You are on page 1of 2

Mga wika sa Pilipinas

 Basahin sa ibang wika


 Download PDF
 Bantayan
 Baguhin
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa
pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika. Sinasalita rin
ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe.

Mapa ng mga pinakasinasalitang wika sa bawat rehiyon sa Pilipinas.

Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin


ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao
mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-watak na pulo ng
teritoryong Polynesia sa Karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya
ng mga wika sa buong daigdig. Datapwat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito
kumpara sa ibang pamilya ng mga wika, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga
taong gumagamit nito.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ang pinakamalaki at
malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa:

Tagalog: Wikang batayan ng Filipino. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa katimugang bahagi ng
Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga
lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON).
Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag na
MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng
bansa.

Ilokano: Kilala rin sa tawag na “Iloko.” Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon lalo na
sa kabuuan ng Rehiyon I at Rehiyon II, at ilang bahagi ng Rehiyon III.

Cebuano: Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang “Bisaya.” Pangunahing wika ng lalawigan ng


Cebu, Silangang Negros, Bohol, Leyte, Timog Leyte, at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang
sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.

Hiligaynon: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Ilonggo batay sa pinakakilalang diyalekto nito mula sa
Lungsod ng Iloilo. Pangunahing wika ng Kanlurang Visayas lalo na sa Iloilo, Capiz, Guimaras, kabuuan ng
Negros Occidental, at sa timog-silangang Mindanao tulad ng Lungsod ng Koronadal.

Waray: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Waray-Waray. Pangunahing wika ng Silangang Visayas
partikular sa buong pulo ng Samar, hilagang-silangang Leyte, at ilang bahagi ng Biliran. Sinasalita sa
Lungsod ng Tacloban.

Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon partikular na sa Pampanga,


timog Tarlac, at iilang bahagi ng Bulacan at Bataan.

Bikol: Pangunahing wika (lingua franca) ng mga naninirahan sa Tangway ng Bicol sa timog-silangang
Luzon. Sinasalita sa mga lungsod ng Naga at Legazpi.

Pangasinan: Malimit ding tawagin sa maling pangalan na Panggalatok. Isa sa mga pangunahing wika ng
Lalawigan ng Pangasinan.

Meranao: Isa sa mga pinakamalaking wika ng mga Moro. Pangunahing sinasalita sa Lungsod ng Marawi
at buong Lanao del Sur, at ilang bahagi ng Lanao del Norte.

Maguindanao: Isang pangunahing wika ng mga Moro at ng Autonomous Region of Muslim Mindanao.
Sinasalita sa Lungsod ng Cotabato.

Kinaray-a: Isang wikang Bisaya. Pangunahing sinasalita sa pulo ng Panay partikular sa Antique at ilang
bahagi ng Lalawigan ng Capiz at Iloilo tulad ng Lungsod ng Passi.

Source: https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas

You might also like