You are on page 1of 3

LIAN MARIZ C.

DIMAYUGA
IV – BENJAMIN

MGA PANGKAT-ETNIKO SA PILIPINAS


1. Mga Ilokano

Ang Ilokano ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Ilokano, ang pangatlong
pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas. Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon ang katutubong
lugar ng mga Ilokano at ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan para sa Rehiyon ng Ilocos. Ang
"Ilokano" ay karaniwang katawagan din sa Iloko (o Iluko), ang wika ng mga Ilokano. Matipid ang
mga Ilocano. Marunong maghanap ng paraan para mabawasan ang gastusin,
at magaling ding makipagtawaran

2. Mga Kapampangan

Ang mga Kapampangan ang ikapitong pinakamalaking pangkat etnikong Pilipino. Pangunahin
silang naninirahan sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac, gayundin sa mga lalawigan ng Nueva
Ecija, Bataan, Bulacan, at Zambales, at may bilang sila na mahigit-kumulang 2,890,000. Ang wikang
Kapampangan ang katutubong wika ng mga Kapampangan.
Sinasabing ang lutuing Kapampangan ang pinaka-evolved at pinakadalisay sa mga lutuing Pilipino;
ang Pampanga ang tinataguriang sentrong kulinari ng Pilipinas. Ang ilan sa mga pagkaing nagmula
sa Pampanga ay ang kare-kare, sisig, at kilawin.
3. Lahing Tagalog

Ang mga Tagalog ay isa sa mga pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas at siyang may
pinakamalawak na paglawig sa bansa. Sila ang nangingibabaw na pangkat sa mga lalawigan
ng Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna, Bataan, Quezon, Camarines Norte, Marinduque, at Rizal.
Nagtataglay rin ang Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales, Mindoro Oriental, Palawan, at
ang Kalakhang Maynila ng maraming bilang ng mga Tagalog.
May sadyang kahigpitan sa pagtataguyod ng paggalang at pakikitungo sa kapwa ang mga Tagalog,
na makikita sa kanilang mga gawi at kayarian ng kanilang wika. Mahalaga rin sa pagkakabuklod ng
kanilang lipunan ang katuwiran at pagpapahalaga sa mga mungkahi at pananaw ng bawa't isa.

4. Mga Bisaya

Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat etnikong Pilipino. Pangunahin silang
naninirahan sa Kabisayaan at sa hilagang-silangang Mindanao habang ang iba naman ay dumayo
sa ibang mga bahagi ng bansa, kasama na ang Kalakhang Maynila, kung saan sila ang bumubuo ng
mga skwatter area. Cebuano, Hiligaynon (o Ilonggo), at Ilocano ang mga nangungunang wika ng
mga Bisaya pagdating sa bilang ng mga tagapagsalita. Bagaman maaaring magkaunawaan ang
mga tagapagsalita ng mga wikang ito (at ng iba pang mga wikang Bisaya) kung pipilitin, hindi pa rin
ito sapat para sa masaysay na talastasan, at karaniwang gumagamit ng Tagalog o Inggles ang
ginagamit bilang wikang pantalastasan sa pagitan ng mga kasapi ng iba’t ibang pangkat
linggwistiko. Ang isa sa kanilang mga katangian ay matatapang, mahinahon at matulungin.
5. Mga Bikolano

Ang mga Bikolano ay isang pangkat-etniko na naninirahan sa Tangway ng Rehiyong


Bikol sa Pilipinas. Ang mga Bikolano ay konserbatibo dahil narin sa kanilang pagiging
relihiyoso. Mahilig din sila magdiwang ng mga piyesta at doon ay sumasayaw at nasisi-
kantahan sila

You might also like