Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang
mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong pagkakaiba."Maaaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang kolonya".[1] Mayroon din itong gamit sa paglalakbay ng mga tao sa ating bayan. tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mangongolonya. Ito ay madalas na nahahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay may pagkakaiba.
Kolonyalismo sa Pilipinas: Ang Pananakop ng mga Kastila
Hunyo 27, 2017 Rodrigo Mendoza
Ano ang kolonyalismo? Sa madaling salita, ito ay ang
pagsakop ng isang mas makapangyarihang bansa sa isang bansa na mas mahina, na inaabuso ito sa ekonomikal na paraan. Sa nagdaang mga panahon, ang Pilipinas ay naging biktima ng kolonyalismo at imperyalismo, sa kamay ng mga bansang Espanya at Estados Unidos. Balikan natin ang kasaysayan kung paano tayo naging biktima ng kolonyalismo sa loob ng ilang daang taon.
Kolonyalismo sa kamay ng mga Espanyol
Ang mga isla ng Pilipinas ay unang napansin ng mga Europeo sa pamamagitan ng mga ekspidisyong kastila sa buong mundo na pinangunahan ng Potuges na manlalayag na si Ferdinand Magellan noong taong 1521. Si Magellan ay unang dumaong sa Cebu, na sinasabing lupain na pag-aari ng Espanya. Ito ay pinangalanan niyang Islas de San Lazaro. Si Magellan ay nagkaroon ng pakikipagkaibigan sa lokal na mga lider sa Cebu, na ang iba ay nagpabinyag bilang mga Romano Katoliko. Subalit, si Magellan ay napatay ng mga katutubo, na pinangunahan ni Lapu-lapu, na lumaban sa tangkang pananakop ng mga banyaga. Sa paglipas ng ilang mga dekada, may iba pang mga ekspidisyong isinagawa ang mga Kastila papunta sa mga isla ng Pilipinas. Noong taong 1543, ang manlalayag na si Ruy López de Villalobos ay nanguna sa isang ekspidisyon na nagpangalan sa mga isla ng Samar at Leyte na Las Islas Filipinas, na kinuha sa pangalan ni Philip II ng Espanya. Ang pangalang iyan ay ibinigay din sa buong arkepelago pag daan ng panahon. Ang pananakop ng mga Kastila Ang pananakop ng mga kastila sa mga Pilipino ay hindi pa nagsisimula bago ang taong 1565, nang ang isa pang ekspidisyon galing sa bagong Espanya ay dumating sa Pilipinas. Ito ay pinangungunahan Miguel López de Legaspi. Siya ang kauna-unahang gobernador heneral ng Pilipinas. Ang pamahalaang Kastila ay madaling naitatag sa maliliit na mga kumunidad na dating walang sentralisadong pamahalaan. Sa loob lamang ng anim na taon pagkatapos na matalo ang mga lider na muslim, itinatag ni Legazpi ang kabisera ng pamahalaang Kastila sa Maynila dahil sa ito ay may malaking populasyon at malapit sa mga mapagkukunan ng bigas na nasa mga palayan ng Central Luzon. Ang Maynila ang naging sentro ng aktibidad ng mga kastila tulad ng sibil, militar at relihiyosong mga okasyon. Noong 1571, naitayo na ni Lopez de Legaspi ang Spanish city of Manila sa lugar na dating okupado ng mga Moro na kanyang nasakop isang taon bago ang 1571. Ang Pilipinas ay pinamamahalaan na sakop ng probinsya ng New Spain o Mexico hanggang sa ideklara ang kalayaan ng Mexico noong 1821. Ang mga mamamayan ng Maynila ay lumaban sap ag-atake ng Tsinong pirata na si Limahong noong 1574. Sa loob ng maraming siglo bago pa man dumating ang mga kastila, ang mga Tsino ay matagal nang nakikipagkalakalan sa mga Pilipino, subalit lumilitaw na hindi sila nanirahan ng permanente sa bansa hanggang sa matapos ang Kastilang kolonyalismo. Ang kalakal at lakas ng mga Intsik ay mahalaga sap ag-unlad ng kolonyang Kastila dito sa bansa, subalit ang mga Intsik ay kinaiinisan at kinatatakutan dahil sa kanilang mabilis na pagdami. Kaya noong 1603, pinatay ng mga Kastila ang libu- libung Intsik. Pagkatapos ng patayang iyon, kakaunting Intsik na lamang ang pinapatay ng mga Kastila. Ang Kastilang gobernador, na sa huli ay tinawag na viceroy noong 1589, ay siyang taga pamahala sa konsilyo ng makapangyarihang audiencia. Nagkaroon ng manaka-nakang paghimagsik ang mga Pilipino na ayaw sa sistemang encomienda. Sa pagtatapos ng ika labing anim na siglo, ang Maynila ay naging ang pangunahing sentro ng komersyo sa buong Silangang Asya. Ang Pilipinas ay nagbigay ng kayaman sa Espanya. Ginto at kalakalang Galyon na dumadaan sa PIlipinas at nakakarating sa China, India at East Indies. Ang kolonyalismo na ginawa ng mga Kastila ay hindi masyadong madugo noong una, sapagkat ang mga lugar na kanilang sinasakop ay hindi gaanong nanlaban maliban lamang sa mga Moro. Isa sa pinaka mahirap na problemang dinanas ng mga kastila ay ang kanilang pagsakop sa Mindanao na pugad ng mga Moro. Bilang ganti sa pag-atake sa kanila ng mga Kastila at mga katutubong kakampi nito, sinalakay nila ang ilang lugar sa Luzon at Visayas na hawak ng mga Kastila. Ang mga Kastila naman ay nagsagawa ng maigting na kampanya laban sa mga Muslim, subalit ito ay halos walang epekto hanggang sa ika 19 siglo.
Ang pamahalaan ng Kastilang Kolonyalismo
Sa kolonyalismo na dala ng mga Kastila, ang simbahan at ang pamahalaan ay talagang hindi mapaghihiwalay, dahil sa ang estado ay siyang umaako sa responsabilidad ng pagpapatayo ng mga simbahan. Isa sa mga layunin ng Kastilang kolonyalismo sa Pilipinas ay ang gawing mga katoliko ang mga Pilipino. Ang gawaing pangungumberte ay ginawa ng walang sagabal na iba pang relihiyon maliban na lamang sa Islam, na mas kinikilala sa Timog. Lumaganap ang impluwensya ng simbahan sa pamamagitan ng paghahalo ng mga kaugaliang Pilipino sa mga relihiyosong mga pagdiriwang. Ang resulta, isang bansa na nababahagi ng relihiyon: Mga Kristyano na nakatira sa Luzon at Visayas at mga Muslim naman na nakahiwalay at naninirahan sa Mindanao. Sa mas mababang antas ng pamahalaan, kinontrata ng mga Kastila ang lokal na mga lider ng mga nayon. Ang sistemang ito ng lokal na pamamahala ay siyang nagsilang ng tinatawag na Principalia, mga Pilipinong mataas ang estado ng pamumuhay. Ang mga kabilang sa uring principalia ay mayayaman, mataas ang kalagayan sa buhay, at tumatamasa ng maraming mga prebelihiyo na wala sa mga katutubo. Ito ang pinagmulan ng oligarchic na sistema ng pamamahala. Kasali sa mga pangunahing pagbabago na dala ng kastilang kolonyalismo ay ang pagsasapribado ng mga lupang dating pampubliko na sa ngayon, pag-aari na ng mga miyembro ng principalia. Ang Pilipinas ay hindi gaanong kumikita bilang isang kolonya, at ang matagal na digmaan laban sa mga Dutch noong ika 17 siglo pati na ang problema sa mga muslim ay siyang muntik nang magpataob ng pondo ng kolonya. Ang kita ng kolonya ay nanggagaling sa mga kalakalan. Ang Galyon na galing sa Maynila ay nagbibyahe papuntang Acapulco ay naghahatid ng mga pilak at ikinakalakal sa mga teritoryong intsik. Walang direktang pakikipagkalakalan sa Espanya.