You are on page 1of 6

Ngayon naman magtungo tayo sa mga kaganapan sa pagitan ng mga Ilustrado at ng mga

Kastila
Mga Ilustrado sa Panahon ng Kastila
Sa kabila ng pagiging edukado, pagkakaroon ng malalim na pag-unawa at kakayahan o
kaalaman sa lenggwahe at kultura ng mga Kastila. Ang mga Ilustrado ay hindi ligtas sa mga
panlalait ng mga Kastila. Mayroon mang mataas na kaalaman ang mga Ilustrado hinggil sa
wikang Kastila, nakabihis man sila na parang kastila, may bigoteng pang kastila, malinaw na
hindi pa rin sila Kastila sapagkat may katangian silang taglay ng pagiging pango ang ilong,
kayumanggi ang balat, “di-sibilisado” ang kalahi, at walang alinlangan na Indio pa rin (sabi nga
ng mga Kastila).
Yung mga panlalait sa kanila na ganito, paulit-ulit na ginagawa ng mga Kastila, lalo na kapag
gusto silang patahimikin ng mga Kastila, o ilugar, parang ilagay sa dapat kalagyan, ganon. Ang
nangyare, dahil sa patuloy na panlalait at diskriminasyon sa kanila ng mga Kastila. Tinanggap
nila yung pagtakwil o pagtanggi sa kanila ng mga Kastila, hindi sila tanggap ng Kastila na isa sa
kanila. Ang ginawa nila, dahil ang mga Pilipino noon, diba sinakop, tapos inalila, inalispusta,
dinidiskrimina, pinapahirapan. Ang naging pagiisip ng mga Pilipino noon ay pangkami,(mula sa
amin, para sa banyaga) kasi nga tanim natin ani ng banyaga. Kumbaga tayo ang maghirap, sila
ang magpapakasarap. Kaya yung Ilustrado ang sabi, bilang panlaban sa panlalait ng mga
Kastila, lalo na sa sinasabing “di-sibilisado” ang mga Pilipino, Next Slide sabi nila “Hindi totoo
na bago dumating ang mga Kastila ay walang kabihasnan kaming mga Pilipino. Sa katunayan,
may kultura na kami, nakikipag-ugnayan na kami sa Tsina, Indotsina, sa India, at iba pa bago pa
man dumating ang mga Kastila.” Diyan pa lang, umiiral na yung pangkaming pananaw, Eto
kami, wala pa kayo, eto na kami. Ayan yung pinalaganap ng mga Illustrado sa mga Kastila at sa
mga Kapwa Pilipino noong panahong iyon. Next Slide. Isa pa. Isinaad ni Rizal na sa pagdating
ng mga Kastila, nagkaruon ng pagbagsak ang kabihasnan ng mga Katutubong Pilipino. Dahil
nawalan ng interes ang mga Pilipino sa pagpapabuti at pagyaman sa kanilang sariling kultura.
Kase, Sa halip, mas binibigyang halaga nila ang dayuhang impluwensya, tulad na lamang ng
relihiyong katoliko at mga makabagong kasangkapan na bitbit ng mga Kastila. Bukod don,
sapilitan pa na pinapasailalim sa mga militarisasyong kampanya ng mga Kastila yung mga
katutubong Pilipino, Tulad nung Polo Y serviocio o sapilitang pagtatrabaho ng mga lalaking
Pilipino edad 18-60, Isa pa ay yung ,Sistemang Encomiende, Sa ilalim ng sistema na ito, ang
mga Kastila ay ipinagkakatiwalaan ng hari ng espanya sa pamamahala sa isang tiyak na lugar sa
Pilipinas na nasakop nila. Ang mga encomendero (mga Kastilang nagmamay-ari ng
encomienda) ay nagkaruon ng kontrol sa lupa at mga tao sa nasabing lugar. Tama nga naman
si Rizal, Paano uunlad ang mga katutubong Pilipino noon, kung sasakupin nila ang lugar na
pagmamay ari ng Pilipino tapos aangkinin nila. Ang mga Pilipino ay nababalot ng karimlan at
nagiging biktima ng dayuhang kontrol at pang-aapi. Sa saloobin ni Rizal at ng iba pang mga
Propagandista, inilahad nila na kapag nawala ang impluwensya ng mga Kastila, muling sisikat
at lalaganap ang dating kabihasnang Pilipino. Naging isa itong pangarap na bumabalot ng pag-
asa at kagustuhan na makamtan ang tunay na kalayaan at pag-unlad.
Ganito yung naging Pangkaming Pananaw nung Propagandista o Ilustrado noon. Ito yung
kanilang sagot sa sinasabi ng mga Kastila na sila ang naghatid ng kasarinlan sa ating arkipelago
dahil lamang sa pagpapakilala nila ng isang relihiyon. Subalit, kahit na Para sa mga Pilipino ang
propaganda ng mga Ilustrado, Sa wikang kastila pa rin nakalathala ang kanilang sinasambit sa
pagpapakalat ng mga impormasyon na meron sila. Bakit nga ba ganon, kasi nga nasa
Pangkaming Pananaw ang kanilang ipinaglalaban. Nasa pangkaming pananaw ang pagtingin
nila sa sariling lipunan at kultura. Sumakatuwid, hindi ang mga kalahi at kasapi ng dati nilang
mga pinagmulang katutubo ang kanilang kinakausap, kundi ang mga nagkolonisa sa mga bayan
at kalinangan sa kapuluan. Next Slide. Sa kabila ng pangangatwiran na ng mga Propagandista o
mga Ilustrado, mayroon lamang mapupuna sa estilo ng pilosopiya ng mga Propagandista. Ito
ay ang mga konsepto nila ay nakabase sa tradisyong Liberal ng Europeyo. Ang mga
Propagandista, kabilang si Jose Rizal, ay humuhugot ng inspirasyon mula sa tradisyong “liberal”
ng Europa. Ang “liberal” na tinutukoy na ito ay hindi ukol sa pulitika ngunit sa pilosopiya ng
kaisipan, partikular sa mga prinsipyo ng malayang boses, pantay-pantay na karapatan, at
pagsusulong ng edukasyon at kultura. Ang paggamit ng terminong “liberal” sa pilosopiya ng
mga Propagandista ay tumutukoy sa mga ideya mula sa kilalang kilusan sa Europa, kung saan
ang mga pambansang lider ay nagsusulong ng malayang opinyon, responsableng pamahalaan,
at karapatan ng mamamayan. Sa konteksto ng mga Propagandista, ang pag-angkop sa
tradisyong liberal ay nangangahulugang pagsusuri sa mga ideya ng Europa upang mahanap
ang mga kasangkapan na maaaring gamitin sa pakikibaka laban sa kolonyalismo at pang-aapi.
Kaya naman, mahihinuha naten na Ito ay nagpapakita ng kanilang pangarap na makamtan ang
mga prinsipyo ng malayang kaisipan at pantay-pantay na karapatan, na maaaring maging daan
nila patungo sa pag-usbong at pag-unlad ng lipunan sa ilalim ng sariling pambansang
pagpapasya at identidad, hindi sa ilalim ng isang kolonya.
Kaso ang nangyare nagkaroon nga ng pag-usbong ng kabihasnang pambansa sa ilalim ng mga
Propagandista, partikular ang ilustrado, ngunit ipinapakita na ito’y nakahanap ng landas na
nagdala sa kanila sa pag-adopt ng wikang banyaga, lalo na ang Kastila, at konsepto mula sa
Europeo. Sa halip na maging isang tunay na “pambansang kabihasnan” na sumasalamin sa
sariling kalinangan ng mga Pilipino, ang itinataguyod na “kulturang nasyonal” ay mas nauukol
sa pagsamba sa “sibilisasyong Europeo.” Ito ay nagpapahayag na ang pag-usbong ng
kabihasnang nangyare ay nagdulot ng paglilimot o pagwawaglit sa mga ugat ng kinagisnang
Lahi. Binibigyang-diin na ang pangkalahatang pangkalinangan na itinataguyod ng mga
Propagandista ay tila mas nakatutok o nakatuon sa dayuhang impluwensya, lalo na ang Kastila.
Sa madaling salita, kahit na may ilang lokal na elemento, nangyayare lamang ang mga ito, dahil
lamang sa pangangailangan ng mga ilustrado na maibukod ang kanilang sarili mula sa mga
Kastila na hindi handang tanggapin ang katulad nila sa lipunang kolonyal. Sa kalaunan, ang
mga ilustrado ay naging tagapagmana ng lipunan-at-sibilisasyong kolonyal, ito ay
nagpapatunay kung gaano kalakas ang naging impluwensya ng dayuhang kultura, sa kanilang
pag-usbong at pag-unlad. Ang akulturasyong nagsimula sa mga ladino ay umusbong sa isang
anyo ng kabihasnang pambansa na mas tinutok sa dayuhang impluwensya kaysa sa orihinal na
kalinangan ng mga Pilipino. Imbes paganon, paganon, no. Imbes na lumayo tayo, tumayo sa
sarili nating mga paa, ang nangyare pa pala ay naging pundasyon pa naten ang kanilang mga
kaisipan. Tapos gagamiten naten yon laban sa kanila. E pano na lamang kung hindi napabayaan
ng mga Kastila ang pamamahala dito sa Pilipinas, Paano kung hindi nila tayo binenta sa mga
Amerikano ano, Malamang kolonya pa ren tayo ng Espanya, kasi nga sa mga Pilosopiya pa lng
nila e nahuhusayan na tayo, na dumating sa punto na ginamit ito nila Jose Rizal sa
pangangatwiran laban sa kanila.
Next Slide.
Ngayon naman, magtungo tayo sa panahon ng mga Amerikano. Siyempre masaya mga Pilipino
sa piling ng mga Kano, uy!. Kasi nga diba akala naten iniligtas tayo ng mga Amerikano mula sa
sa mga Kastila, Pero hindi ganon yon. Ayon, sa pagsakop satin ng mga Amerikano, sa halip na
labanan, ang inatupag ng mga Ilustrado ay ang pagpapakita ng mga kakayahan ng mga Pilipino.
Iginiit nila na kaya nating maging doktor, abogado, inhinyero, at sa kung ano mang matataas
na propesyon. Tapos, ang nangyare, nagkaroon nga ng mga Pilipino sa ibat-ibang propesyon,
ngunit parang nangungulelat. Kasi nga, may nauna ng iba bago tayo, tapos bihasa na yung iba,
tayo naman, may pinapatunayan lamang. Yung ganitong ugali ay nagmula sa kamalayan ng
kulturang elitista, kung saan laging ipinapakita ang “Pilipino” na lumutang sa iba’t ibang
larangan. Subalit, ang nangyare umusbong rin ang masalimuot na realidad kung saan ang
pagsusumikap na maging “unang Pilipino” sa ilalim ng iba’t ibang larangan ay madalas nauukit
sa alipustang “gaya-gaya puto maya,” isang espression na naglalarawan ng pang-aalipusta sa
mga taong sumusunod o umaayon lamang sa uso o trend. Nagmukha pa tuloy pasikat.
Sa paglipas ng panahon, patuloy pa rin ang pagpapakitang gilas ng mga Pilipino sa mga
dayuhan. Dumating sa punto na pati sa panitikan. Patuloy ang pagsusulat ng mga
Propagandista sa wikang dayuhan, partikular sa Kastila at Amerikanong Ingles, mula noong
panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan. Layunin ng pagsusulat nila na ipakita na ang mga
Pilipino ay maaaring maging kahanga-hanga rin sa pagsusulat sa dayuhang wika, gaya ng
Kastila at Ingles.
Ngunit, hindi maika-kaila na upang maging epektibo sa pagsusulat sa dayuhang wika,
kinakailangan munang marunong maging Kastila o Amerikano ang nagmimithing maging
“Pilipino.” Ito ay nangangahulugang kinakailangang lumayo muna sa sariling pinagmulan
upang makamit ang kahusayan sa dayuhang wika, at pagkatapos, gamitin ang mga natutunan
sa ibang lahi sa pagbuo ng mga sariling akda na maituturing na “iba” o “orihinal.”
Next Slide.
Ang gawaing “intelektuwal” na ito ng mga Pinoy ay nagmula pa kay Rizal at Paterno patungo
sa mga kasalukuyang manunulat, na naglalayong makatanggap ng pagsusulong mula sa
dayuhan at makabuo ng akda na may bahid ng lokal na kulay, ngunit itinatampok pa rin ang
impluwensiyang dayuhan. Sa pangkalahatan, ang likhang sining ng mga Pilipino ay nagsilbing
bahaging lokal lamang ng iba’t ibang banyagang kultura na kanilang kinakatawan.
Ibig sabihin lamang nito, ang dahilan sa paggamit ng wikang Ingles noong panahon ng
Amerikano ay upang ipagpatuloy ang gawain ng mga ilustrado noong propaganda. Layunin
nito ang pagbuo ng kulturang “nasyonal” na angkop sa isang “Amerikanisadong” lipunan ng
mga Pilipino, pati na rin para sa pakikisama sa mga banyagang Amerikano. Ang prosesong ito
ay isinagawa sa ilalim ng mga pamantayan at perspektibang banyaga. Nangsagayon matutunan
nating mamuhay noon ng kasama ang mga dayuhan. Mag co-exist tayo kasama nila.
Mahihinuha rin natin na ang lipunan-at-kulturang kolonyal at post-kolonyal ay bunga ng
pagsusumikap ng Pilipinong elite na makipagsanib-puwersa sa mga banyaga. Ang kanilang
pagsasanib-puwersa ay naglalarawan ng pananaw na mas nabibigyang-halaga ang mga
kategorya ng kolonyalista at dayuhan kaysa sa sariling pinagmulan.
Bagamat may nananatiling pantayong pananaw sa ilalim ng mga grupong etniko at lebel ng
bayan, ipinapakita ng mga kaganapn sa kasaysayn na ang pangkalahatang kamulatan at
kabuuan ng bansa ay napakalayo sa pangarap ng mga Pilipino na itatag ang isang pambansang
identidad. Ito’y dahil sa mas mataas na halaga at kapangyarihan ng kulturang dayuhan na
nagsama-sama, o na-adopt natin sa paghubog ng kamalayan ng lipunang kolonyal na meron
tayo.
Next Slide.
Sa pag-usbong ng konsepto ng Pantayong Pananaw, ito ay naging mahalaga sa maraming
pangyayari sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay ang:

1. Kilos-protesta para sa Karapatan ng Manggagawa: Maraming kilos-protesta at welga ang


isinagawa ng mga manggagawa upang ipaglaban ang kanilang karapatan at magkaruon
ng pantay na tratamento sa trabaho.

2. Paglaban sa Diskriminasyon: Ang laban para sa karapatan ng LGBTQ+ community ay nag-


aangat ng Pantayong Pananaw, na naglalayong wakasan ang diskriminasyon at itaguyod
ang pagtanggap at respeto sa lahat ng kasarian.
3. Pagsusulong ng Karapatan ng Katutubo: Ang mga pagkilos at pagsusulong ng karapatan
ng mga katutubo ay nagtatampok ng Pantayong Pananaw, na naglalayong respetuhin at
itaguyod ang kanilang kultura at karapatan sa lupa.

4. Edukasyon para sa Lahat: Ang adbokasiya para sa accessible at libreng edukasyon ay


nagtatangi sa Pantayong Pananaw, na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang lahat ng
sektor na makapag-aral.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga pangyayaring nagpapakita kung paano ginagamit ang
Pantayong Pananaw sa paglaban para sa makatarungan at pantay-pantay na lipunan sa
Pilipinas.
Next Slide.
Ito naman ngayon yung mga makasaysayang pangyayari sa Pilipinas na maaaring usisain sa
Perspektibo ng Pantayong Pananaw
Una, ang EDSA Revolution noog 1986. Ito ay maaaring tingnan mula sa perspektiba ng
Pantayong Pananaw sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa sama-samang aksyon ng iba’t
ibang sektor ng lipunan. Ang kilusang ito ay hindi lamang nanggaling sa iisang sektor, kundi
naglakip ng iba’t ibang sektor tulad ng simbahan, militar, mamamayan, at iba pa. Itong kilusan
na ito ay nagdulot ng pagbabago sa pamumuno at nagpapakita kung paano maaaring
magsanib-puwersa ang iba’t ibang sektor para sa isang layunin na mayroong positibong epekto
para sa buong lipunan.

Ikalawa ay ang Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA) ng 1997. Ito ay naglalarawan ng
pangangailangan na bigyan ng proteksyon at pagkilala ang karapatan ng katutubong mga tao
sa Pilipinas. Mula sa perspektiba ng Pantayong Pananaw, ang IPRA ay nagbibigay-halaga sa
kultura, tradisyon, at karapatan ng mga katutubo sa bansa.
Sa pamamagitan ng IPRA, kinikilala ang kanilang mga ancestral domain at ancestral lands,
binibigyan sila ng partisipasyon sa pagpaplano at pamamahala ng natural resources sa kanilang
lugar, at inilalaan ang pagtutok sa kanilang pangangailangan sa edukasyon, kalusugan, at iba
pang aspeto ng kanilang buhay.
Ang IPRA ay nagrerepleksyon ng Pantayong Pananaw dahil ito ay nagtataglay ng pag-unawa sa
kahalagahan ng pagrespeto sa identidad at karapatan ng iba’t ibang kultura sa bansa, na
naglalayong mabigyan ng tamang halaga ang pagkakaiba at pagiging pantay-pantay ng lahat.

Ikatlo, Ang Bangsamoro Organic Law (BOL) ay maaaring tingnan mula sa perspektiba ng
Pantayong Pananaw sa ilalim ng konsepto ng pagpapahalaga sa kultura, identidad, at sariling
pamahalaan ng mga Bangsamoro sa Mindanao. Ito ay nagsusulong ng self-governance para sa
Bangsamoro people, naglalayong bigyan sila ng kapangyarihan sa sariling teritoryo, kasama
ang pagtutok sa kanilang kasaysayan, kultura, at tradisyon.
Ang BOL ay nagbibigay daan para sa pagbuo ng isang autonomous Bangsamoro region na may
sariling pamahalaan, sistema ng katarungan, at pagpaplano sa ekonomiya. Sa Pantayong
Pananaw, ang pagpapasa ng BOL ay nagrerepleksyon ng pagsusulong ng katarungan,
partisipasyon, at paggalang sa karapatan ng isang partikular na sektor ng lipunan.
Gayundin, ang BOL ay naglalayong mabigyan ng tamang representasyon ang Bangsamoro sa
pambansang pamahalaan, nagpapahayag ng pangangailangan na bigyan sila ng boses at
partisipasyon sa pagpaplano at pagdedesisyon para sa kanilang sariling komunidad. Sa
ganitong paraan, maaaring sabihin na pasok ang BOL sa prinsipyo ng Pantayong Pananaw.

Panghuling halimbawa ay ang kilusang LGBTQ+. Ito ay maaaring ituring na pasok sa Pantayong
Pananaw dahil ito’y naglalayong ipaglaban ang pagkilala sa karapatan at dignidad ng mga
indibidwal na bahagi ng LGBTQ+ community. Ang Pantayong Pananaw ay nagpapahalaga sa
pagbibigay respeto at pantay-pantay na karapatan sa lahat ng sektor ng lipunan.
Sa konteksto ng kilusang LGBTQ+, ang pagsusulong ng pagtanggap, respeto, at proteksyon sa
kanilang mga karapatan ay nagrerepleksyon ng pangangailangan para sa isang lipunan na hindi
nagdi-discriminate batay sa kasarian o sexual orientation. Ang pagsusulong ng LGBTQ+ rights
ay nagpapahayag ng kahalagahan ng pagiging bukas sa pag-unawa at pagtanggap sa diversity
ng identidad at orientation.
Sa ganitong paraan, ang kilusang LGBTQ+ ay nag-aambag sa layunin ng Pantayong Pananaw na
itaguyod ang katarungan at respeto sa lahat ng sektor ng lipunan nang hindi pinipili ang
kanilang kasarian o sexual orientation.

You might also like