You are on page 1of 1

Ang Ilokano ay isa sa diyalektong ginagamit sa Pilipinas.

Ito ay ang ikatlong


madalas gamitin na katutubong wika. Ang Ilokano ay isang Austronesian na wika
na may kaugnayan sa lenggwahe ng mga Malay, taga-Hawaii at mga Tahitian.
Maraming mga diyalektong may kaparehong salita sa Ilokano dahil sa
pagkakalapit ng lugar o di kaya'y hinango nila mula rito. Noong madiskubre ng
mga mananakop na Espanyol ang Pilipinas taong 1600, tumahan sila sa patag
na baybayin sa Hilagang Luzon na mas kilala na bilang Rehiyon ng Ilocos. Ang
salitang Ilokano ay nanggaling sa salitang "i look" at "by the bay". Nang lumaki
ng lumaki ang kanilang populasyon, lumipat sa iba't ibang lugar tulad ng Hawaii
at Katimugan ng Mindanao na kawangis ng diyalektong Ilokano. Sa simula ng
ika-21 siglo, nasa 10 milyong tao na ang gumagamit at may kakayahang
gumamit ng Ilokano. Pangunahing rehiyon na gumagamit nito ay ang Ilocos
Norte, Ilocos Sur, La Union at Isabela. Maraming mga tanyag na manunulat ng
diyalektong Ilokano tulad ni Pedro Bucaneg, ang may akda ng Biag na Lam-ang
at nagsalin ng Doctrina Cristiana kasama si Francisco Lopez na naglimbag nito.
Si Padre Justo Claudio Fojas na nagsulat ukol sa katesismo at diksyonaryong
Ilokano-Espanyol. Leona Florentino na tinatawag ng iba na Pambansang
Babaeng Makata ng Pilipinas ngunit ang mga modernong mambabasa ay hindi
tinangkilik ang gawa niya dahil masyado raw itong sentimental at walang-
kabuluhan. Ang anak naman niyang si Isabelo de los Reyes ay isang manunulat
ng mga panitikang panrelihiyon at artikulong politikal. Hindi lamang lokal dahil
mayroong mga Ilokanong manunulat ang nakapaglimbag na ng kanilang mga
akda internasyonal. Hindi makaylan ay mas lalawak at dadami pa ang
gumagamit ng diyalektong Ilokano dahil sa progreso at kasikatan ng mga
akdang ito. May mga pangunahing dapat tandaan sa pag-aaral ng diyalektong
ito. Una, ang patinig O ay ginagamit lamang sa huling pantig ng salita tulad ng
agluto. Ikalawa, ang tuldik ay hindi ginagamit sa pagsulat ng Ilokano ngunit ang
tamang diin sa salita ay mahalaga tulad ng apo na maaaring paraan ng
paggalang at maaaring ekspresyon. Bagamat maraming diyalekto ang
papausbong at nagproprogeso, ang diyalektong Ilokano ay napakahalaga sa
nakararami. Kaya naman hindi humihinto ang paglawak at paggamit dito. Kung
wala ito ay walang pundasyon at hindi maituturo ang Aralin Panlipunan na isa sa
mahahalagang asignatura. Malaking ihemplo rin ito sa mundo at mas
napapayabong ang turismo sa bansa.

This study source was downloaded by 100000816766975 from CourseHero.com on 05-28-2022 22:50:11 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/85790623/Ang-Ilokano-ay-isa-sa-diyalektong-ginagamit-sa-Pilipinasdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like