You are on page 1of 3

MAMARADLO, Elaika Gerald C.

ENR11

1. Ano ang kahulugan ng kasaysayan? (Sa Universal, Worldwide, International &


National)
- Ang salitang kasaysayan o history sa salitang ingles ay nagsimula sa
salitang greek na historia na nangangahulugang "impormasyon mula sa
pagsasaliksik" na pinagaaralan ang mga nakaraang pangyayari upang
maunawaan ang ating kasalukuyan at mapaghandaan ang ating hinaharap.
Kung mapapansin mo, ang salitang kasaysayan ay may salitang-ugat na
"saysay" na ang ibig sabihin ay "halaga" kaya nasasabing ang kasaysayan ay
ang paglalahad ng mga pangyayaring may saysay o halaga sa bansa.

2. Sino ang mga tinatawag na historyador?


- Ang historyador ay isang taong dalubhasa sa pagsulat ng kasaysayan.
Bukod sa mahusay siya sa pagkalap ng mga impormasyon at detalye ng
nakaraan, gumagawa rin siya ng isang buod o pattern na nagbibigay ng saysay
sa kaniyang mga nakalap.
Teodoro Agoncillo ay isa sa mga batikang historyador sa bansa. (History of
the Filipino People)
Gregorio Zaide na isa sa mga pinakaunang sumulat ng aklat tungkol sa
kasaysayan ng Pilipinas. (Philippine History, noong dekada 1930. Philippine
Cultural and Political History)
Antonio Molina
Nicolas Zafra
Renato Constantino
Onofre D. Corpuz
Serafin D. Quiason
William Henry Scott
Reynaldo Ileto ay sumulat ng kasaysayan ayon sa pananaw ng taong wala sa
gitna ng lipunan o mga itinuturing na mga naisantabi ng kasaysayan tulad ng
mag magsasaka, mga tinuturing na kulto tulad ng mga grupong anting-anting sa
Banahaw, at mga tinatawag na kilusang milenarian.
Samuel K. Tan na sumulat ng kasaysayan mula sa pananaw ng mga Moro,
Muslim, at mga katutubo sa Timog Mindanao at Sulu.

Mayroong ding mga historyador na dalubhasa sa lokal na kasaysayan tulad nina:


Isagani Medina na eksperto sa kasaysayan ng lalawigan ng Cavite
Jaime Veneracion na eksperto sa kasaysayan ng Bulacan
Luis C. Dery na eksperto sa kasaysayan ng Kabikulan
Resil Mojares na dalubhasa sa kasaysayan ng Cebu

Mayroon ding mga historyador na dalubhasa sa pagsulat ng kasaysayan ng mga


sektor ng lipunan tulad ng mga kababaihan, kasaysayan ng relihiyon, at
kasaysayan ng mga institusyon. Ang mga eksperto rito ay sina:
Ma. Luisa Camagay para sa kasaysayan ng kababaihan
P. Rolando de la Rosa para sa kasaysayan ng mga Dominicano sa Pilipinas
P. Rolando de la Goza para sa kasaysayan ng mga paring Vincentian
P. Horacio de la Costa para sa kasaysayan ng mga Heswita sa Pilipinas

Para sa kasaysayan ng mga institusyon, maaaring magsulat tungkol sa


kasaysayan ng mga pamantasan, paaralan, o sangay ng pamahalaan. Kabilang
dito sina:
P. Fidel Villaroel na itinuturing na historyador ng Pamantasan ng Santo
Tomas
Justice Camilo Quiason na nagsulat tungkol sa kasaysayan ng Hudikatura sa
Pilipinas

3. Ano-ano ang mga iba't-ibang yugto at mga panahon ng kasaysayan?


SANGGUNIAN:
http://www.digilearn.com.ph/epub/books/gs7_ap01/Text/intro.html

You might also like