You are on page 1of 3

Mga Illustrado

Ang Illustrado ay isang salitang Pilipino at Kastila na may kahulugang


"isang taong nakabatid ng kalinawan at kaliwanagan".
Nakaaangat sa lipunan ang mga Illustrado ng Pilipinas noong
kapanahunan ng mga Kastila. Sila ang mga panggitnang-uri ng
mamamayan na nakapag-aral at nabantad sa mga ideya ng liberalismo
at nasyonalismo mula sa Europa. Naghangad ng "mas makataong
kasunduang pampolitika at pang-ekonomiya" ang mga Pilipinong
Illustrado sa ilalim ng mga Kastila. Sa kaniyang “In Our Image: America's
Empire in the Philippines” (Sa Wangis Natin: Ang Imperyo ng Amerika sa
Pilipinas), tinawag ni Stanley Karnow ang mga Illustrado bilang mga
"mayayamang grupo ng mga marurunong" (rich intelligentsia)
sapagkat ang mga ito ay mga anak ng mga maykayang nagmamay-ari
ng lupa. Ikinalat nila ang ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas.
Pagbabago sa Edukasyon
Isa na rin namang paraan ng mga Espanyol na mahimok ang mga
Pilipino sa Katolisismo ang edukasyon. Mga religious orders ang may
hawak ng edukasyon. Ang mga misyonaryong prayleng ito ay
nagpakilala ng isang bagong paraan ng pag-aaral na ang binigyang diin
ay ang pananampalatayang Kristiyano.
Nang dumating ang mga Espanyol sa ating bansa nagkaroon ng
pagbabago ang sistema ng kanilang edukasyon. Ang di-pormal na
edukasyon sa panahon ng ninuno ay naging pormal.
Maraming paaralan ang itinatag ng iba’t-ibang misyonero sa ating bansa.
Unang naitatag ang mga paaralang parokyal at ang mga paring
misyonero ang naging mga unang guro. Itinuro dito ang relihiyong
Kristiyanismo, wikang Espanyol, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika,
sining at paggawa. Ipinasasaulo ang aralin sa mga mag-aaral maging
ang mga dasal
May mga paaralang itinayo para sa mga lalaki at babae. Ang unang
paaralang itinatag para sa mga babae ay ang Sta. Potenciana noong 1589.
Ang naitatag naman para sa lalaki ay ang Kolehiyo ng San Ignacio sa
Maynila noong 1589. Binigyang diin sa edukasyong primarya ang pagtuturo
ng Doctrina Christiana at mga pagsasanay sa pagbasa ng alpabetong
Espanyol at wikang Filipino. Nagtatag din ng mataas na paaralan o
sekondarya upang maragdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Ang
relihiyon at wikang Latin ang itinuro sa halip na wikang Espanyol. May mga
paaralang bokasyonal na naitatag din layunin nitong ituro ang iba’t-ibang
karunungan tulad ng pananahi, paglililok, sining sa pagpipinta at
pagdaragat. Nagkaroon din ng mga pamantasan tulad ng Unibersidad ng
San Ignacio, Nuestra Señora del Rosario na naging Unibersidad ng Santo
Tomas, at marami pang iba. Dahil sa pangangailangan ng mga guro para
sa paaralang primarya at sekondarya o mataas na paaralan, nagbukas ng
mga paaralang normal para sa mga kalalakihan at kababaihan.

You might also like