You are on page 1of 3

Pili-Pinas: Ang Pagdedesisyon ng Pilipinas sa Susunod na Isandaang Taon

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” —Dr.


Jose P. Rizal
Mayaman ang kasaysayan ng Pilipinas. Sa ilang siglong pamamalagi ng kapuluang ito sa pintuan
ng kanlurang Karagatang Pasipiko, nasaksihan na nito kung paano namuhay ang mga Pilipino simula
noong mga panahong natatamo pa nila ang tunay na pagsasarili sa Inang Bayan hanggang sa pananakop
ng mga banyagang Kanluranin. Gayundin, saksi ang bayang Pilipinas sa galing ng mga mamamayan nito
sa iba’t ibang aspeto—at kung gaano ito umambag sa pambansang kapakanan at kalayaan—na minsan na
ring nakuha mula sa mga ‘di-pangkaraniwan at mahihirap na desisyon. Subalit, hindi rin maikakaila na
humarap sa napakaraming suliranin at hadlang ang mga Pilipino bago nila nakamtan ang mga kagyat na
adhikain at layunin, lalo na para sa kanilang Bayang Sinilangan. Isang magandang halimbawa nito ay ang
pananakop ng mga Kastila.
Sa loob ng tatlongdaan at tatlumpu’t tatlong taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, tunay
ngang hindi basta-bastang makakaligtaan ang kanilang naging impluwensiya sa iba’t ibang larangan—
sosyo-ekonomiya, pulitika, at kultura 1. Maraming mga ipinalit ang mga Espanyo sa mga nasabing aspeto—
ang mga tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino bago pa man ang pangongoloniya ng Espanya ay binago
at nilapatan ng mga konserbatibong kaugalian. Dahil dito, napaluhod ng mga mananakop ang buong
kapuluan sa ilalim ng tiraniko nitong pamumuno. Karamihan sa mga gobernador-heneral na namuno sa
Pilipinas ay nagpasimuno ng mga sari-saring anti-Pilipino at maka-Kastilang polisiya. Sa katunayan, naging
laganap ang diskriminasyon sa lahi sa mga Pilipino dahil sa pag-iral ng sistemang caste kung saan ang
mga purong Espanyol na binansagang ‘peninsulares’ ay mas binibigyan ng mga karapatan at kalayaan,
hindi tulad ng mga Pilipino na tinawag noong mga ‘ indio’ o mga mangmang2. Dagdag pa, umiral din ang
mga kaliwa’t kanang pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino sapagkat tinitingnan nila ang mga ito
bilang mga mabababang uri. Ang mga malalang polisyang pang-ekonomiko noong panahon ng mga
koloniyalistang Espanyol, katulad ng corvée labor o sapilitang paggawa nang walang kompensasiyon, ay
porma ng opresyon at naging ugat kinalaunan ng mga pag-aaklas ng mga Pilipino 3.
Bukod sa mga nabanggit, naging laganap din ang opresyon ng mga paring Espanyol sa mga
Pilipino. Dahil itinanim sa isip sa mga lokal ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Katolikong paniniwala
upang pumunta sa langit, ginawang palusot ito ng mga prayle upang makapangamkam ng pera mula sa
taumbayan. Kasabay nito, tinrato rin nila bilang mga mabababang uri ang mga Pilipino noon kung kaya’t
ganoon na lamang ang kanilang diskriminasyon sa kanila. Binabantayan din ng mga prayle ang bawat

1
Saleah Blancaflor, “120 years after Philippine independence, Hispanic influence remains,” NBC News, October 1, 2018,
https://www.nbcnews.com/news/asian-america/120-years-after-philippine-independence-spain-hispanic-influence-remains-
n912916.
2
Michael Gonzalez, “The Colonial Leagcy Of Racism Among Filipinos,” Positively Filipino, July 8, 2020,
http://www.positivelyfilipino.com/magazine/the-colonial-legacy-of-racism-among-filipinos.
3
Jeffry Ocay, “Domination And Resistance In The Philippines: From The Pre-hispanic To The Spanish And American Period,”
LUMINA 21, no. 1 (March 2010): 14.
https://www.researchgate.net/publication/49600908_Domination_And_Resistance_In_The_Philippines_From_The_Pre-
hispanic_To_The_Spanish_And_American_Period.
galaw ng kanilang mga nasasakupan at iniuulat agad sa mga otoridad kung may mga napapansin silang
“subersibong aktibidad” laban sa mga gobyernong Espanyol 4.
Sa kabilang banda, dahil sa mga pangyayari ring ito, lumaganap ang mga kilusang mapagpalaya
sa kapuluan. Naroon pa rin ang mga kalat-kalat na pag-aaklas ngunit nagiging mas organisado na ang
mga Pilipino. Sa katunayan, noong huling bahagi ng ika-19 na siglo, umusbong ang isang Kilusang
Propaganda na pinangunahan ni Dr. Jose Rizal. Dito, nagsulat siya ng mga iba’t ibang porma ng sulating
nagpapakita ng pagkontra laban sa pang-aapi ng mga Espanyol tulad ng kanyang dalawang popular na
akdang pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa katunayan, nabansagan pa bilang isang
“subersibo” o “terorista” si Rizal dahil lamang sa paghahayag niya ng kaniyang saloobin para sa kaniyang
Inang Bayan at mga kapwa-Pilipino.
Isa sa mga akda ni Rizal, ang The Philippines A Century Hence , ay nagpapakita kung ano ang
magiging estado ng Pilipinas sa hinaharap, partikular sa susunod na isandaang taon. Pinapakita rin dito
kung ano ang mga magiging implikasyon at resulta ng mga kritikal na desisyong pampulitika, kultura, at
sosyo-ekonomiko sa pangkabuuang kapakanan ng mga Pilipino. Gayundin, ipinaliwanag ni Rizal kung
gaano ka-importante o signipikante ang mga nangyari sa nakaraan sapagkat ang mga ito ang ugat ng
kasalukuyan at ng hinaharap. Dagdag pa, ibinahagi rin ni Rizal ang kahalagahan ng pag-aaklas laban sa
isang awtoritaryang pamumuno5. Batay sa kaniyang pagtataya, kung walang mangyayaring madugong
rebelyon laban sa mga Espanyol, halimbawa, sa susunod na isandaang taong pamumuno nila sa Pilipinas,
magkakaroon ang mga Pilipino ng mas malawak at maraming karapatan at kalayaan, subalit sasailalim pa
rin sa gobyerno ng Espanya ang Pilipinas at itatrato bilang isang direktang kolonya nito 6.
Kung titingnan at iintindihing mabuti ang mga nakalipas na pangyayari sa ating bansa, mapapansin
natin ang pagkakahalintulad noon sa ngayon at marahil, sa hinaharap. Kung dati, laganap ang mga pang-
aabuso ng mga Kastila, ngayon ay ang mga bulok na seksyon ng lipunang Pilipino ang nagpapahirap sa
Inang Bayan. Sabi nga ni Paulo Friere, isang guro at pilisopo sa Brazil, “Ang mga inaapi, na dapat ay
nakikibaka para sa kanilang kalayaan, ay nagiging mapang-api rin kung hindi sila matututo at mamumulat
sa tunay na materyal na kalagayan ng lipunang kanilang kinagagalawan.” Kung sa panahon dati ay
naghahari ang mga Kastilang panginoong maylupa, despotikong awtoridad ng gobyernong Kastila, at mga
atrasadong prayle, ngayon naman ay pinahihirapan tayo ng mga lokal na naghaharing-uri, partikular ang
mga lokal na panginoong maylupa at burukrata kapitalista. Kabilang din dito ang mga dayuhang
imperyalistang nangangamkam ng ating mga likas-yaman para sa kanilang sariling ganansiya. Tulad ng
sinabi ni Rizal, hangga’t nariyan ang mga pahirap sa ating lipunan, mananatili ang mga panlipunang
suliranin tulad ng kahirapan, kawalan ng lupa ng mga magsasaka, mababang sahod ng mga manggagawa,
at korapsyon sa pamahalaan.
Kung magpapatuloy ito, sa susunod na isandaang taon, malulugmok pa rin ang Pilipinas sa
karagatan ng problema. Mananatili ang mga hindi pantay at anti-mamamayang polisiya. Patuloy na
maghihirap ang sambayanang Pilipino kahit mayaman naman talaga ang kanilang Inang Bayan. Kung
kaya’t maaari nating idiin ang binanggit ni Rizal sa kaniyang libro: May kabayaran ang pagkamit sa
pambansang kasarinlan at minsan, dugo ang kinakailangan.
Bibliograpiya
4
Alan Robles, “No trust in institutions,” Development and Cooperation, October 15, 2017, https://www.dandc.eu/en/article/anti-
democratic-legacy-spanish-and-us-colonialism-philippines.
5
Jose Rizal, The Philippines A Century Hence, ed. Austin Craig (Manila: Philippine Education Company, 1912), 63.
6
Ibid.
Blancaflor, Saleah. “120 years after Philippine independence, Hispanic influence remains.” NBC News,
October 1, 2018. https://www.nbcnews.com/news/asian-america/120-years-after-philippine-
independence-spain-hispanic-influence-remains-n912916.
Gonzalez, Michael. “The Colonial Leagcy Of Racism Among Filipinos.” Positively Filipino, July 8, 2020.
http://www.positivelyfilipino.com/magazine/the-colonial-legacy-of-racism-among-filipinos.
Ocay, Jeffry. “Domination And Resistance In The Philippines: From The Pre-hispanic To The Spanish And
American Period.” LUMINA 21, no. 1 (March 2010): 14.
https://www.researchgate.net/publication/49600908_Domination_And_Resistance_In_The_Philippi
nes_From_The_Pre-hispanic_To_The_Spanish_And_American_Period.
Rizal, Jose. The Philippines A Century Hence , edited by Austin Craig, 63. Manila: Philippine Education
Company, 1912.
Robles, Alan. “No trust in institutions.” Development and Cooperation, October 15, 2017.
https://www.dandc.eu/en/article/anti-democratic-legacy-spanish-and-us-colonialism-philippines.

You might also like