You are on page 1of 2

Mga wika sa Pilipinas

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig.


Maliban sa pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang
katutubong wika. Sinasalita rin ang mga wikang banyaga tulad
ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga
wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat
ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa
mga watak-watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa Karagatang Pasipiko.
Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig.
Datapwat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito kumpara sa
ibang pamilya ng mga wika, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga
taong gumagamit nito.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ang
pinakamalaki at malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang
rehiyon sa bansa:

 Tagalog: Wikang batayan ng Filipino. Pangunahing wika ng mga


naninirahan sa katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang
bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan
ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag
na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan
ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag
na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong
Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
 Ilokano: Kilala rin sa tawag na "Iloko." Pangunahing wika ng mga
naninirahan sa Hilagang Luzon lalo na sa kabuuan ng Rehiyon I at Rehiyon
II, at ilang bahagi ng Rehiyon III.
 Cebuano: Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang "Bisaya."
Pangunahing wika ng lalawigan ng Cebu, Silangang
Negros, Bohol, Leyte, Timog Leyte, at malaking bahagi ng Mindanao.
Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
 Hiligaynon: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Ilonggo batay sa
pinakakilalang diyalekto nito mula sa Lungsod ng Iloilo. Pangunahing wika
ng Kanlurang Visayas lalo na sa Iloilo, Capiz, Guimaras, kabuuan ng Negros
Occidental, at sa timog-silangang Mindanao tulad ng Lungsod ng Koronadal.
 Waray: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Waray-Waray.
Pangunahing wika ng Silangang Visayas partikular sa buong pulo ng Samar,
hilagang-silangang Leyte, at ilang bahagi ng Biliran. Sinasalita sa Lungsod ng
Tacloban.
 Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang
Luzon partikular na sa Pampanga, timog Tarlac, at iilang bahagi
ng Bulacan at Bataan.
 Bikol: Pangunahing wika (lingua franca) ng mga naninirahan sa Tangway
ng Bicol sa timog-silangang Luzon. Sinasalita sa mga lungsod
ng Naga at Legazpi.
 Pangasinan: Malimit ding tawagin sa maling pangalan
na Panggalatok. Isa sa mga pangunahing wika ng Lalawigan ng Pangasinan.
 Meranao: Isa sa mga pinakamalaking wika ng mga Moro. Pangunahing
sinasalita sa Lungsod ng Marawi at buong Lanao del Sur, at ilang bahagi
ng Lanao del Norte.
 Maguindanao: Isang pangunahing wika ng mga Moro at ng Autonomous
Region of Muslim Mindanao. Sinasalita sa Lungsod ng Cotabato.
 Kinaray-a: Isang wikang Bisaya. Pangunahing sinasalita sa pulo
ng Panay partikular sa Antique at ilang bahagi ng Lalawigan ng
Capiz at Iloilo tulad ng Lungsod ng Passi.

You might also like