SINAUNANG TAONG DUMATING SA PILIPINAS GROUP 1 Panahon ng Katutubo
Sa panahong ito, ang ating mga ninuno ay nakatira sa mga
kuweba at payak lang ang kanilang pamumuhay. Nabubuhay sila sa pangangaso, pangingisda at iba pa. Hindi pa sila marunong mag sulat ngunit kanilang pinausbong ang babayin o alibata. Gamit ang pagsasaling wika ay nagkaroon ng panitikan sa bansa kagaya na lamang ng mga alamat, epiko at iba pa. Ang mga katutubong tao ay nagmula sa mga unang populasyon ng mga tao na nanirahan sa isang lugar bago ang pagdating ng mga dayuhang kolonisador. Ang mga katutubong wika ay nagmula mula sa kanilang mga ninuno at nag-evolve sa paglipas ng panahon sa mga komunidad na ito. Sa Pilipinas, halimbawa, may mga iba’t-ibang wika at diyalekto na ginagamit ng mga katutubong tribu, tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilokano, at marami pang iba. Ang mga wika ng mga katutubong tao ay mahalaga sa pagpapahayag ng kanilang kultura, tradisyon, at kaalaman. TAONG TABON
Ang Taong Tabon ay
maniwaring isá sa mga ‘unang tao’ at kaibá sa mga kasalukuyang tao sa Pilipinas, subalit bahagya lamang.
Waláng masasabi tungkól sa
mukhá niya ang tangos ng ilong, kulay ng balat o kulot ng buhók – maliban sa isa:
Ang Taong Tabon ay hindî
Negrito. Wave Migration Theory NEGRITO Tatlong uri ng Negrito 1. Tunay na Negrito 2. Australoid- Sakai 3. Proto- malayo
Ang mga Negrito ang bumubuo sa pinakamatandang nabubuhay pang
grupo sa Pilipinas. INDONES Buhat sa kaloobang asia Unang Pangkat Nagmula sila sa timog- silangang asya. Maputi ang kanilang balat at may kalaliman ang kanilang mga mata at may matangos na ilong. Mas makabago ang kanilang kalinangan kumpara sa mga negrito. Pangalawang Pangkat Sila ay maitim, malaki ang ilong, makapal ang labi, at bilugan ang mga mata. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng hagdan- hagdang palayan ng Banawe. MALAY Sila ang pinakahuling nandayuhan. Sila ang mga pangkat etnikong Awstronesyo. Sa Pilipinas, sila ang mga ninuno ng mga naging Bisaya, Ilokano, Moro, Bicolano, Tagalog, Kapampangan, Panggasinense, Ifugao, at iba pa. Sila ay tumira sa Pilipinas ng 100 hanggang 200 na taon.
Bago pa man dumatung ang mga
kastila, may sarili ng pamahalaan ( barangay at sultanato), batas, panitikan, sining, at wika ang ating mga katutubo. Ang pamahalaang barangay ay nagmula sa salitang balanghay (tawag sa mga sasakyang- pandagat ng mga malay). Ang isang barangay ay binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya. Datu o Raha naman ang tawag sa sa pinuno nito.
Ang pamahalaang sultanato ay
itinatag ni Shariff Abu Bakr. Sinusunod nila ang mga aral ni Propeta Mohammed. Sultan ang tawag sa pinuno nito. Baybayin o Alibata (ika-14 hanggang ika-19 na siglo) Si Paul Versoza ang nagpangalan sa alibata. Ito ay nahango sa “alif bata”. (Dalawang unang titik sa arabic: alif at bet)
Ayon naman kay Padre Chirino, ito ay nag
mula sa kabihasnang Malaysia, Saudi Arabia, Inda, China, at Cambodia. Pahayag pa ni Jose Villa Panganiban na malaganap na ginamit ito noong 1300 sa mga pulo ng Luzon at Kabisayaan. BAYBAYIN Labinptong titik ( 14 katinig, 3 patinig, at 1 Digrapo) Digrapo- Kumbinasyon ng 2 letra na kumakatawan sa iisang tunog. Mga naiambag ng mga Negrito, Malay, at Indones na may kinalaman sa ating wika. Negrito Salin dilang Panitikan (Kuwentong bayan, alamat, mito, at iba pa) Nagpakalat ng tinatawag nating salin-dilang panitikan. Sinasabi na sila ang unang gumawa ng mga kwentong bayan, alamat, mito at iba pa, na hindi man naisulat dahil wala pa silang sistema ng pagsusulat Malay Baybayin Ang unang nagpakilala sa atin ng sistema ng pagsusulat noon, ay naipasa naman sa iba’t ibang henerasyon, iba’t ibang lugar, iba’t ibang tao, gamit ang salin-dila o pag kukwento, bilang isang uri ng Panitikan Indones Balangay (origin of barangay) Ang lahi ng mga Indones ang nagpakilala sa atin ng tinatawag na balangay na noon ay isang sasakyang pang dagat kung saan hinango ang salitang barangay, na ngayon ay isang maliit na unit ng pamahalaan dito sa Pilipinas. Ang katutubong Tao (Pilipino) ay nakakaranas ng diskriminasyon at pag labag sa kanilang karapatan. Na nagmumula sa dayong Kolonisasyon,Modernisasyon,Stereotipikasyon, at Prejudice
Nararanasan ng mga katutubong tao (Pilipino)
1. Pag-aagawan ng lupa at likas yaman
2. Kultural na diskriminasyon 3. Kakulangan sa edukasyon at Kalusugan 4. Pagkakaroon ng limitadong political representation 5. Stereotipikasyon at bias KONKLUSYON
Mahalagang maipaunawa sa sambayanan na ang Filipino at mga
katutubong wika ay mabisang kasangkapan upang maipahayag ng isang Pilipino ang kaniyang katangian at identidad partikular sa usapin ng pakikipagkapuwa na makatutulong upang maabot ang pambansang kaunlaran na pakikinabangan ng buóng sambayanan sa lahat ng aspekto ng lipunan kabílang ang hanapbúhay, edukasyon, siyensiya, ekonomiya, atbp.
Ang paggamit ng wika ay dapat palaging nakaangkla sa usapin ng
kapuwa upang matamasa ang ninanais na pag-unlad na masaklaw o ingklusibo sapagkat kasama ang maka-Pilipinong konsepto ng kapuwa kabilang ang pakikitungo, pakikisalamuha, pakikilahok, pakikibagay, pakikisama, pakikipagpalagayang-loob, pakikisangkot, at/o pakikiisa.