Sa panahon ng pananakop ng mga kastila, at sap ag usbong ng Kristiyanismo bilang
relihiyon na kanilang pinanganglap, ay ang dadala nito ay mga karunungan o kaalaman na mismong kastilang pari ang nagpapahayag. Sa pamamaraan ng edukasyon na inilaganap nila sa ating bansa, na ang mismong itinuturo ay katesismo ng simbahan, salitang Espanyol, pag ta tratrabaho at iba pa na umiikot lang sa katuruan ng Kristiyano at katuruang Espanyol. Dito masasabi na masasakop ng espanya hindi lamang ang bansa kundi ang kaisipan at gawi ng mga tao. Ngunit, hindi bukas ang edukasyon na ito sa mga Indio (Pilipino). Sa takot ng mga kastila na matuto ang mga Indio ay hindi ito nagging bukas sa kanila, maliban nalamang kung ikaw ay may dugong Espanyol ngunit hindi pantay ang pagturing hindi karulad sa mga mestizo. Sa uri ng edukasyon na ito mararamdaman din ng deskriminisayon, katulad nalmanag na kung ano ang pinag aaralan ng mga kalalakihan ay iba sa pinag aaralan ng mga kababaihan. Ang edukasyon ng kababaihan ay nakabase lamang sa pang gawaing bahay at hind isa malawakang pamumuhay. Hindi patas nuon ang edukasyon sapagkat hindi ito para sa lahat. Kaya sap ag usbong ng mga makabayang Sila Jose Rizal na nag pamulat sa ating mga kababayan na ang edukasyon ay susi para sa buhay na tama. Para kay Rizal, ang edukasyon ay isang karapatan para sa lahat na walang sinusukat na estado sa Lipunan para lang masabi kung sino laamng ang may oportunidad para makapag aral.
Pagdami ng mga Mestisong Tsino at mga Inquilino Mestiso.
Ang salitang mestíso (mestizo) ay tumutukoy sa mga anak ng mag-asawang magkaiba
ang lahi. Noong panahon ng Espanyol, ito ang naging taguri sa anak ng Espanyol o Tsino na ama at ng inang Filipina o Indio o ang kabaligtaran nito. Hindi ipinagbabawal ang pagsasama ng magkaibang lahi. Sa katunayan, kinilala ang mga mestiso bilang isang natatanging sektor ng lipunan simula pa noong 1750. Gayunman, higit na mababa pa rin ang tingin sa kanila kumpara sa mga anak ng parehong Espanyol o Tsino. Dahil dito, mas iniuugnay ang ma mestiso sa grupo ng mga Filipino o Indio kaysa ma lahing Espanyol o Tsino.Dumami lamang ang mga mestisong Espanyol pagsapit ng siglo 19 nang buksan ang Filipinas sa pandaigdigang kalakalan at napadali ang paglalakbay mula sa Espanya matapos buksan ang Kanal Suez. Maraming ma Filipino ang nakapag asawa ng dayuhan dahil sa kanilang pakikipagkalakalan sa Pilipinas. Noong kalagitnaang bahagi ng ika- 19 na siglo, marami na sa mga mestiso ang yumaman, nagmay-ari ng lupa, nakapag-aral at nagkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Ang mga inquilino sa Pilipinas ang nagpapaupa o nagbebenta ng mga lupang ibinenta sa kanila ng mga prayle. Sila rin ang nagsisilbing tagapamahala ng ma lupaing pagmamay ari ng mga prayle at mayayaman. Ang sistemang inquilino sa Pilipinas ay ang naging batayan sa pagpapatakbo ng mga lupain. Ang sistemang ito ang naging dahilan upang mas malaki ang kita ng inquilino kesa sa mga magsasaka.