You are on page 1of 3

Module 5- Mga Pamayanang Pilipino sa Harap ng Pagbabago (1565-1872)

 Kombinasyon ng mga layuning politikal, relihiyoso at ekonomiko ang dahilan ng


pagpapadala ng Espanya ng mga ekspedisyon sa Asya at Amerika Latin noong dantaon
15 at 16.
 Pagkakataon itong palakasin ang kapangyarihan ng kaharian ng Espanya, palaganapin ng
relihiyong Kristiyano at kumita mula sa kalakalan, lalong-lalo na ng mga pampalasa o
rekadong matatagpuan sa Asya.

 Narating ni Ferñao de Magalhaes (Magellan) ang Pilipinas ngunit hindi siya nakapagtatag
rito ng permanenteng kolonya- napatay siya ng mga mandirigma ng Mactan, kaya mali
ang pagtingin na nagsimula ang panahong kolonyal sa Pilipinas noong 1521.

 Matapos ang ekspedisyong Magellan, nagpadala pa ulit ang Espanya ng sunud-sunod na


ekspedisyon, na pawang nabigo sa kanilang mga misyon.

 Ang marapat na kilalaning kolonisador ng Pilipinas para sa Espanya ay si Miguel Lopez


de Legazpi.

 Itinuturing na hudyat ng kolonisasyon ang pagtatatag nila ng kolonya sa Cebu noong


1565.

 Itinatag nila naman nila ang siyudad ng Manila (Intramuros) sa dating lokasyon ng
Maynila ni Rajah Sulayman noong 1571 at ito ang magiging kabisera ng bagong kolonya
at ng imperyong Espanyol sa Asya.

 Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa ideya ng pagdodomina o pagpapasailalim ng isang


grupo ng tao sa isa pa- nagmula ito sa Latin na colonus, na nangangahulugang
magsasaka.
 Ipinapahiwatig ng etimolohiya na ito’y paglipat ng populasyon sa isang bagong teritoryo
upang magtayo ng permanenteng komunidad doon (kolonya).
 Sa kabila ng pisikal na paglipat, ipapahayag pa rin nila ang kanilang katapatan at
koneksyon sa kanilang pinanggalingan. Ang mismong akto ng pagkokolonisa ay
kolonisasyon.
 Tumutukoy ang reducción sa patakaran ng paglilipat ng tirahan ng mga katutubo sa mga
pueblo (bayan) at ciudad na itinatag ng mga Espanyol.
 Hindi lamang pisikal na paglilipat ang reducción sa ilalim ng mga kampana,
nangangailangan ito ng pagbabago ng kamalayan, kultura, at relihiyon.
 Sa pananaw na Espanyol, ginagawa nitong sibilisado ang mga katutubo.
 Sa isang mas pragmatikong pagtingin, layunin nitong padaliin ang administrasyon at
Kristiyanisasyon.
 Sa mga pueblo, mas madaling nababantayan, nasisingil ng buwis, at napapakilos sa mga
gawaing pambayan ang mga indio.
 Hindi lahat ng katutubo ay naging bahagi ng lipunang kolonyal.
 Mayroong mga nagpatuloy na manirahan sa mga kabundukan at kagubatan (mga taong
labas), malayo sa mga pamayanang Kristiyano.

 Hindi pare-pareho ang antas ng hispanisasyon at Kristiyanisasyon- pinakanatambad sa


kolonisasyon ang mga naninirahan sa kapatagan ng Luzon at Visayas.
 Hindi gaanong matagumpay ang mga Espanyol sa mga Igorot sa kabundukan ng
hilagang Luzon, sa mga Muslim at Lumad ng Mindanao.
 Sa pangkabuuan, mayroong tatlong tugon sa kolonyalismo: pagtanggap, pagtakas at
tahasang pagtutol.
 Isinakatuparan ng mga paring relihiyoso (prayle) ang tungkulin ng Kristiyanisasyon-
tinustusan ito ng Hari ng Espanya bilang vice real patron ng Simbahang Katoliko sa
Indias (Amerikang Latin at Asya).
 Sa usapin ng Kristiyanisasyon at hispanisasyon, dapat nating alalahanin na hindi iisang
direksyon (one-way) ang prosesong ito.
 Aktibong binabago ng mga Pilipino ang mga impluwensyang kultural dahil mayroon
silang kakayahan (agency)- hindi lamang sila pasibong tagatanggap ng kultura mula sa
labas.
 Sa Kristiyanismo, halimbawa, tinawag ng mga historyador at antropolohista ang
sinkretismo ng mga paniniwalang animista at Katoliko na katutubong Kristiyanismo (folk
Christianity o folk Catholicism).
 Muling isinaayos ng mga Espanyol ang sistemang politikal.
 Pinamunuan ng mga Espanyol ang Filipinas (Gobernador y Capitan General at Real
Audiencia) at ang mga lalawigan (alcalde-mayor sa mga lalawigang mapayapa na;
corregidor naman sa mga hindi pa).
 Limitado ang partisipasyon ng mga indio at mestizo sa antas na pambayan at
pambarangay.
 Marami sa mga dating datu ay naging mga gobernadorcillo (pinuno ng pueblo) at cabeza
de barangay sa ilalim ng bagong kaayusan.
 Kabilang sila sa mga unang kasapi ng principalia (ang mga prominente at
makapangyarihang tao at pamilya).
 Nakabatay sa etnisidad ang mga uring panlipunan sa panahong ito: ang peninsulares,
insulares, mestizo-Español at -Chino, indios, sangleyes, infieles at moros.
 Makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mga epekto at pamana ng panahong
kolonyal na Espanyol sa flora at fauna, pagkain, arkitektura, musika, wika, literatura,
arkitektura, pagluluto, sining, agham, pananamit, at marami pang iba.

 Maraming bayan sa Pilipinas ay itinatag bilang mga pueblo noong panahong kolonyal.

 Kalat-kalat ang napakaraming pag-aalsang naitala sa buong panahon ng pananakop ng


Espanya.

 Maikakategorya ang dahilan ng mga pag-aalsa sa mga sumusunod: a.) pagkawala ng


kapangyarihan (maginoo, datu, babaylan), b.) paggigiit ng katutubong relihiyon, c.)
oposisyon sa mga mapang-abusong patakaran ng mga institusyong kolonyal at d.) mga
alitan sa pagmamay-ari ng lupa – (lalo na sa mga lugar na napasakamay ng mga
relihiyosong orden).

 Nabigo ang mga pag-aalsang ito dahil sa 1.) paggamit ng pamahalaang kolonyal ng mga
katutubo mula sa ibang lalawigan para supilin ang mga ito 2.) superior na kagamitan at
taktikang military ng mga Espanyol at 3.) pakikipagtulungan ng mga principal at 4.)
pagiging lokalisado ng pagkilos dahil nga wala pang pambansang kamalayan noon.

You might also like