You are on page 1of 14

Ang 

Rehiyong Pampangasiwaan ng
Cordillera (opisyal: Cordillera Administrative Region, CAR)
ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang 
Luzon na binubuo ng mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, at 
Mountain Province. Sakop ng rehiyon ang halos lahat ng
lupain ng Kabundukan ng Cordillera, ang pinakamataas na
bulubundukin sa Pilipinas. Ito lamang ang rehiyon sa Pilipinas
na hindi napaliligiran ng tubig. Ang rehiyong ito ang tirahan
ng mga katutubong tribong tinatawag na Igorot.
 • Total 19,422.03 km2 (7,498.89 sq mi)
Population (2015 census) [2]
 • Total 1,722,006
 • Estimate (2020) 1,807,758[1]
Provinces 6[show]
Cities 2[show]
Municipalities 75
Barangays 1,176
Languages • Ilocano, Ibaloi
• Kankanaey, Kalanguya
• Kalinga, Ifugao
• Itneg, Isneg,Pangasinan
• Filipino English, others
Pangkat Etniko: Ilocano

ANG MGA
KANKANAEY
Pinagmulan
Ang mga Kankanaey ay ang mga pinag-apuhan ng mga
semi-literate na Malay na dumayo sa Pilipinas sa
pamamagitan ng Lingayen gulf.
Lokasyon
Katulad ng ibang tribo , ang mga Kankanaey ay kasama sa mga gumawa ng
mga nakakiling na sakahan upang mapalawak ang lupain ng Cordillera. Ang
mga Kankanaey ng kanlurang Mountain Province mula sa munisipalidad ng
Sagada at Besao ay kinikilala ang kanilang mga sarili bilang parte ng tribong
tinatawag na Applai o Aplai. Dalawang sikat na institusyon ng mga
Kankanaey ng Mountain Province ay ang dap-ay, ang dormitory ng mga
kalalakihan at isang civic center; at ang began, ang dormitory ng mga babae
kung saan nagaganap ang ligawan ng mga dalaga’t binata.

Ang mga purong Kankanaey ay matatagpuan sa kanluran, hilaga, at silangang


bahagi ng Benguet. Ngunit dahil na rin sa intermarriages ay umuunti ang
mga namamalagi sa lugar na ito.
Wika
Kankanaey din ang tawag maging sa wika ng mga Kankanaey. Ito ay malimit
na gamitin ng mga Cordillerans partikular ng mga taga-kanlurang bahagi sa
Mountain Province at sa hilagang Benguet. Ang Igorot ng Hilagang Benguet
(at halos lahat ng namamalagi sa Amburayan at timog Lepanto) ay
nagsasalita ng parehong dayalekto, parehong adwana at tinatawag ang
kanilang sarili bilang Kakanay o Kankanay. Ang kultura ng grupong ito ay
walang mahalagang pinagkaiba sa cultural features ng mga Nabaloi.
Lingguwistika ang isa sa maaaring basehan ng kanilang pagkakaiba.
Ponolohiya

Kadalasan ay lumilitaw ang karaniwang pagkakaroon ng madiin na schwa sa


maraming salita sa lenggwaheng Kankanaey. Sa katunayan, ang e ng Kankanaey ay
binibigkas sa ganitong tunog at hindi sa paraang tulad ng pagbigkas sa e sa mga
salitang bet o wet. Ang tunog na ito ay kadalasang hindi madiin at may mabilis na
durasyon sa wikang Ingles, bilang isang tagapamagitang tunog sa pagitan ng mga
kumpol ng katinig. Tulad noong sa pagitan ng /B/ at ng /L/ sa salitang table, o sa
pagitan ng /T/ at ng /L/ sa title. Ang tunog na ito ay maihahalintulad sa mga wika na
matatagpuan sa Hilagang Luzon tulad ng Ilokano at Pangasinense.
Halimbawa nito ay ang mga sumusunod na salitang Kankanaey: emey/umay –
pumunta entako – halika na ed – saan ipe-ey/ipa-ey/ippey – ilagay iwedwed – luwagan
anggey – tangi, tapusin
Pagtatatu

Unti-unting nawala ang tradisyon ng pagtatatu at pagsusuot ng


leglet (pulseras sa binti). Ang kanilang palamuti – mga
palamuti sa buhok at kwintas – ay karaniwang gawa sa beads.
Karakter

Ang mga Kankanay ay mahiyain at mapagsarili ngunit konserbatibo sa


kanilang mga kaugalian, tradisyon, at pamamaraan. (Igualdo, 1989) Kultura.

Ang kultura ay ginagamit ng tao upang masanay sa kanyang kapaligiran at


magkaroon ng komunikasyon sa iba pang miyembro ng lipunan, nang sa
gano’n ay kaniyang maka-istratehiya at organisa ang mga ito. Hindi taliwas
ang Hilagang Kankanaey sa ganitong uri ng pagsasanay sa kanilang mga
paniniwala at ritwal. Isa sa laganap na gawain ng Hilagang Kankanaey ay
ang pag-aalay ng mga hayop.
Relihiyon
Bawat pangyayari sa isang buhay ng tao na kabilang sa Kankanaey at Ibaloi
ng Benguet ay may kani-kaniyang ritwal: mula pagbubuntis at
panganganak hanggang sa kamatayan at maging ang mga okasyon tulad
ng kagalingan ng isang tao at pagpapasalamat ng buong komunidad.
Pinaniniwalaang nakaka-apekto ang relihiyon at tradisyon sa kanilang
mga pananim, na siya ring paniniwala sa iba pang grupong etniko sa
Cordillera. Mayroon ding kritisismo sa mga tribo ng hilaga lalo na noong
panahon ng kolonisasyon ng Espanya.

Ang mga ritwal ng mga Kankanaey ay maaaring mahati sa dalawa: Ang


pagbibigay pasasalamat o ang prestehiyosong sida (Cañao) at ang mga
ritwal na panggamot.

You might also like