You are on page 1of 1

Glysa Jane Ropa Bachelor of Arts in History

4-2
Philippine Ethnic Histories Prof. Alvin
Pingul

SINTESIS 4

Ang tatlong librong na ipinresenta noong nakaraang linggo ay tumatalakay sa


kasaysayan ng etnolinggwistikong grupo ng Bikol at Mindoro. Sa sintesis na ito, makikita
kung paano tinalakay ang kasaysayan ng mga katutubo sa rehiyon ng Bikol at Mindoro sa
magkaibang paraan, at kung paano nakaapekto ang iba’t-ibang hamon sa mga katutubo sa
pag-unlad ng mga pamayanan.

Ang unang librong tumatalakay sa kasaysayan ng Bikol ay pinamagatang


Archaeology and Emerging Kabikolan ni Andrea Malaya Ragragio. Sa akdang ito, binigyang
pokus kung paano ginamit ang arkeolohiya sa pagbuo ng identidad ng Kabikolan. Dito
tinatalakay ang iba't ibang mga archaeological site, relikya, at kultural na kasanayan na
humubog sa pagkakakilanlan ng rehiyon. Malaki ang ambag ng arkeolohiya sa kasaysayan ng
Bikol dahil sa paraan na ito ibinunyag ang mga nangyari sa nakaraan ng rehiyon. Ilang
halimbawa ay ang paggamit sa paghuhukay, paraan ng paglalagay ng petsa, at pagsusuri ng
mga relikya. Ang mga lokal na komunidad sa rehiyon ay may pakikilahok sa pag-aaral ng
arkeolohiya at kasama nito, ito ay humarap sa iba't ibang hamon tulad ng pagnanakaw,
urbanisasyon, at pagbabago ng klima. Binibigyang-diin nito ang pangangailangan para sa
matalinong mga patakaran upang mapanatili ang mga arkeolohikal at kultural na mga pook sa
rehiyon. Kung sa akdang ito ay binigyang diin ang arkeolohiya, gumamit naman ng
topograpiya si Mariano Goyena Del Prado sa pag-ungkat ng kasaysayan ng Bikol sa librong
Ibalon: Ethnohistory of Bikol Region. Tinalakay niya ang kasaysayan ng mga katutubo sa
rehiyon gamit ang mga pisikal na katangian nito. Isinalaysay niya ang kasaysayan mula sa
prekolonyal na panahon hanggang sa matapos ito at paano nakaapekto ang kolonyalismo
tulad ng pagbabago sa ilang mga pangalan ng ilang bayan. Binigyang pokus din ng may akda
ang pagpapahalaga sa kultural na pamana ng rehiyon at tinalakay rin ang pinagmulan at
pundasyon ng mga pangalan ng bayan, tradisyon, at paniniwala, halimbawa na rito ay ang
makasaysayang pinagmulan ng “Albay” at “Ibalon”. Sa akda namang The Mangyans of
Mindoro: An Ethnohistory na isinulat ni Violeta Lopez-Gonzaga, tinalakay ang kasaysayan
ng Mindoro at ang mga komunidad na nabibilang dito. Kolektibong tinatawag na Mangyan
ang mga katutubo na namamalagi rito. Inilahad ng awtor ang kasaysayan mula sa prekolonyal
na panahon at ang kolonyalismo g mga Espanyol at Amerikano na humantong sa
diskriminasyon sa pagitan ng mga Mangyan at Tagalog dahil sa mababang pagtingin sa mga
katutubo ng Mindoro. Sa paglaganap ng Kristiyanismo sa rehiyon, umusbong ang mga pang-
aalipin sa katutubo at sistema ng encomienda na naging isa sa mga hamon na kinaharap ng
mga katutubo. Bagamat nagtuon ang tatlong libro sa iba't ibang aspeto, kapwa nagtataglay
ang mga akda ng diwa ng pangangalaga sa kasaysayan at kultura ng bawat rehiyon.

You might also like