You are on page 1of 7

INTELEKTWALISASYON NG WIKA

Ito ang paglulunsad ng proseso ng pagtaas ng wika mula sa mababang


kalagayan nito. Isang proseso upang ang isang wikang di paintelektwalisado
ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayo’y mabisang
magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Mabisa ang wikang
intelektwalisado hindi lamang bilang wika ng tahanan, wika ng lansangan, wikang
malikhaing panitikan kundi bilang wika rin ng agham, teknolohiya at ng iba pang
teknikal at mataas na antas ng karunungan. Isa itong pag-unlad na vertical ng wika.
Tulad ng paggamit ng hiram na salita. Intelektwalisasyon ay pag-unlad na vertical
ng wika
Ang mabisang paggamit ng wika sa mga sopistikadong lawak ng karunungan
tulad ng agham, teknolohiya, at iba pang teknikal at mataas na antas ng
karunungan.
Hindi ito basta-basta na lamang mapapawi o mawawalang wika bagkus ay
siyang sinusunod at ginagamit ng sopistikadong balana batay sa mataas niyang antas
ng karunungan alinsunod sa mga tuntunin ng pagiging intelektwalisado nito.
Modernisasyon ay pag-unlad na horizontal ng wika. Mga pagbabago ng
wika na tanggap at ginagamit sa anumang larangan o genre. Mga wikang
modernisado na mabisang ginagamit sa mataas na antas ng karunungan at iba
pang paksang teknikal, siyentifik, agham, vokasyunal at marami pa. Pwedeng
tumawid ito sa pamamagitan ng gamitin ito sa iba pang asignatura o genre o iba
pang larangan ng wikang nakasanayan tulad ng Lingua Franca.
MODERNISASYON
Ito ay may pagkahawig sa intelektwalisasyon. Gayunman magkaiba sila sa
tinutuon nito. Ito ang paglulunsad sa proseso ng pagsasanay ng bagong wika,
pag-unlad ng horizontal ng wika. Tulad na lamang ng kapag ang isang wika ay
nagawang modernisado upang mabisang magamit sa mataas na antas ng
karunungan at iba pang paksang teknikal, masasabing ito’y modernisado na rin.
Mayroon din tayong modernisadong paggamit ng wika na nasa antas
pabalbal na nagiging palasak gamitin ng balana pwera na lamang iyong pabalbal
na nasa mababang antas tulad ng mga green jokes. Tulad ng salitang gwapings,
macho, jejemon, at marami pa.
Ngunit ating pakatandaan na ito nga’y modernisadong wika ngunit
madali lamang namamatay dahil nga pabalbal lamang, kung anong nauso na wika
kinagat ng marami lalo na ang mga kabataang mahilig sumabay sa uso.
Intellectually Modernized Language
Hawig ito sa modernisadong wika (ngunit) kaya lang piling-pili ang mga
salitang ito na ginagamit ng mga sopistikadong tao. May paggamit ng mga
makabagong pananalita na kanilang ibinabagay ayon sa estado ng kanilang
kalagayang sosyal at intelektwal sa lipunan. Ang mga taong gumamit nito ay walang
puwang ang mga pabalbal na pananalita.
Popularly Modernized Language
Ito iyong mga modernisadong wikang ginagamit na pasalita na tanggap nang
marami. Kapag tanggap na ng marami, nakagawian at nakasanayan na ay di
naalintana nito ang istruktura at sintaks ng pahayag ang mahalaga,malinaw, at
nauunawaan nila ito ay posibleng nakasanayan na nilang magagamit araw-araw.
At dahil dito, maaaring ang kolokyal, pabalbal at lalawiganing wika: malokal,
nasyunal o international man ang siyang magiging mga halimbawa dito.
ISTANDARDISASYON
Nakatuon ito sa uniformidad sa Sistema ng pagkasulat ng Filipino, ang
pambansang wika. Sa yugto ng development at istandardisasyon ng wika,
kailangang-kailangan ang uniformidad o kodifikasyon. Dinidivelop ang mga
norm o pamantayan sa iba’t ibang linggwistikong komponent, mapapatatag ang
pagbigkas, bokabularyo at panggramatikang estruktura ng wika.
Kung kaya ang “Mga Tuntunin at Patnubay sa Paggamit ng walong
Bagong Letra ng Alfabetong Filipino” na napapaloob sa Binagong Revisyon ng
Alfabeto at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino ay kinikilalang mahalagang
panukala para sa pagrereporma sa ispeling para paunlarin ang sistema ng
pagsulat upang matamo ang malawakang layunin ng estandardisasyon at
intelektwalisasyon ng Filipino. Lumabas ang repormang ito dahil may
makapangyarihang impluwensiya ang paglilipat ng oral na wika patungo sa
anyong nakasulat sa pagkakaroon ng uniformidad ng wika.

4Template 1 
Intelektwalisasyon, Modernisasyon, at Estandardisasyon

1. Paano maituturing na Intelektwalisado ang isang wika batay sa mga inilahad na ideya?

                Batay sa mga inilahad na mga ideya, maituturing na Intelektwalisado ang isang wika
kapag itanaas ang wika mula sa mababang kalagayan nito at ito ay mabisang magagamit sa
mga sopistikadong lawak ng karunungan. Hindi basta-basta na mapapawi o mawawalang wika
ang Intelektwalidong wika bagkus ay siyang sinusunod at ginagamit ng sopistikadong balana
batay sa mataas niyang antas ng karunungan alinsunod sa mga tuntunin ng pagiging
intelekwalisado nito. 
               Batay naman sa aking nasaliksik, ang wika ay intelektwalisado kung ito ay nasusulat.
Hindi sapat ang pasalitang paraan ng wika ay intelektwalisado ang isang wika. Kinakailangang
ang wika ay nakapagpapalimbag ng iba’t ibang balon ng karunungan (libro, ensayklopidya at
iba pa) na mahgagamit ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman. Para masabing
intelektwalisado ang wika, kinakailangan na magamit ito sa pagtuturo sa mga Pilipino sa halos
lahat ng larangan o antas. 
                  May apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika. Una, aktibo, marami, at
malawak ng gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. Pangalawa,
ang wika ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan kaugnay sa palabaybayan nito,
nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyunaryo at iba pang referensiya. Pangatlo, ang wika
ay nararapat na may akayahan na maisalin sa iba pang intektwalisadong wika. At panghuli, ang
wika ay nararapat na maunlad at tanggap sa iba’t ibang rejister na ang ibig sabihin ay
nagagamit ito sa iba’t ibang larangan o bahaging-larangan. Mahalaga ito sa konsepto ng
intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika. 

2. Magpakita ng mga halimbawang salitang (tigsasampu) napabilang sa IML at PML.

IML PML

                            Haynayan (biology) Tinodas (pinatay) 

Altapresyon (Hypertension) Tinarakan (sinaaksak)

Sihay (cell) Nilitson (sinunog)

Balinguyngoy (nosebleed) Nilamon (nakain)

Pamumuhunan (investment) Dedo (patay)

Komersyo (commercial) Deadma (hindi pinansin)

Mangansumpong (arthritis) Binoga (binaril)

Daragis (Tuberculosis) Nagpapabyuti (nagpapaganda)

Kagaw (germ) Buking (huli)

Muntilipay (platelet) Tinepok (pinatay)

3. Ano-ano ang mga ginawa upang maging estandardisado ang wikang Filipino??

            Batay sa aking pananaliksik, upang maging estandardisado ang wikang Filipino,


mahalagang makapamili muna ng wika, makodifay ito sa pamamagitan ng paghahanda ng
teknikal na preparasyon o ng mga kagamitan (libro, ensaklopidya at iba pang mga nasusulat na
materyal). Matapos nito, kinakailangan na maging malawakan ang pagpapagamit nito sa iba’t
ibang domeyn tulad ng: simbahan, paaralan, pamahalaan, midya at iba pa. Malaki ang papel ng
domeyn sa estandardisasyon dahil ito ang susukat sa lawak ng gamit ng wika. 

Ibang Sanggunian: 
https://tl.answers.com/Q/Intelektwalisado_na_ba_ang_wikang_filipino
https://pdfslide.tips/documents/wikang-filipino-sa-mga-tabloid.html

Template 2 
Ang Linggwistika
Panuto: Ibigay ang mga sagot at halimbawa batay sa hinihiling.

1. Ano ang linggwistika?


Ang linggwistika ay ang sayantifik na pag-aaral ng mga wika ng tao. Ito’y
nakatuon sa mga tuntuning pangwika gaya ng ortograpiya, gramatika, retorika, at
ekstruktura ng isang wika. Masaklaw na iniisa-isa rito ang mga tiyak na tuntunin sa
wastong gamit ng salita, tamang paglalagay ng bantas, pararelismo, aspekto ng
pandiwa, tamang anyo ng mga pagbabagong morpoponemiko, ayos ng pangungusap at
pagsunod-sunod ng salita sa isang pahayag. Dito binubusisi ang ponolohiya, ponetiks,
morpolohiya, sintaks, discourse analysis, sematiks, pragmatiks, historical language, at
sosyo sa pag-aaral ng isang wika.  Tinatawag na linguist ang taong ang pangunahing
interes sa pag-aaral ay ang maanalays at madeskrayb ang nakapaloob na sistem ng rul
sa wika sa sitematikong paraan.

2. Ano-ano ang mga saklaw sa pag-aaral ng linggwistika o mga sangay ng pag-aaral ng


linggwistika? Magbigay ng halimbawang aralin sa bawat sangay.

Sangay Paliwanag Halimbawang aralin

Ponetiks Ang ponetika ay ang sangay ng  Tinig o boses


lingguwistika na sumasaklaw sa  Hina at Lakas
disertasyon tungkol sa mga resonance at  Tindig
pananaw ng phonic ng wika ng tao o, sa  Kumpas
kaso ng mga sign language, ang katumbas
na aspeto ng mga palatandaan. 

Ponolohiya Ang ponolohiya ay ang sangay na  Ponema


tumatalakay sa sistematikong organisasyon  Ponemang
ng mga tunog sa mga wika.  Ito’y pag-aaaral Segmental
sa mga ponema, paghinto, pagtaas-pagbaba  Ponemang
ng mga pintig, diin, at paghaba ng tunog.  Suprasegmental

Ang Morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga  Kayarian ng Salita


salita, kung paano nabuo, at ang kanilang  Asimilasyon
Morpolohiya 
ugnayan sa ibang mga salita sa parehong Metasis
wika. Gayundin, pinag-aaralan ng  Pagpapalit ng
morpolohiya ang istraktura ng mga salita at Ponema
bahagi ng mga salita.  Paglilipat-diin
 Pagkakaltas ng
Ponema
 Bahagi ng Pananalita

Sintaks   Ang Syntaks ay ang hanay ng mga  Simuno


patakaran, alituntunin at proseso na  Panaguri
namamahala sa istraktura ng mga  Parirala
pangungusap sa isang naibigay na wika,  Pangungusap
partikular ang pagkakasunud-sunod ng  Sugnay na
salita at bantas. makapag-iisa
 Sugnay na di
makapag-iisa
 Pokus ng
Pandiwa

Discourse Nakatuon sa pagkaka-ugnay ng wika,  Uri ng Teksto


Analysis lipunan, at kapangyarihan. Tulad ng ibang  Dalawang Anyo ng
teorya patungkol sa diskurso, and CDA ay Diskurso
nagaaral ng mga tunay na halimbawa ng  Katotohanan o
pakikipag-usap ng mga tao gamit ang Opinyon
wika.   Mga Teorya ng
Panitikan
 Mga Teorya ng
Diskurso

Semantiks Ang semantiko ay ang pag-aaral ng  Ayos ng


linggwistiko at pilosopiko ng kahulugan, sa Pangungusap 
wika, mga wika sa programa, pormal na  Pangungusap
lohika, at semiotics. na Walang Paksa
 Anyo ng
Pangungusap
ayon sa gamit at
kayarian

Pragmatiks Ito ang sangay ng linggwistika na  Pangunahing diwa at


sumusubok sa mga paraan kung saan ang Pantulong na
konteksto ay nagdudulot ng kahulugan sa Kaisipan
komunikasyon.  Organisasyon ng
Ideya
 Tamang
Pagkasunod-sunod
 Uri ng Di-berbal na
Komunkiasyon
 Tamang Pagsasalin

Historical Ang pag-aaral kung paano nagbago ang  Mga Teorya ng Wika
Language mga wika sa paglipas ng panahon. Ang  Etimolohiya
ilang mga pagbabago ay nangyayari dahil  Kasaysayan ng Wika
sa mabagal (maaaring dagdagan) na mga  Mga Pangunahing
pagbabago sa loob ng wika, tulad ng Probisyon ng Wika
pagbigkas o sa kahulugan ng isang salita  Batas Pangwika

Sosyolinggwistiks Ang pag-aaral ng wika na may kaugnayan  Antas ng Wika


sa mga kadahilanan sa lipunan, kabilang  Baraytii ng Wika
ang mga pagkakaiba ng rehiyonal, klase,
at dayaleksyong pantrabaho, pagkakaiba-
iba ng kasarian, at bilingualism.

3. Personal na kasagutan ang kailangan:

a. Sa anong mga sub-larangan ng Linggwistika ka nagkakaroon ng kahirapan? 


                 Kahit na ako’y guro na sa Filipino ay hindi ko itatangging minsan ay nahihirapan
akong pag-aralan at ituro ang Sintaks at Discourse Analysis. Ang dalawang sub-larangan ng
Linguistics na ito ay nagdudulot sa akin minsan ng kalituhan sapagkat nangangailangan ito
nang masusing pagsusuri at pag-aanalays ng mga konsepto. 

b. Magbigay ng tatlo at ipaliwanag ang dahilan ng kahirapang nararanasan.


 Pokus ng Pandiwa, minsan ay nalilito kung ang pandiwa ba ay nakapokus sa layon,
tagaganap, o benepaktib. Dahil minsan, ang gol ay parang tagaganap at ang tagaganap
ay parang benepaktib. 
 Teorya ng Panitikan, minsan hindi ko ganap na mauunawaan ang kahulugan at ibig-
sabihin ng awtor ng binabasa kong teksto upang masasabi ko kung anong teorya ito
napapabilang, kung kaya nangangailangan ako ng mas mataas na panahon para sa
pagsusuri. 
 Etimolohiya, hindi ko pa kabisado ang lahat ng pinanggalingan ng mga salitang Filipino. 

c. Ano-ano ang mga personal mong karanasan sa pagtuturo o pag-aaral (kung


hindi pa nagtuturo ng mga araling saklaw ng linggwistika?

          Base sa aking dalawang taong karanasan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa isang


pribadong skwelahan, masasabi kong hindi madali lalong lalo na sa pagtuturo ng mga araling
saklaw ng linggwistika dahil ang daming dapat na isaalang-alang. Isa na rito ang lebel ng
bokabularyo at  kakayahan ng mga studyante sa pagsasalita at pag-iintindi ng mga wikang
Filipino. Resulta nito ang kahirapan ng mga studyante sa pagpapanatili ng kanilang interes sa
pakikinig sa klase. Kaya bilang guro ay kailangan paghandaan at pag-isipan nang mabuti ang
mga angkop na estratehiya sa pagtuturo upang maging mas makabuluhan ang proseso ng
pagtuturo at pagkatuto sa klase. 

Ibang Sanggunian:
https://www.sil.org/linguistics/what-linguistics
https://tl.warbletoncouncil.org/ramas-de-la-linguistica-16734

https://www.slideshare.net/olivalucila/introduksyon-ng-pag-aaral-sa-wika-fonetiks

https://www.slideshare.net/jemaningas/ponolohiya

https://www.slideshare.net/JezreelLindero/sintaks-114814302

https://www.slideshare.net/ManuelDadeaDaria/diskurso-43048341

https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/diskurso-sa-filipino?next_slideshow=1

https://www.youtube.com/watch?v=uUEyLnvfhnk

You might also like