You are on page 1of 10

Ongas, Jay B. Prop. M.

Agustin
B.A History 2-1 Phil. in Colonial Period II

Isang pagbubuod at pagsusuri sa aklat na


“KATUTUBO, MUSLIM, KRISTYANO: PALAWAN, 1621-1901”
ni Nilo S. Ocampo

I. Ang May-Akda

MAIKLING PAGSASALARAWAN KAY DR. NILO S. OCAMPO


Sinikap alamin at saliksikin ng mananaliksik/ mag-aaral ang buhay o talambuhay ng may-
akda – si Dr. Nilo Ocampo, sa lahat ng uri at pamamaraan, ngunit, naging mailap ang
impormasyong personal niya. Ang mga maibabahagi lamang ng mananaliksik/ mag-aaral ay
kanyang pagkakakilanlang panlabas tulad ng (mga):

Isa siyang propesor ng Unibersidad ng Pilipinas, nasa ranggong Propesor 6 (batay sa


pamantayang Unibersidad ng Pilipinas). Nagtapos sa pagka-doktor sa Filipino sa naturang
unibersidad. Kasalakuyang nagtuturo pa rin sa nasabing unibersidad na bihasa sa disiplina ng
Pagsasalin (Transalation), Rizal Studies, at Philippine History. Kasalukuyang Propesor sa ilalim
ng College of Arts and Letters, nang nasabing unibersidad.

Matapos ang unang pamabansang Kumperensya sa Historiograpiyang Pilipino sa


Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, apat na taon bago ang naturang Kumperensya, nailathala na
ang unang publikasyon ng aralang grupong BAKAS, ang aklat ni Nilo S. Ocampo, - ang
“Katutubo, Muslim, Kristyano: Palawan, 1621-1901 (Kolonya: 1985). Siya rin ang naging
pangalawang pangulo ng Lipunang Pangkasaysayan (LIKAS) na itinatag noong 1971.
Kasalukuyan din siyang bumubuo sa naturang aralang grupo ng BAKAS.

Naging pangulo ng Asosasyon ng mga Dalubhasa, may Hilig at Interes sa Kasaysayan


(ADHIKA) ng Pilipinas, Inc. noong 2010 (hanggang?), at marami pang organisasyong hindi
nabanggit.

Ilan sa kanyang mga naging publikasyon ay ang: “Kristong Pilipino: Pananampalataya kay
Jose Rizal.” Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2011; ang unang nagsalin ng ikatlong nobela ni

1|Pahina
Rizal na ‘Makamisa’ sa ilalim na kanyang pamagat na, “Etikang Tagalog: Ang Ikatlong Nobela
ni Rizal,” “May Gawa na Kaming Natapus Dini: Si Rizal at ang Wikang Tagalog” 2002, at
marami pang iba.

II. Introduksyon
Ang aklat na ito’y mula sa pakikipagtulungan ng mga mananaliksik mula sa Bahay-
Saliksikan ng Kasaysayan (BAKAS). Ito ay unang librong inilabas ng may-akda mula ng siya’y
makapagtapos sa kanyang masteral. Ang aklat na ito’y para sa mga taong naninirahan sa
probinsya ng Palawan. Natanto ng may-akda na ang probinsyang ito’y kilala bilang isa sa mga
pangunahing probinsya para sa mga magagandang tanawin, subalit sa kabila nito. Ang Palawan
din ay nakilala sa buong mundo, partikular sa mundo ng akademya, kasaysayan at arkeologo at
iba pang disiplinang pang-humidades, dahil sa pagkakahukay ng isang buto ng Taong Tabon, isa
rin ang probinsya na kalapit sa mga malalaki’t maimpluwensyang bansa, tulad ng Tsina, Borneo
at iba pang bansa, para sa kalakalan. Kaya sa kabila, nakakapagtaka na wala umanong nabuong
kasaysayang pang-lokal para sa naturang probinsya, liban sa mga akdang nilikom ng isang
propesor sa naturang probinsya, partikular na sa mga primaryang batis na sagana sa probinsyang
ito. At, Kung ano rin ang ginampan ng naturang probinsya para sa Rebolusyong pambansa noong
1896.

Kaya naman, ipinasya ng may-akda na bumuo ng isang lokal na kasaysayan para sa


probinsya ng Palawan. Sa pagsasagawa ng may-akda ng naturang libro naging pangunahing
isinaalang-alang ng may-akda ang wika, “Sa paggamit ng wikang Pilipino sa pag-iisip at
pagsusulat, hangad ng mananaliksik na mapaunlad ang wikang pambansa.Masidhi ang mithiin na
makitaito bilang wika ng pagsulat hindi lamang sa historiograpiyang Pilipino kundi sa buong
iskolarsyip na Pilipino.

Ang unang Kabanata ay paglulugar ng sitwasyong pre-historiko at prekolonyal ng


probinsya sa konteksyo ng Timog Silangang Asya. Samantala, ang ikalawang Kabanata naman
ay pumapatungkol sa panimulang kolonisasyon sa Espanya sa probinsya at ang nalikhang
batayang hatian na nanatili sa kabuang sakop ng aklat, 1621-1901. Ang hatiang Moro-Kristyano-
Katutuboang siyang pinakatema nito, nugnit binigyang diin ang kabuuang kasaysayan ng isla sa

2|Pahina
panahon ng Espanyol o pananakop. Ang ikatlong kabanata naman ay ay ang pagsusumikap o
panahon ng pananakop ng Espanya na sakupin ang buong probinsya sa tulak ng kanilang
polisiyang sentralisasyon. Ang ikaapat na kabanta naman ay tungkol sa paglalahad ng mga iba
pang mga aksyon na kanilang ginawa para tuluyang makuha ang probinsya sa pamamagitan ng
mga nakamit nilang tagumpay sa sa kanilang pagsulong at pakikitagpo sa katutubo, na sa
kadalianan ay maabutan na rin ng Rebolusyon ng 1896, ang epekto nito na siyang paksa sa
ikalimang kabanata naman. Sa ikaanim na kabanata naman ay ang representasyon sa
Republikang Pilipino ng probinsyang Palawan. At sa huling kabanata, ay ang paglalagom ng
may-akda na pumapaksa sa pagkikritiko sa kanyang akda.

III. Pagbubuod: Ang Aklat na “KATUTUBO, MUSLIM, KRISTYANO…”

Sa Unang Kabanata. Sa pagdating ng mga Espanyol sa taong 1521, ayon sa tala ni


Pigafetta, matapos silang tumawid sa Pilipinas. Sila’y nakatagpo ng isang malaking pulo, kanya
itong binigya ng ngalang ‘Pulaoan’, kung saan nakakita sila ng bigas at iba pang pagkaing
sagana, matapos silang makaranas ng taggutom sa kanilang paglalakbay ng isang buwan. Sa
pagkakataong ito, sa unang pagkakataon ay nakatagpo ng mga Espanyol ang 50,000 taong mga
katutubo, batay sa batayang prehistoriko at Timog-Silangang Asya.

Napadpad o dumaong ang mga sinaunang tao at kultura sa probinsyang ito, umugta at
nanahan, nabahiran at nasangkot sa prekolonyal na daigdig sa Timog-Silangan Asya. Sa
pagdating mga Kanluranin, sa katauhan ng mga Espanyol, ang mga katutubo ng Palawan ay
nabubuhay sasa isang sistemang pagbubungkal na palipat-lipat at pangangalaga sa hayop bukod
sa pangangalaga at pagtitipon ng mga hayop, prutas, pagkit, pugad, kabibe, balate, perlas at sari-
saring produkto ng punongkahoy. Isang pamumuhay o kulturang nasasapat lamang sa
pangangailangan ng mga katutubo,

Bagamat primitibo pa ang kabuhayan sa hanay ng mga Batak at maaaring namang


masabing higit sa sapat ang ani sa ilang lugar upang mamuhay nang mabuti-buti at
pakikipagkalakalan sa mga taga-labas. Ang kanilang kaayusang panlipunang batay sa kamag-
anakan at ‘kulto ng mga patay’ o pagsamba sa mga ninuno, animistikong paniniwala, ay
nakakasigurong ang mga pamamaraang ito’y naging dahilan sa kanilang tribo o pamayanan

3|Pahina
upang maging maayos at mabuti ang kanilang lipunang kinagagalawan. Ang mga sangkap na ito
ay ang makatutukoy na buod ng larawang-lipunang prehistoriko ng probinsya ng mga pangkat-
pangkat na pamumuhay, at sa huli’y ang kanilang magiging engkwentro sa mga dayuhang
Muslim at Espanyol, ay magiging hindi dahilan upang mapanatili pa rin nila ang kanilang
pagkakakilanlang mga katutubo ng probinsya sa pagpasok ng mga dantaon.

Ikalawang Kabanata. Sa kanilang kolonisasyon, sinimulan ng mga Espanyol ag proseso


ng Hispanisayon sa Probinsya. Di katagalan, sumsaklaw mga misyonerong prayle at politico-
militar na administrador sa mga kapatagan ng bahaging hilaga ng probinsya. Sa kabuuan ng
kanilang pananakop, lalo na sa unang dantaon ng pananakop, nakaharap nila ang antaginistang
mga Moro na siyang kumukontrol sa katimugang bahagi ng bansa, particular na ang lokasyon ng
naturang probinsya – nasa gitna, nasa pagitan ng Kristyanong Luzon at islamikong Mindana-
Sulu-Borneo – naging larangan ito ng tunggalian ng dalawang pwersa. Samantala, hanggang sa
pagpasok ng ika-19 na dantaon, karamihan sa mga katutubo ng Palawan, maski na ang mga
naturingang binyagang Katoliko, bagamat hindi ganap na maihihiwalay at kahit paano ay may
ugnayang naganap sa mga pwersang nabanggit, ay nanatiling namumuhay sa kinagisnan nilang
pagsasarili at kaugalian, malayosa sukob ng mangongolonya.

Sa panahong ito, ang kapangyarihan ng kolonyalistabg mga isla ay naipapamalas sa


gawaing pangongolekta ng tribute lamang. Pumaparoon sa Cuyo ang enkomendero taon-taon
kung buwan ng Pebrero at Marso para lumikom ng mga tributo, at kpag katapos na ay babalik sa
kanyang tirahan sa isla ng Panay. Wala nang iba pang komuniskasyon ang mangyayari.
Napabilang na nga sa paghahati-hati ng mga encomienda ang Palawan at nakukunan na ng
tribute, subalit para sa mga masusugid na mga administrador at tagapagtaguyod ng
pananampalatayang Kristyano, marami pang trabaho ang kailangang gawin. Binanggit nina
Prayle Domingo de Salazar na ang nainirahan sasa Calamianes ay nagbabayad din ng tributo sa
mga tao ng Burney dahil hindi sila inaasikaso ng mga Espanyol maliban na lamang sa
pangongolekta ng tributo.

Kaya naman, simulo noong 1622, isang pangkat ng mga misyonerong Recoleto ang
ipinadala sa lugar. Sa pangunguna nini Pray Francisco de San Nicolas, Deigo de Santa Ana at
ermano Lego Francisco de la Madre de Dios, sa pangunguna ni Fray juan de Santo Tomas,
walang kinatatakutan at nasasandatahan ng banal na lakas, itinanim ang krus sa isla ng Cuyo.

4|Pahina
Ayon sa mga taa, tinanggap raw sila ng mahusay ng mga katutubo, liban na lamang sa paring
katutubo.

Sa proseso ng pananakop, hindi maikakaila ang mga pagsusulong at karapatang nakamit


ng mga Espanyool sa bahagi ng mga katutubong kanilang nasaklawan; npagtagumpayan nilang
gawing binyagan sa Katolisismo ang mga Katutubo at nasanib sa balangkas ng administratibo.
Subalit sa panahong din ito, masasabing hindi ito ang panahong may magandang katayuan para
sa mga kolonyalista, sapagkat nasa entablado sila ng mga pakikibaka at alerta; ang paghahamon
ng mga Muslim, at sa loob ng walan maliw na pagkapit ng mga katutubo sa sinaunang tradisyon
ng mga kaugalian. Ang mga Batak, Tagbanua, at Pala’oan. Ay nakapirmi sa kanilang sinaunang
katayuan o tradisyon. Ganito ang larawan hanggang sa ikalawang hati ng ika-19 na dantaon, mga
dahilang nagbigay ng lakas at hamon para sa mga Espanyol upang palakasin ang kanilang
pananakop.

Ikatlong kabanata. Sa mga taong lumipas, nasaksihan ang mga masigasig na


pagpapalawak ng kolonyanisasyon ng mga Espanyol sa mga lugar o probinsya na walang
nagpapa-aangat o nanatiling mga ‘Indio’ sa kanilang pamumuhay dahil sa pagkapit sa kanilang
matandang tradisyon hanggang sa unang dalawandaang taon. Makikita rin ang kanilang ibayo
laban sa mga pabugso-bugsng pananakop ng mga Moro sa isalang dating kanilang kinukuhaan
ng mga produkto at tribute, makikita rito ang pag-iibayo na mapalawak at mapalakas ang
kanilang sentralisasyon ng kolonya sa probinsya ng Palawan o Paragua. Ang mga hakbangin ng
pagsisinop ng ‘propios y arbitrios’ sa isla ng Calamianes at pagtitirik ng centinela sa Blabac ay
halimbawa ng mga pag-usad teoretika patungo sa ktwal na sensatralismo (1800-1860), at ang
pagbubukas ng gobierno ng Paragua ay pagkilos ng aktwal sa sentralismo (1861-1898), sa
pagnanais ng Kolonyalismong Espanya na umagapay sa maramihang pagbabagong naganap,
mga hamong dulot ng mga mahigpit na karibal na kolonyalista, paghihiwalay sa Latina Amerika,
at ang pagka0istatiko o pagkahuli ng mga kolonyalisal na patakaran at pag-iisip, upang sa
kabuuan ay mapanatili at mapalakas ang kolonya ng Espanya na ang Pilipinas sa panahong iyon.

Ikaapat na kabanata. Ang pag-asam ng Kapitan ng Pragata ng Armadong Espanyol ay


kaugnay ng mga nakuha nilang mga pagkawagi o tagumpay sa kanilang malawak at masigasig
na kolonisasyon ng probinsya. Walang dudang positibong hakbangin para sa mga Espanyol ang
pagpapaunlad at gawing sibilisado ang mga naninirahan sa Puerto Prinsesa, ang pagpapahatid ng

5|Pahina
kanilang impluwensya sa mga Muslim, Tagbanua, at mga Batak, bagamat lumalabas sa kanilang
problema o atraso sa Balabac na nagpapamalas ng masidhing pagnanais ng mga Espanyol na
makuha ang ganoong lugar sa kanilang kagustuhan ang sntralisasyon. Kung susuriin, mababaw
lang ang kanilang naiwang impluwensya, sapagkat umaapaw man ang kanilang mga masigasig at
malawakang mga plano para sa pananakopo pangongolonya sa naturang lugar, nagkulang pa rin
ang mga tao at hinabol na rin ng mga sirkuntansya.

Sa pagkaka-ugnay sa pandaigdigdigang piyudalismong at kapitalista, na laganap sa


Europa noon, napag-isa ang ekonomiya ng bansa tungo sa produktong panluwas ng bansa.
Sinikap isama kung gayon ang probinsya ng Palawan sa nabubuong pambansang pamilihan.
Kung noon, ninanais lamang ng mga Espanyol ang mga produktong Espanyol na nido, nang
katagalan,ay ninais na nilang linangin ang mga produkto sa naturang probinsya dahil sa taglay
nitong yaman. Isa sa kanilang nais ay ang paglinang o pagtamnan ito ng mga produktong
panluwas, halimbawa dito ang ay pagpasok sa pandaigdigang pamilihan ng Azucar, Marca
Paragua. Hindi man nakilala ang probinsya sa produktong asukal o panluwas, tulad ng Gitnang
Luzon, Negros, at Iloilo, gayunpaman, sapat ng mapang-akit pa rina ng mga kayamanang taglay
nito para mabuoang Compania Anonima de Explotacion y Colonization de la Ysla de Paragua,
ang kompanya sanang gigiling upang ganap na maiugnay ang probinsya sa pambansa at
pandaigdigang ekonomiya, tagsilbi ng mga pangangailangan nito. Itinatag ang Compania
Anonima noong 1892, subalit ano ang maaring maging pundasyon sa apat na taon bago sumiklab
ang rebolusyon?

Ikalimang kabanata. Pronterang maituturing ang Balabac at Puerto Princesa ay


mabisang ginamit ng mga Espanyol bilang tapunan, penitenciara o sitio de castigo. Hindi sila
napagtagumpayan na paglingkurin ang probinsya sa pangangailangan ng ekonomiyang
produktong panluwas, datapwat napakainam ng kalayuan ng mga lugar a ito upang pagsimulan o
magsilbing sadlakan ng mga deportado, ito ang mga taong lohikal na magpapasimuno ng isang
pag-aalsa, at sila na ngang nanguna sa pagkakaroon ng lohikal nagpapasimuno ng isang pag-
aalsa, at sila na ngang nagunguna sa pagkakaroon ng rebolusyonaryong pagkilos dito sa
probinsya pagsapit ng oras.

Hindi nakaligtas, samakatuwid, sa impluwensya ng Rebolusyon ang malayong


probinsyang ito. Nag-alsa ang mga katutubong sundalo sa Puerto Princesa at Balabac laban sa

6|Pahina
kanilang nakaka-angat na Espanyol. Malaki ang nagawa ng pagtitipon doon ng mga
deportado,ipinatapon dahil sa kanilang pagsalungat sa rehimeng Espanyol, para maisalin ang
suhetibong damdamin ng ahitasyon tungo sa aktwal na pagkilos. Malinaw ang kanilang papel sa
natuklasang una vista conspiracion, hindi man ito nagtagumpay at ikinasawi ng kanilang buhay.
Sa malaking banda ay masasabi natin na galig sa labas ang rebolusyonaryong ahitasyon, bagamat
ang mga taga probinsya, yaong mga nasa kabayanang naapektuhan, hindi man tuwirang kumilos
o lumahok, nakamasid at mangyari pa ay nakadama sa sitwasyong ito na malaking kahalagahan
para sa bansang Pilipinong nasa proseso ng pagbubuo.

Ikaanim na kabanata. Lumikas ang mga prayle, at pagkabagsak ng Kolonyalismong


Espanyol, gayon di ang mga opisyal at militar na nakahimpil sa probisya at dumanas din ng mga
pag-aalsang pagkilos na nakatuon sa kanila. Ang puwang ng kapangyarihan na nalikha ay
napunan sa kanila. Ang puwang ng kapangyarihan na nalikha ay napunan kaagad sapagkat noong
Disyembre 1898, o mas maaga pa rito, may katibayan tayo na mankakabuo na ng mga grupong
rebolusyonaryong sa hanay ng mga nakapagbuo na ng mgagrupon rebolusyonaryo sa hanay ng
mga taga-probinsya bagamat may tulong sa mga Tagaog sa pamamagitan ng Mindoro. Makikita
natin ang pagsusumikap ng Republikang Pilipino na palaganapin ang awtoridad nito sa probinsya
na hinirang ni Panguong Emilio Aguinaldo ng mga komisyonado. Maaasikaso ng mga
komisyado ang pagsasa-ayos ng pamahalaang local subalit hindi lamang iyon ang kanilang
aayusin, bagay na nagdulot ng hapis para sa probinsya. At sa pagdating ng bagong mananakop
ang mga Amerikano, nakatindig ang tanghalan para sa isang magiliw na pagsalubong.

Natanto na ang mga hakbangin ng mga taga-probinsya na punan ang puwang ng


kapangyarihan at ang pagsusumikap ng Republikang Pilipino na palaganapin ang saklaw nito sa
probinsya sapaghirang at pagpapadaa ni Aguinaldo ng kanyang mga komisyonado. Subalit isang
dagok para sa kanya, sa Republika at sa mga mamamayan ng Palawan, ang komisyanado niyang
Constantino at mga tauhan nito ay nagging masinop lamang pagpapalaganap ng pansariling
kapangyarihan. Maaring masabi na ang mga aral ng Katipunan na siyang nagpasimula ng
rebolusyon, gaya ng kapatiran at pagkakapantay-pantay, ay hindi sapat ang pagtimo sa
puso,kung tumino man,at ang pagkintal sa isipan, kung kumintal, sapagkat sa huli ay pansariling
inters pa rin ang siyang namayani. Walang pundamental na nagbago; ayon nga kay Jose
Melindres, “tulad ng panahon ng mga Espanyol… pag-abuso sa kumpyansa ng katungkalan,”

7|Pahina
sapagkat ngayon,mayroon na silang pagkakataon, sila man ang nagpapakasaya at nagpakasasa,
malakas ang tunguhing maghari-harian sa kanilang lugar. Naagapan naman ito,at kay
Sandoval,ipinamalas pa rin ang suportang dapat iukol sa Republika, ang pagtitiwala ng mga
mamamayan para sa kanilang pinuno.

Samantala, sa Cuyo, ang ganitong pagtaguyod ay di nabanaagan. Sa panahong


nakikipagtagisan ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa mga kolonyalistang Amerikano sa isang
digmaan, pinili ng mga prinsipales, mga pangunahing mamamayan ng bayan na makipagsundo
sa mga Amerikano. Kumilos si Sandoval para hadlangan. Subalit ang dinamiko at katangian ng
kanyang pagsawata –ang pagpapadala kina de Leon at Concepcion upang hulihin ang mga
“Amerikanista” at kumpiskahin ang kani-kanilang ari-arian – ay hindi sapat para sagkaan ang
pakikipagsundo. Sa katunayan, tuwirang tinutulan at pinatalsik sina de Leon at Concepcion. Sa
pagdulog ng mga taga-Cuyo sa mga Amerikano at sa malakas na damdaming batay sa
fundamento ng mga prinsipales na hindi sila dapat pamunuan ng “mga taong dayo, hindi
kabilang sa lahing Cuyo,” matuturol ang kahihinatnan ng konsepto ng pagkabansang dala ng
Republikang Pilipino sa lugar na hiwalay na geograpikal at mangyari pa, para sa mga
prinsepales, elite ng Cuyo, na mag-aalaga sa kanilang katayuan at mangangambang maaalisan, at
saglit ngang inalisan ng kapangyarihan at tinugis, sakaling mangibabaw ang mga pwersang tulad
kay Sandoval.

IV. ‘Kalakasan’ at ang ‘Kahinaan’ ng Aklat

Mababakas ang kalakasan ng aklat pagdating sa kanyang pamamaraan ng paglalahad ng


buong kasaysayang lokal –sa wikang Pilipino. Ito marahil ang ninanais ng may-akda, ang
maipahayag ng maliwanag, at malinaw dahil ang kasaysayang naming ito’y para sa mga Pilipino
at mga katutubo ng Palawan. Isa pang nakakamanghang mapupuna ay ang paggamit ng may-
akda sa mga primaryang batis at ang malawak na kaalaman sa wikang Espanyol para mailahad
ng maliwanag ang mga nilalaman nito o maisalin sa wikang ating taal.
Ngunit sa kabila nito, mababakas ang punto ng mga may-akda ang paglalahad na maka-
Espanya o ‘pangkami’ dahil kung susuriin ang pagkakalahad ng may-akda, ang kanyang
paglalahad ay bumalik sa tradisyonal na perspektibo dahil ang pagkakalahad ng mga dokumento

8|Pahina
at primaryang batis ay nasa perpektibo ng pagiging Espanyol kung saan ang pagsusuri at
pagkakalahad ay nakabase sa mga dokumentong nalabi at hindi nabigyan ng malalimang nasuri
kung hindi ay naging tradisyonal na paglalahad lamang at hindi nabigyan ng buo at malinaw na
paglalarawan para sa mga katutubo ng Palawan.

V. Kahalagahan ng Aklat

Napakalaki ng magiging kalahalagahan o magagawa hinggil sa paglilinaw ng kasaysayan ng


probinsya bilang integral na sangkap ng kasaysayang pambansa. Ang pagkaalam sa lunduyang
pinagmulan ng ating pre-historikong mula sa tao ng Yungib Tabonay isang tunay na bentahe,
datapwat ang tunguhin na ikandado ang probinsya sa panahong ito at wala nang masyadong iba
ay maaring nalinang ng katotohanang ang mga sinaunang tribu o etnikong grupo ng probinsya
ang nagging pangunahing tuon ng panlipunang pananaliksik.
Ang naging pangunahing layunin at naging kahalagahan ng librong ito ay para sa
pagpapalinaw o paglilinang at lubos na pagpapaintindi sa kasaysayan ng probinsya ng Palawan
at sa mga dantaong Kolonisyasyong Espanyol ay pinagsumikapan ng may-akda na mailahad ang
mga nakahimbing na dokumentasyon ng probinsya (e.g. ang kasaysayang nito). Pagtuon din
pagtatangkang bilang isang ‘pagtatangka ng may-akda sa pagsusuri ng kasalimuotan ng mga
local na panlipunang transpormasyon kaagapay ng integrasyon sa ekonomiyang pandaigdig,’ ang
tema ng Philippine Social History noong mga panahong isinasagawa ang aklat. Ninanais alamin
ng may-akda kung paano umangkop at inangkupan ang mga mahahalagang panlabas na
angyayari tulad ng Kolonyalismong Espanyol at Rebolusyong Pilipino noong 1896.
Sa gayon ang magiging resulta ay upang magkaroon ng ideya hinggil sa lawak at sakop ng
kolonyalismong Espanyol sa kapuluan at ang naging epekto nito at ang reaksyon ng mga taga-
Palawan ditto. Sa paglalahad din ng ginampanan ng probinsya sa Rebolusyon ng 1896 at
Republikang Pilipino, makakadagdag ito ng linaw o pagkaka-intindi hinggil sa lawak at sakop ng
proseso ng pagbubuo ng pambansang bayan ng Pilipino.

VI. Punto-de-vista ng Aklat

Layunin o pinapaksa ng may-akda sa kanyang aklat na “KATUTUBO, MUSLIM,


KRISTYANO…” na magbigay ng isang panimulang paglalahad ng kasaysayan ng probinsya ng

9|Pahina
Palawan sa panahon ng kolonyalismong Espanyol at Republikang Pilipino. Natatanto ito ng
may-akda bilang pagtatangkang ambag sa makabuluhang paglilinaw ng pambansang
historiograpiya sa pamamagitan ng pagtutuon sa pagsulat ng kasaysayang local.

Ang ganitong pagtingin o pagtuon sa aklat na ito’y (‘pantayo’) ay kinakailangang


maihiwalay sa konseptong pansila, yaong kakayahang alamin ang kasaysayan ng ibang bayan o
pook, bansa at linangin ito ayon sa mga sariling konsepto’t kategoryang pangkaisipan
(pantayong pananaw) at mula sa pangangailangang mapalawak ang kaalaman ng kabuuang o
kalinangang pambansa.

VII. Pagtatasa/ Pagsusuri/ Rekomendasyon

Lubos kong hinaangaan ang lakas ng loob at kasipan ng may-akda sa kanyang


pagkakapiling mailahad nang malinaw ang buong kasaysayan ng napakalaking probinsya ng
Palawan. Inilahad niya at binigyan niya ng hustisya ang paglalahad ng kasaysayan ng Palawan sa
pamamagitan ng pagsusuri na bawat pagkaka-ugnay ng bawat dokumento sa bawat isa. Isa rin sa
aking ikinatutuwa at ipinagmamalaki para sa may-akda ay ang kanyang paggamit ng wikang taal
bilang pangunahing pamamaraan ng paglalahad ng buong kwentong pangkasaysayang local ng
probinsya na Palawan para sa lubos na kalinawan at pagkakaintindi ng mga taga-pagbasa at
sinasalaysayan.

Ngunit hindi maitatanggi ang ilang mababakas na perspektiba ng may-akda sa kanyang


pangunahing pamamaraan ng paglalahad na para umano sa ito sa kasaysayang Pilipino, ngunit,
sa ilang bahagi, mababakas ang kanyang pagiging pagbalik sa ‘tradisyonal na paglalahad ng mga
kwento mula sa mga dokumento.’ Paano? Ang ibang bahagi ay kakakitaan ng pagtinging ‘pang-
Espanyol o dayuhan’ dahil hindi nabibigyan ng ibang diin ang ibang mga detalye na
makakatulong sana para sa pagpapa-unlad at lalong pagpapa-intindi sa mga katutubo ng Palawan
upang makita’t maunawaan ang tunay na naging reaksyon o tugon nila sa kolonisasyong
Espanyol.

Sa kabilang banda, ang aklat na ito’y maaring maging batayan o magamit sa ilang may
kaugnayang pananaliksik o pag-aaral para sa lalong pagpapalalim na pag-unawa sa ukol sa
kolonisasyong Espanyol o pang-lokal na kasaysayan ng probinsya.

10 | P a h i n a

You might also like