You are on page 1of 110

KASAYSAYAN

NG WIKANG
PAMBANSA
Panahon
ng Katutubo
PANAHON NG KATUTUBO

1. Wave Migration Theory

 Kilala rin ang teoryang ito sa taguring


na Teorya ng Pandarayuhan ni Dr.
Henry Otley Beyer, isang amerikanong
antropologo noong 1916.
TATLONG PANGKAT NG TAONG
NAGPASIMULA NG LAHING PILIPINO
(Ayon kay Dr. Henry Otley Beyer)

 Negrito
 Tumungo sa Pilipinas gamit ang mga
tulay na lupa.

 Nag-ambag ng mga awitin at pamahiin


sa pamamagitan ng pasalindilang anyo
o pahalindila.
 Indones

 Higit na maunlad ang kabihasnan kung


ihahambing sa mga Negrito.

 Naibahagi ang kanilang wika sa


pamamagitan ng pasalindilang
panitikan tulad ng alamat, epiko at
kwentong bayan.
 Malay
 Narating nila ang Pilipinas bitbit ang
sariling sistema ng pamamahala
(balangay bilang sasakyang pandagat)
at wika (alibata bilang paraan ng
pagsulat).

 Itinuturing na pinakamalaking
hakbang tungo sa paglinang ng wika sa
Panahon ng Katutubo.
KLASIPIKASYON NG WIKA
(Henry Gleason, 1961)

 Indo-European

 Pinakamalaking angkan ng wika sa


daigdig.

 Kinabibilangan ng mga Wikang Ingles


at Kastila.
 Malayo-Polinesyo
 Itinuturing na pinagmulang angkan ng
mga wika sa Pilipinas.

 Kinabibilangan ng mga wikang


Indonesian (Visayan, Tagalog,
Ilocano, Pampango, Samar-Leyte
Bicolano) at Malay.
PANANALIKSIK NG MGA ARKEOLOGO NG
PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS
(sa pangunguna ni Dr. Robert B. Fox)

 Natagpuan ang isang bungo at isang buto


ng panga ng tao sa yungib ng Tabon sa
Palawan noong 1962.

 Ang natagpuang bungong ito ay patunay


na mas naunang dumating ang mga Taong
Tabon kaysa sa mga Malay.
 Tinatayang nanirahan ang mga Taong
Tabon sa bansa may 50,000 taon na ang
nakalilipas.

 Kabilang sa mga nahukay ay ilang mga


kagamitan tulad ng chertz, isang uri ng
quartz, gayundin ang mga buto ng ibon,
paniki at bakas ng uling na nagpapatunay
na nabuhay ang mga sinaunang tao dahil
sa pagkuha ng pagkain sa kapaligiran.
 Sa mga impormasyong nakalap noong
1962, lumalabas na unang nagkaroon ng
tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at
Indonesia na siyang itinuturing na
pinagmulan ng lahing Pilipino.

 Pinatunayan din ito ni Landa Jocano sa


kanyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng
Pilipinas sa UP Center for Advanced
Studies noong 1975 at ng mga
mananaliksik ng National Museum.
 Ayon sa pagsusuri nina Jocano, ang
Taong Tabon ay nagmula sa specie ng
Taong Peking na kabilang sa Homo
Sapiens o modern man at ang Taong
Java ay kabilang naman sa lahi ng Homo
Erectus.
 Makalipas ang ilang taon ay natagpuan
naman ni Dr. Armand Mijares ang isang
buto ng paa na sinasabing mas matanda
pa sa Taong Tabon sa kweba ng Callao,
Cagayan.

 Tinawag itong Taong Callao na


pinaniniwalaang nabuhay nang 67, 000
taon na ang nakalilipas.
2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa
Rehiyong Austronesyano

 Naniniwala ang teoryang ito ng ang mga


Pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesian na hango sa salitang Latin
na auster na nangangahulugang south
wind at nesos na ang ibig sabihin ay
isla.
 May dalawang pinaniniwalaang teorya
kung saan nagmula ang mga
Austronesian:

1. Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng


Arkeolohiya ng Timog-Silangang Asya, ang
mga Austronesian ay nagmula sa mga isla
ng Sulu at Celebes na tinatawag na
Nusantao.
 Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan,
migrasyon at pag-aasawa ay kumalat
ang mga Austonesian sa iba’t ibang
panig ng bansa.

2. Ayon naman kay Peter Bellwood ng


Australia National University, ang mga
Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina
at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong
5,000 B.C.
BAYBAYIN
 Natagpuan sa mga biyas ng kawayan.

 Nagtataglay ng 3 patinig at 14 na katinig.

 Ang lahat ng katinig ay binibigkas na may


patinig sa dulo. Kapag ang patinig ay may e o
i sa dulo, nilalagyan ito ng tuldok sa itaas ng
titik. Kapag ang katinig ay may o o u, ang
tuldok ay nilalagay sa ibaba. Kapag ito
naman ay katinig lamang, nilalagyan ito ng +
sa ibaba.
Panahon
ng KASTILA
(1521-1898)
PANAHON NG KASTILA

 Naging hudyat ng pananakop ng mga


Kastila sa Pilipinas ang pagpasok sa bansa
ni Miguel Lopez de Legazpi.

 Naging layunin ng pagdaong ng


ekspedisyon ng grupo ni de Legazpi ang
pagtuklas ng mga spices o pampalasa.
 Ang nais ikintal ng mga Kastila ay
masasalamin sa dalawang bagay na
kanilang dala sa Pilipinas: ang krus at
espada.

 Ayon sa mga Kastila, ang mga Pilipino


noon ay barbariko, hindi sibilisado at
pagano kaya nararapat lamang na gawing
sibilisado ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng Kristiyanismo.
 LIMANG ORDEN NG PAMAYANAN:

 Dominican – Pangasinan at Cagayan


(nagkaroon ng imprenta noong 1593)

 Franciscan – Camarines (1606)

 Heswita – Bisaya (1610)

 Augustinian – Kalahati ng Bisaya, Ilocos at


Pampanga (1618)

 Rekoleto - dumating sa bansa noong 1606


 Doctrina Cristiana

 Nagsilbing pinakaunang publikasyon sa


Pilipinas na inilimbag noong 1593.

 Isinulat ni Padre Juan de Plasencia at


isinalin sa Bikol ni Padre Juan de Oliver.

 Ginamit na batayan ng pagkatuto ng


Kastila ng mga Pilipino.
 Salazar 2012

 Binanggit niya sa kanyang pananaliksik si


Jean Mallat (1808-1863), isang Pranses
na heograpo na nagsagawa ng
malalimang pag-aaral sa bansa.

 Ang mga wika sa pamahalaang Kastila ay


Tagalog, Pampango, Zambales,
Pangasinan, Iloco, Cagayan o Ibanag,
Camarines o Bicol, Bisaya, Batanes at
Chamorro.
 Dalawang wika ang maituturing na unang wika
mula sa mga nabanggit: Tagalog at Bisaya.

 Ang Tagalog ay sinasalita sa Tondo, Bulacan,


Bataan, Batangas, Laguna, Nueva Ecija, Tayabas,
Cavite, Mindoro, Zamboanga at Marianas.

 Ang Bisaya naman ay ginagamit sa Visayas na


nahahati sa apat na dayalekto: (1) Panay, (2)
Capis, (3) Cebu at Bohol at Silangang bahagi ng
Negros, (4) Calamian at Paragua o Palawan na
halong Bisaya at Tagalog.
 Wikang Tagalog

 Ginamit na paunang hakbang ng mga


Kastila upang makapagturo ng
Kristiyanismo sa bansa.

 Isa sa mga katutubong wikang pinag-


aralan ng mga Kastila upang mapadali
ang pakikipag-ugnayan nila sa mga
Pilipino.
MGA ISINAGAWANG PAG-AARAL NG MGA
KASTILA TUNGKOL SA WIKANG TAGALOG

1. Arte y Reglas de la Legua Tagala (1560-


1614) ni Francisco Blancas de San Jose.
Inilimbag ito ni Tomas Pinpin. Gumamit
ang edisyong ito ng katutubong
baybayin.

2. Compendio de la Arte de la Legua Tagala


– ni Francisco Blancas de San Jose
3. Arte de la Lengua Tagala – ni Agustin de
la Magdalena. Binubuo ito ng 75 pahina.

4. Compendio del Arte de la Lengua


Tagala (1650-1724) ni Gaspar de San
Agustin. Binubuo ito ng 54 pahina.

5. Arte y Reglas de la Lengua Tagala (1668-


1742) ni Tomas Ortiz. Binubuo ito ng 136
pahina.
6. Arte de la Lengua Tagala (1745) ni
Sebastian de Totanes

7. Gramatica de la Lengua Tagala (1850) –


binubuo ito ng 171 pahina

8. Nueva Gramatica Tagalog (1872) – ni


Joaquin de Coria
9. Lecciones de Gramatica Hispano-Tagalog
(1841-1904) – ni Jose Hevia Campomanes

10. Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala


(1878) ni Toribio Minguella
 Ayon kay Frei (1959), makikita sa
pag-aaral ni Constantino (2014)

 Sa kabila ng pag-aaral ng mga Kastila sa


mga katutubong wika tulad ng Tagalog,
hindi pa rin nila pinahintulutang matuto
ng Espanyol ang mga Pilipino maliban sa
mga may kaya dahil sa mga sumusunod
na dahilan:
1. Hangad ng mga prayle na panatilihin ang
kontrol at kapangyarihan.

2. Hindi sila mababalewala ng gobyerno sa


Espanya dahil sila ang magsisilbing
tagapamagitan sa mga Pilipino.

3. Mapapanatili nila ang kanilang


konserbatismo at reaksyong posisyon sa
gitna ng lumalawak na liberalismo sa
Europa at Espanya.
4. Maaaring mag-alsa ang mga Pilipino
kapag sila’y natuto ng Espanyol.

5. Mapapanatili ang superyoridad ng lahing


Kastila at Europeo.

6. Hindi kailangang maging sibilisado ng


mga Pilipino dahil higit silang masaya
kapag nanatiling ignorante.
Panahon
Ng amerikano
(1901-1936)
Ayon kay Frei (1959), mula sa
Stevens (1999)

 Hindi nagtagal ang pamamahala matapos


ang mga pagdating ng mga Kastila dahil
sumunod na dumating sa bansa ang mga
Amerikano. Ipinatupad ang paggamit ng
Ingles bilang opisyal na wika sa bansa
dahil:
1. Kaunti lamang ang marunong at
nakaaalam ng Wikang Ingles.

2. Mahirap magsimula ng bagong republika


sa isang bansang maraming umiiral na
katutubong wika.
Philippine Commission Batas Blg. 74
(Marso 21, 1901)

 Ipinag-utos na gamitin ang Ingles bilang


wikang panturo sa mga paaralan sa
buong bansa sa mga itinatag na
paaralang pambayan.
 Sa panahon ng mga Amerikano,
pinagtuunan ng pansin ang 3R – Reading,
Writing at Arithmetic.

 Nagpalimbag ng mga librong primary sa


INGLES-ILOKANO, INGLES-BISAYA,
INGLES-TAGALOG at INGLES-BIKOL.

 Sundalo ang mga nagturo sa mga


paaralan na kinalaunan ay hinalinhan ng
mga Thomasites.
Service Manual ng Kawanihan ng
Edukasyon

“Inaasahang ang bawat kagawad ng kawanihan


ay magdaragdag ng kanyang impluwensya sa
paggamit ng opisyal na sistema sa Ingles at
maipaunawa ang kadahilanan ng
pagsasakatuparan nito. Tanging Ingles lamang
ang dapat gamitin sa pag-aaral, sa bakuran ng
paaralan at sa gusali ng paaralan. Ang paggamit
ng Ingles sa paaralan ay nararapat bigyang-
sigla.”
Mga Dahilan ng Pagtuturo ng Ingles
1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga
paaralan ay magreresulta sa suliraning
administratibo.

2. Ang paggamit ng iba’t ibang bernakular


ay nagdudulot lamang ng rehiyonalismo sa
halip na nasyonalismo.

3. Hindi magandang pakinggan ang


naghahalong wikang Ingles at bernakular.
4. Malaki na ang nagasta ng pamahalaan
para sa edukasyong pambayan at paglinang
ng Ingles upang maging wikang pambansa.

5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang


magkaroon ng pambansang pagkakaisa.

6. Ingles ang wika ng pandaigdigang


pangangalakal.
7. Ang Ingles ay mayaman sa kawatagang
pansining at pang-agham.

8. Yamang nandito na ang Ingles ay


kailangang hasain ang paggamit nito.
Mga Alituntunin sa Pagtataguyod
ng Ingles
1. Paghahanap ng guro na Amerikano
lamang.

2. Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring


magturo ng Ingles at iba pang aralin.

3. Pagbibigay ng malaking-tuon o diin sa


asignaturang Ingles sa kurikulum sa
lahat ng antas ng edukasyon.
4. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular
sa loob ng paaralan.

5. Pagsasalin ng teksbuk sa Wikang Ingles.

6. Paglalathala ng mga pahayagang lokal


para magamit sa paaralan.

7. Pag-alis at pagbabawal ng Wikang


Espanyol sa mga paaralan.
Panahon
Ng hapon
(1942-1945)
 Tatlong taon lamang namalagi ang mga
Hapon sa bansa.

 Higit na yumabong ang katutubong wika sa


pananakop ng mga Hapon.

 Hindi sapilitan ang paggamit ng wika sa


panahong ito.

 Ipinagbawal ng mga Hapon ang paggamit ng


Wikang Ingles maging ang pagbabasa sa
mga aklat at peryodiko ng mga Amerikano.
 Ayon kina Arrogante, Ayuyao at
Lacanlale (2004), ang panahon ng
pananakop ng mga Hapones ay
maituturing na GININTUANG PANAHON
NG PANITIKANG TAGALOG.
 Sa Panahon ng Hapon, isinilang ang
KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa
Bagong Pilipinas) na nakatuon sa
pagpapabuti ng edukasyon at moral na
rehenerasyon, pagpapalakas at
pagpapaunlad ng kabuhayan sa
pamamatnubay ng Imperyong
Hapones.
Ordinansa Militar Blg. 13

 Inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap


ng Pilipinas (Philippine Executive
Commission) sa pamumuno ni Jorge
Vargas ang ordinansa na nagtatakdang
kapwa Nihonggo at Tagalog ang magiging
opisyal na wika sa bansa.
 Ang bernakular ay ginamit bilang sa
pagtuturo ng pagbasa at pagsasalita sa
ikatlo hanggang ikaapat na baitang.

 Ang Tagalog ay ginamit sa ikalima at


ikaanim na baitang.

 Ginamit din ang Tagalog sa pagtuturo sa


ikaapat na taon sa hayskul sa mga
paaralang normal.
 Ang gobyerno-militar ay nagturo ng
Nihonggo sa mga guro sa paaralang-
bayan.

 Binibigyan ng katibayan ang mga


nagsipagtapos ng mga araling Nihonggo
tulad ng Junior, Intermediate at Senior.
JOSE VILLA PANGANIBAN

 Isang lingguwistang nagturo ng Tagalog


sa mga Hapones at di Tagalog.

 Sumulat ng A Shortcut to the National


Language upang mapadali ang pagkatuto
ng Tagalog.
Panahon
ng PAGSASARILI,
REPUBLIKA
HANGGANG SA
KASALUKUYAN
1934
 Dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang mga pulo
sa Pilipinas at sa dami ng wikang umiiral dito,
naging isang paksang pinagtalunan, pinag-
isipan at tinalakay sa Kumbensiyong
Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa isang
wikang maaaring gamitin sa bansa.

 Iminungkahi ng pangkat ni Lope K. Santos na


ang Wikang Pambansa ay dapat na ibatay sa
mga wikang umiiral sa Pilipinas.
1935

 Sinusugan ni Manuel L. Quezon ang


pananaw ni Lope K. Santos dahil siya noon
ang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng
Pilipinas. Siya ay nagmungkahi ng
probisyong pangwika na nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas
ng 1935 na nagsasabing:
“Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansang ibabatay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika.
Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang
Wikang Ingles at Kastila ang siyang
mananatiling opisyal na wika.”
Nobyembre 13, 1936

 Isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte ang


Batas Komonwelt Blg. 184 na naglalayong
itatag ang Surian ng Wikang Pambansa.

 Narito ang mga tungkulin ng Surian ng Wikang


Pambansa:
1. Pag-aralan ang mga pangunahing wikang
sinasalita nang hindi bababa sa kalahating
milyong Pilipino at magsagawa ng
komparatibong pag-aaral sa bokabularyo ng
mga ito.

2. Patibayin at paunlarin ang isang


pangkalahatang wikang pambansa na batay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika.

3. Piliin ang katutubong wikang higit na mayaman


sa panitikan, gamit sa sentro ng kalakalan at ng
nakararaming Pilipino.
Enero 12, 1937
 Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
mga kagawad at pinuno ng Surian ng Wikang
Pambansa na may layuning pumili ng wikang
gagamiting batayan ng Wikang Pambansa.
1. Tagapangulo – Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte/Waray)

2. Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap – Cecilio Lopez


(Tagalog)

3. Kagawad – Santiago A. Fonacier (Ilokano)

4. Kagawad – Filemon Sotto (Cebuano/Bisaya)

5. Kagawad – Casimiro Perfecto (Bikolano)

6. Kagawad – Felix Sales Rodriguez (Panay-


Bisaya/Hiligaynon)

7. Kagawad - Hadji Butu (Muslim)


Disyembre 30, 1937

 Alinsunod sa itinadhana ng Seksiyon 7 ng


Batas Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan
ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134,
ipinatupad ni Pangulong Quezon ang
paggamit ng TAGALOG bilang batayan ng
Wikang Pambansa dahil ito ay alinsunod sa
mga sumusunod na konsiderasyon:
1. Wika ng sentro ng pamahalaan.
2. Wika ng sentro ng edukasyon.
3. Wika ng sentro ng kalakalan.
4. Wika ng pinakamarami at pinakadakilang
nasusulat na panitikan.
Bernales et al. (2014

 Narito ang mga dahilan ng pagkakapili sa


Tagalog bilang batayan ng Wikang
Pambansa:
1. Ito ang wikang higit na gamitin at
nauunawaan sa maraming bahagi ng bansa.

2. Mayaman sa panitikan ang Tagalog kung saan


maraming aklat ang nailimbag sa wikang ito.

3. Tagalog ang wika ng Maynila na siyang


kinikilalang kabisera ng bansa bago pa man
dumating ang mga mananakop na Kastila.

4. Ang wikang Tagalog ang wika ng mga


rebolusyonaryo.
Abril 1, 1940

 Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.


263, pinahintulutan ang pagpapalimbag ng
Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng
Wikang Pambansa upang magamit sa mga
paaralan sa buong kapuluan simula Hunyo 4,
1940.
Hunyo 7, 1940
 Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na
ang Wikang Pambansang Pilipino ay magiging
isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas mula
Hulyo 4, 1940.

 Memorandum Sirkular Blg. 26 (Hulyo 19,


1940) – pinahintulutan ang pagtuturo ng
kursong Pilipino sa lahat ng ikaapat at
ikalawang antas ng mataas na paaralang
pampribado at pampubliko.
Marso 26, 1954

 Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang


Proklamasyon Blg. 12 na nagsasaad hinggil sa
pagdiriwang ng LINGGO NG WIKANG
PAMBANSA mula Marso 29 hanggang Abril 4
bilang pagbibigay-pugay sa kaarawan ni
Francisco Baltazar (Abril 2).
Setyembre 23, 1955

 Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang


Proklamasyon Blg. 12 na nag-uutos sa
paglilipat ng petsa ng pagdiriwang ng LINGGO
NG WIKA mula Agosto 13 hanggang Agosto 19
bilang pagbibigay-pugay sa kaarawan ni
Pangulong Manuel L. Quezon (Agosto 19).
Agosto 13, 1959

 Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7


na ipinalabas ni Jose Romero na noon ay
kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ang
Wikang Pambansa ay itinakdang tawaging
Pilipino.
Nobyembre 14, 1962

 Ipinag-utos na simula sa taong-aralan 1963-


1964 ang mga sertipiko at diploma ng
pagtatapos ay ipalilimbag na may kaakibat na
salin sa Pilipino.
Disyembre 19, 1963

 Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal


ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 na
nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa
titik nitong Pilipino.
Oktubre 24, 1967

 Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96


na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos,
isina-Pilipino ang pangalan ng mga gusali,
edipisyo at tanggapan ng pamahalaan.
Marso 27, 1968

 Ayon sa Memorandum Sirkular Blg. 172 na


nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim
Tagapagpaganap, iniutos ang paggamit ng
Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon at
sa mga transaksyong pampamahalaan
kabilang na ang mga panunumpa ng mga
pinuno at kawani.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
(Agosto 6, 1968)

 Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang ang utos


sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan
at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin
ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan
nito sa lahat ng komunikasyon at
transaksyon.
Pebrero 25, 1970

 Lumabas ang Resolusyon Blg. 70 ng Kilusang


Pilipino ng Pambansang Lupon ng Edukasyon
hinggil sa paggamit ng Wikang Pambansa bilang
wikang panturo o medium of instruction sa
lahat ng paaralang elementarya.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304
(Marso 16, 1971)

 Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang kautusan


na nagpapanauli sa dating kayarian ng
Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag
ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
Atas ng Pangulo Blg. 73
Disyembre 1972

 Pinalabas ni Pangulong Marcos ang batas sa


Surian sa Wikang Pambansa na ang Saligang
Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita ng
limampung libong mamamayan (50, 000) sa
probisyon ng mismong Saligang Batas
(Artikulo XV, Seksiyon 3):
“Ang Batasang Pambansa ay dapat
magsagawa ng mga hakbang na
magpapaunlad at magpapatibay sa isang
panlahat na wikang Pambansang
kikilalaning Filipino.”
Kautusang Pangministri Blg. 22
(Hulyo 21, 1978)

 Isinaad na kailangang ituro ang 6 yunit g


Pilipino sa lahat ng kurso sa antas tersyarya
maliban sa kurikulum ng edukasyon na ang
12 yunit ng Pilipino ay pananatilihin.
1987

 Sa Saligang Batas ng 1987, pinagtibay ng


Komisyong Konstitusyonal na binuo ni dating
Pangulong Cory Aquino ang implementasyon
sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon
tungkol sa wika na nagsasabing:
Saligang Batas ng 1987,
Artikulo XIV, Seksiyon 6

“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.
“Alinsunod sa mga tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo ng sistemang pang-edukasyon.”
Saligang Batas ng 1987,
Artikulo XIV, Seksiyon 7

“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at


pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles.”
Saligang Batas ng 1987,
Artikulo XIV, Seksiyon 8

“Ang Konstitusyong ito ay dapat na


ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga wikang panrehiyon, Arabic
at Kastila.”
Saligang Batas ng 1987,
Artikulo XIV, Seksiyon 9

“Dapat magtatag ang Kongreso ng isang


komisyon ng wikang pambansa na binubuo
ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika.”
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
(Enero 1987)

 Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang


paglikha ng Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP
at makatugon sa panibagong iniatas na gawin
nitong patuloy na pagsasaliksik at
pagpapaunlad ng wikang pambansa.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 22
(1987)

 Ginamit ang katawagang FILIPINO sa


pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Nilagdaan ito ni Kalihim Lourdes
Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Isports.
1987

 Pinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon,


Kultura at Palakasan (DECS) sa pamumuno ni
Lourdes Quisumbing ang Kautusan Blg. 52 na
nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang
wikang panturo sa lahat ng antas ng paaralan
kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81
(1987)

 Ipinalabas at isinakatuparanang Alpabeto


at Patnubay ng Wikang Filipino.
Setyembre 9, 1989

 Lumabas ang Kautusang Pangkagawaran Blg.


84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan na isakatuparan ang Kautuang
Tagpagpaganap Blg. 335 na gamitin ang
Wikang Filipino sa lahat ng transaksyon at
komunikasyong pampamahalaan.
Batas Republika Blg. 7104
(Agosto 14, 1991)

 Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino


(KWF) bilang pagsunod sa itinatadhana
ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9.
Ito rin ang pamalit sa dating SWP at LWP.
Kautusang Tagapagpaganap Blg.
343 (Hunyo 12, 1996)

 Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang


kautusan na nagpapatibay sa Panunumpa
ng Katapatan sa Watawat bilang opisyal na
panata ng katapatan para sa lahat ng
Pilipino.
1996

 Pinalabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na


Edukasyon o CHED ang Memorandum Blg. 59
nagtatadhana ng 9 na yunit pangangailangan
sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at
nagbabago ito dahil sa deskripsiyon at
nilalaman ng kurso.
Hulyo 15, 1997

 Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang


Proklamasyon Blg. 1041 na nagtatakda na
ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa
sa buwan ng Agosto taon-taon at
nagtatagubilin sa iba’t ibang mga sangay ng
pamahalaan at paaralan na magsagawa ng
mga gawain kaugnay sa nasabing
pagdiriwang.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 45,
s. 2001

 Nilagdaan ni dating Pangalawang Kalihim


Isagani Cruz ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Isports na ang kautusan na mas
kilala sa Revisyon ng Alpabeto at Patnubay
sa Ispeling ng Wikang Filipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 104,
s. 2009

 Nilagdaan ng Kalihim Jesli A. Lapus ng


Kagawaran ng Edukasyon ang kautusan na
naglalaman ng Gabay sa Ortograpiya ng
Wikang Filipino.
Kagawaran ng Edukasyon –
Ordinansa Blg. 74 (Hulyo 14, 2009)

 Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika


sa Elementarya o Mother Tongue-Based
Multilingual Laguage Education (MTBMLE).
Sinumulan ito sa isandaang paaralan sa
bansa.
Kautusan ng Kagawaran ng
Edukasyon Blg. 16, s. 2012

 Tiniyak ang labindalawang wika (Bicolano,


Cebuano, Chavacano, Hiligaynon, Ilocano,
Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao,
Pangasinense, Tagalog, Tausug at Waray)
na paghahandaan ng material para sa
implementasyon ng MTBMLE.
Kautusan ng Kagawaran ng
Edukasyon Blg. 34, s. 2013

 Hinihiling ang pagpapakalat at tiyak na


paggamit ng Ortograpiyang Pambansa.
Proklamasyon Blg. 968 (2015)

 Pinagtibay ni Pangulong Benigno Simeon


Cojuangco Aquino na ang Abril ay
itinuturing na Buwan ng Panitikang
Pambansa.
ANG
ALPABETONG
FILIPINO
BAYBAYIN
 Natagpuan sa mga biyas ng kawayan.

 Nagtataglay ng 3 patinig at 14 na katinig.

 Ang lahat ng katinig ay binibigkas na may


patinig sa dulo. Kapag ang patinig ay may e o
i sa dulo, nilalagyan ito ng tuldok sa itaas ng
titik. Kapag ang katinig ay may o o u, ang
tuldok ay nilalagay sa ibaba. Kapag ito
naman ay katinig lamang, nilalagyan ito ng +
sa ibaba.
ALPABETONG ROMANO O
ABESEDARYO (abecedario)

 Ito ay sinasabing nagmula sa mga Kastila na


binubuo ng mga titik na:

A B C CH D E F G H I J
K L LL M N Ñ O P Q R
RR S T U V W X Y Z
ABAKADANG TAGALOG

 Noong 1940, ipinakilala ni Lope K. Santos ang


Abakada sa kanyang Balarila ng Wikang
Pambansa. Ito ay binubuo ng 20 titik:

A Ba Ka Da E Ga Ha I La Ma Na Nga O
Pa Ra Sa Ta U Wa Ya
PINAYAMANG ALPABETO

 Taong 1976, pinagtibay ng Surian ng Wikang


Pambansa ang bagong alpabeto na binubuo
ng 31 titik. Idinagdag ang 11 hiram na titik
na:

c f j ñ q v x z ch ll rr
1987 ALPABETONG PILIPINO

 Batay sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na


ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Palakasan o DECS noong Agosto 6,
1987:

Bubuuin na lamang ng 28 na titik ang


alpabeto at tatanggalin na ang mga titik tulad
ng ch ll at rr
2001 REVISYON NG
ALPABETONG FILIPINO
 Muling nirebisa ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) ang Alpabetong Filipino pati
na rin ang tuntunin sa pagbaybay nito.

 Nilagdaan ito ng Pangalawang Kalihim ng


Departamento ng Edukasyon na si Isagani R.
Cruz ang 28 titik at bibigkasin gaya ng
Alpabetong Ingles maliban sa ñ na bigkas
Español.

You might also like