You are on page 1of 10

BARANGAY: BANGKA AT LIPUNAN Ni Efren B.

Isorena
Report ng pangkat dalawa (Group 2)

• Introduksyon
(Chatelyn Tarucan at Lina Tarucan)
Laganap ang paggamit ng simbolismo ng bangka sa sistemang pulitikal ng maraming katutubong
lipunang magdaragat sa Timog-Silangang Asya at mga isla sa Pasipiko.
Mahalagang ginamit din ang simbolismo ng bangka sa pagbibigay ng kahulugang espasyal (spatial
meaning) sa lugar na inuukopa ng komunidad at/o estado, sa kaayusang panlipunan, sa mga mahahalagang
konstruksyong istruktural, at sa mahahalagang kapaniwalaan at ritwal ng bayan.
Sa Pilipinas marami ang mga indikasyon sa paggamit ng bangka bilang simbolo ng
kapangyarihan,kaayusan sa lipunan, at sa pulitika. At, ang nakilalang simboliko ng bangkang sinaunang
lipunang Pilipino ay ang barangay.
Ayon kay Juan de Plasencia (1589). Sa kauna-unahang pagkakataon tumukoy ang bangkang barangay
bilang katawagan sa kalipunang bumubuo ng isang komunidad na pawang magkakamag-anak at
pinamumunuan ng isang dato/datu. Bunga nito ang pagtawag sa barangay na naging kinilala bilang sinaunang
uri ng pamahalaan ng katutubong lipunan at bilang sinaunang sistemang sosyo-politikal.
Sa Barangay: Philippine Society and Culture in the Sixteenth Century ni William Henry Scott, ay
mahalagang naitakda ang dalawang natatanging karakter ng sinaunang lipinang baranganiko:
Una,ang malawak at lubos na paggamit ng bangka sa samu’t-saring aspeto ng pang-araw-araw na
kabuhayan at Ikalawa ay ang lokal na katangianng pamamahala.
Bukod dito, binigyan niya din ng diin ang mga maritimong karakter ng pamumuhay ng sinaunang
lipunan. Sinabi niya rito na ang bangka daw ang sentro ng kulturang maritime na pinatutunayan naman ng
mga pag-aaral sa kasaysayang maritimo (maritime history) sa maraming panig ng mundo. Halos lahat ay
naglaman ng mga pag-aaral ukol sa bangka bilang pangunahing lapit (approach) sa pag-unawa sa kasaysayang
maritimo, mga kinalaman sa pagtatao (peopling), pagkalat ng kultura (cultural movement), at sa pag-unawa ng
kabuuang proseso ng pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang lipunang magdaragat.
Bagama’t detalyadong nailarawan ni Scott(1994) ang mga katangian ng lipunang baranganiko,
nananatili pa ring palaisipan kung bakit ang bangkang barangay ang naging simbolikong bangka ng mga
Pilipino at paano naging korelasyonng bangkang barangay ang pagtatakda ng kaayusang sosyo-pulitikal ng
sinaunang lipunan.
Layunin ng report na ito na tuklasin ang mga salik na nagtangi sa bangkang barangay bilang
karakteristikong bangkang-Pilipino, upang alamin ang mga kamalayang-baya, ipakita at suriin ang naging
paggamit ng simbolismong bangka sa paglalatag ng kaayusan sa katutubong lipunang Pilipino bago ang
kolonisasyong Kastila.
• Ang Bangkang Barangay sa Pilipinas
(Jan Menard Rodriguez at Merie Jane Lamata)
Sa Bangkang Barangay ng Pilipinas, ang bangkang barangay ang pinakalaganap at kilala sa sang
kapuluang Pilipinas. Naiintindihan ang barangay bilang bangka mula Luzon hanggang Ka-Mindanawan. Sa
Ilokos Barangay ang karaniwang katagang pantukoy sa bangka maging sa mga bangka na yari sa table at
walang katig.
Ayon kay E. Constantino ang mga bangkang Cagayanon ay pangkaraniwang nakabatay sa bangkang
barangay.
Barangay rin ang katagang Isneg na pantukoy sa bangka. Binubuo ito ng limang bahagi: dalawang table
sa magkabilang gilid, isang tabla sa ilalim, tig-isa sa proa (prow/stem) at popa (poop/stem). Sa Katagalugan
pangunahing bangka ang bar(l)angay at kilala ito bilang bangkang pandigma at bangkang pangalakal. Ayon
kay Alcina pangunahing bangka rin ng mga Bisaya ang barangay. Ito ay yari mula sa mga tablana ginamitan ng
pakongkahoy (treenails), may dalawang palo para salayag at ginagauran ng bugsay (oars). Kaiba sa barangay
ng Ilocos, ito ay malaki, magaan at mabilis sa paglayag.
Dahil sa mga katangiang nabanggit naging pangunahing
bangkangpandigmadinang barangay sa Kabisayaan. Sa Kabikolan, ang bangkang barangay ay isa sa mga
bangkang pinapanday sa Isla ng Catanduanes na kasamang inilalako ng iba pang mga bangka sa mga kalapit na
isla hanggang sa Mindoro.
Mapapansin na malawakang distribusyon ng katagang barangay bilang pantukoy sabangka. Ang mga
bangkang nagtataglay ng katawagang ito ay makikita rin sa iba't-ibang antas ng kompleksidad sa anyo, gamit
at konstruksyon mula sa pinaka-simple, gaya ng bangkangi nukab(dugout canoe) ng Ilocos hanggang sa mga
bangkang pandigma o pangayaw ng mga Tagalog at Bisaya, at ang mga bangkang pangalakal at tirahang-
bangka ng mga Maranao at Taosug sa Ka-Mindanaoan.
Nangangahulugan ito na walang iisang tiyak na kaanyuan ang bangkang barangay. Ang kaanyuan nito
ay maaaring naayon sa kompleksidad ng lipunang nagtataglay nito. Ang tanging tiyak lamang dito ay ang
katawagang barangay sa isang partikular na bangka ng isang partikular na komunidad na nagbibigay
distinksyon dito sa iba pang bangka ng komunidad. Ang malawak na distribusyong heograpikal at ang
pagsaklaw ng bangkang barangay saiba't-ibang antas at dimensyon ng kabuhayan ng bayan ay nagpapahiwatig
ngkahalagahan nito bilangpangunahing bangka sa kapuluan.

• Deskripsyon ng Bangkang Bara(I)ngay


(Rafael Sisayan at Rey Alih)
SA BOXER CODEX ( 1951 ) TINUTUKOY ANG BANKANG BANGKANG BARANGAY NA “…MALAKI AT
MALAPAD NA BANGKA; LIMANGPUNG KATAO ANG MAAARING SUMAKAY AT ISANG DAAN SA MAS MALAKI…”.
NAKILALA RIN ANG BAKANG BARANGAY NA ISA SA PINAKAMATANDANG AT NATATANGING BANKANG
PILIPINO NA MAY KATANGIANG MATULIS AT MAHABA, PATULIS ANG MAGKABILANG DULO, AT ANG BINUO SA
PAMAMAGITAN NG MGA PAKONG KAHOY.
KINILALA RIN ANG BANGKANG BARANGAY NA PINAKAMAINAM NA BANGKANG KATUTUBO AT
PANGUNAHING GAMIT SA PAGLALAKBAY SA DAGAT NG MGA PILIPINO. DAHIL SA MANIPIS NITONG BAOL
( PUNONGKAHOY ), MAGAAN AT MABILIS ITONG MAGLAYAG. ANG HUSAY AT KAINAMAN NG BANGKANG ITO
AY NADUDYOK SA MGA ESPAÑOL NA GAMITING PANGKARANIWANG SAKAYAN ANG BANGKANG BARANGAY
SIMULA SA PANAHON NG CONQUISTA HANGGANG SA MGA EKSPIDISYON SA MINDANAO AT MOLUCAS.
SUBALIT SA HARAP NG NAGMISTULANG MALIIT NA BANGKA ITO.
HANGGANG SA IKA-19 NA DANTAON NAROON PA RIN ANG PAH KILALA SA BARANGAY BILANG
BANGKANG PANGDIGMA ( BLUMENRITT 45 ). SA DULO NG IKA-19 NA DANTAON, ANG BANKANG BARANGAY
AY ITINUTURING NA “…MABILIS, NGUNIT HINDI GAANONG MALAKAS TULAD NG IBANG GINAGAMIT SA
DIGMA”.

• Etimolohiya ng katagang “Barangay”


(Sealthiel Orion Rodriguez at Jude Sosa)
Kahulugan mula sa mga disksyanrayo sa panahon ng Kastila
Ang kahulugan ng Barangay ay Kapwa Bangka at sosyo-politikal na yunit.
Paunang paliwanag ni Juan de Plansencia
Tumutukoy na ang barangay bilang unit ng sosyo-politokal ay bilang pagbibigay-alaala sa kanilang
mga ninunong katutubo na naglalayag sakay ng bankang barangay at nagtungo sa isla sa ilalim ng
pamamahala ng mga datu.
At habang nabuo sila ng bagong pamayan pinagpatuloy nila kung ano ang naging kaayusan at relasyong
nabuo sa loob ng bangka at naging batayan sa kaayusan at rlasyon sa lipunan at pulitika.
Saan nga ba galing ang salitang barangay?
 “barag” ng Pampango na ibigsabihin ay pantukoy ng buwaya, at ang bara(n)gay ay nangangahulugang
tilabuwaya dahil sa tinataglay nitong proa na ulo ng buwaya.
 Ang katagang “barang” na nagmula sa mga Malay na ibig sabihin ay mga kagamitan o bagay at mga
kasangkapang na mula sa ibayo, karaniwan itong nilalako.
 “Barang” din sa Indonesia na ang kahulugan ay mga gamit o ksangakapan na galing sa ibayong
dagat(partikular ang mga ‘imported’ na bagay).
 “Barang “ sa Pilipinas ay pangkukulam o pangugulam.
 Ang may mas pinakamalapit ang “balangaw” na nagmula sa Bisaya at kataga ng barangay na ang ibig
sabihin nito pantukoy sa kataga ng bahaghari.
 ”V(b)arangao“ ng Tagalog naman ay kinikilala ang bathala ng digmaan.
 ”Barango” na galing sa matandang Javanese na nangangahulugang kapangalan o kamag- anakan.
 Samantala, sa Bikol at Bisaya ang “baga-ngar(l)an” ay katulad o kasing-pangalan” na nagpapahiwatig
ng pagiging magkamag-anak.
Bangkang barangay bilang Barag
Ang bangkang barangay bilang barag ay maaaring may batayan lalu na’t kung isasaalang-alang ang
pisikal na kaanyuan ng bangkang barangay na may mahubog na anyo at patulis ang kapwa dulo.
Ang mga pinag-abay na tabla nito at ang mga tambukos (cleats) na nakausli, sa biglang tingin, ay may
pagkakahawig sa katangian ng disenyo sa balat ng buwaya lalu na’t kung ito’y nakalutang sa tubig. 
May mga uri ng bangkang barangay na nagtataglay ng mga proa (prow) na ulo ng buwaya mula sa
inukit na kahoy, kundi man ay ulo ng dragon o ahas (Abrera), na kung titingnan ito ay tila malaking buwaya na
nakalutang sa tubig. Sa Iloko mayroon silang kataga na binobuaya na ang ibig sabihin ay ang pagkakaroon ng
anyong ulo ng buaya sa proa (prow) o unahan ng bangka.
Maaaring sa karanasan ng mga sinaunang pamayanang ilogan, ang pagiging dominanteng bangka ng
barangay sa mga ilog ay kagaya ng pagiging “hari” ng buwaya ng mga ilog at tubigan.
Katunayan nito ay ang pagtataglay ng mga kabaong na yari sa kahoy ng anyo ng ulo ng buwaya sa isang
dulo nito nanagpapahiwatig ng mahalagang papel ng buwaya sa mga kapaniwalaan sa kamatayan at sa
misteryo ng ‘kabilang-buhay’.
Ganap ang kahalagahan ng buwaya sa sinaunang sagradong paniniwala ng mga Pilipino kagaya ng mga
sagradong paniniwala sa iba pang bahagi ng Timog-Silangang Asya.
Ang barang sa Katagang Indones at Malay
Nangangahulugang “mga bagay- bagay/kagamitan/paninda, at/o mga gamit o paninda na imported” ay
maaaring may kaugnayan din sa pagkabuo ng katagang barangay na pantukoy sa bangka.
Mula sa Epikong Lam-ang
Tinukoy din na ang ginintuang balangay ng bayaning si Lam-ang, ay nagdadala ng mga porselana mula
sa Tsina.
Binanggit din na ginamit niya ang balangay sa panunuyo ng dalaga sa kabilang ibayo at doon ay
isinasakay niya ang lahat ng mga kakailanganing kasangkapan para sa nasabing gawain kasama ang buong
bayan.
Kalakalan sa Tsina
Kasing-aga ng ika-11 dantaon at ang pagkakatuklas ng mga bangkang barangay sa bayang ito ay
nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng pangangalakal at ng barangay.
Malinaw ang mga indikasyon na ang bangkang barangay ay isa sa pangunahing bangka sa
pangangalakal, kapwa sa loob ng Pilipinas at sa pakikipagkalakalan sa labas ng bansa.
Ang salitang Barang sa Pilipinas
Nangangahulugang pangungulam o mangungulam, ito ay hindi naging basihan sa konsepto ng
barangay.
Agimat at Bangkang Barangay
Ang ugnayan sa pagitan ng mga tinagguriang binokot/linamin/ba’I -- mga babaeng pinagpipitaganan ng
komunidad at lipunan dahil sa angking galing, kapangyarihan o ‘anting’ at ang bangkang barangay.
Ayon dito:
Sa kasaysayang awit, and ba’I na nakatira sa lamin ang may hawak ng mga agimat, at sila ang mga
tagapagtanggol ng bayan, kung wala nang mga datu o bagani. Higit pa dito, and ba’I lamang ang makakahiram
ng pinakamabisang anting-anting mula sa langit, na nasa pag-iingat ng isa ring babae…2 mababanaag ang
halaga ng binukot o ba’I, siya ang tunatayong makapangyarihang simbolo ng bayan na nakakapagbigay
proteksyon dito habang nagsasanay pa sa loob ng lamin…Ang pagbubuklod niya ng bayan sa diwa at
paniniwala ay magiging hayag sa panahon na inilalabas sa lamin at isinasakay sa bangka (barangay) upang
makita siya at makita niya ang bayan.
Bangkang Barangay at Ritwal sa Bayan
Ang Bangkang Barangay ay ang tanging uri nang bangka na ginagamit sa mahahalagang ritwal ng
bayan.
Sa mga ritwal laban sapagkakasakit o pagkalunod, ang mga kamag-anak ng namatay o may sakit ay
isinasakay sa barangay kasama ang baylana o punong pari na babae.
Sa ritwal na kibang, kung saan ang mga nabubuhay ay sinusubukang makipag-ugnayan sa kanilang mga
namatay na ninuno, sumasakay sa bangkang barangay ang mga kaanak at sa pamamagitan ng baylan
tatawagin ang mga nuno; sa sandaling gumalaw ang bangka o “nag-kibang,” nangangahulugang tumutugon
ang anito/nuno.
Sa ritwal ng pag-aanito ng mga Tagalog, isinasagawa ito sa bahay ng dato na sadyang iniayos ang mga
bahagi ng tahanan katulad sa mga bahagi ng bangkang barangay.
Ginagawa naman ng mga Pintados ang ganitong pag-aalay bago ang paglulunsad ng pangungubat o
pangayao. Bukod sa pag-aanito, ginagamit din ang bangkang barangay sa ritwal ng pagdaga at sa baklag.
Pandadaga
Ang ritwal na ito ay ang a pag-aalay sa diyos na si Humalgar, na isang ahas, at ang layunin ay maisalin
sa mga mandirigmang makikilahok sa digma/pangayao ang tapang at bangis nito.
Baklag
Ito ang pag-aalay ng dugo sa kilya ng bangkang barangay bago ito ilunsad sa tubig.
Ginagawa din nitong pagalingin at ipanumbalik ang lakas ng may sakit na datu na nagmamay-ari ng
bangkang barangay na ginagamit sa ritwal.
Kolonisasyon ng mga Kastila
Ang mga baylan, kasama na ang mga kababaihang may natatanging kapangyarihan sa bayan, ay
nabansagang mga bruheria o mambabarang (sa ingles ay “witches” o mga kababaihang nagsasagawa ng
“witchcraft”) na may kakayanang magpadala ng pasakit sa mga taong kanilang kinamumuhian sa pamamagitan
ng mga ritwal sa ilalim diumano ng impluwensiya ng mga “demonyo”.
Ugnayan ng Barang at Baylan
Inilakip ito sa ungnayan sa mga a binokot/linamin/ba’I sa bangkang barangay kasabay ng sagradong
papel ng barangay sa mga ritwal, ay nagpapahiwatig na maaari din na may koneksyon ang katagang barangay
na pantukoy sa bangka sa katagang barang ng Pilipinas sa orihinal na pagpapakahulugan nito bago na-
Kristyano ang lipunang katutubo.
Pag usbong ng bagong relihiyon
Ngunit nawala ang kaugnayan at kahulugan ng dalawang ito sa pagiging tagumpay ng pagkalat ng
bagong relihiyon sa bansa. Kasamang naglaho ang mga katutubong paniniwala pati narin ang
mgakaukulangritwal na gamit ang bangkang barangay.
Nagbunga ang pagkaputol ng ugnayan sa pagitan ng barang at barangay dahil sa tuluyang pagkakaroon
ng negatibong konotaasyon ng barang.
Katagang “Barangaran”
Ito mula sa matandang uri ng wikang Javanese at, kung tama si Antoon Postma, maaari ding ito’y
kataga mula sa matandang uri ng wikang Tagalog.
Kung uugatin ang salitang barang (sa Indonesia at Malay) ay ‘kasangkapan/kagamitan/paninda’
(partikular ang mga ‘imported’ na bagay) habang ang ngaran ay ‘pangalan’, maaring ito ay
mangahulugang pampamilyang negosyo o proyekto ng pamilya.
Ang barangaran ay maaari ring kapalit na salita ng bagangaran(ng Bikol at Bisaya) na ang ibig sabihin ay
“Kamag-anak o Kapangalan”.
  At ang balangaw(Bisaya) at barangao(Tagalog) ay parehas lamang ng tinutukoy ang “bahaghari”.

• Bangkang Bayan
(Aldrin Angue)
• Gawain ang paglalayag/pagdaragat/pagpapalaot na kung saan nasasalamin ang mga kaayusan at
relasyon sa lipunan.
• Sa bawat parte ng bangka ay inilalarawan ang mga katungkulan at posisyon. Tulad ng sa datu na
malapit sa gitna-sa huling hati ng bangka o duluhan.
• Ang mga mandirigma na pawang binubuo ng uring Maharlika ay may malayang uri na may-kaya at may
prebilihiyong hindi magbayad ng buwis, kasama ang mula sa timawang anak ng datu, na tinatawag na
sandig na nasa loob din ng bangka, nakatindig sa plataporma, sa burulan, na sadyang mas mataas kaysa
sa mga gumagaod (paddle) na binubuo ng mga timawa.
• Sila ay mga ordinaryong tao na malaya ngunit obligadong magbayad ng buwis na nasa loob ng bangka
(sa unang hanay ng darambas). Ginagampanan nila ang kanilang mahalagang tungkulin sa magkabilang
dulo ng bangka: na kung saan ay may taga-timon (steersmen), na nasa bahaging likuran, mga tanod
(boatswain) na nasa bahaging unahan naman ng bangka.
• Tinatawag ring duluan ang mga ordinaryong tao na malaya sa Tausug at ang mga tapat na tagasunod
ng datu sa Tagalog. Nasa mas mababa sila na posisyon at nasa labas ng bangka ang mga sumasagwan,
mga alipin (saguiguilid) o oripun) na nakaupo sa ikalawang hanay ng darambas, ang plataporma na
nasa labas na gilid ng bangka.
• Karaniwan nang hinahati ang lipunang baranganiko ng sinaunang lipunang Pilipino sa tatlong hati: ang
namumunong uri (datu), ang malalayang uri (maharlika/timawa), at ang uring alipin
(namamahay at sa guiguilir).
• Noong 1589 inilarawan ni Plasencia ang lipunang Tagalog na binubuo ng, bukod sa uri/hanay ng mga
datu na kung saan ay inilalarawan bilang mga namumuno, o maguinoo na tagapamahala ay mayroon
pa raw, tatlo pang uri at ito ang maharlika, ang aliping namamahay, at ang aliping saguiguilir.
• Ang Maharlika ay isang uri na malaya sa pagbubuwis sa dato at sadyang may sariling kabuhayan, may
tungkulin na sumama at  gastusan ang sarili sa paglilingkod sa mga panahon ng pakikidigma. Nugnit sa
kabilang banda ay may kapalit ito na aniya pag-aalay ng piging ng dato bago makidigma kung saan
doon ay nagaganap din ang pagpapamudmod ng datu ng “regalo” at pagtanggap dito ng Maharlika
bilang simbolo ngpagpapatibay ng kanilang ugnayan. 
• Ang salin/interpretasyon naman ni Plasencia sa aliping namamahay ay “commoners” na ang ibig
sabihin ay ordinaryong mga mamamayan. 
• Sila’y ang mga nakapag-asawa at nanilbihan sa kanilang mga amo, na maaaring dato o hindi dato. Ang
ibig sabihin nito ay naninilbihan sila sa uring nakatataas sa kanila. At, ang kanilang paninilbihan ay laon
nang napagkasunduan o itinakda.
• Taglay ng kanilang magiging mga anak ang katulad na katayuan sa lipunan at hindi sila
maaaring gawing alipin at hindi rin sila maaaring ipagbili na sila ay mananatili na lamang sa kanilang
kinagawiang pamumuhay.
• Ang mga tutuong alipin ay tinatawag na aliping saguiguilir. Naninilbihan sila sa tahanan at mga
lupain ng kanilang amo, maaari rin silang ipagbili. Sa maraming pagkakataon, binabahaginan sila
ng kanilang mga amo kung tunay na masipag at kapakipakinabang ang kanilang paninilbihan.
• Nilinaw at binigyang diin pa ni Plasencia ang pagkakaiba ng aliping namamahay at aliping sa guiguilir.
Aniya,
• Dapat tandaan ang pagkakaiba sa pagitan ng aliping namamahay at ng aliping sa guiguilir, dahil ang
pagkakamali ay nagbubunga sa pag-uuri ng marami bilang alipin na hindi dapat. Ang mga Indio ay
nagsisimula nang sumunod sa halimbawa ng alcalde-mayor, na hindi nakauunawa sa pagkakaiba ng
dalawa, na ituring na gaya ng saguiguilir ang mga anak ng aliping namamahay, at ginagawang mga
utusan sa kanilang mga tahanan na sadyang illegal at hindi nararapat. Sa sandaling umapela sa hustisya
ang aliping namamahay, ikinakatwiran laban sa kanya na siya ay laon nang alipin, maging ang kanyang
mga magulang at ninuno, ng walang pakundangan kung siya ba ay aliping namamahay o aliping
sa guiguilir. Agad siyang itinuturing na alipin at sadyang ganoon lamang. Sa ganitong kaparaanan siya
ay naggiging sa guiguilir at , sa katauyang iyon, maaaring ipagbili. Dapat ay ipaganap sa alcalde-mayor
ang pagtatakda, kung may mga sigalot sa usapin ng pang-aalipin, kung saang uri nabibilang ang alipin at
dapat itala sa dokumento ang mga kasagutan.
• Hindi sila alipin ng buong lipunan, ang kanilang pagkakaugnay ay ispesipiko at ang kanilang takdang
karapatan ay hindi maaaring mabalewala kahit na angkanilang pagkakaugnay sa paninilbihan ay
maipamana sa mga inanak ng pangunahing amo. Ang katapatang ipinapakita ng aliping
namamahay sa paninilbihan, sa kabila ngkatotohanan na may sarili itong kabuhayan at maging ari-
arian, ay maari lamangmaipaliwanag sa konteksto ng ugnayan o organisasyong pang-kamag-
anakannapinagbigkis hindi lamang ng dugo kundi ng utang-na-loob.
• May apat na uri din ang sinaunang lipunang Bikol: ang dato, aratagon, duluyan, at ang oripon.
• Sa Kabisayaan ang istrukturang panlipunan ay inilarawanng ganito, mayroon silang tatlong uri :
tinatawag nila ang pinakapinuno na datos bilang mga ”knights”, sa mga mamamayan ay timaguas
(timawas), at sa ang mga alipin ay oripon.
• Magkagayunman, sa masusing pagtingin sa hanay ng mga timawa, lumilitaw na mayroon ditong
dalawang kategorya: ang isa ay nagbabayad ng buwis sa dato at naninilbihan ditto at ang isa naman ay
malaya sa pagbubuwis at may pribilehiyo.
• Kaugaliang Pilipino ang lumapit sa kaanak sa mga panahon ng kagipitan. Kadalasan mayroongpatriarko
(patriarch) ang kamag-anakan na laging handa at may kakayanangtumugon sa mgapangangailangan ng
mga kaanak. Sa mga ganitong pagkakataon napagtitibay ang pagkakamag-anakan bungang sitwasyong
nilikha utang-na-loob. Ang utang-na-loob ay walang katumbas na kabayaran maliban sapatuloy na
pagganti ng kabutihang-loob.Ang ganitong sistema ng mabuting gantihan at turingan(reciprocity) ang
nagpapatibay sa bigkis ng kamag-anakan at nagsisilbing lehitimasyon sa pamumuno ngkinikilalang
patriarko (datu).Ito marahil ang nasa likod sa pangunahing katangian ng barangay na pawangbinubuo
ng kamag-anakan.
• Talahanayan 1 : Ang apat na pangunahing espasyo sa bangkang barangay at ang mga umuukopa
nito.
• Napansin ni Abrera ang kaayusang ito sa bangka at ipinanukala na ang distansya ng kinalalagyan sa
bangka mula sa tubig ang indikasyon ng estado o katayuan ng indibidwal sa lipunan. Iniugnay niya ito
sa naobserbahang kalakaran ng paglayo ng lipunang Indio sa tubig tungo sa lupa sa pagsapit
ng panahong kolonyal. Ipinanukala ni Abrera na iyong mga nakapuwesto malapit sa tubig ay nabibilang
sa mababang uri habang iyong mga nakapuwesto malayo sa tubig ay iyon namang mga nakaririwasa sa
buhay.
• May mga indikasyon din na hindi lamang ang mga seremonyal na lugar anginiaanyong bangka upang
gawing simbolikong representasyon ng pag-uuri sa lipunankundi maging sa konseptwalisasyon ng mga
panirahanan ay naroon din ang paggamit ngsimbolo ng bangka sa pagtatakda ng relasyon at hirarkiya
sa pagitan ng mga panirahanan

• Paglalalayag at Kayaw: Pagsubok at Balidasyon ng Ugnayang Panlipunan at Pulitikal


(Felix Matthew Pejer at Bethuel Mark Banez)
Mahalaga rin na maunawaan ang mga likas na katangian ng mga gawain sa paglalayag at pakikidigma
kaugnay sa mga taong umuukopa at gumagawa sa mga posisyon at katungkulang ito. Marahil ang simbolikong
ugnayan sa pagitan ng posisyon sa bangka at ng katayuan sa lipunan ay naging pinakahayag sa gawain ng
pangangayaw. Ang pangayaw ay isang tradisyong laganap sa buong kapuluan sa mga sinaunang lipunan at
hanggang sa mga kasalukuyang lipunang tradisyunal/etniko.
Ang pangayaw ay isang tradisyong laganap sa buong kapuluan sa mga sinaunang lipunan at hanggang
sa mga kasalukuyang lipunang tradisyunal/etniko. Ang pangangayaw, halimbawa, sa mga lipunang nasa
kabundukan at interyor ay nasa anyo ng pamumugot ng ulo, samantalang pamimirata, pamimihag, at
pananalakay naman ang isinasagawa ng mga lipunang magdaragat.
Tanging ang raja o datu o ang kanilang mga anak ang maaaring makapamuno ng pangayaw at
karaniwan nang ang mga anak ay nakakapangasawa ng mga anak ng pinuno ng kalapit na mga teritoryo na
siyang lumilikha ng mga pinalawak na alyansa. Ang pagiging makapangyarihang pinuno ay natatamo sa
pamamagitan ng paglulunsad ng malayuang pangayaw.
Mahalaga na ang lahat ng sakay ay mula sa iisang lugar (kadatuan o chiefdom) at sadyang
magkababayan o maging magkababata. Dahil sa lubhang mapanganib ang pangangayaw, alam ng bawat isa na
ang kanilang buhay ay nakasalalay sa kanilang kolektibong husay sa pagdaragat at paglalayag, sa paggawa ng
bangka, pakikidigma at sa bisa ng dasal at ritwal ng baylan o ng hatib para sa mga Muslim.
Sa sinaunang lipunang barangay higit pa sa materyal na benepisyo ang maaring matamo ng alipin na
kalahok sa pangayaw. Ang pinakatampok na maaring matamo ng mga alipin ay ang gantimpalang pagpapalaya
o pagiging natimawa.
Ang bangkang pangayaw ay nasa ilalim ng pamumuno ng datu o raja. Nakapuwesto ang datu/raja sa
bahagi ng bangka na may carang/cayan o bubungan sa gitna ng bangka malapit sa dulong bahagi at
nasasakupan ang bahagi ng timon. Katangian ng pinuno ang pagiging malakas, matapang, tuso o madunong,
kilala sa bayan at walang dudang mayaman. Kontrolado niya ang lahat ng aspeto ng paglalayag at
pagpapatakbo ng bangkang pangayaw. Ang pinuno ang nagtatakda ng ruta sa buong panahon ng paglalayag at
siyang tumatayong pangkalahatang pinuno. Mahalagang katulong ng pinuno ang mga gumaganap bilang taga-
timon na nasa gawing likuran at siya ring namamahala sa mga sakay, at ang tanod na namamahala sa cauit
(anchor) at ‘lead line’ at siya ring nagmamasid at nagbabantay sa daraanan ng bangka at sa mga iba pang
matatanaw sa laot.
Katulad sa sinaunang lipunang baranganiko ang mga sakay ng bangkang pangayaw ng mga moros ay
binubuo ng mandirigma (maharlika ng lipunang baranganiko) na tanging katungkulan ay ang pakikipaglaban,
mga ordinaryong mamamayan (timawa/namamahay sa barangay), at mga pinagkakatiwalaang alipin
(oripun/aliping saguiguilir). Hindi armado ang mga alipin subali’t itinuturing sila na mahalagang bahagi ng
bangka; katungkulan nila ang pag-bailio (bail) ng tubig, magsagwan, maglinis at magkumpuni ng bangka.
Kasama sa ekspedisyon ang isang baylan na nagsasagawa ng mga nararapat na ritwal at panalangin
para sa tagumpay ng pangayaw. Maliban dito, kasama rin sa ekspedisyon ang ilang mga matitipunong
kabataan na may edad mula 12 hanggang 15 na tumutulong sa paggaod habang hinahasa ang kanilang
kalaaman sa paglalayag at sa mga teknika ng pangangayaw. Maaaring ang mga kabataang ito na mga anak ng
datu ang natukoy ni Alcina (1668) bilang mga sandig sin datu, na nagsisilbi ring pinakamatapat at maaasahang
tagapagtanggol ng datu sa mga panahon ng kagipitan.
Ang pinuno ng isang pamayanan (village) na siya ring namamay-ari ng prahu ay tatanggap ng isang
alipin bilang tributo. Ang pinuno ng ekspedisyon ay tatanggap ng anim na alipin… ang taga-timon at ang tanod
ay tatanggap ng tig-dalawang alipin, habang ang iba pang sakay (crew) ay tatanggap ng tig-iisang alipin. Ang
pinakamahalagang gantimpala ay inilalaan para sa mga mandirigma, halimbawa ay ang paglalaan sa kanila ng
mga alipin na mataas ang kalidad.
Samantala, ang mga kasamang alipin na ipinadala ng kani-kanilang mga amo at gumanap ng mga
mapanganib na katungkulan sa panagayaw ay walang natatanggap na anuman, sa halip ang kanilang mga amo
ang siyang mapagkakalooban ng malaking gantimpala.
• Pagsusuma
(Merie Joy Bigalbal at Xyreen Linezo)
Malawak at laganap ang ipinapakitang korelasyon sa pagitan ng bangka st lipunan sa sinaunang
baranganiko. Patunay ito na sadyang malalim at malawak ang kultura at tradisyong maritime nating mga
Pilipino ngunit hindi lamang sadyang naidokumento ang kabuuang proseso.
Gayunpaman, hindi pa lubusang nawawala ang mga sinaunang tradisyon ng pagdaragat, patunay nito
ang pananatili ng katagang banua/banwa bilang pantukoy sa sentrong pamayanan sa Kabikolan at
Kabisayaan.
Ang katatagang barangay bilang bangka at lipunan ay isang implisitong pagkakilala sa ugnayang ito.
Paglalalayag at Kayaw: Pagsubok at Balidasyon ng - Mga mahahalagang naging papel na ginampanan ng
barangay:
1. Nagbigay ito ng di sinasadyang malaking atensyon na ibinigay ng mga dokumentong Kastila.
2. Ito ang kumakatawan sa esensya ng bayan.
3. Ang pagiging bangkang pangkomunidad nito ay nagsisilbing balidasyon na ang bangkang barangay ay
simbolikong pagsasaayos at pag-iistruktura ng sinaunang lipunang Pilipino.
4. Ang paglalaot ng bangkang barangay ang nagsisilbing pagsubok sa mga tatag na istruktura at
institusyon sa loob ng “bangkang-bayan” sa pamamagitan ng pagganap ng bawat isa sa mga takdang
katungkulan.
Panahon ng paglulunsad at paglalayag ng bangka
Nagsisilbing lugar o venue upang gampanan ng bawat miyembro ng komunidad ang simbolikonh
katungkulan sa lipunan; ito din ang panahon kung kalian nagaganap ang iba’t-ibang uri ng negosasyon ng mga
panlipunang kontrata kung saan ang katapuran ay masasalamin sa proseso ng distribusyon ng nasamsam mula
sa pakikidigma o paghahati ng tubo (profit) mula sa pangangalakal kasama na ang pagbabayad ng mga
pasahod o karampatang pabuya sa mga sakay. Ang kaganapan ng buong proseso nito ang nagtatakda sa
bangkang barangay bilang “lipunang-bangka”.
Ang kaganapan ng bangkang-bayan sa sinaunang lipunang Pilipino at magiit na pananatili ng mga reliko
at alaala ng panahong iyon ay nagsisisilbing hamon na kailangan pa nating tuklasin at pagyamanin ang
maritimong aspeto ng ating kasaysayan. May mga indikasyon na sa pagpapanday ng bangkang
pangkomunidad ang pandayan, ang pansamantalang nagiging sentro ng bayan nila at tila ito ang nagsisilbing
mikrokosmo ng ebolusyon ng bayan kung saan ang mga ugnayang sosyo-politiko-ekonomiko ay nabubuo at
nasusubok.

You might also like