You are on page 1of 4

BARAYTI NG WIKANG GINAGAMIT NG

MGA TAO SA KASALUKUYAN

PANIMULA

Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na


pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogeneous ng wika. Sa kasalukuyang panahon ay pinag-
aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito. Ito ang
nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na DIVERGENCE,
ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika. (Paz, el. al. 2003)

KATAWAN

Ayon sa mga nakalap kong datos ay may iba’t ibang uri ng salitang ginagamit ang mga
tao sa isang lugar. May nagsasalita ng balbal, kolokyal, Kapampangan, Ilocano, at Tagalog.

SALITANG BALBAL

Ang balbal o islang (hango sa Ingles na slang) ay ang mga salitang hindi pormal ngunit
nagagamit sa pang-araw-araw na pananalita. Karaniwa’y nililikha ito sa pagbabaligtd ng mga
titik, o pagiibang-anyo sa salitang ugat. Minsan, halaw ito sa wikang Kastila.

SALITANG KOLOKYAL

Ang salitang kolokyal ay impormal na salita kung saan pinapaikli nang isa, dalawa o
higit pang titik sa salita. Ang salitang kolokyal ay ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap sa ibang tao.

KAPAMPANGAN

Ang wikang Kapampangan ay isa sa mga walong pangunahing wika ng Pilipinas. Ito
ang pangunahing wika ginagamit sa buong lalawigan ng Pampanga at Timugang Tarlac, sa
timugang bahagi ng kalagitnaang kapatagan ng Luzon, karamihan nito ay sumasailalim sa
pangkat-etnikong Kapampangan. Sinasalita rin ang Kapampangan sa hilagang-silangang Bataan,
pati na rin sa mga munisipalidad ng Bulacan, Nueva Ecija, at Zambales na pumapaligid sa
Pampanga. Nakakapag-intindi at nakakapagsalita rin ng Kapampangan ang mga iilang Aeta sa
timugang bahagi ng Gitnang Luzon. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango,
Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at bilang panggalang, Amanung Sisuan (wikang
ipinasuso).

ILOCANO

Ang Ilokano ay ang ikatlong pinakamalaking ethnolinguistic grupo sa Pilipinas. Ang


terminong “Ilocano” ay nagmula sa salitang “i-” (mula sa) at “looc” (cove o bay), na kapag
pinagsama ay nangangahulugan ng “Tao ng bay”. Sila rin ay tinukoy bilang Samtoy, na kung
saan ay isang pagpapaikli ng pariralang sao mi ditoy (ito ay ang aming wika).

Talaga, ang Ilokano ay Austronesian-tao / Austronesian taong nagsasalita. Ang Ilocano


dialect ay may kaugnayan sa wika Indonesian, Malay, Fijian, Maori, Hawaiian, Malagasy,
Samoan, Tahitian, Chamorro, Tetum at Paiwan. Ngayon, ang mga Ilocano dialect ay ang
ikatlong pinaka pasalitang wika sa Pilipinas.

Spanish era

Bago ang kolonyal na rehimeng Espanyol, isang abang sibilisasyon na namamalagi sa


Ilocos Region (Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Abra). Ang rehiyon stretched mula sa Cape
Bojeador sa northwestern tip ng Luzon hanggang sa Gulpo ng Lingayen.

Ang Ilocos rehiyon ay lalo sikat para sa kanilang mga mina ginto. Ang unang Ilocos
naninirahan ay nakatira sa malaking nayon sa lukob coves o rivermouths. Traders mula sa Tsina
at Japan ay madalas na dumating dito sa kalakalan ginto na may kuwintas, keramika at sutla.

Espanyol conquistadors pinamumunuan ni Juan de Salcedo dumating sa Vigan in 1572.


Pagkatapos landing sa Vigan, ang conquistadors buhok sa Laoag, Currimao at upang Badoc. Sila
na pinangalanan ang rehiyon “Ylocos” at ang mga tao “Ylocanos”.
Ang mga Kastila ay hindi partikular na masuwerteng sa kanilang pananakop ng Ilocos.
Ang Ilokano ay ang unang pangkat etniko sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol na opisyal. Ito ay
sa Enero 1661 kapag ang Ilokano ipinahayag ang kanilang bantog na lider, Don Pedro Almazan,
bilang kanilang Hari. Siya ay naisakatuparan sa pamamagitan ng mga Espanyol matapos ang
kaharian ay dissolved.

Ang isa sa pinaka-memorable uprisings ng Pilipinas ay humantong sa pamamagitan ng


Ilocano Diego Silang, kung saan ay patuloy sa pamamagitan ng kanyang asawa Gabriela Silang.
Ang Silangs ‘revolt ay fueled sa pamamagitan ng grievances stemming mula sa Espanyol
pagbubuwis at mga pang-aabuso.

Ang Ilokano ay kitang-kitang sa makabayan kilusan. Maraming Ilokano ay may risen sa


mataas na tanggapan sa pamahalaang sentral. Ang pinaka-sikat at kontrobersyal sa lahat ay ang
late dating pangulo Ferdinand Marcos.

TAGALOG

Ang Wikang Tagalog, na kilala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga
pangunahing wika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto (“sa katunayan”) ngunit hindi de
jure (“sa batas”) na batayan na siyang pambansang wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987:
Pilipino). Ito ang Katutubong wika ng mga lalawigan sa Rehiyon IV (CALABARZON at
MIMAROPA), ng bulkan, at ng Kalakhang Maynila. Sinasalita rin ito sa Hilagang
Kalpuluang Mariana, kung saan ang mga pilipino ang pinakamalaking pangkat-etnolinguwistiko.
Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang
pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa ingles ang buong
kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ang Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-
opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang
lingua franca o “tunay na wika” sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng
Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang
Ingles, sa iba’t ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag
na mananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa
pananagalog.
Kaugnay ng iba pang mga wika sa Pilipinas, ang Wikang Tagalog, gaya ng mga wika sa
Bikol, Ilokano, mga wika sa kabisayaan, at Kapampangan, at mayroon ding kaugnayan sa iba
pang mga wikang Austronesyo, gaya ng Wikag Indones, Hawaiian at Malagasy.

PAANO SILA NAGKAKAUNAWAAN?

Ayon kay Coquia (2016), Ang wikang Filipino ay nagsisilbing tulay upang
magkakaintindihan ang bawat Pilipino sa ating bansa. Ang Wikang Filipino din ay bumubuo sa
isa sa mga pinakamatibay na bigkis na nag-uugnay sa tao at nagpapayaman sa pagkakaisa ng
pambansang mithiin, hangarin at damdamin.Ang pagkakaiba ng diyalekto ay isa sa mga dahilan
sa hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan ng mga nasasakupan ng bansang Pilipinas.
Kung kaya’tang wikang ito rin ang nagreresolba sa mga problemang napapaloob sa hindi
pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan. Ito rin ay mabisang paraan sa pagtuturo sa
elementarya upang maging edukado ang mga estudyante sa mabilis na panahon. Nakakatulong
ang wikang Filipino sa pag-unlad ngekonomiya ng Pilipinas sapagkat nagagamit ito sa iba’t
ibang transaksyon sanegosyo, gobyerno at mga pribadong sector sa bansa upang mas madaling
magkakaintindihan at magkakaunawaan ang bawat Pilipino.

ANO ANG IMPLIKASYON NITO SA WIKANG PILIPINO?

Hindi na masyadong nagagamit ng mga tao ang Wikang Filipino dahil sa marami nang
iba’t ibang uri ng salita o wika ang ginagamit ng mga tao.

KONKLUSYON

Tunay nga na marami nang iba’t ibang wika ang ginagamit ng mga Pilipino subalit sa
kabila nito ay huwag pa rin natin dapat kalimutan ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay
nagsisilbing tulay upang magkakaintindihan ang bawat Pilipino sa ating bansa. Ang Wikang
Filipino din ay bumubuo sa isa sa mga pinakamatibay na bigkis na nag-uugnay sa tao at
nagpapayaman sa pagkakaisa ng pambansang mithiin, hangarin at damdamin.Ang pagkakaiba ng
diyalekto ay isa sa mga dahilan sa hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaintindihan ng mga
nasasakupan ng bansang Pilipinas.

You might also like