan
ang mga pasalitang tradisyon ng mga katutubo sa kapuluan (Gallardo at Ramos 1986, 161-
162; Javar 2014, 64) at binago ang landas ng lokal na pagsasakasaysayang buhay. Dala-dala
ng mga Español sa kanilang pagdating sa kapuluan ang tradisyon ng Hagiograpiya o ang
pagsulat sa vita sancti o banal na buhay ng mga santo at martir ng Romano Katolisismo.

Unang sumibol sa Europa, ang pamumukadkad ng hagiograpiya sa Kanluran ay mauugat


sa sistematikong pagsusulat ng mga menology o mala-kalendaryong tala ng mga araw-
paggunita na institusyonal na itinatakda para sa bawat santo ng Simbahan. Sinimulang
ibalangkas ng mga lokal na parokya sa kontinente noong dantaon 3, unti-unting naging
batayan sa paglikha ng vita sancti ng mga santo’t martir ang maiikling tala ng kanilang
buhay na uminog sa mga kuwento ng kanilang mga himala, pagdurusa, at sakripisyo para
sa Simbahan. Ang mga likhang naratibong ito’y unang nakasulat sa wikang Griyego at
Latin bago ang dantaon 9 at eksklusibong nasa kamay ng mga opisyal ng Simbahan
ngunit paglao’y isinapopular at pinalaganap sa hanay ng mga mananampalataya sa
pamamagitan ng sermon sa pulpito tuwing mga araw ng pangilin (Garraty 1957, 54-55).

Kapalit ng pinakupas at pilit binurang mga katutubong tradisyon sa Pilipinas,


kinasangkapan ng mga Español ang hagiograpiya sa paglikha ng mga masunuring
Kristyano at sa “paghubog sa mga Pilipino bilang mga perpektong [obhetong] kolonyal”
(McCoy 2000, 4). Inisyal na sinulat ang mga banal na buhay bilang mga awit at corrido na
nagtanghal sa mga indibidwal na bayani ng Simbahan na “nagpamalas ng kabigha-
bighaning mahika at kakaibang kapangyarihan” (McCoy 2000, 4; Javar 2014, 64).
Umakyat sa panibagong antas ang hagiograpikong tradisyon sa bansa bunga ng higit na
kasikatan ng Pasyon, partikular sa Katagalugan, pagsapit ng dantaon 19 (McCoy 2000, 6;
Javar 2014, 64). Kuwento ito ng kabanalan at mga sakripisyo ni Hesukristo ng Nazareth
hanggang ipako siya sa krus at masawi sa Golgotha para sa katubusan ng mga kasalanan
ng sanlibutan. Binibigkas tuwing Mahal na Araw, nakalatag sa Pasyon ang mga salaysay
ng ideyal na balangkas ng sakripisyong Kristyano—pag-igpaw ng tao sa mga personal at
panlipunang hamon at sagabal sa pananampalataya, maayos na pakikitungo sa kapwa at
paggawa ng mabuti, katatagan at paglaban sa mga tukso, at mahinahong pagharap sa
kamatayan bilang pinakadakilang sakripisyo.

11 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Sa ganitong balangkas, hindi lamang binibigyan ang mga binyagang mamamayan ng


modelo ng wastong asal at gawi kundi hinihikayat ding sumunod sa yapak ng kanilang
mga santo’t martir—ang buhay ni Kristo bilang pinakadakilang halimbawa. Ginamit ito
ng mga kolonyalista sa pagtuturo sa taumbayan ng walang pasubaling katapatan sa
Simbahan at Madre España. Sa pamamagitan din nito, magkatulad na diin nina Nicanor
Tiongson (1975, 195) at Reynaldo Ileto (1979, 12), ang mga Indio ay tinuruang tanggapin
ang kalagayang kanilang kinasadlakan sa ilalim ng kaayusang kolonyal. Sa halip na
maging mulat sa kalagayan ng kanilang lipunan, ang isipan ng mga tao ay inakay tungo sa
pagbibigay-tuon sa mga isyu ng moralidad at kasiguruhan sa kabilang buhay.

Sa kabila ng lahat, nilinaw ni Elumbre (2014, 10) gamit ang mga tinuran ni Ileto (1979), na
hindi lubos na nabura ng kolonyalismo ang mga katutubong tradisyon. Marami sa mga
tradisyong mula sa labas ang inangkin ng mga Pilipino patungo sa kamalayang bayan.
Nagpatuloy ang diwa ng mga prekolonyal na epiko sa mismong instrumentong kolonyal
ng mga dayuhan. Sa bagong kaayusan, tumayo ang Pasyon bilang kolonyal na bersyon ng
mga katutubong epiko sapagkat ang una, tulad din ng huli, ay nagsasalaysay ng buhay ng
tao (buhay ni Hesukristo) at pasalita ang preserbasyon, pagkukuwento, at transmisyon.

Isa rin ang tradisyon ng pamamanata tuwing Mahal na Araw sa mga ibinunga ng
mahabang proseso ng indihenisasyon ng mga Pilipino sa mga natutunang tradisyong
kolonyal. Kabilang dito ang nakaugaliang pagpepenitensya, paghagupit sa sarili, at
pagpasan at pagpapako sa krus ng mga mamamanata. Bahagi ng nabuong folk
Christianity2 sa bansa, ang mga gawaing ito ay kontemporanyong pagsasadula—isang
pampublikong pagtatanghal, sa mga kuwento ng Pasyon. Naniniwala ang mga
mamamanata na sa pagtatanghal sa pagdurusa ni Hesukristo sa kamay ng mga Romano’t
Hudyo ay naisasabuhay nila ang mga sakripisyo ng Diyos Anak para sa sanlibutan. Kaya
nga sa nagaganap na paralelismo, pinaniniwalaan ng mga indibidwal na ito na natutubos
ng kanilang pagpapakasakit sa krus tuwing Mahal na Araw—tulad ng pagtubos ni
Hesukristo para sa sanlibutan—ang kanilang mga kasalanan. Sa maraming pagkakataon,
mala-transaksyonal din ang paglahok ng mga mamamanata sa mga gawain sapagkat may
inaasahan silang kapalit (o katuparan ng mga hiling sa Diyos) mula sa pagpapakasakit
tulad ng paggaling ng malulubhang sakit ng mga kapamilya’t mahal sa buhay.

Ito ang pinaksa at kabuuang tema ng artikulo ni Christian Ezekiel Fajardo na


pinamagatang “Sákit ng Loob at Sakít ng Labas: Isang Pagsilip sa Maikling
Kasaysayan at Kontemporanyong Kuwento ng Pagtatanghal ng Tira Bakal sa
Lunsod ng San Fernando, Pampanga (1961-Kasalukuyan).” Sa pamamagitan ng
pagsasakasaysayang buhay kina Apung Matias Santos at Ronwald Daevee Gatpolintan o
R.D., sinilip ng akda ni Fajardo ang kasaysayan at kontemporanyong kuwento ng
tradisyunal na pagtatanghal ng Tira Bakal sa nasabing lungsod tuwing Mahal na Araw.
Dalawang bagay ang makikita sa pamamanata nina R.D. at Apung Matias bilang mga

12 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

pangunahing aktor ng pagtatanghal: 1) ang pag-iral ng at patuloy na pagsasabuhay ng


mga deboto’t mamamanata sa diwa ng imitatio Christi (imitasyon o panggagaya kay
Kristo)—pangunahing elemento ng hagiograpikong tradisyon sa Pilipinas, at 2) ang
pagpapasailalim sa mga manonood ng Tira Bakal sa nagpapatuloy na edipikasyong
ispiritwal ng Simbahan sa mga mananampalataya nito. Sa pagtatanghal, ipinaaalala sa
kanila ng Simbahan, sa pamamagitan ng mga aktor nito, ang pagpapakasakit ni
Hesukristo para sa sanlibutan na siyang rurok ng sakripisyong Katoliko.

Bagama’t nasa tema at kontekstong kolonyal pa rin ang kilos at pananaw ng mga
indibidwal na pinaksa niya sa kanyang artikulo, mahalagang linawin na nasa pananaw at
pamamaraan ng Kasaysayang Buhay na ang mala-etnograpiyang pagsasalaysay ni Fajardo.
Hindi siya nabigong ilagay sa konteksto ng kanilang lipunan at panahon ang mga
tinunghayang buhay-indibidwal. Naipakita ng may-akda na ang mga indibidwal na pasya
at pagkilos ng mga pinaksa ay bunga ng malalim na impluwensya ng Romano Katolisismo
sa Pampanga—isa sa pinaka-Kristyanisadong lugar sa Gitnang Luzon. Tumutugon din
ang akda ni Fajardo sa layunin ng Kasaysayang Buhay na bigyang-tinig at puwang sa
kasaysayan ang buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan. Sa pagsasalaysay sa mga
pang-araw-araw na karanasan nina R.D. at Apung Matias, naipakita niya ang ilang
aspekto ng lipunan at kalinangan sa San Fernando, Pampanga.

Kolonyal na Pananalambuhay sa Paghubog ng Mabubuting Kristyano


at mga Masunuring Obhetong Kolonyal

Naging larangan ng banggaan ng mga tradisyon ang pagsulat ng mga salaysay-buhay sa


pagdating ng kolonyalismong Español sa kapuluan (Elumbre 2014, 10). Sa banggaang ito,
pinangibabawan ng kolonyal na tradisyon ang mga katutubong pananaw at pamamaraan
sa pag-akda ng mga indibidwal na buhay. Pangunahin sa mga pagbabagong dala ng
tradisyong dayuhan ang pagputol sa partisipasyon ng mga katutubong mamamayan sa
talastasang bayan. Sa halip na maging aktibong kalahok sa talastasan hinggil sa
kasaysayan ng sariling bayan, ang taumbayan ay isinadlak ng bagong kaayusan bilang
mga tagatunghay na lamang sa diskursong kolonyal na dinikta at monopolisado ng mga
mananakop. Hindi lamang inagaw sa taumbayan ang tuon ng pagsasakasaysayan kundi
pinigtas din ng kolonyalismo ang nararapat na partisipasyon ng mga tao sa prosesong
dapat ay bumubukal sa bayan at nakatuon at nilalahukan ng mga Pilipino. Malinaw na
pang-aagaw ito mula sa bayan sa saysay ng mga salaysay.

Sa pananaw ng mga Pilipino at ayon sa katutubong panahunang tripartite, itinuturing ang


yugtong ito na panahon ng dilim sa pagsasakaysaysayan sapagkat inagaw ng kolonyalismo
ang diskurso mula sa panloob na pananaw at kalooban ng bayan. Mula sa Pantayong
Pananaw ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko sa kapuluan, ikinahon at sinimulang

13 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

talakayin ang kasaysayan ng taumbayan batay sa Pangkaming Pananaw ng mga dayuhan.


Hindi na ang mga katutubo ang nag-uusap-usap sa salaysay-buhay ng mga kapwa
mamamayan. Sa halip, tinalakay sa kanila ng mga Español ang vita sancti ng mga
indibidwal na noong una’y hindi naman pamilyar sa taumbayan at sa wikang hindi naman
nila nauunawaan. Sa unang bahagi ng pananakop at ebanghelisasyon sa kapuluan,
ginamit nila sa proseso ng pagpapabagong-loob ng mga mamamayan tungo sa relihiyong
kolonyal ang naratibo ng mga huwarang buhay ng mga santo at martir mula sa Europa.3

Sa bagong kaayusan, naging isahang-direksyon na lamang ang kolonyal na diskursong


pangkasaysayan. Hindi nga angkop ang salitang “diskurso” sa kalagayang ito sapagkat
isahang-direksyon lamang ang kinahinatnang pagtalakay. Nasa isang panig ang mga
Español na nagsasabi sa mga Indio na “heto ang kahanga-hangang buhay ng mga
Europeong santo at martir ng Simbahan na dapat ninyong tularan”—paraan ng
pagpapaalala sa taumbayan na “ito ang ideyal na imahen namin na mala-perpektong
huwaran para sa inyo.” Sa isang banda naman, ang mga binyagang mamamayan ay
naging tila pasibong tagatunghay at tagatanggap—bunsod at ayon sa karakter ng
pagkamasunurin na itinuro sa kanila ng mga dayuhan—sa mga naratibong nilikha ng
mga relihiyoso para sa mga layunin ng Simbahan. Napaka-oryentalista ng ganitong
pananaw. Binigyang-diin ng mga Español na sila (o “kami” batay sa kanilang punto-de-
bista) ay superyor at dominante sa anumang aspekto kumpara sa mga katutubong
sinakop at pinangibabawan. Sa ganitong pagtingin, ang mga nasa panig ng kayo (o tayo
sa pananaw ng mga Pilipino) ay “walang dapat ibang gawin kundi maging masunuring
Kristyano tulad ng mga santo at martir” nang sa gayo’y maihanay man lang—bagama’t
nanganganinong “wangis”—ng “superyor” na kami.

Ang oryentalistang pagtinging ito ay nakapaloob sa kabuuang pananaw ng Historia ng


mga Español na naghati sa mga yugto ng kasaysayan ng kapuluan batay sa panahunang
bipartite (dilim-liwanag): ang pagdating ng kanilang kolonyalismo sa bansa bilang
panahon ng “liwanag” bunga ng sibilisasyong ipinagkaloob nila sa mga Pilipino. Ang
kapuluan bago dumating ang kolonyalismo, sa pananaw ng mga Español, ay:

...napapasailalim sa tinatawag na panahon ng karimlan, panahon ni Satanas,


kung saan ang mga katutubo ay mga pagano at barbaro, sumasamba
lamang sa mga anito. Wala silang direksyon, walang kinikilingang langit, at
ang mga kaluluwa ay hindi naililigtas mula sa Impyerno. Ang kanilang
pagdating ang siyang pagsisimula ng panahon ng liwanag. Iniligtas nila ang
mga katutubong pagano sa pamamagitan ng krus at ng pananampalataya at
binigyan ng sibilisasyon ang mga barbaro at ginawang mga tao sa loob ng
isang sistemang pulitikal at kultural (Gallardo at Ramos 2000, 164).

14 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Sa madaling salita, hindi lamang oryentalista kundi monyumentalista rin ang pananaw ng
mga dayuhan sapagkat ipinagduldulan nila sa isipan ng taumbayan na sila’y dumating
bilang mga “manunubos at tagapagsalba” ng mga “di-sibilisadong” pamayanan sa
kapuluan.

Bagama’t paglao’y kakasangkapanin din ng mga Español ang mga lokal na vita sancti
(buhay ng mga Pilipinong santo at martir) sa ebanghelisasyon, nanatiling Pangkami ang
pananaw ng pananalambuhay sa Pilipinas. Ang pananaw at pamamaraan kasi ng
Hagiograpiya ay higit na nakatuon at nagpapahalaga sa mga aral at doktrina ng
Katolisismo. Ang buhay ng mga lokal na santo at martir ay mga instrumento lamang para
itaguyod ang mga institusyonal na adhikain ng Simbahan. Kung gayon, kahit na lokal ang
paksa (buhay ng mga katutubong bayani ng Simbahan) ay kolonyal pa rin ang
kontruksyon—sa pananaw at pamamaraan, ng mga huwarang buhay na ito.

Sa halip na magsalaysay ng kabuuang buhay ng mga paksang indibidwal, ang mga


panrelihiyong tekstong ito na nasa iisang pangkalahatang balangkas ay nakatuon lamang
sa ilang mapapakikinabangang anekdotang personal. Sekondaryo lamang ang saysay ng
buhay ng tao sa kanyang talambuhay kung gayon. Sadyang nilulusaw ng mga hagiograpo
(taga-akda ng mga hagiograpiya) ang harapan ng naratibo o foreground (personal na
buhay ng indibidwal) upang mapaangat at maitanghal ang mga detalyeng nasa likuran
nito o contextual background (institusyonal na aral ng Simbahan) (Mojares 1993, 443).
Hindi sa tao mismo kundi sa ulirang pagsasabuhay nito sa mga aral at doktrina ng
Katolisismo nakasentro ang mga nalikhang naratibo. Malinaw na ang tuon ng
Hagiograpiya ay hindi magsalaysay ng mga indibidwal na buhay kundi upang palalimin
ang pananampalataya ng mga mambabasa o tagapakinig.

Kakambal ng tendensyang ito, sa layuning bigyang-diin ang ulirang kabanalan ng mga


bayani ng Simbahan, ang “pagsasantabi sa pangangailangang tumuklas at magpahayag ng
katotohanan” (Garraty 1957, 55-56). Nakadisenyo ang pagsasantabi sa mga detalyeng
hindi kapuri-puri at di-huwaran sa buhay ng mga indibidwal upang matugunan ang
tunguhing ispiritwal ng institusyon. Ang limitadong mga detalye ng personal na buhay
ng mga santo’t martir sa naratibo ay binalabalan ng salaysay ng mga himala, mga sakit at
kapansanang pinagaling, at mga kuwento ng pagbabagong-loob at pagyakap sa
Kristyanismo. Bunga nito, lumaganap ang hagiograpikong institusyunalisasyon sa mga
himala bilang “katotohanang historikal” (Garraty 1957, 56).4

Mahusay na halimbawa ng manipulatibong katangian ng hagiograpiya at naglilinaw sa


mga prinsipyo’t layunin sa konstruksyon ng mga lokal na vita sancti ang pag-akda ng
Heswitang si Pedro de Mercado sa maikling talambuhay ni Miguel Ayatumo—isang
batang katekistang martir mula Bohol na nasawi para sa pananampalataya. Ang nasabing
talambuhay ni Ayatumo5 ay bahagi ng El Cristiano Virtuoso—isang manual de urbanidad

15 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

o aklat-manwal ng wastong gawi at asal Kristyano na inilathala ng mga Heswita noong


1673.

Dalawang panuntunang hagiograpiko, batay sa pagsusuri ni Mojares (1993, 444-448) sa


pananalambuhay kay Ayatumo, ang batayang gabay ni Mercado (1673) sa pag-organisa at
paghubog sa mala-santong buhay ng batang katekista. Una ang panuntunang batay sa
sistema ng pigurasyon (figuration) kung saan binalangkas at sinalaysay ang buhay ni
Ayatumo ayon sa banal na pigura ni Hesukristo. Partikular sa pinalutang na paralelismo
sa buhay ng dalawa ang presensya ng elemento ng sakrispisyo sa magkatulad na
kamatayan nila. Ang “Kristyanong kamatayan” ni Ayatumo ay idinambana ni Mercado
(1673) sa kanyang mga salaysay bilang mabuting halimbawa ng yapak na dapat sundan ng
mga mananampalataya. Sa ganitong paraan, lumalabas na ang kabuuang kuwento ng
kahanga-hangang buhay ng batang martir ay kuwento ng pagsasabuhay niya sa mga
huwarang halimbawang ipinamalas ng Diyos Anak.

Pangalawa naman ang panuntunang nakasalig sa proseso ng reduksyon


(reduction/reducción). Tampok dito ang mga etnosentrikong hakbang tungo sa
paghulma sa mga “obhetong” kolonyal sa Pilipinas batay sa imahen ng mga mananakop.
Hindi lamang, kung gayon, mga pamayanan at panirahanan ang isinailalim ng mga
kolonyalista sa pamamagitan ng sistemang reducción kundi maging mga “katawan, isipan,
at ‘kaluluwa’ ng mga katutubo” (Mojares 1993, 444).6 Sa reduksyonistang balangkas,
hinati ni Mercado (1673) sa tatlong yugto ang buhay ni Ayatumo: 1) yugto ng pagtiwalag o
pagtalikod niya sa prekolonyal na paniniwala ng kanyang mga ninuno, 2) yugto ng pag-
igpaw sa mga pagsubok (gaya ng paglaban sa tukso ng pakikipagtalik), at 3) panahon ng
katuparang ispitiwal tungo sa tuluyang pagyakap nito sa kanyang bagong relihiyon
(Mojares 1993, 446).

Maging sa panahong postkolonyal, nananatili’t laganap pa rin ang hagiograpikong


tradisyon sa pananalambuhay sa bansa. Ganito ang lumabas na resulta sa hiwalay na pag-
aaral ni Mojares (2000) sa hagiolohikong (mula sa hagiology o proseso ng pagtukoy at
paggawad ng pagkasanto sa mga indibidwal) interpretasyon ng Arkidiyosis ng Cebu sa
buhay ni San Pedro Calungsod. Ipinakita ng kanyang pag-aaral ang manipuladong
interpretasyon ng Arkidiyosis sa mga simbolo at kahulugan ng buhay ni Calungsod
alinsunod sa teolohikal-pulitikal na layunin ng Simbahan. Kaugnay ito sa inisyatiba ng
nasabing Arkodiyosis noong 1991 na hikayatin ang Vatican na gawaran ng beatipikasyon
(at kalauna’y kanonisasyon) ang katekistang martir na napaslang sa Guam noong 1672. Sa
nirepormang proseso ng hagiolohiyang Katoliko,7 ang Arkidiyosis din ang tumayong
tagasuri at tagapagtasa sa aplikasyong ipinasa nila sa Vatican. Ito ang responsable, kung
gayon, sa hagiograpikong transpormasyon sa buhay ng santo.

16 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Tatlong (3) hagiograpikong hakbang ang mapupunang kinasangkapan ng Arkodiyosis ng


Cebu sa transpormasyon at paglikha ng banal na buhay ni Calungsod. Una, may
pagkiling, napakaselektibo, at may partikular na diin sa dramatikong kamatayan ang
pagpili sa buhay ni Calungsod. Limang (5) katekista ng misyong Heswita sa Marianas ang
napaslang ng mga Chamorro bago pa ang kamatayan ni Calungsod sa isla ng Tumon
(Mojares 2000, 44).8 Hindi kung gayon isolado at naiiba ang kamatayan ni Calungsod sa
konteksto ng karahasan sa Marianas maliban sa katotohanang: a) nasawi siya sa piling si
Fray Diego Luis de Sanvitores, b) naitala ang kanyang kamatayan (bilang bahagi ng tala sa
pamamaslang kay Sanvitores), at c) inilarawan ang kanyang pagkasawi bilang “mala-
bayani” at “klasikong halimbawa” ng kamatayan ng isa pang santong Pilipino na si San
Lorenzo Ruiz (Mojares 2000, 40-41, 44-45).

Pangalawa, ang konstruksyon ng mga kahulugan at paglalapat ng saysay sa buhay ni


Calungsod ay hindi direktang ibinatay ng Arkodiyosis sa mga katibayang historikal. Sa
kawalan ng sapat at konkretong mga katibayang historikal, ibinatay ng mga relihiyosong
tagapagsulong sa interpretasyon ng mga kilos (act), pahiwatig (gesture), at palatandaan o
senyales (sign) ang pagpapatunay na ang motibasyon ng salaring Chamorro na si
Matapang ay ang “pagkamuhi o galit nito sa Kristyanismo,” habang ang pagkasawi ni
Calungsod ay bunga ng kanyang “pagsasakripisyo para sa pananampalataya” (Mojares
2000, 47). Alinsunod sa nakalatag na panuntunan ng Vatican, kinailangang patunayan ng
Arkidiyosis na ang pamamaslang ay bunsod ng “pagkamuhi (in odium) [ng salarin] sa
Kristyanismo at mga aral nito” at ang martir (sa katauhan ni Calungsod) ay
nagsakripisyong mamatay para sa pananampalataya (pro Fide) (Mojares 2000, 46).9

At pangatlo, sadyang inilagay ng Arkidiyosis ang insidente ng pamamaslang kina


Sanvitores at Calungsod sa konteksto ng karahasan ng The Great War kung saan
maraming misyonerong Heswita at mga katuwang ang sinalakay at pinaslang bunga ng
“inggit, intriga, at pagtataksil” ng mga grupo’t indibidwal na “nagsulsol at nagpasimula ng
kaguluhan sa kapuluan.” Inilarawan si Matapang sa nalikhang naratibo bilang “marahas
at walang utang na loob” at ang mga katutubong Chamorro sa kabuuan bilang mga
“barbaro” (Mojares 2000, 43, 49). Mahusay na nabigyang-diin ni Mojares ang
oryentalistang dikotomisasyon ng naratibo:

In the Sanvitores-Calungsod story... the history of the Mariana mission is


distilled into the paradigmatic acts of a divine and timeless drama.
Foregrounded are the missionaries and their labours as instruments of God.
As divine instruments, their motives and aims are privileged, placed beyond
the pale of critical discussion. On the other hand, the Chamorro resistance to
Jesuit evangelization is depicted as the work of the devil, of Satan working
through such agents as scheming heathens, envious pagan healers, and
treacherous apostates (Mojares 2000, 49).

17 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Sa kabuuan, ang mga banal na buhay ay karaniwang nalilikha sa pamamagitan ng


arbitraryong paggawad ng institusyon ng saysay at kahulugan sa buhay ng mga
indibidwal (ang mga santo at martir bilang mga bayani ng Simbahan). Tumayong
instrumento ang hagiograpikong pananalambuhay sa pagtukoy at pagpasya kung aling
buhay ang huwaran at alin ang hindi (at kung gayo’y marhinal) (Javar 2014, 66). Sa
madaling salita, nakabatay sa mga pamantayan at layunin ng institusyon ang pagiging
makabuluhan at pagka-huwaran ng mga indibidwal.

TRADISYON NG HEROIC BIOGRAPHY


AT PAG-AKDA SA BUHAY NG MGA BAYANING POSTKOLONYAL

Mga Natatanging Indibidwal sa Kasaysayan:


Pag-akda sa Buhay ng mga Heroé at Bayani

Hindi man kasing-sigasig ng sikhay at pamamaraan ng mga relihiyoso, kinasangkapan din


ng kolonyal na estado ang namayaning tradisyon sa pananalambuhay upang ituro sa mga
katutubo ang mga “kapupuri-puri at ideyal na buhay” ng mga indibidwal na nagsakripisyo
para sa institusyon (McCoy 2000, 5). Sa pagtatanghal ng sarili nitong galeriya ng mga
huwarang buhay, niyakap ng estado ang pananaw at pamamaraan ng heroic biography—
tradisyong nakaugat sa hagiograpiya at nagsasapedestal sa mga bayani. Sinalaysay sa mga
sekular na naratibong ito ang buhay ng mga conquistador at iba pang kolonyalistang
opisyal (sibil at militar) bilang mga “modelong buhay na marapat tularan ng mga tapat at
masunuring mamamayan” (Javar 2014, 66-67).

Tulad din ng Simbahan, may malaking pangangailangan ang kolonyal na estado para sa
mga huwarang buhay na tatayong modelo at inspirasyon ng kanyang mga mamamayan.
Ngunit hindi na pananampalataya at ang dakilang tungkuling ipalaganap ito ang
pangunahing tulak-salik sa konstruksyon ng mga sekular na bayani. Sa halip, nakatuon
ang paglikha at pagsasalaysay sa mga ideyal at kahanga-hangang buhay ng ilang piling
indibidwal sa reduksyonistang paghubog sa mga “obhetong” kolonyal ng España sa bansa.
Kabilang sa mga akdang nagtatanghal (sa katunaya’y nagdadambana pa nga) sa mga
bayani ng estadong kolonyal sa Pilipinas ang aklat na Heroés de Filipinas na sinulat ng
Español na si Pio de Pazos (1888).10 Itinampok sa aklat na ito ang mahigit 60 bayaning
Español gaya ng mestizong si Don Manuel Vicos na pinapurihan ni de Pazos (1888, 74-79)
sa “kapuri-puring pagpaslang [nito] sa ‘traydor’ na si [Diego] Silang.”11

Ang mga talambuhay tulad nito’y pagpapatuloy ng pagkakait ng mga kolonyalista sa


paglahok ng taumbayan sa mga diskursong biograpikal sa Pilipinas. Una, sinulat ang mga
akda sa wika ng mga kolonyalista, wikang hindi nauunawaan at gagap ng nakararaming

18 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Pilipino. Sapagkat hindi pamilyar sa dayuhang wika (Español at Ingles), nahadlangan ang
aktibong partisipasyon ng taumbayan sa talastasan. Dahil dito, kumupas ang Pantayong
Pananaw sa pananalambuhay/pagsasakasaysayang buhay kasabay ng pagdomina ng
Pangkaming Pananaw (sa tuwing monyumentalistang tinatalakay nila sa mga katutubo
ang kanilang mga sarili) at Pangkayong Pananaw (kapag kinakausap nila ang mga
katutubo, lalo na sa oryentalistang paraan) ng mga kolonyalista.

Pangalawa, inagaw ng mga Español mula sa taumbayan ang katuturan ng mga salaysay
sapagkat hindi na nga mga Pilipino ang tinatalakay sa mga naratibo, para pa sa España at
mga adhikaing kolonyal nito sa bansa ang saysay ng buhay ng mga paksang indibidwal.
Malinaw ito sa dikotomisadong pagtingin ni de Pazos sa heroé na si Vicos at sa “traydor”
na si Silang. Sa ganitong pananaw, sinumang indibidwal na nagpamalas ng katapatan at
paglilingkod sa estadong kolonyal ay dakila’t uliran habang ang mga indibidwal (o
pangkat ng mga tao) na humamon at lumaban sa kolonyalismo ay tatawaging “kaaway.”
Binansagan sila ng mga Español bilang “tulisanes,” “erehe,” “pilibustero,” “ladrones,”
“remontados,” at iba pa. Tinawag naman silang “insurrectos,” “bandidos,” “bandits,” at iba
pa ng mga Amerikano.

Naging larangan din ng kolonyal na paggigiit sa pagpapakahulugan at paglalapat-saysay


ang heroic biography. Malinaw ito sa ayon kay Renato Constantino (1969, 6) ay “pag-
isponsor ng mga Amerikano kay Gat Jose Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas.”
Aniya (Constantino 1969, 7, 8, 9, 10, 22), kabilang sa mga dahilang ikinonsidera ng mga
Amerikano sa pagpili kay Rizal ang mga sumusunod: 1) hindi siya radikal (kumpara kay
Andres Bonifacio, 2) hindi siya nanawagan para sa kalayaan ng Pilipinas o nagsulong ng
armadong himagsikan laban sa estado, 3) si Rizal ay hindi separatista kundi repormista at
para sa asimilasyon, 4) nabibilang siya sa tamang panlipunang uri—ang uring inihahanda
ng mga dayuhan para sa lokal na liderato ng bansa, at 5) si Rizal ay tagataguyod ng
edukasyon—pangunahing instrumentong kolonyal na ginamit ng mga Amerikano sa
kolonyalismo nito sa bansa. Ibig sabihin, ang pag-isponsor ng mga Amerikano sa pagka-
pambansang bayani ni Rizal—higit sa lahat, ay para sa kapakinabangang kolonyal nila sa
bansa. Hindi lamang sa kanyang mga dakilang gawa tinitimbang at nakabatay ang
kabayanihan ng mga indibidwal kundi sa kung paano ang mga dakilang gawaing ito’y
nakaayon at pumapabor sa mga tunguhin ng nagpapakahulugan at nagbibigay-saysay
nito.

Pangatlo, pilit ding binago ng tradisyong ito ang pagkilala at pagpapakahulugan sa


konsepto ng kabayanihan. Hindi lamang ang tuon sa pagsasakasaysayang buhay (ang
mga Pilipino bilang tuon/paksa), kung gayon, ang inagaw ng kolonyalismo kundi inilayo
rin ang taumbayan mula sa katutubong pagpapakahulugan nila sa bayani at kabayanihan
na batay sa kaloobang bayan. Tatawaging “hero” at “heroé” ng mga Kanluraning biograpo,
ang mga dakila at malalaking tao sa kasaysayan ang eksklusibong tuon ng mga nabuong

19 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

naratibong biograpikal sa bansa sa panahon ng kolonyalismo. Tatagos pa nga ang


impluwensya ng tradisyong ito hanggang sa lumaya ang bansa mula sa kamay ng mga
dayuhan.

Dala-dala ng kolonyal na tradisyong ito ang ideya sa pananalambuhay na may ilang piling
indibidwal sa kasaysayan ang may pambihirang kakayahang baguhin ang takbo ng mga
pangyayari sa lipunan. Diin ni Thomas Carlyle (1841, 15)—ang tanyag na “glorifier of Great
Men” at pangunahing “hero-worshipper” ng kanyang panahon, “ang kasaysayan ay
kabuuan ng pinagsama-samang talambuhay ng mga bayani at dakilang tao sa mundo.”
Para sa kanya (Carlyle 1841, 5), ang mga dakilang tao sa kasaysayan ay mga pambihirang
indibidwal na “tagahubog at tagapagpagalaw sa lahat ng nakabalangkas na gawain at
mithiin ng sanlibutan” at ang lahat ng katuparan ng mga mortal na pangarap at adhikain
sa mundo ay “bunga ng pagsasadiwa at pagtupad ng kaisipan” ng mga dakilang tao. 12 Ang
mga indibidwal na ito para sa sanlibutan, dagdag niya (Carlyle 1841, 15), “ay tulad ng
kidlat” na “kung wala, ang gatong ay hindi mag-aapoy.” Kahawig nito ang pananaw ng
iba pang tradisyunal na mga biograpo tulad nina Sidney Lee (1911, 1918) na nagbigay-diin
sa mga talang anekdotal ng ilang indibidwal “na eksklusibong nakaapekto sa pagkilos ng
sanlibutan” at William Thayer (1920) na nagtampok sa kung paano hinubog at inaakay ng
ilang indibidwal—“mga puwersang higit na misteryoso kaysa elektrisidad”—ang
kabuuang pagkilos ng lipunan (Garraty 1957, 5-6). Samakatwid, tinitingnan ang mga
hero/heroé bilang nangingibabaw at mas mataas—at kung gayon ay hiwalay—sa
karaniwang taumbayan.

Pinuna na ni Constantino (1975) ang ganitong elitistang punto-de-bista sa


pagsasakasaysayang nagsasantabi sa mga di-napapangalanang masa at sa mahahalagang
papel nila sa lipunan. Binigyang-diin niya (Constantino 1975, 5) ang halaga ng
kolektibong pagkilos ng taumbayan sa paglikha at pagpapagalaw ng mga prosesong
panlipunan. Hindi kung gayon dapat ituring na tila walang-halaga ang taumbayan sa
paggawa ng kasaysayan at para bang hiwalay sila sa mga dakilang taong pinaniniwalang
“tanging” tagagawa nito. Sa halip, mga aktibong katuwang sila sa paggawa ng kasaysayan.
Sa madaling salita, walang monopolyo sa kagitingan ang malalaki at makapangyarihang
indibidwal at walang makauring hangganan ang pagpapamalas ng kabayanihan.
Ipinaalala sa atin ni Zeus Salazar (1997, 1, 3-4) na tumutukoy ang kabayanihan sa mga
katangiang taglay ng isang taong “nakatuon ang diwa at gawa sa pagpapanatili,
pagpapatatag, pagtatanggol o muling pagtatatag sa kabuuang kinabibilangan.” Hindi ang
akses at/o kontrol ng isang tao sa kapangyarihan ang batayan ng pagiging bayani kundi
ang pag-iisip at pagkilos niya para sa kapakanan at ikabubuti ng kanyang bayan.

Kaya nga masigasig ang Kasaysayang Buhay sa pagbasag sa makauring hangganan sa pag-
akda ng mga indibidwal na buhay. Nakaugat ang pananaw nito hinggil sa kabayanihan sa
mga batayang katangian ng mga uring mandirigma ng mga prekolonyal at katutubong

20 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

pamayanan—mga bayani at wani sa lipunang Tagalog, bagani ng mga Bagobo, at banwar


ng mga Ilokano (Salazar 1997, 3). Ang mga mandirigmang ito ang mga tagapagtanggol ng
pamayanan laban sa mga kaaway at tagapagpanatili ng kapayapaan at kaayusan sa
lipunan (Nolasco 1997, 14; Bauzon 1997, 54; Salazar 1997, 4).13 Para sa bayan (ili, bangsa,
banwa) at sa kolektibong kapakanan ng taumbayan ang pakikipaglaban ng mga
mandirigmang ito. Kaya nga sa bayan din nagmumula ang marapat na pagkilala sa
kanilang bilang mga bayani. Nakaugat, umiinog, at para sa bayan ang mga aksyon ng
mga bayani at ang kabuuang diwa ng kabayanihan at hindi hiwalay sa bayan at
taumbayan.

Sa ganitong mga dahilan nakaugat ang pundamental na pagkakaiba ng mga heroé sa mga
bayani. Pagsapit ng dantaon 19, ayon kay Salazar (1997, 28), bahagi ng pagbubuong anti-
kolonyal sa kapuluan ang pagtayo ng estadong bayan at pagsulpot ng ideya ng nación.
Nakaugat ang una sa kasaysayan at kalinangang Pilipino habang ang huli’y bunga ng mga
ideyang inangkat, sa kabalintunaan, mula sa kabuuran mismo ng Madre España. Ang
mga indibidwal na anakbayan na nagsulong para sa paglaya at pagtayo ng Inang Bayan
mula sa kolonyalismo ay silang mga bayani sapagkat kumilos sila para sa bayan—mga
taong nagpamalas ng kabayanihan sa pamamagitan ng himagsikan para sa bayan. Nasa
kabilang dako naman ang mga ilustradong burgis na bagama’t anti-kolonyal ang naging
pagkilos ay para naman sa pagbubuo ng isang entidad na hiwalay ngunit di-naiiba sa
Madre España. Tatawagin silang mga heroé, mga indibidwal na gumawa ng heroismo sa
pamamagitan ng rebolusyon/revolución para sa nación (Salazar 1997, 28-29, 31-34).

Mula sa pananaw hanggang asta, may pagkakaiba ang mga heroé (at hero nina Carlyle) sa
mga bayani ng bayan. Ang kilos ng una, ayon kay Salazar (1997, 36), ay nakasalig sa
indibidwalismo at ang preokupasyon nito’y ang sariling persona kung kaya’t sa mga
monumento nito’y pinatatayo ng nag-iisa. Ang kalooban at pagkilos ng mga bayani, sa
kabilang dako, ay nakatuon sa pagpapaibayo ng kolektibong interes kung kaya’t madalas
ipinakita sa mga bantayog na kasama ang taumbayan. Mahusay na halimbawa nito ang
mga bantayog ni Bonifacio, lalo na iyong nasa Kalookan, na “ipinakikitang kasama ng
kanyang mga kapatid sa-Inang-Bayan” (Salazar 1997, 36).

Postkolonyal na Pangangailangan para sa mga Bayani:


Ilang Historiograpikong Usapin

Tumagos hanggang panahong postkolonyal ang impluwensya ng tambalang tradisyon ng


hagiograpiya at heroic biography. Naging instrumento ang pananalambuhay sa pag-akda
ng mga heroikong buhay para sa postkolonyal na pagbubuo ng nación. Sa kabalintunaan,
bagama’t para sa adhikaing postkolonyal, nanatiling kolonyal sa pananaw at pamamaraan
ang partikular na landas na ito ng pananalambuhay sa bansa. Nabigo itong kumalas sa

21 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

elitistang punto-de-bista sapagkat malalaking tao (mayayaman at makapangyarihan) pa


rin ang eksklusibong tuon ng pagsasalaysay. Dagdag pa, nanatiling heroé ang tingin at
trato sa mga paksang indibidwal. Ipinakita silang tila hiwalay at mas mataas sa
taumbayan at ibinida sa mga salaysay ang kanilang papel sa pagsasakatapuran sa mga
tunguhing pang-nación. Kapansin-pansin ito, lalo na sa mga nasulat na talambuhay ng
mga pambansang lider na nakipagsabwatan sa mga Amerikano sa panahon ng
Komonwelt at neokolonyalismo (pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig) sa bansa
(Javar 2015).

Tulad ng ibang bagong-layang kolonya sa mundo, nakatuon ang pag-akda sa talambuhay


ng mga bayaning postkolonyal sa Pilipinas sa pagtatatag ng nasyon/nación at paghahanap
ng pambansang pagkakakilanlan o identidad pagkaraan ng kolonyalismo (Garraty 1957,
126, 145; McCoy 2000, 3; Javar 2014, 66-67). Ayon kay Alfred McCoy (2000, 9), nang
lumaya, kinailangan ng Pilipinas ng mga simbolong makapagbibigay-inspirasyon sa
taumbayan, makapagpapatatag sa kaloobang moral ng bansa, at tatayong sagisag ng
pambansang pagkakakilanlan. Bahagdang tugon sa pangangailangang ito ang
maramihang pag-akda sa mga kapuri-puri at huwarang buhay ng mga postkolonyal na
bayani. Ganito ang sabi ni Bonifacio Salamanca (1993) sa gampanin ng postkolonyal na
heroic biography sa pagtatatag ng nasyon/nación:

As a people desperately in search of an identity and whose unity since 1946


has been constantly beleaguered by seemingly insurmountable problems of
national integration... we Filipinos need symbols of national identification to
help strengthen our sense of nationhood. Hence, our preoccupation with
centennials, highlighted by the publication of biographies... [that] are an
important integral part of Philippine historiographical literature (McCoy
2000, 9).

Kaya nga kapansin-pansin ang dramatikong pagtaas ng bilang ng nasulat na mga


talambuhay sa panahong nasa kasagsagan ng pambansang rekonstruksyon ang Pilipinas:
1) sa panahon ng Komonwelt nang bigyan ng Estados Unidos ng limitadong awtonomiya
ang bansa tungo sa ipinangakong kalayaan nito sa mga Pilipino, at 2) pagkaraan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang lumaya ang bansa mula sa pananakop ng mga
Hapones (at kalauna’y mula sa kamay ng mga Amerikano) noong 1946 (McCoy 2000, 8,
9). Sapagkat naghahatid-inspirasyon sa taumbayang binatbat ng dantaong kolonyalismo,
tumayong susing-elemento ang heroic biography sa mga pagpupunyagi ng bansa na
makabangon mula sa epekto ng kolonyalismo at ang mga heroikong talambuhay na ito’y
naging gulugod sa nabuong pambansang naratibo (McCoy 2000, 7-8).

Hindi nakaligtas, gayumpaman, ang nasyonalistang oryentasyon ng heroic biography sa


mga historiograpikong kahinaan at pagkukulang. Halimbawa, pinuna ni McCoy (2000,

22 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

10) ang selektibong pagtalakay ni Gregorio Zaide (1970) sa buhay ni Juan Luna. Bagama’t
binanggit niya ang pagpapakasal ni Luna sa “masayahing si Paz Pardo de Tavera” sa Paris,
pinipi naman nito sa talambuhay ang mahalagang detalye ng pagpaslang ng pintor sa
sariling asawa at biyenang babae nito (McCoy 2000, 10; Javar 2014, 67). Sa paglalarawan
ni Zaide (1970) kay Luna bilang “tulad ng mala-pilak na kinang ng mga bituin sa madilim
na gabing tropikal,” hindi nakapagtatakang isantabi nito ang mga biograpikong detalyeng
salungat sa dapat taglayin ng isang huwaran at inspirasyon. “Their achievements, which
garlanded them with the mantle of greatness,” pagdadambana ni Zaide (1970) sa mga
pambansang bayani, “are now cherished memories of the nation” (Zaide 1970, iii, 278;
McCoy 2000, 9-10).

Maging ang dating National Historical Institute (NHI) sa inilathala nitong 5-tomong
Filipinos in History, sa pagsusuri ni McCoy (2000, 14), ay “nagkasala” sa pagtrato nito sa
mga bayani bilang mga “indibidwal na di-saklaw ng kritisismo” at “ligtas sa anumang
negatibong puna.” Partikular na pinuna niya ang kapuna-punang pagbura o omisyon ng
NHI sa mga negatibong detalye sa buhay ng ilan sa mga bayaning itinampok sa nasabing
aklat. Halimbawa, sinalangguhitan dito ang katapangan at katanyagan ni Fred Ruiz
Castro, ang Punong Mahistrado ng Korte Suprema sa panahon ng Batas Militar. Pinipi’t
ikinubli, gayumpaman, ang katotohanang isa si Castro sa mga crony ni Marcos at siyang
nanguna sa pagharang sa bawat tangkang kwestyunin ang legalidad ng mapaniil na
Presidential Decree 1081 (McCoy 2000, 14; Javar 2014, 67).

Hindi ito naiiba sa rebisyunistang pamamaraan ng mga opisyal na biograpong umakda sa


talambuhay ni Manuel Quezon. Upang makapagbanggit ng ilan, nariyan sina Isabelo
Caballero at Marcelo Concepcion (1935), Solomon Gwekoh (1939; 1948), Hiyoshi Enosawa
(1940), Zoilo Galang at Guadalupe Estrada (1949), Galang (1967), Elinor Goettel (1970),
Francisco Corral (w.tn.), at Beljun Caballero (2006). Napatunayan ng aking disertasyon
(Javar 2015) at naunang artikulo hinggil dito (Javar 2014) ang sadya at sistematikong
paglikha kay Quezon sa balangkas ng heroic biography at diwa ng hagiograpiya. Ang
pangkalahatang layuni’y gawing instrumento ang manipulado at retokadong talambuhay
ni Quezon na mabigyan ng mga kahanga-hangang naratibo ang taumbayan sa mga
panahong kailangan nila ng inspirasyon at huwaran. Ginamit din ito para isulong ang
mga personal na motibong pulitikal ng pinaksang indibidwal (Javar 2014; Javar 2015).

Kabilang sa mga detalyeng binaluktot ng kanyang mga biograpo ang estadong


pangkabuhayan ng pamilyang Quezon. Pinalabas si Quezon bilang “batang mahirap na
naging Pangulo,” upang ipakitang siya ay 1) nagmula sa kahirapan, 2) makamasa, at 3)
epitomiya ng pagsisikap—imaheng mapakikinabangan niya sa panahon ng mga halalan
(Javar 2014, 33-34; Javar 2015, 37-42).14 Sistematiko ring binura sa kanyang talambuhay
ang mga detalyeng kukwestyon sa nasyonalismo ni Quezon, lalo na sa panahon ng
Himagsikan ng 1896. Kasama rito ang pagtalikod niya sa himagsikan at balintunang

23 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

paglilingkod sa Batallon Leales Voluntarios de Manila—pangkat sibilyang pro-España na


lumaban sa mga Pilipinong rebolusyonaryo para idepensa ang soberanyang Español sa
Pilipinas (Javar 2014, 37-39; Javar 2015, 64-69). Tinangka namang bigyang-katwiran ang
pagtanggi ni Quezon na umanib sa Katipunan sa pamamagitan ng isang salaysay hinggil
sa isang diumano’y insidenteng naganap sa Baler. Napatunayan ng aking mga pag-aaral
(Javar 2014, 35-37; Javar 2015, 64, 68, 77) ang mga detalye ng nasabing insidente bilang
kwestyunable at anakronista.

Minanipula at binaluktot din ng kanyang mga biograpo ang mga detalye hinggil sa
malalim na kolaborasyon ng pamilyang Quezon sa mga kolonyalistang Español maging sa
kasagsagan ng himagsikan. Pilit pinagtakpan ang katotohanang kapwa pinaslang ng mga
Pilipinong manghihimagsik ang kanyang amang si Lucio at nakababatang kapatid na si
Pedro bunga ng pakikipagsabwatan nila sa mga dayuhang kaaway (Javar 2014, 198; Javar
2015, 46-52). Magkakaibang antas ng pagretoke naman ang inilapat sa imahen ni Quezon
bilang sundalo sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Sa kabila ng pagiging
duwag, kawalang kakayahan sa pakikipaglaban at mababaw na komitment sa
himagsikan—mga detalyeng inamin mismo ni Quezon sa kanyang awtobiograpiya (1946),
itinanghal siya ng kanyang mga biograpo bilang “matapang, mahusay sa pakikidigma, at
kawal na hindi susuko sa mga kalaban” (Javar 2014, 39-46; Javar 2015, 69-76).

Binura rin sa mga salaysay ang iba pang kontrobersyal na detalye hinggil kay Quezon
tulad ng naunang pagpapakasal niya sa isang dalagang taga-Bagac, Bataan noong 1900—
labinwalong taon bago pa siya muling magpakasal kay Aurora Aragon sa Hongkong
noong 1918. Kasabay nito ang pagpipi sa kaugnay na mga detalye ng kanyang
pagkababaero maging noong kasal na sila ng Unang Ginang (Javar 2014, 51-54; Javar 2015,
128-144).

MGA HAMON SA PAGSASAKASAYSAYANG BUHAY SA PILIPINAS

Pagbibigay-tinig at Puwang sa mga Piniping Salaysay

Bagama’t may mga pagtatangka na rin ang mga historyador na sumulong mula sa isang
balangkas na higit na may makamasang oryentasyon, malakas pa rin ang impluwensya
tungo sa mga pag-aaral sa buhay ng malalaking tao at ng kanilang mga artikulasyon.
Mula pa sa pinakamaagang anyo nito, pangunahing batayan na sa pagpili ng mga
indibidwal na papaksain ang kanilang katanyagan sa lipunan na karaniwang nakakawing
sa kapangyarihan, uri, at yaman. Tampok sa napakaraming akda ang buhay ng mga
prominenteng tao sa pulitika, agham, negosyo, pakikidigma, at iba pang larangan. Samu’t
saring akda ang nagsasalaysay sa personal at pulitikal na buhay ng mga tanyag,

24 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

mayayaman, at makapangyarihan na tila ba monopolyo lamang ng mga taong ito ang


paggawa ng kasaysayan.

Sa kasamaang-palad, nakakaligtaan at madalas mabigyan ng maling interpretasyon ang


lalim at kalikasan ng pakikisangkot ng masa sa ating kasaysayan sapagkat naiiwang
nakatiwangwang ang kanilang mga salaysay. Katulad ng di-miminsang pagbibigay-diin
ng artikulong ito, ang partisipasyon ng taumbayan sa mga diskursong biograpikal sa
bansa ang pangunahing naapektuhan sa sistematikong pagbura at/o pagpapalabnaw ng
kolonyalismo sa makamasa at maka-Pilipinong katutubong sistema ng
pagsasakasaysayang buhay. Kaya nga kasama sa mga layunin ng Kasaysayang Buhay ang
paghulagpos mula sa mga dominanteng tradisyong ito upang maibalik ang nilalayong
talastasang bayan sa taumbayan at muling maiugat sa bayan ang saysay at katuturan ng
mga salaysay. Sa ganitong paraan, kabahagi nang muli ang mga Pilipino—lalo na ang
masa, sa pagtalakay sa sariling kasaysayan. Binibigyang-kapangyarihan muli ang
taumbayan sa pag-aaral at pagtuklas ng kanyang sarili.

Pangunahing hakbang tungo sa landas na ito ang pagpapanibagong-tuon sa mga buhay


na papaksain. Nakatuon ang pagsasalaysay sa pagbibigay-tinig at puwang sa mga
karaniwang buhay na sa mahabang panaho’y naisantabi’t napagkaitan ng tuon at espasyo
sa mga salaysay. Ang mga nawawalang salaysay nila ang tinagurian ni Ileto (1985) bilang
mga piniping bahagi ng nakaraan o “silences of history.” Tatawagin ni Teresita Maceda
(1996) ang mga salaysay na ito, sa kanyang pag-aaral hinggil sa mga awit ng rebolusyon,
bilang mga tinig mula sa ibaba. Ginamit naman ni McCoy (2000) ang mga buhay sa
kaligiran o mga naisantabing buhay o “lives at the margin” upang tukuyin ang mga
indibidwal na hindi nabibigyang-puwang sa pagsasakasaysayan. Para kay Constantino
(1975), ang masang binabalewala ngunit mahahalagang aktor ng kasaysayan ay mga mga
walang boses/tinig sa kasaysayan o “inarticulate in history.”

Bagama’t hindi umaangkop sa mga batayan o criteria ng heroikong tradisyon ang


Kasaysayang Buhay ng masa (McCoy 2000, 2), ang pagbibigay-tinig sa kanilang salaysay
ay tutugon sa di-kumpleto o kulang at baluktot na larawan ng lipunan bunga ng mga
limitasyon at kakulangan ng elitistang pananaw ng tradisyunal na pananalambuhay
(Constantino 1975, 7). Sa paghakbang palabas ng nagdodominang tradisyon,
nabibigyang-pansin ang mga bagong paksa at nahahasa ang mga multidisiplinaryang
metodo ng pagsasakasaysayan (McCoy 2000, 1). Nabibigyang-halaga rin ang marapat na
pagtingin at pagdama sa kasaysayan ayon sa pananaw at persepsyon mula sa ibaba
(Maceda 1996, 13).

Ang malaking hamon, kung gayon, sa mga historyador at mangangasaysayang-buhay ay


isalaysay—ng may malalim na interes at pantay na sigasig—ang mga ordinaryong buhay,
na bagama’t hindi kasing tanyag at makapangyarihan ng malalaking tao sa kasaysayan, ay

25 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

may mahalaga namang papel sa paglikha ng kasaysayan at sa pagpapainog sa mga


prosesong panlipunan. Sa ganitong pananaw nakasalig ang saysay ng artikulo ni Jose
Mathew Luga na may titulong “Mga Kuwento ni Lolo’t Lola: Pang-araw-araw na
Buhay sa Baguio Noong Panahon ng Hapon (1941-1945).” Tinalakay niya rito ang
magkakaibang karanasan ng ilang matatandang residente ng lunsod, na sa panahon ng
kanilang kabataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay naging saksi sa kalagayang
panlipunan ng Baguio sa ilalim ng pananakop ng mga Hapones. Tulad ng naisakatuparan
ni Fajardo, tumutugon ang pananaw at pamamaraan ni Luga sa pangangailangang
palitawin sa mga salaysay ang mga ordinaryo/karaniwang kuwentong buhay na
nakapaloob sa mga pang-araw-araw na karanasan ng mga indibidwal (Aquino 1999, 89;
Navarro 2003, 3-4).

Panibagong anggulo rin ng kasaysayan ang ipinakita ng nasabing artikulo. Karaniwan


nang tuon sa mga naratibo hinggil sa mga digmaan ang buhay at kagitingan ng mga
heneral at matataas na opisyal ng magkabilang hukbo. Sa pagtutuon sa buhay ng
kanyang mga pinaksang indibidwal, dinala ni Luga ang ating pansin sa buhay at
karanasan ng mga sibilyan sa panahon ng digmaan. At mula sa paghahabi sa magkakaiba
ngunit magkakaugnay na mga karanasang ito bilang isang naratibo, nakabuo siya ng
isang larawan ng ilang aspekto ng buhay sa lunsod sa panahon ng digmaan. Pinatunayan
ng kanyang artikulo, kung gayon, na ang buhay ng mga indibidwal ay tumatayong
durungawan din ng kasaysayan at kalinangan ng isang lipunan.

Pinatunayan din ng kanyang saliksik ang pantay na halaga ng pasalitang kasaysayang


pasalita bilang batis pangkasaysayan. Sa pangkalahatang iskema kasi ng tradisyunal na
pagsulat ng kasaysayan, winalang-halaga ng positibistang tradisyon ang mga di-
nakatalang detalye ng nakaraan. Ibinasura ng ganitong pananaw ang mga pasalitang
tradisyon tulad ng mga kuwentong bayan kung kaya’t ang mga salaysay ng pagpupunyagi
ng taumbayan, ani Maceda (1996, 7), ay “naiwang nakatiwangwang ng mga historyador
sapagkat hindi naisulat ng masa.” Sa pamamagitan ng paggamit sa mga kuwentong bayan
ng kanyang mga impormante, ang artikulo ni Luga ay hindi lamang makamasa sa tuon
(mga pinaksang indibidwal) at pananaw (aspektong pinag-aralan) kundi maging sa
pamamaraan rin (uri ng mga batis at kabuuang dulog sa pananaliksik).

Silang mga Naisasantabi’t Nasa Kaligiran

Bukod sa uri, salik din ang kasarian sa marhinalisasyon ng mga ordinaryong buhay. Isa sa
mga kapansin-pansing katangian ng mga unang heroikong talambuhay na nalathala sa
bansa ang napakatagibang porsyento ng bilang ng mga lalaki at babaeng pinapaksa sa
mga biograpikong naratibo. Kalimitang tampok sa mga lathalaing ito ang mga lalaking
Pilipino na nagpamalas ng heroismo at kagitingan. Ilang halimbawa sa ganitong mga

26 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

lathalain sa Pilipinas ang The Representative Men of the Philippines na pinamatnugutan ni


Frank Jackson (1906); Directorio Biobliográfico Filipino na nilimbag ng Imprenta y
Litografia Germania (1908) Builders of Nation: A Series of Biographical Sketches ni Morilla
Morton (1914); Talambuhay ng mga Bayani: Para sa mga Mag-aaral ni Rene Ruiz (1914);
dalawang tomo ng Galeria de Filipinos Ilustres ni Manuel Artigas (1917; 1918); Men of the
Philippines: A Biographical Record of Men of Substantial Achievement in the Philippine
Islands ni George Nellist (1931); Industrious Men ni Ignacio Villamor (1932); Pre-War
Encyclopaedic Directory of the Philippine ni M.R. Cornejo (1939); Dictionary of Philippine
Biography ni E. Arsenio Manuel (1955); The Character of our Heroes in Anecdotes ni Leo
Agaton (1962); at Great Filipinos in History: An Epic of Filipino Greatness in War and Peace
ni Zaide (1970).15

Nawawala sa mga pahina ng mga lathalaing ito ang mga babae at mga salaysay ng
kanilang kabayanihan. Sa 2,624 pahinang aklat ni Nellist (1931), halimbawa, wala ni isang
babae ang nabanggit o nabigyang-puwang sa mga salaysay. Samantala, 14 lamang sa
mahigit 100 paksang indibidwal ng aklat ni Zaide (1970) ang mga babae. Karamihan pa
nga sa napakalimitado nilang bilang ay napasama sa aklat bunga ng kanilang pagiging
asawa o ina ng mga lalaking bayani ng bansa.16 Maging sa Leaders of the Philippines:
Inspiring Biographies of Successful Men and Women of the Philippines ni Galang (1932) at
Women in the Philippine Revolution ni Rafaelita Soriano (1995) ay balintunang nakakabit
pa rin sa mga heroikong tagumpay at gawain ng mga lalaki ang antas ng kabayanihan ng
mga babae. “Of the thirty women featured,” komento ni McCoy (2000, 14) sa aklat ni
Soriano, “sixteen are included simply because they were related by blood or marriage to
male revolutionary leaders.” Halimbawa, lima (5) sa kababaihang napabilang sa aklat ay
bunga ng kanilang kaugnayan kay Jose Rizal—ang kanyang ina, maybahay, dalawang
kapatid na babae, at isang pamangkin (McCoy 2000, 14).

Sa ganitong konteksto, mapagpalaya at napakahalaga ng mga paunang akdang pumaksa


sa kababaihan. Kabilang sa mga napakalimitadong bilang nito ang akda ni Maita Gomez
(1997) hinggil sa pakikibaka ni Ma. Lorena Barros sa panahon ng diktadurang Marcos; ni
Shiela Coronel (2000) tungkol sa mga karanasan ni Ma. Rosa Henson sa panahon ng
digmaan; ni Lanzona (2000) hinggil sa pagbabanyuhay ng rebolusyonaryong buhay ni
Celia Mariano-Pomeroy; ni Francis Gealogo (2013) sa mga papel ni Gregoria de Jesus sa
himagsikan; at ni Benedict Kerkvliet (2000) hinggil sa “subersibong” buhay ni Manuela de
Maclang. Napakalaking hakbang din tungo sa pagpapalaya sa kababaihan mula sa
sexistang historiograpiya ang mga artikulo nina Atoy Navarro at Elumbre (2014) at
Reguindin-Estella (2014) nang paksain at isulat nila sa dulog at pananaw ng Kasaysayang
Buhay ang buhay nina Espiridiona “Nonay” Bonifacio at Trinidad Tecson, ayon sa
pagkakasunod-sunod. Hindi lamang nila sinagip mula sa pagkalimot ang natatanging
ambag nina Bonifacio at Tecson sa Himagsikang Pilipino kundi pinalaya rin ang mga
bayaning ito mula sa “tradisyunal” na papel ng kababaihan sa lipunan at sa puwang nila sa

27 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

mga salaysay. Partikular ding mahalaga para sa mga tunguhin ng Kasaysayang Buhay
ang talambuhay ni Imelda Marcos na sinulat ni Carmen Pedrosa (1969a; 1969b). Bukod
kasi sa pumaksa ito ng buhay ng babae, nagsiwalat din ang kanyang kontrobersyal na
akda sa mga detalyeng biograpikal ng dating Unang Ginang na pilit binura at/o nilinis at
pinabango sa mga opisyal na talambuhay nito.17

Kabilang din sa mga marhinalisadong paksa sa tradisyunal na pananalambuhay ang


buhay at pakikibaka ng mga bayaning anti-estado. Sila ang mga taong humakbang tungo
sa pagbabago, isang bagay na tinitingnan ng mga naghahari at may kontrol sa
kapangyarihan bilang paglaban sa namamayaning kaayusan. Sa mahabang kurso ng
kasaysayang Pilipino, ang pakikibaka at paghamon ng mga tulad nila sa nangingibabaw
na sistema ay itinuring na “subersyon”, “insureksyon”, at iba pang “kontra-pamahalaang
pagkilos” bilang kabayaran sa pagtanggi nilang sumunod na lamang sa idinidikta ng huli.
Kasabay nito ang pagbansag sa kanila bilang mga “erehe,” “pilibustero,” “ladron,”
“tulisan,” “remontado,” “bandido,” at “rebelde” (Javar 2006, 41-42). Bunga nito, nagkaroon
ng maling pakahulugan ang mga unang paghihimagsik sa panahon ng kolonyalismong
Español bilang mga “panatikong pagkilos ng mangmang na masa,” ang mga pagkilos
laban sa pananakop ng mga Amerikano ay tinaguriang “insureksyon” at ang mga bayani
nito bilang “mga tulisan at kriminal” (Maceda 1996, 4).

Sa arbitraryong pagpapakahulugang kolonyal, ang “tamang” sistema ang siyang


nagbabansag sa mga “maling” indibidwal. Pinatunayan na ito ng mga Amerikanong
nagbansag sa mga tulad ni Macario Sakay, Luciano San Miguel, at Julian Montalan bilang
mga “tulisan at bandido.” Binaluktot at minanipula ng mga dayuhan ang imahen sa
publiko ng mga bayaning anti-estado at anti-kolonyal. Nalikha sa pagretokeng ito ang
imahen ng mga indibidwal na ito bilang “tagahasik ng kaguluhan, manggagahasa, at
manununog ng mga kabahayan.” Tinawag silang “outlawed guerrilla” at ang kanilang
makabayang pagpupunyagi laban sa kolonyalismo—batay sa mga probisyon ng
mapanupil na Brigandage Act (1902)—ay tinaguring “bandolerismo” o “panunulisan.” Sa
ganitong paraan, minaliit ang mga layunin at batayang ideolohikal ng kanilang pagkilos.
Higit sa lahat, ipinagkait sa kanila ang nararapat at wastong puwang nila sa kasaysayang
Pilipino.

Sa panahon ng estadong postkolonyal, ang mga lumahok sa mga popular na kilusang


masa ay prinopaganda bilang kilusan ng mga “misguided element,” “public enemy,”
“lawless element,” “walang diyos na komunista,” at iba pa. Halimbawa, bagama’t ang
ipinakitang paninindigan at oposisyon laban sa proyektong saplad ng diktadurang Marcos
sa ilog Chico ay nakasandig sa depensa ng kanilang buhay at katutubong kalinangan,
sapat na ang ginawang paglaban nina Dulag at mga kasama upang uriin ang kanilang
pakikibaka bilang “anti-estado” sapagkat madalas pinangangahulugan na ang paglaban sa
proyekto nito ay paglaban na rin sa pamahalaan. Sa hindi mabilang na pagkakataon, pilit

28 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

silang iniugnay sa maka-kaliwang puwersa upang bigyang-katwiran ang marahas na mga


operasyong militar sa kanilang mga pamayanan (Javar 2006). Tila ba isang pagkakasala
ang magtaglay ng paninindigang taliwas sa isinusulong ng naghaharing sistema.

Marami sa mga bayaning anti-estado ng bayan—mula kina Bankaw at Tapar hanggang sa


mga desaparecidos sa panahon ng diktadurang Marcos—ang naibaon na sa limot kasama
ng kanilang kabayanihan bunga ng ganitong trato at pananaw. “Kasaysayan ang
nagparusa sa kanila sa ganitong kabiguan. Ang ilan ay tanyag at napabantog,” ani McCoy
(2000, 2), “ngunit karamiha’y naibaon na sa limot.” Ang mga salaysay ng mga anti-
kolonyal/imperyal at anti-estadong pagkilos ng taumbayan, sapagkat nagsusulong ng
nasyonalismo’t pagbabago, ay pilit “inililibing sa gunita” ng dominanteng naratibo (Rafael
2012, ix).

Matutugunan ang tahasang pagsasantabi sa kasaysayan sa mga bayaning anti-estado sa


pamamagitan ng pagsusumikap na bigyang-pansin at puwang ang nahihimbing na
salaysay ng kanilang mga buhay. Mahusay na halimbawa ng mga lathalaing tumatahak sa
ganitong landas ang akdang Mga Daluyong, Mga Unos: Sa Panahon ni Rolando Olalia” ni
Reyes (1989); Bandoleros: Outlawed Guerillas of the Philippine-American War, 1903-1907 ni
Orlino Ochosa (2000); Romancing a Revolutionary: The Life of Celia Mariano-Pomeroy ni
Lanzona (2000)18; Subversive Lives: A Family Memoir of the Marcos Years nina Susan
Quimpo at Nathan Gilbert Quimpo (2012); Ka Bel: The Life and Struggle of Crispin Beltran
ni Ina Alleco Silverio (2010); at RECCA: From Diliman to the Cordilleras ni Judy Taguiwalo
(2015).

Maihahanay sa mga ito ang Macli-ing Dulag: Kalinga Chief, Defender of the Cordillera ni
Ma. Ceres Doyo (2015). Sa aking rebyu na may pamagat na “Ti Daga Ket Biag: Buhay at
Pakikibaka ni Macli-ing Dulag” tungkol sa nasabing aklat, sinalangguhitan ko ang
kapuri-puring pagsagip ni Doyo (2015) sa buhay ni Dulag mula sa karimlan ng
pagkalimot, marhinalisasyon, at pagsasawalang-halaga ng tradisyunal na
pananalambuhay. Tatlong magkakaugnay na salik ang nagsadlak kay Dulag sa bingit ng
pagsasantabi sa kasaysayan. Una, bahagi siya ng pangkat-etnikong itinuturing ng lipunan
bilang “minorya.” Sila ang mga pamayanang lumaban sa kolonyalismo at tumangging
magpasailalim sa mga dayuhan kung kaya’t inihiwalay sa mga binyagang populasyon na
sila namang tataguriang “mayorya.” Sa etnosentrikong pananaw ng huli, ang mga
katutubong Kalinga tulad ni Dulag ay tinitingnan at tinatrato bilang “mas mababang uri”
at “nanganganinong mamamayan” kung kaya’t “walang puwang sa pansin ng nakararami.”
Pangalawa, nasa kabilang panig ang maralita at di-nakapag-aral na si Dulag sa makauring
hangganan sa pagkilala sa papel ng masa sa kasaysayan. Hindi umaakma ang kanyang
buhay sa mga batayang itinakda ng tradisyunal na pananalambuhay na nakakiling sa
katanyagan, kapangyarihan at yaman. At pangatlo, kabilang siya sa mahabang talaan ng
mga bayaning anti-estadong humamon sa namamayaning sistema. Sa ganitong

29 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

pagkakasadlak sinagip ng akda ni Doyo (2015) ang magiting na salaysay ng buhay ni


Dulag.

Sa pagpapalaya rin sa batang pinuno ng Macabebe mula sa pagkawaglit sa mga tala ng


nakaraan nakatuon ang rebyu ni John Lee Candelaria na may pamagat na “Ang
Pungsalang ng Macabebe, Bayani ng Bangkusay: Pagpupugay, Pagkilala, at
Pagtatama ng Kasaysayan.” Ipinakita ni Candelaria sa kanyang rebyu ang pagwawasto
ni Ian Alfonso (2016) sa mga salaysay hinggil sa makasaysayang Labanan sa Bangkusay.
Ayon kasi sa nakagisnang mga salaysay na mauugat sa maling interpretasyon ng akdang
Articulos Varios ni Isabelo delos Reyes, kinikilala ang paglaban nina Rajah Sulayman at
Lakandula, kasama ang mga mandirigma mula Macabebe at Hagonoy, sa mga Español.
Lumabas gayumpaman sa muling pagsuri ni Alfonso sa mga batis hinggil rito na hindi si
Rajah Sulayman ng Maynila kundi ang bata at di-napangalanang Pungsalang ng
Macabebe ang bayaning namatay sa labanan at kung gayon ang “unang Pilipinong lider
na napatay para sa kalayaan.” Sa pagwawastong ito sa nakagisnan nang naratibo hinggil
sa labanan, hindi lamang ang pagkakamali sa pagsasakasaysayan sa nasabing labanan ang
naituwid ng akda kundi naghawan din ito ng landas tungo sa pag-aaral (pagbibigay-
pansin, halaga, at pugay) sa isang marhinal o naisantabing buhay. Sa ganitong paraan,
nabigyan ni Alfonso (2016) ng nararapat na pagkilala at pagpupugay ang kabayanihang
ipinamalas ng Pungsalang ng Macabebe at kanyang mga kasama sa Bangkusay.

Pulitika ng Pananalambuhay at Banta ng Rebisyunismong Biograpikal

Malaon nang napatunayan sa kasaysayan ang bisang pulitikal ng pananalambuhay. Sa


katunayan, paboritong instrumento ito ng mga nasa kapangyarihan at ng mga
nangangarap magtamo nito sa pagbaluktot ng kasaysayang aangkop sa kanilang mga
pansariling motibong pulitikal (Wecter 1941, MacCormack 2000, Williams 2012, Javar
2015). Malinaw ang manipulatibong tendensyang ito sa pananalambuhay lalo na sa mga
pangunahing postkolonyal na lider ng bansa na kumasangkapan sa mga retokadong
naratibo sa pagtamo at lehitimisasyon ng kapangyarihan. Sa maraming pagkakataon,
naging instrumento rin ang mga ito sa pagkontrol at pagpapanatili ng sarili sa
kapangyarihan (Javar 2014; Javar 2015; Javar 2016).

Nangunguna sa mga kumasangkapan at nakinabang sa rebisyunistang pananalambuhay si


Marcos. Naging mabisang instrumento ng dating diktador sa paglalatag ng kanyang
awtoritaryanong pamamahala sa bansa ang mga manipulado at inimbentong salaysay ng
kanyang buhay. Sa katunayan, hindi lamang kinasangkapan ni Marcos ang heroic
biography, ani McCoy (2000, 19), kundi ginawa pa nga itong pundasyong ideolohikal ng
kanyang awtoritaryanong pamumuno. Sadya, nakabalangkas, at sistematiko ang naganap
na paglikha sa mala-bayaning imahen ng diktador. Ang tiyempo sa pagsulputan ng

30 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

kanyang mga opisyal at komisyunadong talambuhay ay hindi bunga ng pagkakataon


lamang kundi sadyang nakadisenyo para sa kanyang mga planong pulitikal. Ganito ko
inusisa ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tiyempo sa pananalambuhay kay Marcos:

Nagsulputan ang mga medalya ni Marcos sa unang bahagi ng dekada ika-60


bilang paghahanda para sa kanyang pagtakbo sa halalang pampanguluhan
noong 1965. Ang kuwento ng mga kwestyunableng medalyang ito
gayumpaman ay nangailangan ng lehitimisasyon kung kaya’t nakabalangkas
na inilatag ang mga ‘nagpapatotoong salaysay’ hinggil dito. Sa ganitong
konteksto binuo ang kinumisyong akda ng Amerikanong nobelistang si
[Hartzell] Spence noong 1964 na nagpasimula sa nalikhang salaysay hinggil
kay Marcos bilang ‘pinakamagiting na bayaning Pilipino noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig”—imaheng naibigan at napamahal sa mga botanteng
Pilipino. Kaya nga bukod sa sa palihim na suporta’t basbas ng White House
sa kanyang kandidatura, matagumpay na napasakamay ni Marcos ang
pinakamataas na posisyong pulitikal sa bansa noong 1965 sa pamamagitan
ng kanyang napatanyag na imahen (Javar 2016, 46-47).

Natanggap diumano ni Marcos ang mga medalyang nabanggit, ayon sa mga nalikhang
naratibo,19 bunga ng kagitingang ipinamalas niya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
(Spence 1964, 137, 139; Spence 1969, 137, 139; McDougald 1987, 13; Mijares 1976, 245; Javar
2015, 192, 194; Javar 2016, 39, 41-42, 48). Ang mga medalya at mga kaugnay na parangal-
militar na ito, gayumpaman, tulad ng napatunayan ng iba’t ibang pag-aaral (Mijares 1976,
Rotea 1983, McDougald 1987; NHCP 2016; Javar 2015; Javar 2016), ay peke at produkto
lamang ng nakabalangkas na pag-imbento at panghuhuwad. Ang mga pekeng medalya ay
tumayong “ebidensya” ng mga nilubid na kuwento sa komisyunadong akdang For Every
Tear a Victory ni Hartzell Spence (1964); habang ang mga nalikhang naratibong ito ang
naging “nagpapatotoong” salaysay ng mga huwad na materyal. Ganito ang paliwanag ni
McCoy (2000) sa nakadisenyong pamumuhunan ni Marcos sa isang retokadong imaheng
pulitikal:

From the outset of his political career in the late 1940s, Marcos self-
consciously constructed a record that would meet the canonical standard for
heroic biography. While other politicians were trading in the coin of
patronage and cash, Marcos took his political profits in World War II
military decorations, emerging from fifteen years in the legislature with some
thirty medals that supposedly made him the most decorated soldier in
Philippine history (McCoy 2000, 19).

Hindi nakapagtakaka na muling ipalathala ni Marcos noong 1969, nang tumakbo siya
para sa kanyang ikalawang termino sa Malakanyang, ang heroikong akda ni Spence noong

31 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

1964.20 Bago ito, kinumisyon din ni Marcos ang hiwalay na akda ni Benjamin Gray noong
1968 bilang paghahanda sa noo’y nalalapit na halalan ng 1969. Magkasunod ding
nilathala ang mga akda nina Placido Real Jr. (1969) at Alfonso Santos (1969) nang taong
ito upang gamiting mga katuwang na materyal sa kanyang kampanya. Ang mga
nabanggit, tulad ng naging saysay ng naunang akda ni Spence noong 1964, ay naging
instrumento ng kanyang pagkapanalo sa ikalawang pagkakataon noong 1969. Tumayong
suportang salaysay rin sa mga naunang naratibo ng mga “medalya” ni Marcos ang mga
opisyal na akda nina Leticia Gagelonia (1970), Guillermo de Vega (1974), Anacleto Dizon
(1976), Victor Nituda (1979), Cesar Mella (1981), Crisol at Baclagon (1983), at iba pa.

Bukod sa kuwento ng mga pekeng medalya, kabilang din sa mga inimbentong salaysay ng
kagitingan ni Marcos noong digmaan ang diumano pag-organisa nito sa napatanyag na
yunit-gerilyang Ang Mga Maharlika na nagsagawa ng pananabotahe at intelligence
gathering laban sa mga Hapones (Spence 1964, 168, 169; Spence 1969, 168, 169; Javar 2015,
199-204; Javar 2016, 44-46). Lumabas na huwad at kathang-isip lamang ang yunit na ito.
Hindi nabanggit sa mga opisyal na rekord ng US Army, taliwas sa pahayag noon ni
Marcos, ang nasabing yunit o anuman sa mga “tagumpay nito sa panahon ng digmaan”
(Mijares 1976, 248; Javar 2015, 202, 203-204; Javar 2016, 44, 45). Sa halip, ang nangyari ay
malinaw na kaso ng pag-angkin ni Marcos ng mga makatotohanang insidenteng
naisagawa ng ibang tao o grupo (McDougald 1987, 82; Javar 2015, 201; Javar 2016, 44-45).21
Ibinida rin sa kanyang mga opisyal na talambuhay ang diumano pagkakulong kay Marcos
at pagtortyur sa kanya ng mga Hapones sa Fort Santiago (Spence 1964, 155-159; Spence
1969, 155-159; Javar 2015, 195-196). Panibagong imbensyon, gayumpaman, ang insidenteng
ito sapagkat hindi kabilang ang pangalan ni Marcos sa listahan ng mga bilanggong nilitis
at sinentensyahan ng mga Hapones sa Fort Santiago at hindi siya kailanman nakita sa
loob ng nasabing piitan ng mga indibidwal na tunay na nakulong at pinahirapan dito
(McDougald 1987, 57-58; Javar 2015, 196).

Isinailalim naman sa magkakaibang antas ng pamamaluktot at sanitisasyon (paglinis at


pagpapabango) ang mga detalye ng kolaborasyon ng pamilyang Marcos sa mga Hapones
sa panahon ng digmaan. Itinago sa mga salaysay ang pakikipag-ugnayan at kolaborasyon
ni Pacifico, kapatid ni Ferdinand, sa mga Hapones (Mijares 1976, 247; Javar 2015, 206).
Ikinubli, lalo’t higit, ang katapatan at paglilingkod mismo ni Ferdinand sa mga kaaway.
Kabilang sa mga katibayan nito ang ilang ulit na pagkakita sa kanya ng taumbayan na
naglalakad sa bayan ng Malolos, Bulacan habang nakasuot ng uniporme ng mga Hapones
at palagay-loob na paglabas-masok nito sa himpilan ng mga Hapones sa bayan
(McDougald 1987, 85; Javar 2015, 204-206). Niretoke at pilit binura rin sa kanyang mga
talambuhay ang mga detalye ng kolaborasyon at aktibong partisipasyon ng kanyang
amang si Mariano sa mga gawaing pro-Hapones sa panahon ng digmaan (McDougald
1987, 89; Hamilton 1998, 85-86; Javar 2015, 178-179). Sa katunayan, binaluktot ng kanyang
mga biograpo ang mga detalye sa marahas na kamatayan ni Mariano. Pinalabas sa mga

32 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

opisyal na salaysay na “pinaslang ng mga Hapones ang ama ni Ferdinand bunga ng mga
makabayang gawain nito noong digmaan” (Spence 1964, 6, 187; Spence 1969, 6, 187;
Nituda 1979, 42; Mella 1981, 100; Javar 2015, 175-176; akin ang diin). Tahasang pagbaligtad
ito sa tunay na mga pangyayari: 1) na si Mariano ay pinaslang ng mga gerilyang Pilipino sa
pamamagitan ng paghati sa kanyang katawan (ang kanyang mga paa at kamay ay itinali at
ipinahila sa apat na kalabaw), at 2) ang pamamaslang ay bunga ng matinding galit ng
taumbayan sa pagtataksil sa bayan ni Mariano (Mijares 1976, 254; McDougald 1987, 88-89;
Hamilton 1998, 98; Javar 2015, 177-178). Ang ama ni Ferdinand kasi ang tumayong pinaka-
aktibong kolaborador ng mga Hapones sa Ilokandia at ilang bahagi ng Hilagang Luzon
(McDougald 1987, 89; Javar 2015, 178).

Manipulado ang iba pang kontrobersyal na detalye sa buhay ng dating diktador.


Tumayong apolohista at manipulador si Spence (1964, 37-98; 1969, 37-98; Javar 2015, 214-
225) sa mga detalye hinggil sa nahatulang kaso ng pagpatay ni Ferdinand kay Kong. Julio
Nalundasan noong 1935. Binura naman sa mga naratibo ang mga detalye ng
pangangalunya at mga relasyong ekstra-marital ni Marcos. Kabilang sa mga nawawalang
salaysay ang patagong pakikipagrelasyon nito kay Dovie Beams, Amerikanang aktres na
naging kabit ng Pangulo at kalauna’y pagmumulan ng kontrobersyal na mga sex tape nila
ni Marcos (Mijares 1976, 268-275; Rotea 1983; Javar 2015, 260-265). Higit sa lahat, itinago
sa mga salaysay ang mga detalye ng pandarambong ng pamilyang Marcos sa bilyon-
bilyong dolyar na pera ng bayan (Mijares 1976, 187-210; Manapat 1991; Javar 2015, 265-278)
at ang libo-libong kaso ng paglabag ng diktadura sa mga karapatang-pantao (tulad ng
pamamaslang, iligal na pagkulong, pagtortyur, at ‘pagligpit’ sa mga tatawaging
desaparecidos) ng taumbayan (Mijares 1976, 276-324).

Sa kabuuan, naging mabisang dulog para sa mga opisyal na biograpo ng dating diktador
ang manipulatibong pamamaraan ng tradisyong encomium-laudatio sa pananalambuhay.
Biograpikal na dulog ito mula sa Kanluran na selektibong nagtatanghal sa mga positibo
(at inimbentong salaysay—sa kaso ni Marcos) at kahanga-hangang detalye ng buhay ng
paksang indibidwal at sadyang pumipipi, sa kabilang dako, sa mga bagay na negatibo at
kasuklam-suklam.22 Sa ganitong banghay at dulog kapuna-punang isinulat ni Juan Ponce
Enrile (2012)—isa sa mga haligi ng Batas Militar at punong-kakutsaba ng diktadurang
Marcos, ang kanyang awtobiograpiya. Baluktot, sanitisado, at selektibo—ibig sabihin,
rebisyunista—ang akdang ito ni Enrile. Kabilang sa mga retokadong salaysay ang
pagtanggi ng dating Defense Ministry at crony ni Marcos na peke ang naganap na
pananambang sa kanyang convoy sa Wack Wack Subdivision noong 1972. Sa kabila ito ng
kanyang naunang pag-amin sa publiko noong 1986 na itinanghal lamang ang insidente
upang bigyang-katwiran ang deklarasyon ni Marcos sa Batas Militar sa Pilipinas (De
Manila 1986; Bonner 1987; Ellison 1988; Burton 1989; Rodrigo 2000).

33 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Ganito rin ang katulad na resulta ng rebyu ni Veronica Alporha na pinamagatang “Cesar
Virata: Buhay, Pagpupunyagi, Kabiguan, at Pananagutan” hinggil sa manipulatibong
pagsasalaysay ni Gerardo Sicat (2014) sa buhay ni Virata, dating kasapi ng gabinete ng
diktadurang Marcos at unang Punong Ministro sa kasaysayan ng bansa. Sa balangkas ng
tambalang encomium-laudatio, pilit ikinubli ni Sicat sa mga salaysay ang mga negatibong
detalye ng buhay ng kanyang paksa, lalo na sa yugto ng paglilingkod nito para sa
diktadura. Binura ni Sicat ang mga detalye ng kapalpakan ni Virata sa pangangasiwa ng
pambansang ekonomiya bilang Kalihim ng Pananalapi; pasibong pagtanggap nito sa
pagkasangkapan sa kanya bilang pulitikal na dummy ng diktador; at pagkikibit-balikat at
pagbubulag-bulagan nito sa tahasang pandarahas sa taumbayan, pandarambong sa kaban
ng bayan at iba’t ibang iligal na pagmamaniobrang pulitikal ni Ferdinand Marcos.

Binigyang-diin ni Alporha (2017) na kulang at napakalimitado ng pagtalakay ng may-akda


sa malalim na papel at partisipasyon ni Virata sa pagpapatakbo ng mapaniil na diktadura.
Pinalabnaw at nilinis din ni Sicat sa kanyang akda ang mga negatibong detalye hinggil sa
diktadura tulad ng laganap na katiwalian sa pamahalaan, kroniyismo, at paglabag sa mga
karapatang pantao ng taumbayan. Sa halip, partikular na pinalutang ni Sicat ang mga
positibong gawa ni Virata sa pamahalaan at mga tagumpay ng diktadura. Hindi lamang
kung gayon tumayo si Sicat bilang apolohista ni Virata kundi para sa diktadurang Marcos
din. Sa huli, malinaw na nagamit ang rebisyunistang pananalambuhay sa kabuuang
pamamaluktot sa rekord ng Batas Militar at kasaysayan ng diktadurang Marcos. Sa kaso
nina Enrile at Virata (sa pamamagitan ni Sicat), nilinis, binura, at/o hinutok sa
pamamagitan ng rebisyunismong biograpikal ang kani-kanilang papel sa marahas, tiwali,
at abusadong diktadura.

Maging ang anak na lalaki ni Marcos ay nakinabang sa bisang pulitikal ng rebisyunistang


pananalambuhay. Sa pambansang halalan noong 2016—mahigit limampung taon mula
nang unang kasangkapanin ng dating diktador ang kanyang mga retokadong
talambuhay—muling ginamit ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mala-bayaning
imahen ng ama sa pagtakbo nito bilang Bise-Presidente. Sinakyan at muling pinakalat ng
kampo ng nakababatang Marcos, sa pamamagitan ng iba’t ibang midya—lalo na sa
internet, ang mga mapanlinlang na kuwento hinggil sa dating diktador. Kung ang mga
opisyal na biograpo ni Ferdinand ang lumikha ng mga nilubid na naratibo, ang mga
kontemporanyong apolohista at rebisyunista naman ni Bongbong ang muling bumuhay at
nagpalaganap sa mga kasinungalinangang ito. Bagama’t nabigo sa halalan, ipinakikita ng
malaking bilang ng mga botong nakuha ng nakababatang Marcos ang nananatiling bisang
pulitikal ng mga retokadong talambuhay ng kanyang ama.

34 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

PASASALAMAT

Sa harap ng nagpapatuloy na impluwensya ng hagiograpiko-heroikong pananalambuhay,


napakalaki ng tungkulin ng mga historyador at mangangasaysayang-buhay na
humulagpos sa mga kolonyal na pananaw at pamamaraan ng pananalambuhay. Malaking
tungkulin din na tugunan at labanan ang kasalukuyang banta ng rebisyunismong
historikal na nagtatangkang baguhin ang tunay na kasaysayan ng bansa. Mahalagang
hakbang tungo sa ganitong mga adhikain ang mga artikulong bahagi ng isyung ito na
umakda ng mga salaysay ng buhay ng mga Pilipinong indibidwal ayon sa pananaw at nasa
wika ng bayan.

Dahil dito, lubos na nagpapasalamat ang patnugutan ng isyung ito sa mga nag-ambag ng
mga artikulo na sina Valerie May M. Cruz-Claudio I (San Beda College, Alabang, Lunsod
Muntinlupa, Pilipinas), Christian Ezekiel M. Fajardo (Unibersidad ng Pilipinas, Baguio),
Jose Mathew P. Luga (Unibersidad ng Pilipinas, Baguio), Alberto T. Paala Jr., Ph.D.
(University of the East, Maynila, Pilipinas), at Janet S. Reguindin-Estella (Miriam College,
Lunsod Quezon, Pilipinas) at nagkontribyut ng mga rebyu na sina Veronica C. Alporha
(Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños, Laguna) at John Lee P. Candelaria (Department of
Trade and Industry).

Gayundin, nagpapasalamat din ang patnugutan sa mga nagsilbing referi ng mga artikulo
na sina Adonis L. Elumbre (Unibersidad ng Pilipinas, Baguio), Nilo S. Ocampo, Ph.D.
(Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lunsod Quezon), Ma. Florina Y. Orillos-Juan, Ph.D.
(De La Salle University, Maynila, Pilipinas), Jayson D. Petras (Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman, Lunsod Quezon), Rowena Reyes-Boquiren, Ph.D. (Unibersidad ng Pilipinas,
Baguio), at Amelia Salgados-Ferrer (Sauder School of Business, University of British
Columbia, Canada).

Talahuli
1
Ang mga babaylan, ayon kay Adonis Elumbre (2014, 10), ang maituturing na mananalambuhay ng mga
bayani sa epiko.
2
Maaaring konsultahin ang The Iglesia Watawat ng Lahi: A Sociological Study of a Social Movement ni
Prospero R. Covar (1961), Power and Intimacy in the Christian Philippines ni Fenella Cannell (1999), at
Figuring Catholicism: An Ethnohistory of the Santo Niño de Cebu ni Julius Bautista (2010) para sa mga pag-
aaral hinggil sa folk Christianity sa Pilipinas.
3
Nagsimulang tahakin ng hagiograpiya sa Pilipinas ang landas ng lokalisasyon sa huling bahagi ng dantaon
19 at maagang bahagi ng dantaon 20. Unti-unting kumalas ang hagiograpikong tradisyon sa bansa mula sa
mga temang dayuhan tungo sa pagtalakay sa mga lokal, kontemporanyo, at pangkaraniwang buhay.
Sinimulang talakayin sa mga bersong metrikal ang mga paksang lokal at “hindi banal” tulad ng mala-martir
na buhay nina Padre Jose Burgos, Jose Rizal, at iba pa (McCoy 2000, 4; Javar 2014, 64).

35 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

4
Mahusay na halimbawa nito ang vita sancti ni San Francisco ng Assisi na sinulat ni Pedro de San
Buenaventura noong dantaon 13. Pilit pinalabnaw ng kanyang hagiograpo ang malinaw na kaibhan ng
kasaysayan at metapisika sa kabuuan ng nilikhang naratibo. Tinanggap bilang katotohanang historikal at
itinuring na integral na bahagi ng nabuong salaysay ang bawat kuwento ng mga himala ni San Francisco.
Bagama’t mortal, ipinakita ang santo bilang “pambihirang nilalang na may kapangyarihang supernatural”—
Ibig sabihin, kakayahang hindi taglay ng mga pangkaraniwang tao—tulad ng kapangyarihan ng propesiya,
kakayahang magsagawa ng mga himala, at natatanging kakayahang makipag-usap sa Diyos (Manning 1988,
13-14).
5
Pinamagatang Vida de un Mancebo Indio, Llamado Miguel Ayatumo, Natural de Boholio en Filipinas ang
kanyang talambuhay. Ayon kay Resil Mojares (1993, 437), ito ang maituturing na pinakamaagang nailimbag
na talambuhay ng isang Pilipino.
6
Bahagi ng unang yugto ang pagtalikod ng batang katekista sa katutubong kalinangan ng kanyang mga
ninuno, pag-iwan sa sariling mga magulang upang maglingkod sa mga Heswita, at ang debosyon nito kay
Jose at Birheng Maria bilang simbolikong pakikipagtipan sa kanyang “bagong pamilya.” Ipinakita naman sa
yugto ng pagsubok ang pagtaboy ni Ayatumo sa isang babaylan na nagtungo sa kanilang tahanan upang
lapatan ng lunas ang kanyang karamdaman. Bahagi rin nito ang mariin niyang pagtanggi na makipag-isang
dibdib sa isang dalaga ng pamayanan at sa halip ay pagdeklara nito ng panata laban sa pakikipagtalik.
Naganap ang yugto ng ispiritwal na katuparan sa marangal na pagharap ni Ayatumo sa kanyang kamatayan
na inihambing ni Fray Mercado sa puspos ng kabanalang pagpanaw ni Hesukristo. Sa proseso ng
reduksyon, sinalangguhitan ng naratibo ang pangangailangan ng mga mambabasang debotong sundan ang
kapuri-puring yapak ng batang martir. Itinanim sa isipan ng mga mananampalataya na bahagi ng
katangian ng isang masunuring obhetong kolonyal ang walang kondisyong pagyakap nito sa mga aral ng
Romano Katoliko sa bansa (Mojares 1993, 444-446).
7
Ipinabalik sa kaparian ng Cebu ang nasabing aplikasyong isinumite sa Vatican. Bunga ito ng mga
repormang inilunsad ni Papa Juan Pablo II noong 1983 sa napakahaba at masalimuot na proseso ng
pagtukoy at paggawad ng pagkasanto (saintmaking) sa mga kandidatong indibidwal. Sa nirepormang
proseso, ang inisyal na tungkulin ng pagsusuri at pagtatasa sa vita sancti ng mga kandidato para sa
beatipikasyon at kanonisasyon ay nasa kamay ng mga lokal na simbahan (Mojares 2000, 36-37).
8
Kabilang sa mga katekista ng misyong Heswita sa Marianas na napaslang ng mga katutubo sina Lorenzo
ng Malabar, ang Mehikanong si Diego Bazan, at tatlong (3) Pilipino—ang Bisayang si Hipolito dela Cruz,
ang Tagalog na si Damian Bernal, at ang Pampango na si Nicolas de Figueroa (Mojares 2000, 44).
9
Sapagkat walang mga himalang naipamalas si Calungsod—isa sa mga pangunahing batayan ng
kwalipikasyon ng pagkasanto, nagtuon ang mga tagapagsulong ng beatipikasyon sa aspekto ng kanyang
pagkamartir o martyrdom. Kinikilala ng Vatican bilang espesyal at alternatibong batayan, kailangang
mapatunayan ng pagkamartir na ang kamatayan ay “boluntaryong tinanggap para sa pananampalataya.” Sa
puntong ito, dalawang (2) batayan ang mahalagang matugunan ng mga tagapagsulong: 1) ang motibo ng
[mga] salarin, at ang 2) layunin ng biktimang martir. Sa panig ni Calungsod, ipinakahulugang ang “hindi
pagtakas o pagtakbo [mula sa mga salarin]” ng hindi armadong katekista sa harap ng tiyak na kapahamakan
ay magiting na “sakripisyo para sa pananampalataya (pro Fide).” Ang desisyon niyang masawi sa piling ng
pinaglilingkurang amo ay huwarang sakripisyo ng isang mabuting Katoliko. Sa kabuuan, isinalarawan si
Calungsod ng interpretasyon ng mga tagapagsulong bilang “tapat, deboto, at masunurin,” isang “mabuting
kawal ni Kristo” (good soldier of Christ) na boluntaryong tinanggap ang kamatayan “para sa kapakanan ng
kanyang relihiyon” (Mojares 2000, 47).
10
Maaari ring konsultahin ang Legaspi, Conquistador de Filipinas ni Jose Sanz y Diaz (1940), Heroes de
Filipinas nina Ricardo de la Ruguera at Susana March (1997), at Urdaneta y su Tiempo” ni Jose Ramon de
Miguel (2008).
11
Nariyan din ang talambuhay ni Presidente William Howard Taft ng Estados Unidos na sinulat ni Henry
Pringle (1939) at ginamit sa pagtuturo sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Tematikong

36 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

pananalambuhay ang aklat sa “mabunying karerang pulitikal” ni Taft at “kung paano niya binago ang takbo
ng kasaysayan [ng Estados Unidos at mga kolonya nito]” (Pringle 1939, 543). Idinambana naman ni Joseph
Stickney (1899) ang buhay at mga kapuri-puring tagumpay ni Admiral George Dewey, lalo na ang kanyang
karerang militar sa Pilipinas at kung paano siya naging bahagi ng mga taong “nagbigay ng sibilisasyon sa
bansa.”
12
Ang mga natatanging indibidwal na ito ang pundasyon at tagapagpagalaw sa tinagurian niyang
“Heroarchy”—isang natatanging “pamahalaang” pinatatakbo ng herarkiya ng mga bayani (Carlyle 1841, 13).
13
Pundamental na katangian nila ang katapangan sa pakikipaglaban (isog), lakas at katatagan ng katawan
(kusog), at karunungan (kinaadman) (Villan 2015). Mula sa mga kahulugang makikita sa talasalitaan ni
Pedro Serrano Laktaw (1914) para sa salitang “bayani,” apat (4) na pangunahing katangian ng mga
mandirigmang ito ang mahalagang bigyang-diin: intrepidez (kawalang-takot), audacia (pagkamapangahas),
esfuerzo (pagpupunyagi o pagpupumilit), at denuedo (katibayan ng loob) (Salazar 1997, 5).
14
Sa kabila ito ng katotohanang galing si Quezon sa isang pamilyang principalia na nagmay-ari ng
malalawak na lupain. Ang kanyang mga magulang ang may pinakamataas na sahod sa buong Baler at ang
ama nito’y may mamahaling baril na sa panahong iyo’y tanging mayayaman lamang ang nakakapagmay-ari.
Ang kanyang pamilya rin ang tanging nakapagsasalita ng wikang Español—eksklusibong katangian ng mga
pamilyang principalia sa panahong kolonyal. Sa katunayan, matalik na kaibigan ng pamilyang Quezon at
madalas na bisita nila sa kanilang tahanan ang tatlong pinakamataas na opisyal na Español ng Baler (Javar
2014, 32-33).
15
Maaari ring tingnan ang Talambuhay ng mga Pangulo ng Republika ng Pilipinas: Para sa Mag-aaral ni
A.M. Batubalani (1996), Pillars of Society and the Achieving Man: An Inquiry into the Success Tree of 34
Outstanding Filipinos ni Clem Uclaray (1987), at Brief Biographies of the Ten Most Outstanding Filipino
National Leaders ni Emiliano Laus (1951).
16
Kabilang sa 14 sina Marcela Agoncillo (“Maker of the Filipino Flag”), Teodora Alonso (“Mother of a
National Hero”), at Gabriela Silang (“Joan Arc of Ilocandia”).
17
Ang kontrobersyal na akda ni Carmen Pedrosa (1969b) ay isinalin sa Pilipino ni Maria Odulio de Guzman
Pedrosa (1969a). Nalathala ito sa pamagat na Ang Natatagong Buhay ni Imelda R. Marcos.
18
Maaaring konsultahin ang Bilanggo: Life as Political Prisoner in the Philippines (1952-1962) ni William
Pomeroy (2009), ang asawa ni Celia, para sa mas masaklaw na konteksto ng kanilang panahon at lipunan.
19
Maliban kay Hartzell Spence (1964; 1969), kabilang din sa mga opisyal na biograpo ni Ferdinand Marcos
sina Remigio Agpalo (1993), Arturo Aruiza (1991), Jose Crisol at Uldarico Baclagon (1983), Guillermo de Vega
(1974), Anacleto Dizon (1976), Leticia Gagelonia (1970), Benjamin Gray (1968), Cesar Mella (1981), Victor
Nituda (1979), Placido Real Jr. (1969), Alfonso Santos (1969), at Francisco Tatad (1978).
20
Batay sa Saligang Batas ng 1935 na inamyendahan bago ang tuluyang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ang kasalukuyang Pangulo ng bansa ay maaaring tumakbo para sa ikalawang termino. Binubuo
ang bawat termino ng apat na taon. Ang komisyunadong akda ni Spence na For Every Tear a Victory noong
1964 ay muling inilathala noong 1969 sa bago nitong pamagat na Marcos of the Philippines.
21
Ang mga ganitong kahawig na tagumpay—batay sa mga opisyal na dokumento ng US Army—ay gawa ng
LOD Sabotage Unit ng pangkat ni Lt. Col. Wendell Fertig at East Central Luzon Guerillas (ECLG) Sabotage
Unit sa ilalim ng isang Maj. Edwin Ramsey (McDougald 1987, 82).
22
Orihinal na nasa anyong berso upang itanghal ang mga kahanga-hangang tagumpay ng mga atleta (na
itinuturing na mga bayani ng lahi), ang encomium ay mabunying salaysay ng kapuri-puring mga anekdota
ng mga indibidwal na naglalarawan ng kanilang kadakilaan kung kaya’t dapat ipreserba at ilahad (Garraty
1957, 36, 38). Ang laudatio—mula sa orihinal na laudatio funebris, sa kabilang dako, ay tradisyunal na
orasyon para sa mga pumanaw. Nakapundasyon sa ancestor-worship ng mga Romano, kaugalian ng mga
prominenteng pamilya sa lumang Roma ang preserbasyon at pagsisinop ng mga talumpati ng kanilang mga
kaanak noong sila ay nabubuhay pa. Ang mga talumpating ito, sa oras na pumanaw, ay muling binibigkas

37 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

at ginagamit na batis materyal sa orasyon ng kanyang burol. Nakabalabal sa mga talumpati at sa kaugnay
na orasyon ang magigiting na gawa at mga positibong katangian ng pumanaw. Sa madaling salita, ang
tambalang tradisyon ng encomium-laudatio ay nagtataguyod sa selektibong pagtatanghal sa mga positibong
detalye lamang ng buhay ng isang tao.

Sanggunian

Abinales, Patricio. 2000. From Orang Besar to Colonial Big Man: Datu Piang of Cotabato
and the American Colonial State. Nasa Lives at the Margin: Biography of Filipinos;
Obscure, Ordinary, and Heroic, pat. Alfred McCoy, 193-227. Quezon City: Ateneo
de Manila University Press.

Abrams, Philip. 1982. Historical Sociology. Ithaca: Cornell University Press.

ADHIKA ng Pilipinas at National Historical Institute (NHI). 2001. Kasaysayang Bayan:


Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino. Quezon City at Manila: ADHIKA ng
Pilipinas at National Historical Institute.

Agaton, Leo. 1962. The Character of our Heroes in Anecdotes. Manila: M. Colcol.

Agpalo, Remigio. 1993. Ferdinand E. Marcos: War Hero, National Leader, and Great Man
of Peace. Manila: JunMan’s Enterprises.

Alfonso, Ian Christopher. 2016. The Nameless Hero: Revisiting the Sources on the First
Filipino Leader to Die for Freedom. Angeles City: Holy Angel University Press.

Aquino, Clemen. 1999. Pagbabahagi ng Kuwentong Buhay: Isang Panimulang Pagtingin.


Nasa Gender-Sensitive and Feminist Methodologies: A Handbook for Health and
Social Researchers, pat. Sylvia Guerrero, 83-116. Quezon City: University of the
Philippines Press.

Artigas, Manuel. 1917. Galeria de Filipinos Ilustres; Tomo 1. Manila: Imprenta Casa
Editorial Renacimiento.

Artigas, Manuel. 1918. Galeria de Filipinos Ilustres; Tomo II. Manila: Imprenta de Gabino
A. Pobre.

Aruiza, Arturo. 1991. Ferdinand E. Marcos: Malacanang to Makiki. Quezon City:


ACAruiza Enterprises.

38 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Batubalani, A.M. 1996. Talambuhay ng mga Pangulo ng Republika ng Pilipinas: Para sa


Mag-aaral. Manila: Loacan Publishing House.

Bautista, Julius. 2010. Figuring Catholicism: An Ethnohistory of the Santo Niño de Cebu.
Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Bauzon, Leslie. 1997. The Bagani as Folk Hero Among the Lumads of Northeastern
Mindanao. Diliman Review 45: 50-58.

Bonner, Raymond. 1987. Waltzing with a Dictator: The Marcoses and the Making of
American Policy. New York: Times Books.

Burton, Sandra. 1989. Impossible Dream: The Marcoses, The Aquinos, and the Unfinished
Revolution. New York: Warner Communications Co.

Caballero, Beljun. 2006. The Rebirth of a Nation and its Phenomenal Statesman Quezon.
Manila: Bacani’s Press.

Caballero, Isabelo at Marcelo de Gracia Concepcion. 1935. Quezon: The Story of a Nation
and its Foremost Statesman. Manila: The International Publishers.

Cannell, Fenella. 1999. Power and Intimacy in the Christian Philippines. Quezon City:
Ateneo de Manila University Press.

Carlyle, Thomas. 1935. On Heroes, Hero-worship, and the Heroic in History. London:
Oxford University Press.

Constantino, Renato. 1969. Veneration Without Understanding. W.L.: W.T.

Constantino, Renato. 1975. The Philippines: A Past Revisited. Manila: Renato


Constantino, 1994.

Cornejo, M.R., pat. 1939. Pre-War Encyclopedic Directory of the Philippines. Manila: M.R.
Cornejo.

Coronel, Shiela. 2000. Ma. Rosa Henson: Victim-Victor. Nasa Seven in the Eye of History,
pat. Asuncion Maramba, 185-216. Pasig: Anvil Publishing, Inc.

Corral, Francisco. w.tn. Manuel L. Quezon: Man of the Hour. Manila: F. Corral.

39 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Covar, Prospero. 1961. The Iglesia Watawat ng Lahi: A Sociological Study of a Social
Movement. M.A. tesis sa Sosyolohiya, University of the Philippines - Diliman,
Quezon City.

Crisol, Jose at Uldarico Baclagon. 1983. Valor: World War II Saga of Ferdinand Marcos.
Quezon City: Development Academy of the Philippines.

De la Ruguera, Ricardo at Susana March. 1997. Heroes de Filipinas. Barcelona: Planeta.

De Manila, Quijano. 1986. The Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People Power
Apocalypse. Manila: Book Stop.

De Miguel, Jose Ramon. 2008. Urdaneta y su Tiempo. Ordizia: Ayuntamiento de Ordizia.

De Pazos, Pio. 1888. Heroes de Filipinas. Santander: Imprenta Militar A. Cargo de A. de


Quesada.

De Vega, Guillermo. 1974. Ferdinand E. Marcos. Manila: Guillermo de Vega.

Dilthey, Wilhelm. 1961. Pattern and Meaning in History; Thoughts on History and Society.
New York: Harper and Row Publishers.

Dizon, Anacleto. 1976. Ferdinand E. Marcos: Itinadhana sa Kadakilaan. Manila: Malaya


Publishing Corporation.

Doyo, Ma. Ceres. 2015. Macli-ing Dulag: Kalinga Chief, Defender of the Cordillera.
Quezon City: University of the Philippines Press.

Ellison, Katherine. 1988. Imelda: Steel Butterfly of the Philippines. Manila: National Book
Store.

Elumbre, Adonis. 2014. Kasaklawan ng mga Larangan sa Bagong Kasaysayan: Buhay,


Bayan, at Kabanwahan. SALIKSIK E-Journal 3, blg. 1. (Agosto) 1-29.

Enosawa, G. Hisashi. 1940. Manuel L. Quezon: From Nipa House to Malacanang. Tokyo:
Japan Publicity Agency.

Enrile, Juan Ponce. 2012. Juan Ponce Enrile: A Memoir. Quezon City: ABS-CBN Publishing
Inc.

40 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Foronda, Marcelino. 1975. Cadaanan nga Ugali: A Brief Survey of Iloko Folklore. Manila:
De La Salle University Press.

Gagelonia, Leticia. 1970. Hamon sa Kagitingan (Marcos ng Silangan). Manila: Leticia S.


Gagelonia.

Galang, Zoilo. 1932. Leaders of the Philippines: Inspiring Biographies of Successful Men and
Women of the Philippines. Manila: National Publishing.

Galang, Zoilo. 1967. Si Quezon at ang mga Dakilang Pilipino. Manila: Philippine Book Co.

Galang, Zoilo at Guadalupe Estrada. 1949. Si Quezon ang Dakilang Pilipino. Manila:
Philippine Book Co.

Gallardo, Myra at Elsie Ramos. 2000. Ang Kasaysayan ng Kasaysayan Bilang Disiplina sa
Pilipinas. Nasa Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral
ng Bagong Kasaysayan, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente
Villan, 159-170. Mandaluyong: Palimbagang Kalawakan.

Garraty, John. 1957. The Nature of Biography. New York: Alfred Knopf, Inc.

Gealogo, Francis. 2013. Gregoria de Jesus: Talambuhay, Gunita, Kasaysayan, at


Himagsikan. Nasa Salita ng Sandata: Bonifacio’s Legacies to the People’s Struggles,
mga pat. Bienvenido Lumbera, Judy Taguiwalo, Rolando Tolentino, Gerry Lanuza,
at Gonzalo Campoamor II, 135–153. Quezon City: Ibon Foundation.

Goettel, Elinor. 1970. Eagle of the Philippines: President Manuel Quezon. New York: J.
Messner.

Gomez, Maita. 1997. Ma. Lorena Barros: Gentle Warrior. Nasa Six Young Filipino
Martyrs, pat. Asuncion Maramba, 43-87. Pasig: Anvil Publishing, Inc.

Gowing, Peter. 1979. Muslim Filipinos: Heritage and Horizon. Quezon City: New Day
Publishers.

Gray, Benjamin. 1968. Rendezvous with Destiny. Manila: Philippine Education Company.

Gwekoh, Solomon. 1939. Stars of Baler. Manila: Apo Book, Inc.

Gwekoh, Solomon. 1948. Manuel L. Quezon, His Life and Career. Manila: University
Publishing.

41 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Hamilton, James Paterson. 1998. America’s Boy: A Century of Colonialism in the


Philippines. New York: Henry Holt and Co.

Hayase, Shinzo. 2007. Mindanao Ethnohistory Beyond Nations: Maguindanao, Sangir, and
Bagobo Societies in East Maritime Southeast Asia. Quezon City: Ateneo de Manila
University Press.

Henson, Ma. Rosa. 1996. Comfort Women: Slave of Destiny. Pasig City: Philippine Center
for Investigative Journalism.

Hoening, Erika at Peter Alheit. 1995. Biographical Socialization. Current Sociology 3, blg.
2: 3-15.

Ileto, Reynaldo. 1979. Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-
1910. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Ileto, Reynaldo. 1985. Critical Questions on Nationalism: A Historian’s View. Professorial


Chair Lecture 3.

Imprenta y Litografia Germania. 1908. Directorio Bibliografico Filipino. Manila: Imprenta


y Litografia Germania.

Jackson, Frank, pat. 1906. The Representative Men of the Philippines. Manila: E.C.
McCollough.

Javar, Roderick. 2006. Sa Agos ng Ilog Chico: Talambuhay ni Macli-ing Dulag (1928?-
1980). M.A. tesis sa Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman, Quezon
City.

Javar, Roderick. 2014. Sinulat ka Ngunit Kulang: Ilang Historiograpikong Suliranin sa


Pananalambuhay Batay sa mga Akdang Nasulat Hinggil sa Pribadong Buhay ni
Manuel Luis Quezon. SALIKSIK E-Journal 3, blg. 1 (Agosto): 30-79.

Javar, Roderick. 2015. Retokadong Talambuhay, Manipuladong Salaysay: Ang


Pananalambuhay kina Manuel M. Quezon at Ferdinand E. Marcos. Ph.D.
disertasyon sa Araling Pilipino, University of the Philippines - Diliman, Quezon
City.

Javar, Roderick. 2016. Medalyang Hinuwad, Kagitingang Nilubid: Biograpikong Paglikha


kay Ferdinand Marcos bilang “Pinakamagiting na Bayani sa Digmaan.” U.P. Los
Banos Journal 15, blg. 1: 38-48.

42 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Kerkvliet, Benedict. 2000. Manuela Santa Ana vda. de Maclang and Philippine Politics.
Nasa Lives at the Margin: Biography of Filipinos; Obscure, Ordinary, and Heroic,
pat. Alfred McCoy, 389-422. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Lanzona, Vina. 2000. Romancing a Revolutionary: The Life of Cecilia Mariano-Pomeroy.


Nasa Lives at the Margin: Biography of Filipinos; Obscure, Ordinary, and Heroic,
pat. Alfred McCoy, 229-277. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Laus, Emiliano. 1951. Brief Biographies of the Ten Most Outstanding Filipino National
Leaders. Manila: National Print.

Lee, Sidney. 1911. Principles of Biography. Cambridge: Cambridge University Press.

Lee, Sidney. 1918. The Perspectives of Biography. Oxford: Oxford University Press.

MacCormack, Gavan. 2000. The Japanese Movement to “Correct” History. Nasa


Censoring History: Citizenship and Memory in Japan, Germany, and the United
States, mga pat., Laura Hein at Mark Selden, 53-73. New York: M.E. Sharpe.

Maceda, Teresita. 1996. Mga Tinig Mula sa Ibaba: Kasaysayan ng Partido Komunista ng
Pilipinas at Partido Sosialista ng Pilipinas sa Awit, 1930-1955. Quezon City:
University of the Philippines Press.

Manapat, Ricardo. 1991. Some Are Smarter Than Others: The History of Marcos’ Crony
Capitalism. New York: Aletheia Publications.

Manning, Henry Edward, pat., 1988. The Life of St. Francis of Assisi by St. Bonaventure.
Illinois: Tan Books and Publishers, Inc.

Manuel, E. Arsenio. 1955. Dictionary of Philippine Biography. Quezon City: Filipiniana


Pub.

McCoy, Alfred. 2000. Introduction: Biography of Lives; Obscure, Ordinary, and Heroic.
Nasa Lives at the Margins: Biography of Filipinos; Obscure, Ordinary, and Heroic,
pat. Alfred McCoy, 1-33. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

McDougald, Charles. 1987. The Marcos File: Was He a Philippine Hero or Corrupt Tyrant?
San Francisco: San Francisco Publishers.

Mella, Cesar. 1981. Marcos: The War Years. Manila: Word Experts, Inc.

43 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Mercado, Pedro de. 1673. Vida de un Mancebo Indio, Llamado Miguel Ayatumo, Natural
de Boholio en Filipinas. Nasa El Cristiano Virtuoso, pat.?, pahina?. Madrid: Joseph
Fernandez de Buendia.

Mijares, Primitivo. 1976. The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos I.
San Francisco: Union Square Publications.

Mojares, Resil. 1993. The Life of Miguel Ayatumo: A Sixteenth-Century Boholano.


Philippine Studies 41: 437-55.

Mojares, Resil. 2000. The Epiphany of Pedro Calungsod, Seventeenth-Century Visayan


Martyr. Nasa Lives at the Margins: Biography of Filipinos; Obscure, Ordinary, and
Heroic, pat. Alfred McCoy, 35-61. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

National Historical Commission of the Philippines (NHCP). 2016. Why Ferdinand E.


Marcos Should Not Be Buried at the Libingan ng mga Bayani. Manila: National
Historical Commission of the Philippines.

Navarro, Atoy. 2000. Ang Bagong Kasaysayan sa Wikang Filipino: Kalikasan, Kaparaanan,
Pagsasakasaysayan. Bagong Kasaysayan 11.

Navarro, Atoy. 2003. Bagong Kasaysayan at Kasaysayang Bayan: Pambungad sa Pag-aaral


ng Kabuuang Kasaysayang Pilipino. Balitang ADHIKA 5, blg. 1: 3-4.

Navarro, Atoy at Adonis Elumbre. 2014. Nonay: Limot na Bayani ng Himagsikan.


SALIKSIK E-Journal 3, blg. 2 (Nobyembre): 238-258.

Nellist, George. 1931. Men of the Philippines: A Biographical Record of Men of Substantial
Achievement in the Philippine Islands. Manila: Sugar News Press Co.

Nituda, Victor. 1979. The Young Marcos. Quezon City: Foresight International, Inc.

Nolasco, Ricardo. 1997. Pinagmulan ng Salitang Bayani. Diliman Review 45: 14-18.

Norton, Morilla Maria. 1914. Builders of the Nation: A Series of Biographical Sketches.
Manila: E.C. McCollough.

Ochosa, Orlino. 2000. Bandoleros: Outlawed Guerillas of the Philippine-American War,


1903-1907. Quezon City: New Day Publishers.

44 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Pedrosa, Carmen. 1969a. Ang Natatagong Buhay ni Imelda R. Marcos. Tsln. Maria Odulio
de Guzman. Rizal: Tandem.

Pedrosa, Carmen. 1969b. The Untold Story of Imelda Marcos. Rizal: Tandem.

Pomeroy, William. 2009. Bilanggo: Life as Political Prisoner in the Philippines (1952-1962).
Quezon City: University of the Philippines Press.

Pringle, Henry. 1939. The Life and Times of William Howard Taft: A Biography. New York:
Farrar & Rinehart.

Quezon, Manuel. 1946. The Good Fight. New York: Appleton-Century.

Quimpo, Susan at Nathan Gilbert Quimpo. 2012. Subversive Lives: A Family Memoir of the
Marcos Years. Mandaluyong City: Anvil Publishing, Inc.

Real, Placido Jr. 1969. Ferdinand Edralin Marcos. Manila: Lyceum Press, Inc.

Reguindin-Estella, Janet. 2014. Si Trinidad Tecson at ang Kanyang Ambag sa


Himagsikang Pilipino (1896-1898). SALIKSIK E-Journal 3, blg. 2 (Nobyembre): 259-
274.

Reguindin, Janet at Adonis Elumbre. 2008. Pagsasakasaysayan ng Sarili sa Kasaysayang


Buhay: Talambuhay at Talaangkanan bilang Pag-uugnay sa Indibidwal at Lipunan.
Nasa Kaalaman at Pamamaraan sa Pagtuturo ng Kasaysayan, mga pat. Atoy
Navarro, Alvin Campomanes, at John Lee Candelaria, 52-65. Quezon City:
University of the Philippines Lipunang Pangkasaysayan.

Reyes, Jun Cruz. 1989. Mga Daluyong, Mga Unos sa Panahon ni Rolando Olalia. Manila:
Kalikasan Press.

Rodrigo, Raul. 2000. Phoenix: The Saga of the Lopez Family. Manila: Eugenio Lopez
Foundation.

Rotea, Hermie. 1983. Marcos’ Lovey Dovie. Los Angeles: Liberty Publishing.

Ruiz, Rene, pat. 1914. Talambuhay ng mga Bayani: Para sa mga Mag-aaral. Manila: R.E.
Books Marketing.

Salazar, Zeus. 1997. Si Andres Bonifacio at ang Kabayanihang Pilipino. Bagong


Kasaysayan 2.

45 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Saleeby, Najeeb. 1965. The History of Sulu. Manila: Filipiniana Book Guild.

Santos, Alfonso. 1969. Marcos: Man of the Hour! Quezon City: Balfon House.

Sanz y Diaz, Jose. 1940. Legaspi, Conquistador de Filipinas. Madrid: Publicaciones


Espanoles.

Scott, William Henry. 1994. Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society.
Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Sicat, Gerardo. 2014. Cesar Virata: Life and Times; Through Four Decades of Philippine
Economic History. Quezon City: University of the Philippines Press.

Silverio, Ina Alleco. 2010. Ka Bel: The Life and Struggle of Crispin Beltran. Quezon City:
Southern Voices Printing Press.

Soriano, Rafaelita, pat. 1995. Women in the Philippine Revolution. Quezon City: Printon
Press.

Spence, Hartzell. 1964. For Every Tear a Victory. New York: McGraw-Hill Book Co.

Spence, Hartzell. 1969. Marcos of the Philippines. Manila: Raya Books.

Steedman, Carolyn. 1992. Past Tenses: Essays on Writing Autobiography and History.
Michigan: River Oram Press.

Stickney, Joseph. 1899. Life and Glorious Deeds of Admiral Dewey: Including A Thrilling
Account of our Conflicts with the Spaniards and the Filipinos in the Orient, and the
Complete Story of the Philippine Islands, Historical and Descriptive. Chicago: J.L.
Stickney.

Taguiwalo, Judy, pat. 2015. RECCA: From Diliman to the Cordilleras. Quezon City:
Southern Voices Printing Press.

Tatad, Francisco. 1978. Marcos of the Philippines. Manila: Raya Books.

Tawagon, Manuel. 1983. Maranao Oral Literature: A Study of Darangen Andang sa Muna
and Anonen a Rawaten. Nasa Filipino Muslims: Their Social Institutions and
Cultural Achievements, pat. F. Landa Jocano, 41-56. Quezon City: University of the
Philippines Asian Center.

46 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik


Saliksik E-Journal
Tomo 5, Bilang 2 | Nobyembre 2016

Thayer, William. 1920. The Art of Biography. New York: Scribner's Sons.

Tiongson, Nicanor. 1975. Kasaysayan at Estetika ng Sinakulo at Ibang Dulaang


Panelihiyon sa Malolos. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Ubaldo, Lars Raymund. 2003. Dung-aw, Pasyon, at Panagbiag: Tatlong Hibla ng


Pakasaritaan ti Biag sa Kasaysayang Pangkalinangang Ilokano. M.A. tesis sa
Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.

Ubaldo, Lars Raymund. 2015. Panayam sa telepono kay Lars Raymund Ubaldo ni
Roderick Javar. Los Baños, Laguna, Pilipinas, Hunyo 3.

Uclaray, Clem. 1987. Pillars of Society and the Achieving Man: An Inquiry into the Success
Tree of 34 Outstanding Filipinos. Manila: Manila Big News.

Veneracion, Jaime. 1990. Ang Kasaysayan sa Kasalukuyang Henerasyon. Nasa


Kasaysayan at Kamalayan: Mga Piling Akda Ukol sa Diskursong Pangkasaysayan,
mga pat. Neil Martial Santillan at Maria Bernadette Conde, 1-15. Quezon City:
Limbagang Pangkasaysayan.

Villamor, Ignacio. 1932. Industrious Men. Manila: Oriental Commercial.

Villan, Vicente. 2015. Pahayag ni Vicente Villan sa Depensa ng Disertasyon ni Roderick


Javar. GT Toyota Hall, University of the Philippines - Diliman, Quezon City, Mayo
29.

Wecter, Dixon. 1941. The Hero in America: A Chronicle of Hero-Worship. New York:
Scribner’s Sons.

Williams, David. 2012. Rewriting History: Holocaust Revisionism Today. London: Hope
not Hate Ltd.

Zaide, Gregorio. 1970. Great Filipinos in History: An Epic of Filipino Greatness in War and
Peace. Manila: Verde Book Store.

47 JAVAR: Kasaysayang Buhay: Pananaw, Pamamaraan, Pananaliksik

You might also like