You are on page 1of 9

8

FILIPINO
KUWARTER 4 – MODYUL 2
 Nailalahad ang sariling damdamin o saloobin ng may- akda gamit ang wika ng
kabataan.
 Naisusulat sa isang monologo ang pansariling damdamin tungkol sa
pagkapoot at pagkatakot at iba pang damdamin.
 Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan.
 Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng tauhan.

K to 12 BEC CG (Competency Code F8WG-Iva-b-35 ,F8PU-IVc-d-36,F8PN-IVg-h-37,F8PB-IVg-h-37 )


KASANAYAN: PAKIKINIG , PAGLINANG NG TALASALITAAN, PAGBASA,
PAGSULAT
IBA’T IBANG URI NG DAMDAMIN / WIKA NG KABATAAN

PANIMULA

Mabuhay! Nagagalak ako at nakilala mo na si Francisco Balagtas Baltazar, ang


dakilang may-akda ng Florante at Laura. Sigurado ako damang –dama mo ang mga
naramdaman ni Balagtas.Ngunit sa pagbabago ng panahon, kasabay nito ang napakaraming
rin pagbabago. Nariyan ang damdamin , ang pakikitungo pati na rin ang klase ng ating
pananalita, lalong – lalo na ang mga kabataan ngayon.Marami sa mga matatanda ngayon ang
nahihirapang intindihin ang ganitong klase ng mga salita. Ito ay nangangahulugan lamang na
kasabay ng patuloy na pag-usbong ng panahon ay ang pag- unlad ng wika.
Kung sakaling hindi mo maintindihan ang sinasabi ng kausap mo, ano kaya ang
mararamdaman mo ? Pansinin mo ang mga larawan , ano kayang damdamin ang isinasaad
ng mga ito?

Ngayon at nalaman mo na ang ibang mga damdamin na nararamdaman natin ,gawin mo


muna ang susunod na gawain.

Gawain I
Panuto: Ihanay ang mga salita ayon sa panahon.
MAKALUMA MAKABAGO

Papagayo Alimpuyok Lafang Galor Salakat


Salumpwet Ginhisipan Baketh Pagoda Gorabels

2
Gawain II
Sagutin ang mga katanungan.
1. Ano ang iyong napansin matapos ihanay ang mga salita?
2. Naiintindihan mo ba ang mga salita na nabibilang sa mga makaluma?
3 Ano ang iyong masasabi sa mga pagbabago ng wika?
4. Sa tingin mo, bakit kaya nagbabago ang wika?

Sabi ko nga pag hindi nagkakaunawaan ang nag-uusap mayroon silang ibang nararamdaman.

ALAM MO NA BA ……….
Ang damdamin ay pagpapakita o ang paglalabas ng emosyon. Ito ay ang pansariling
tugon sa isang bagay, tao o pangyayari. Ito ang nararamdaman ng isang tao sa tuwing may
naririnig, nakikita o nalalaman na isang pangyayari.

May iba't ibang uri ang damdamin.


Takot, halimbawa nakakita ng multo o malagim na pangyayari.
Galit, nararamdaman ito kapag may nagawang masama sayo ang isang tao.
Lungkot, nararamdaman ito kapag may mga bagay na mahalaga ang nawawala.
Saya, kapag gusting gusto mo ang isang bagay o pangyayari.
Ngayon ano kaya ang mararamdaman mo kung mababasa mo ang artikulong ito.

Ang Pagsabay sa Uso ng Wikang Filipino


Published August 28, 2014 1:29am By FIDEL R. JIMENEZ, GMA News

May mga salitang naibaon na sa limot, may 'di na mauunawaan ng karamihan, may
umuusbong, may bumabalik ngunit may iba nang pakahulugan.Gaya ng mga gamit sa
katawan, sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino. At kahit nagkakaroon ng mga
pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-uugnay ang mga Pinoy kahit saan man at
kahit ano man ang kanilang katayuan.Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at mga
bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi maiiwasan na
may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng panahon.

Napatunayan ito sa ginawang eksperimento ng GMA News sa Pandacan, Maynila, sa


mismong harapan ng bantayog ng batikang makata at manunula na si Francisco Balagtas, na
siyang nasa likod ng epikong "Florante at Laura."Dito, ilang residente ang sinubukan kung
alam pa nila ang kahulugan ng mga sumusunod na lumang salita:

papagayo (saranggola na hugis ibon)


alimpuyok (amoy o singaw ng kanin na nasusunog)
salakat (pag-krus ng mga binti)
anlowage (tao na gumagawa ng mga estruktura o kasangkapan na ginamitan ng kawayan o
tabla)
Sa mga natanong, isa lang ang nakasagot ng tama – ang 74-anyos na si Mang Ruben
Basilo. Ayon kay Mang Ruben, bagaman ginagamit pa ang nabanggit na mga salita, marami
na rin umano ang hindi na alam ang kahulugan ng mga ito, lalo na ang mga kabataan.
Nawawala sa sirkulasyon ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy ay inihalintulad ni
National Artist for Literature Virgilio Almario sa pera na nawawala sa sirkulasyon.
3
"Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni
Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang fashion lang
'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay
(ito)," dagdag niya.Sinabi pa ni Almario na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at
bumabagay sa tawag ng panahon.Paliwanag naman ni Prof. April Perez, ng University of the
Philippines-Filipino Department, malaki rin ang nagagawa ng teknolohiya at modernisasyon
sa paggamit ng ilang salita.Aniya, higit na akma na gamitin ang mga salita na may kinalaman
sa modernong panahon at mas nauunawaan ng mas malaking bahagi ng populasyon.
Kabilang na marahil ng pagbabagong ito ang pag-usbong ng ilang salita na likha ng mga
ilang mga pangkat ng ating lipunan, tulad ng "bekimon" ng mga gay at ang tinatawag na
mga"jejemon.".Paliwanag ni Almario, natural lang sa mga pangkat na ito na mag-imbento ng
sarili nilang salita para hindi maunawaan ng iba.Hindi naman daw ito dapat ikabahala dahil
kung tutuusin, maaari pa nga raw nakatutulong ang mga ganitong nauusong lengguwahe sa
pagpapayabong ng wika kapag lumaganap at natanggap ng marami.
Magbago man ang bokabolaryo ng mga Pinoy sa paglipas ng panahon; maluma man
ang ilang salita dahil may bagong umusbong, patunay lamang ito na buhay na buhay at
masigla ang ating wika.
Higit sa lahat, ang mahalaga ay hindi nagbabago ang layunin nito sa ating mga
Filipino. At iyan ay pagbuklurin tayo bilang isang bansang malaya , na may sariling wika.

Sa lilim ng malukay at patuloy na yumayabong nating kasaysayan, tayo'y pinagbubuklod ng


ating wika na naging daluyan ng maka-Pilipinong diwa at kamalayan.

1. Maharani Marta E. Satuito -WIKANG FILIPINO BILANG KASANGKAPAN SA


PAGLINANG NG PAMBANSANG KULTURA TUNGO SAPAGKAKAKILANLAN.
Ano ba ang kaugnayan ng wika sa kultura? Ang wika ay nalilinang dahil sa
kultura, ang kultura aynalilinang dahil sa wika at ang wika ay ang kultura mismo.
Maari natin itong ituring bilang batayanggabay sa matibay na kaugnayan ng wika at
kultura bilang mabisang kasangkapan sa pagtataguyod ngpagkakakilanlan nating mga
Pilipino
2.Kimberly Q. Querubin -Ang Panahon ng mga maka-MON, Ajejejeayon sa
kanya ;“Usong-uso ang paggamit ng mga salita o katagang, “ajejeje”, “3ow f0usz”,
“akekeke”, “pagodalotion na aketch”, at “lafangin na itech”. Kung sa isang dayuhan, ito ay
maiisip na salita ng mganilalang mula sa ibang planeta.Ang mga wikang ito ay nagpapa -
kita ng pagkamalikhain ng mgaPilipino. Isa rin itong paraan upang maipakita na
buhay ang ating wika at patuloy itong nadaragdagan ng mga bagong salita. Isa
ring daan upang maipahayag ng mga tao, lalo na angkabataan, kung ano ang nais ni -
lang ipaabot sa kanilang sariling malik haing paraan. Minsan, kahit na nasa isang
pulong o klase ang isang estudyante, hindi niya maiiwasang gumamit ng mga salitang
Jejemon o Bekimon. Hindi ito magandangpakinggan dahil naipapakita lamang na mas
nabibigyang pansin at mas inaalala ang mga salitang mula sa–mon language kaysa
sa mgasalitang mula sa wikang Filipino. Nakakalimutan na ng mga kabataan na
bigyang halaga at respeto ang sarili nating wika. Sa isang balita kamakailan, sinubukan
ang ilang mga kabataan na tanungin ng isang reporter kung ano ang ibig sabihin ng
salitang “yamot”. Kakaunti sa kanila ang nakasagot ng tamang kahulugan nito.
Kung ang tanong siguro ay kung ano ang kahulugan ng “badtrip” o “buraot” mas
malamang na masasagot nila ito. Sa paliwanag ng ilang mga guro, nagbabago ang wika at
ang mga gamit ng salita sa paglipas ng panahon.Dahilan sa kagustuhan ng mga Pilipino na
mapadali ang komunikasyon sa ibang tao kaya pinaiikli nila ang mga salita o “shortcut”
4
.Ang pagnanais na makisabay sa kung ano ang uso at pagkakaroon ng sariling pagkaka -
kilanlan ng grupo ay nagdudulot upang mabuo ang mga salitang pabebe, jejemon, bekimon,
mga wikang fliptop, mga ginawang bagong terminolohiya sa mga malalalim
na salita, tulad ng “beki” na ang ibig sabihin ay “bakla”, at “mudrabels” na ang ibig
sabihin ay “nanay”. Mabilis itong kumalat o matutunan ng iba sapagkat laganap ang iba’t
ibang uri ng media sa bansa.Sa pangyayaring ganito,ito yong tinatawag na ebolusyon ng
wika.Ang purism o paggamit at pagsalin ng wikang banyaga sa wikang Filipino ay mas
naging mahirap para sa marami,maging sa mga pantas.Sa ganoong kundisyon ,nagiging
limitado ang sanay pagpapayaman ng wikang Filipino.Ang purism ay napakalayo sa likas na-
pa-unlad ng wika,kapag daka’y nagmimistula itong banyaga sa tenga at dila ng mga Pilipino.

Pagkatapos mabasa ang mga pangyayari tungkol sa wika , alamin natin kung ano
kayang naramdaman na emosyon at pananaw ng may- akda tungkol dito at malalaman
natin yan kung handa ka na para sagutin ang mag sumusunod na gawain.

GAWAIN I: BIGAY MO,PANANAW MO!


Panuto: Punan ang diyagran ng mga hinihingin kasagutan.

ANO ANG NAPAGTANTO


MO MULA SA BINASANG
PANANAW/ SALOOBIN
ARTIKULO TUNGKOL SA
WIKA NG MGA MO
KABATAAN?

KUNG SAKALING BABALIK


SI BALAGTAS,ANO KAYA
ANG KANYANG MAGIGING
REAKSIYON SA KLASE NG PANANAW/ SALOOBIN MO
WIKA NG GINAMIT NA
GINAMIT NG MGA
KABATAAN NGAYON?

GAWAIN II A: SURIIN AT GAWIN!


Panuto;Alamin at tukuyin ang pormal na salita ng mga halimbawang salita ng mga
kabataan ngayon.
1. Nasan 6. Wag
2. Meron 7. ‘di
3. Lub u 8. ‘yaw
4. Kelan 9. chaka
5. San 10. lafang
5
GAWAIN II B..Suring Kaisipan
Panuto: Suriin ang mga pahayag/sitwasyon na napakinggan at tukuyin at isulat ang letra kung
anong damdamin ang isinasaad nito.

A B C D
PAALALA: KAILANGAN IPABASA ITO SA ISA SA KASAMA SA BAHAY
UPANG MAPAKINGGAN AT MAUNAWAAN NG MAIGI.
7

1. “ O pagsintang labis ang kapangyarihan


Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw nasok sa puso ninuman,
Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”
2 Liwanag ng mukha’y walang pinag-ibhan
Kay Pebo,kung anyong bagong sumisilang,
Katawang butihin ay timbang- timbang
At mistulang ayon sa hinhin na asal.
3 “Ikaw na umagaw ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay”
4 Dito naniwala ang bata kong loob
Na sa mundo’y walang katuwang lubos,
Sa minsang ligaya’t tali nang kasunod
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
5. ”Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ninis sa hukay ng dusa’t pighati.

GAWAIN III A: Buuin Mo Ako!


Panuto: Gamit ang wika ng kabataan, sumulat ng isang iskrip ng monologo na nagpapakita
ng iyong damdamin tungkol sa paksa..Gawing batayan ang mga salitang nasa loob ng
kahon.Dapat ang monologo ay maitatanghal sa 2 minuto lamang.
COVID-19

Gabay sa paggawa ng MONOLOGO


Gumamit ng mga Orihinalidad at Makatotohanan at Kabuuan
salitang simple at magkakaugnay ang damang-dama ang
madaling pagkakalahad emosyon
mauunawaan lamang
10 5 5 20

6
GAWAIN B. DAMHIN MO!
Panuto:Punan ang dayagram. Ilahad ang mga iba’t ibang damdamin na naramdaman ni
Francisco Balagtas .Gamitan ng Wika ng kabataan.

Uri ng
damdamin

DAMDAMIN DAMDAMIN

Nagagalak ako na matagumpay mong naisagawa ang mga Gawain.Alam kong handa ka na
sa pagtataya.
7
Pangalan:________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon:_______________________________Petsa:____________________
Guro:____________________________________________________________________

PAGTATAYA

A. Suriin at Tuklasin

Panuto:Suriin ang pahayag tukuyin kung anong damdamin meron at piliin ang wika ng
kabataan na ginamit.Isulat ang sagot sa patlang.

1. Naku! Ang aking mudra ay nagluto ng paborito kong ulam. ___________


2. Huwag na huwag kang pupunta rito para lang makilafang! ___________
3. Kahit sa aking panaginip laging kong nasisilayan ang mukha ng aking labs. ________
4. Ngayon na marami na akong datung hindi ko na kayo kilala. ___________
5. Nasan na ang pangako mo, parang bulang naglaho? ___________
6. Sayang , lahat ng pinaghirapan ng grupo was na. ___________
7. Ano bayan… kelan naman kaya ang katapusan ng covid? ___________
8. Hala! Dumarami ang nahahawaan, wag na po sanang lumala pa. ___________
9. Salamat . Meron na tayong mga pananggala sa sakit. ___________
10. Hindi ko gusto yang laruan na yan! Anchaka -chaka nyan. ___________

8
SUSI NG PAGWAWASTO

Gawain A B.
Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng iba’t ibang
Makaluma Makabago kasagutan.
Alimpuyok salakat Gawain I , Gawain III – A at B
Salumpwet baketh Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng iba’t ibang
Ginhisipan Galor kasagutan..
Papagayo gorabels
Pagoda lafang

II A II B
1. NASAAN 1 .C
2. MAYROON 2. A
3. MAHAL KITA 3. D
4. KAYLAN 4. B
5. NASAAN 5. C
6. HUWAG
7. HINDI
8. AYAW
9. PANGIT
10. KAIN

Mga Sanggunian:
 Department of Education, 2016 K-12 Filipino Curriculum Guide
 http://www.gmanetwork.com/news/story/376707/news/ulatfilipino/ang-pagsabay-sa-
uso-ng-wikang-filipino
 http://d1apagsilangngmakabagongwika.blogspot.com/2015/09/pagsilang-ng-mga-
makabagong-wika-dulot.html
 Filipino 8 Workbook

You might also like