You are on page 1of 5

kritikasatabitabi

[makatotohanan ang sinasabi ng walang masabi,


makapangyarihan ang ginagawa ng nasa tabi]
Sidebar

Enero 2020

L T M H B S L

« Oct

1 2 3 4 5

6 7 8 9 10 11 12

13 14 15 16 17 18 19

20 21 22 23 24 25 26

27 28 29 30 31

Blog Stats
o 377,442 hits

o Pagdalumat-salita tungo sa pagteteoryang Filipino


o PiliFilipino: Isang Teorya ng Wika
o 100 Kontemporaryong Filipinong Aklat na Dapat Ninyong Basahin Bago Kayo Kunin ni Lord!

Mga Pahina
o 1ng Kumperensiya ng mga Gradwadong Mag-aaral sa Pamantasang De La Salle
o Tungkol sa blagista

Top Rated
My Tweets

Meta
o Magpatala
o Magpatala
o Entries feed
o Puna na Ulat
o WordPress.com
Advertisements

Report this ad

dalumat ng wika
PiliFilipino: Isang Teorya ng Wika
Marso 28, 2010Marso 28, 2010 kritikasatabitabiAraling Filipino, bilingual, dalumat ng wika,
Departamento ng Filipino, DLSU, Filipino, isip, kritika, kritika ng kritika, lalim ng wika,
multilingual, paimbabaw na wika, Philippine Studies, PiliFilipino, pilipinolohiya,
pilosopiya, pilosopiya ng wika, teorya ng wika, ubod ng wika, wika, Wikang Filipino1 Puna
Panayam Profesoryal Cecilio M. Lopez sa Wika at Panitikang Filipino

ni Dr. Rhod V. Nuncio

(Sipi mula sa babasahing papel ng panayam sa Y407 Pamantasang De La Salle, Marso 30, 9:30-11:00 n.u.)

Ang limitasyon ng aking wika ay siyang limitasyon ng aking mundo. – Ludwig


Wittgenstein (TLP 1922)

Anong teoryang pangwika ang maaari nating gamitin para ipaliwanag ang kasalukuyang hubog, anyo at
takbo ng wikang Filipino? Paano ito makatutulong upang maging masinop at masinsin ang ating analisis ng
wika at ang naturang gamit nito para sa mga tao at sa lipunan niyang ginagalawan?

Ito ang dalawang pangunahing tanong na sasagutin ko sa panayam na ito. Ang una ay tumutukoy
sa pagkakaroon o kawalan ng internal na banghay o istruktura ng wika natin na pundasyon o basehan ng
performatibong kakayanan ng mga Filipino na gamitin ang wikang Filipino. Samantala ang ikalawa nama’y
tumutukoy sa praktikalidad ng teorya upang tasahin at usisain ang nangyayaring pagbabago ng wika sa gitna
ng mabilisang pagbabago ng ating panahon.

PiliFilipino – ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin ang paimbabaw, malaliman at kaibuturan
ng wika. Ang tatlong bahagdang ito ng wika ang magiging punto ng analisis at pagdadalumat. Hango ito sa
sinabi ni N. Chomsky (sa Searle 1971) na mayroong surface structure (paimbabaw) at deep structure (ubod)
ang wika. Ang sa akin naman, may pumapagitna sa dalawang level na ito, ang middle structure na tatawagin
kong lalim ng wika. Ito ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino (WF). Sa madaling salita, walang
lalim ang wika dahil walang gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng ating kamalayan. Tanging ang
malakas at dominanteng paimbabaw na puwersa na mula sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi ang
kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong pangwika. Sa ngayon hangga’t di matutugunan
ang kakulangan sa lalim at ubod ng WF, ang paimbabaw na level ng wika ang tumatayong stratehiya sa
pagpili, pagpilipit at pagpipilit na lumabas ang kakanyahan ng wika. Ang tanong nga lang, hanggang kailan
ito tatagal? At aasa lang ba ang lahat sa politikal at ideolohikal na bangayan ng mga makawika ang
hinihintay na pagkagulang ng WF? Ika nga’y matira ang matibay!

Katulad ng nabanggit, paimbabaw ang debelopment ng wikang Filipino. May tatlong pananaw tungkol dito:

a.) Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang Tagalog at ang nakalululang
hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang na wika sa bansa,

b.) Mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba’t ibang domain ng kaalaman at praktika,


c.) Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na nakakaapekto sa menu ng pagpili, pamimilit at
pagpilipit sa wikang Filipino.

………

PAIMBABAW NA WIKA

Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa kognitibong kakayahan ng tao kundi sa
samutsaring timpla (o gimik) at interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga polisiyang bitbit ng mga ito.
Bakit hindi nagmumula sa kognisyon o sa mental na proseso ng paglikha ng wika? Dahil madalas at sa
maraming pagkakataon ang internal na lohika at istruktura ng pag-iisip natin ay nakakapit sa banyagang
padron, sa banyagang wika – Ingles. Pansinin:

1. Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles. May implikasyon ito sa ponetika dahil nabaligtad ang
prinsipyo ng “kung ano ang bigkas, siya ang baybay”. Imbis na phonocentric (una ang tunog kasunod ang baybay) naging
graphicentric (kung ano ang letra sa Ingles, ito ang baybay). Kung kaya’t mamimilipit sa pagbigkas ang maraming batang
mag-aaral ng WF kung ito ang prinsipyong susundin sa ponetika ng WF. Ang “bahay” ay bibigkasing “bey-hey”.
2. Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa sintaktikang anyo ng pangungusap ay nakakiling sa
Ingles. Hal. Nakaka-turn-off naman ‘yang friend mo. So, yabang! Marahil sa mga Manileno o elistang namimilipit magFilipino o
mag-Ingles, ito ang makabagong syntax sa palabuuan ng pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media, showbiz,
advertisement, interbyu sa mga politiko at kabataang cosmopolitan kuno ang oryentasyon sa kasalukyan.
3. Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika (Sibayan, Baustista, Cruz) ay totoo namang di code-switching dahil
ganito naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap sa mga wikang lubos-lubos ang panghihiram ng mga salita. Wala nang
switching na nagaganap dahil lantaran na itong lumilitaw sa mga diskursong gamit ang WF. Syntactic-semantic substitution ang
nagaganap dahil ang paggamit ng i-, pag-, mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang
banyaga o hiram nagiging structurally flexible sa formang Taglish.

i-zerox, pag-zerox, mag-zerox, kaka-zerox, i-solve, pag-solve, nag-solve, kaka-solve

i-text, pag-text, mag-text, kaka-text, na-text i-equate, pag-equate, mag-equate,


kaka-equate

um-attend, um-increase, um-order,


um-answer

Kung kaya’t multiple substitution ang pedeng gawin dito na maiaayos o mailalapat din sa pangungusap.

Hal. “I-zerox mo ang papers mo sa promotion.” “Ok na kaka-zerox ko nga lang.” Ang Tagalog/Filipino
component (unlapi o hulapi) ay laging co-dependent sa hiram na salita, subalit nanatiling buo ang salitang
Ingles o ibang hiram na salita.

Wala namang ganitong halimbawa (co dependent ang Ingles sa Filipino):

Re-ayos mo na yan!

Anti-makabayan ang mga trapo sa Congress.

Pindotize (na katawa-tawa ang dating) mo yong keypad.


Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto ang isang tao ng higit pa sa dalawang wika. At
kapag sinabi nating kakayahang bilingual o multilingual, nararapat na magkapantay ang kabihasaan ng isang
tao sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagbigkas sa mga wikang ito. Hindi tingi-tingi.

Ang problema’y kapabayaan at ang pagpapaubaya na sa darating na panahon, gugulang at uunlad din ang
WF. Fatalistikong pananaw ito. Tila si Juan Tamad ito na naghihintay sa pagbagsak ng bayabas sa kanyang
bibig.

Kung kaya’t nangyari ang iba’t ibang direksyon at agendang pangwika na batay sa interes ng iilan at uso ng
panahon. Ang iba’t ibang direksyong ito ay unti-unting nawawala’t namamatay, unti-unti nauungusan ng
malalaking diskurso tulad ng globalisasyon, industriyalisasyon at postmodernismo. Kung kaya’t sa ating
bayan mismo, nagtatalaban ang mga ito at naiiwang nakatindig ang mapanuksong alternatibo – ang gawing
wikang ofisyal at panturo ang Ingles.

Tingnan natin ang iba’t ibang direksyon na narating ng ating wika sa kasalukuyan:

1.) Ang WF ay Taglish – wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw at walang malinaw na
gramatika (kung meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang
“maiintelektuwalisa ayon kay Bonifacio Sibayan” (sipi mula kay Sison-Buban 2006)

2.) Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz

3.) Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong gahum o ng Imperial Tagalog;
walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang ibinigay sa lunsad-aklat
ng Galaw ng Asoge, 2005)

4.) Ang WF ay larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon, iskolar sa iba’t ibang larang sa
akademya, na walang malinaw na alintuntunin ng laro ngunit nangingibabaw na examplar ng kasalukuyang
anyo ng wika

………

UBOD NG WIKA

Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong yunit ng kamalayan na taal
nang matatagpuan sa isipan ng tao. Kumbaga ito ang template ng isipan natin na yari na – naghihintay na
mapunan, mahubog, malilok, at maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng natural na wika. Kumbaga ito
ang “universal o generative grammar” ni Chomsky, ang “private language” ni Wittgenstein, “archi-writing”
ni Derrida. Bago pa man may istruktura ng wika, may nakalikha nang istruktura ang isip na tatanggap at
mag-oorganisa ng kamalayan ng tao. Kaya’t may kakayanan ang lahat ng tao na matuto ng wika, ng kahit
anumang wika, dahil sa ubod ng wikang nakahimpil sa isipan natin. Ito ang a priori grammar. Ito rin ang
nag-uudyok sa imahinatibo’t malikhaing paraan ng isip natin na ikonstrak ang wika batay sa iba’t ibang
modalidad/range/linguistikong yunit sa pagkatuto ng wika… … …

LALIM NG WIKA: GRAMATIKANG FILIPINO?

Lahat ng buhay na wika (natural languages) ay dumaraan sa mahabang panahon ng pagbabago at madalas
hindi developmental ang yugto ng pinagdadaanan nito kundi retardasyon at tuluyang pagkawala. Alam natin
ang magiging kahihinatnan ng maramihang puwersang pangwika na paimbabaw na nagtatalo-talo at
naghahalo-halo sa isip at kamalayan ng tao. Higit pa riyan, nagpapaubaya at nagpaparaya ang mga
ispiker-tagapakinig ng wika dahil wala silang masandigang internal na lohika o gramatika ng wikang
naririnig at nababasa nila. Alalahanin natin ang sinabi ni Emerita S. Quito (1989/2010: 23): “Hanggang
ngayon, tayo ay nasasadlak sa kabulukan ng Taglish. Ang maikling kasaysayang ito ng wika sa ating bansa
ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Una: pagkatapos ng 88 taon, hindi pa rin maaaring sabihin na ang
Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles; at ikalawa, lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na
hindi Ingles at hindi Filipino.”

Mahalaga ang lalim ng wika dahil:

1. Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng wika para maging natural na wika,
2. nagsisilbi itong auditing at editing facility sa isip ng gumagamit ng wika,
3. ito ang precursor ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng wika niya at ng daynamikong kakanyahan at
kakayahan ng wika sa pagpapakahulugan
4. nagiging transisyonal at transgenerational ang pagsasalin ng pagkatuto ng wika na di nakadepende sa kung ano ang uso
at pinapauso
5. intralinguistic facility ito para sa transformasyon ng wika ayon sa pagbabalanse ng internal na lohika ng kanyang wika at
ng praktika/gamit ng wika bunsod ng pagbabago sa lipunan at iba pang external factor.

………

Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa kailaliman ng kanyang isip at kung magkagayon
malayong-malayong mabubuwal nang agad-agaran ang Filipino (tao at wika) sa daluyong ng pagbabago sa
mundo at lipunang ginagalawan. Ang PiliFilipino ay panimulang pagtatangka sa pagteteorya sa wika at
analisis ng WF na may sandamakmak na varayti. Inisyal na hakbang ito sa binubuong teorya ng wika at sa
implikasyon nito na ang istruktura ng WF ay dapat nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika
(prescriptive) at pre-grammar (individuated inscription) ng isang tao. Ang paimbabaw na wika’y di
maglalaon ang magiging natural na wika (descriptive) na gagamitin ng mamamayan. Ang PiliFilipino ay
kritikal at istratehikong pagpili ng taong malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang maging kanyang
wika sa pakikipagtalastasan, pamimilosopiya, paghahanapbuhay, pagkrikritika at iba’t ibang
komunikatibong sitwasyon at pagkilos.

Kung kaya’t ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng kamalayan natin at di lamang sa
sanga-sangang dila ng gahum.

You might also like