You are on page 1of 14

KATUTUBONG

PAMAYANAN
Layunin: Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

Natatalakay ang kontribusyon ng


mga iba’t-ibang pangkat (pangkat
etniko, pangkat-linguistiko at iba
pang pangkat lipunan.)

Naipapakita ang pagpapa


halaga at respeto sa kulturang
Pilipino lalo na sa kontribusyon ng
iba’t-ibang pangkat.

Nakakaguhit ng isang tradisyunal


na kasuotang Pilipino tulad ng
barong tagalog, maria clara, igorot
at iba pa.
Ang pangkat etniko ang tawag sa
mga taong sama-samang
naninirahin sa iisang lugar na may
sariling wika, kaugalian, tradisyon at
paniniwala.
Sa Pilipinas maraming batayan sa
pagkakapangkat ng mga tao.
Halimbawa ay ang lahing pinagmulan,
wika, relihiyon, at pagkakatulad sa
kasaysayan.
ILOKANO
Ang mga ilokano ay kasama ng
pangkat Ivatan at Ibanag. Sila ay
nakatira sa kapatagan malapit
sa tabing dagat ng Hilagang
Luzon mula pa noong panahon
ng mga Espanyol, ang mga
Ilokano ay nakilala na sa
pandarayuhan.
PANGASINENSE
Ang mga Pangasinense ay nanggaling sa
Hilagang kanluran malapit sa dagat ng
Luzon. Amg mga lahi ng Pangasinense
ay nagmula sa mga katutubong nasa
kabundukan ng Cordillera. Sila ang
kauna-unahang pangkat na
naimpluwensyahan ng mga Chinese. Ito
ay bunga ng pakikipagkalakalan at ng
pagpapanatili ng mga Chinese malapit
sa Lingayen Gulf.
KAPAMPANGAN
Ang mga Kapampangan ay nasa
Gitnang Luzon, mula sa Bataan
hanggang Nueva Ecija. Ang wikang
kapampangan ay ginagamit ng may 2
milyong tao. May pagkakahawig ang
mga wikang ito sa dayalekto ng mga
Indones. Noong panahon Espanyol ang
mga kapampangan ay sinasabing
mahuhusay na mandirigma para sa
mga Espanyol laban sa mga piratang
Chinese na si Limahong.
TAGALOG
Ang Maynila ang naging unang panahon
ng mga Tagalog. Sa katunayan noong ika-
16 na siglo, dito itinatag ng mga Espanyol
ang sentro ng kanilang pamahalaang
kolonyal. Ito rin ang lugar na
nagkapaunlad sa pulitika at ekonomiya
ng bansang Pilipinas.
BICOLANO
Ang mga Bicolano ay
nagmula sa Katimugang
Luzon. Sila ay gumsmit
ng salitang Bicolano.
BISAYA
Ang mga pangkat na
gumagamit ng wikang Bisaya
ay mga Cebuano 20 milyon,
Ilonggo o Hiligaynon 7 milyon
at sa Waray naman 2.5
milyon.
MUSLIM
Ang mga muslim ay
binubuo ng mga Tausug,
Maguindanao at Samal.
Ang mga Muslim ay 5
porsyento ng kabuuang
populasyon ng Pilipino.
At ang iba pang pangkat etniko:

Sa Cordillera nakatira
ang pangkat ng Igorot,
Mindanao ang mga
Mangyan.
Sa Mindanao
nakatira ang mga
Lumad (kasama ang
Manobo, Tanaday at
Mandaya)
Ang mga negrito
naman ay
matatagpuan sa
Luzon, Visayas at
Mindanao.

You might also like