You are on page 1of 3

Pantayong Pananaw at mga Batayang Konsepto ng Bagong Kasaysayan

Introduksyon

 sentral ng sasalaysayin sa panayam na ito ang pangunahing librong nagsuma sa mga ideya ng PP at ni Salazar,
ang " Pantayong Pananaw: Ugat at kabuluhan Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan" na
pinatnagutan nina Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan.
 Ang naturang libro'y kinatatampukan ng «Mga Piling Akda ni Dr. Zues Salazar», anim na akda ang partikular na
tinatalakay sa libro.
 « Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian,
hahalagahin, kaalama. »

PANTAYONG PANANAW

 Ano ang Pantayong Pananaw?


-Isang perspektiba kung saan tuon ay ang pag-uulat ng kasaysayan sa lipunang pinapaksa nito gamit ang
wika’t mga dalumat na nauunawaan ng lahat.

Iba’t – ibang uri ng pananaw:

 Pangkaming Pananaw
- Ang nagsasalita ay taal o ( taga loob ) at nag uulat sa mga labas. Maaaring hindi na pamilyar ang
nagsasalaysay na nanggaling sa loob sa mga hahalagahin at dalumat na nagmula sa bayan dulot ng
pagkakababad at pagkakalantad nya sa kultura at pananaw ng kinakausap na tagalabas ( sa antropolohiya,
mga akulturado).

 Pangkayong Pananaw
-Ang nagsasalita ay taga-labas na nag-uulat sa mga taga-loob.

-Maaring alam ng mga taga-labas ang katutubong wika kaya’t nkakausap ang mga taga-loob bagamat hindi
gaganap ang konsepto’t kabukuhan na kaugnay sa wika.

-Ang suliranin dito’y ang cultural biases sa lalabas na paglalarawan ng mga naratibo lalo’t may bitbit na
banyagang lente ang nagsasalaysay na taga-labas sa paglalarawan niya ng mga taga-loob.

 Pangsilang Pananaw
 Ang nagsasalita ay taga-labas at ang kinakausap ay taga-labas din.
 Naturalmente, nag-uusap sa wikang sila lang ang nagkakaintindihan. Isang object lamang ang grupo o
bansang sinasakasaysayan.
 Makikita sa Philippines studies center na nasa pamantasan ng ibang bansa, mga mananaliksik ay banyaga.

 Pantayong Pananaw
 Ibang iba ang Pantayong pananaw, sa pagkakasaysayan, importanteng usapin ang nagsasalita, kinakausao, at
wikang ginagamit dahil nakapaloob ditto ang salobin, diwa, at mga dalumat pangkasaysayan .
 Bago dumating ang mga kastila sa kapuluan, bawat isa sa mga grupong etniko ay may sariling “ pantayong
pananaw,” na naipapamahagi at naiintindihan ng taga grupong etniko sa iisang wika: aang sarili.” – Zues
Salazar.
 Malinaw nab ago dumating ang mga mananakop, namamayani na ang pantayong pananaw. Dinadalumat
ang kasaysayan , gamit ang sariling wika.
Ang Pantayong Pananaw ayosn kay Rommel A. Curaming

1. Bumuo ng isang Talastasang Bayaan


2. Closed- Circuit
3. Bawat bayan ay may sari-sariling pananaw-pandaigdigan(worldview, sa antropolohiya, ito yung cultural
relativism)
4. Strategic exclusivity
5. Dambuhalang pagkakahating pangkalinangan
6. Pagkiling sa wikang Filipino ( Linguistic Dogmatism ani Curaming)

Ang Kasaysayan, Historia, at Bagong Kasaysayan

 Dalumat sa Pantayong Pananaw ang pagpapakahukugan sa Kasaysayan. Ibang-iba ang katutubong dalumat ng
kasaysayan kesa sa kanlurang History.
 Historiae sa salitang griyego na ang ibig sabihin ay “to inquire”.
 Sa pormal na kahulugan, ang history ay nangangahulugang “study of the past”.
 Iba ang taal na kahulugan ng salitang kasaysayan. Ito ay mula sa salitang saysay – kabulihan.
 Hindi lahat ng bagay ay may kasaysayan. Ang kasaysayan ay sinasalaysay.
 Sa tradisyunal na historiograpiya na anumang bagay na naisulat lang ang may “kasaysayan”.
 Namayagpag mula ika-16 nhanggang ika-19 na siglo ang kasaysayang nasa punto-de-bista ng mga mananakop o
yaong tinatawag nga nating Pansila at Pangkayong Pananaw.
 Object lamang ang mga INDIO sa sinulat na kasaysayan. Sunusiri tayo batay sap unto-de-bista ng mga taga-labas.
 Ika-19 na siglo nagbukas ang posibilidad na magtungo ang ilang mayayamang indio sa Espanya.
 Sa isang sulat ni rizal kay Blumentritt noong 1890, na banggit nya na ang kanyang kagustuhan na magsulat na
lamang ng kasaysayan sakaling mabigyan ang hiling na reporma ng propaganda.
 Ito ay masasakatuparan sa anotasyon niya ng sucesos ni Morga at ng La Indolencia de los Filipino.
 Aumpisa ng pagsasapantayo ng kasaysayan ay noong huling dekada ng ika-19 na siglo nila Andres Bonifacio at ni
Jacinta sa kanilang sanaysay sa pahayagang katipunan.
 Tinangka nilang isakasaysayan si Inang Bayan sa pamamagitan ng katutubong dalumat kagaya ng “
kaginhawaan”.
 Pagtungtong ng ika-20 siglo, iigting ang ganitong pagtingin sa kasaysayan- ang pagsasakasaysayn ng Pilipinas
batay sap unto-de-bista ng mga tagalabas at mula din sa mga taga-loob

Historya Kasaysayan
 Study of the past - Salaysay na may saysay
 Nasusukat - Pasalita
 Nasa anyo ng mga nasusulat - Nasa anyo ng mga alamat, kwentong-bayan, dasal, awit
na dokumento
 Karaniwa’y ukol lamang - Karaniwa’y pinapaksa ang mahahalagang bagay na may kinalaman sa bayan
sa buhay ng mga dakilang tao

Kasaysayan
 And since these natives are not acquainted with the art of writing, they preserve their ancient lore through
songs, which they sing in a very pleasing manner. – Miguel de Loarca, Relacion de las Ylas Filipinas
PAGDIDIIN SA KASAYSAYAN BILANG SALAYSAY NA MAY SAYSAY

 Ang kasaysayan ay isang salaysay hinggil sa nakaraan saan pa mang paksa na may saysay para sa sariling lipunan
at kultura. - Zues Salazar

You might also like