You are on page 1of 14

Aralin 1.

2 Kasaysayan ng Edukasyon sa Pilipinas

Layunin:

matapos ang talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Naiisa-isa ang mga pagbabagong naganap sa sistema ng edukasyon.


2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng iba’t ibang panahon sa kurikulum ng
edukasyon sa Pilipinas.

Paglalahad ng aralin

PRE-KOLONYAL

Pinagtutuunan ng pansin ang mga pagiging lider upang makatulong sa


pag-unlad.
- Bago pa dumating ang Espanyol, may nangunguna na noon sa Pilipinas kung
saan ang mga namumuno ay ang mga tribo. Sila ang nagtuturo sa mga
estudyante bilang isang guro.
Hindi pormal, magulo, at kulang sa kagamitan.
- Sa ilalim lamang ng puno nagtuturo ang mga tribo, nakaupo lamang ang mga
bata sa lupa at gumagamit lamang ng makikinis na bato sa pagsulat.
Mas itinuturo sa mga bata ang bokasyon kumpara sa akademiko.
- Sapagkat mahalaga noon sa kanila ang pangangaso, pangingisda, atbp., kaysa
sa pag-aaral ng mga bata.
Pangangaso para sa mga lalaki at mga gawaing-bahay naman para sa mga
babae.
- preparasyon para sa buhay mag-asawa.
- Mas pinagtutuunan nang pansin ang pag-aasawa noon para sa mga babae. At
ang mga lalaki naman ay puro sa pagtatrabaho na lamang.
May pagpapahalaga sa edukasyon – mayroong Alibata na siyang gumagabay sa
kanilang pagsusulat at pagbabasa.
- Mayroon ng sariling alpabeto ang mga Pilipino kung saan ito ay ang Alibata na
itinuturo noon sa mga bata sa kanilang pag-aaral.
Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo
sa mga bata.
- Ginagampanan ng mga magulang at nakatatanda sa barangay noon ang
tungkulin ng isang guro.
Ang mga kasanayan sa produksyon tulad ng paghahabi, pangingisda at
pangangaso ay pangunahing binibigyang pansin.
- Kung saan mas mahalaga ang pangangalaga noon sa mga produkto dahil ito
lamang ang pinagkukunan nila ng kabuhayan at pinagkakakitaan. Hindi na nila
gaanong nabigyan ng kaukulang pansin ang pag-aaral.

ANG PANAHON NG ESPANYOL

Nang dumating ang mga Espanyol sa aling bansa nagkaroon ng pagbabago ang
Sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ang di-pormal na edukasyon sa panahon ng
mga ninuno ay naging pormal.

Maraming paaralan ang itinatag ng iba't ibang misyonero sa ating bansa. Unang
naitatag ang mga paaralang parokyal at ang mga paring misyonero ang naging mga
unang guro. Itinuro rito ang relihiyong Kristiyanismo, wikang Espanyol, pagsulat,
pagbasa, aritmetika, musika, sining at paggawa. Ipinasasaulo ang aralin sa mga
mag-aaral maging ang mga dasal.

May mga paaralang itinayo para sa mga lalaki at babae. Ang unang paaralang
itinatag para sa mga babae ay ang Sta. Potenciana noong 1589. Ang naitatag naman
para sa lalaki ay ang Kolehiyo ng San Ignacio sa Maynila noong 1589.

Binigyang-diin sa edukasyong primarya ang pagtuturo ng Doctrina Kristiyana at


mga pagsasanay sa pagbasa ng alpabetong Espanyol at wikang Filipino. Nagtatag din
ng mataas na paaralan o sekondarya upang madagdagan ang kaalaman ng mga
mag-aaral. Ang relihiyon at wikang Latin ang tinuturo sa halip na wikang Espanyol.

Mga bokasyonal na itinuro ng Kastila sa mga Pilipino


May mga bokasyonal na naitatag din, layunin nitong ituro ang iba't ibang
karunungan tulad ng pananahi, sining sa pagpipinta, paglililok at pagdadaragat. Nang
naitatag na ang paaralan sa pagsasaka noong 1889 sa Maynila at paaralan sa mga
sining at hanapbuhay sa Pampanga noong 1861.

Mga Paaralang Primarya


Ito ay paaralang Parokya na pinangangasiwaan ng mga kura-paroko. Ang mga
asignaturang itinuturo sa mga paaralang ito ay relihiyon, pagsulat, pagbasa, pagbilang,
musika at paghahanapbuhay. Wikang Kastila naman ang ginamot sa pagtuturo ng mga
prayle.
Mga Paaralang Sekondarya at Pangkolehiyo
Itinatag ang mga paaralang ito upang maihanda ang mga mag-aaral sa
apagpasok sa mataas na paaralan. Ang mga kasanayang itinuro ay ang banal na
Kasulatan, ang Doctrina Kristiyana, Etika, Heograpiya, mga Blarilang Kastila at Latin,
Matematika, Pilosopiya, Lohika, Retorika at Panulaan. Kastila ang ginagamit na wikang
panturo. Mga misyonerong pari ang mga guro sa paaralang ito.
Ang paaralang sekondaryang itinatag ay ang mga sumusunod:

1. Kolehiyo ng San Ignacio, ​itinatag ng mga paring Heswitang prayle noong 1589
sa Maynila na ngayon ay kilala bilang ​Ateneo de Manila.
2. Kolehiyo ng San Idelfonso, ​itinatag ng mga Heswita sa Cebu, na ngayon ay
ang ​San Carlos University.
3. Kolehiyo ng San Jose, ​itinatag pa rin ng mga Heswita noong 1601;
4. Kolehiyo ng Santo Rosario, ​itinatag noong 1611 ng mga misyonerong
Dominikano na naging ​Kolehiyo ng Santo Tomas​ noong taong 1655.

Mga Paaralang Pambabae

1. Kolehiyo ng Santa Potenciana, 1594


2. Kolehiyo ng Santa Isabel, 1596
3. Beateryo ng Santa Catalina, 1696
4. Kolehiyo ng Santa Rosa, 1750
5. Kolehiyo ng Concordia, 1869
6. Assumption Convent, 1892

Nagtatag naman ng paaralang pambabae na may layuning hubugin maging


mabuting maybahay ang mga kababaihan. Ang mga asignaturang pinag-aralan ay:
● Doktrina Kristiyana
● Latin
● Kastila
● Kasaysayan
● Musika
● Matematika
● Kagandahang Asal
● Sining Pantahanan

Ang lugar ng kababaihan sa lipunan ay higit na napagbuti noong panahon ng mga


Espanyol. Sila ay iginalang at binigyang karangalan ng mga kalalakihan. Ang isang
dalaga ay hindi maaaring pumunta sa mga handaad at sayawan o kahit saan man na
walang kasama. Gayundin kung sila ay mayroong manliligaw. Ang mga babae noon ay
hindi malayang makihalubilo sa mga kalalakihan.

Mga Paaralang Normal

Ang paaralang ito ay nagkaloob ng katibayan sa pagtuturo matapos


makapah-aral dito ng dalawang taong. Noong 1865, isang paaralang normal para sa
mga lalaki ang itinatag. Hindi nagtagal ay dumami ang bilang ng mga paaralang ito at
ang ilan ay binuksan para naman sa mga kababaihang nais maging guro.

Mga Paaralang Bayan

Taong 1896 nang itadhana ng batas aang pagbubukas ng mga paaralang bayan
na tinustusan ng pamahalaan. Sapilitan ang pagpasok sa mga paaralang ito at walang
matricula ang mga mag-aaral. Pinapangisawaan ito ng kura-paroko ng bawat bayan.
Ginawang sapilitan ang pagpasok dito dahi Marami sa mga magulang noon na walang
interes na pag-aralin ang kanilang mga anak. Marami rin sa mga kabataan ang takot
mag-aral.

Ang mga araling pinag-aaralan ng mga batang lalaki ay:

● Kasaysayan ng Espanya
● Heograpiya
● Pagsasaka
● Pagsulat
● Aritmetika
● Doktrina Kristiyana
● Pang-awit
● Kagandahang-Asal

Ang mga batang babae naman ay tinuruan ng mga Sining Pantahanan bukod sa:

● Pagsulat
● Aritmetika
● Doktrina Kristiyana
● Pag-awit
● Kagandahang-Asal

Hindi naging matagumpay sa simula ang pag-aaral ng mga katutubo sa maraming


kadahilanan. Una, may kalayuan ang mga Pamantasan at mga kolehiyo na
matagpuan lamang sa malaking bayan o sa kabiserang laalwigan. Pangawala, ang
mga may kaya at mga Espanyol lamang ang may kakayahang pumasok sa mga
paaralang ito. Karamihan pa sa mga ito ay hindi para sa Pilipino. Binuksan lamang
ito sa kanila noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Noon lamang naipamalas ng mga
Pilipino ang kanilang taglay na katalinuhan.

PANAHON NG AMERIKANO

Sa loob ng apatnapung taong pananakop sa bansa, maraming natutunan ang mga


Pilipino sa kultura ng mga Amerikanong nagpabago sa kanilang pamumuhay.

Edukasyon

● Ipinakilala din ng mga Amerikano ang Sistema ng pampublikong paaralan.


● Ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa Estados Unidos upang
makapag-aral ng libre. Tinawag sila bilang mga ​pensionado (​ iskolar).
Mga Paaralang Itinatag ng mga Amerikano

● Philippine Normal School (1901)


● Siliman University (1901)
● University of the Philippines (1908)
● University of Manila (1914)
● Philippine’s Women University (1919)
● Far Eastern University (1919)

Mga Gurong Thomasites

❖ Ang mga naging unang guro na Ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas.


❖ Sila ay dumating noong ika-23 ng Agosto taong 1901 sakay ng barkong S.S.
Thomas
❖ 600 ang mga Thomasites na dumating at nagsilbing guro ng mga Pilipino

Mga Pagbabagong naganap sa Sistema ng Edukasyon

● Maraming mag pampublikong paaralan ang naipatayo upang maraming mga


Pilipino ang makapag-aral.
● Ingles ​ang ginamit na panturo sa mga paaralan at binigyang-diin ang kulturang
Amerikano sa mga leksyon.
● Naitatag ang ​Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko o Department of
Public Instruction ​noong 1901.
● Sibika ​ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan at binigyang-diin ang
demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon.
● Maraming mga unibersidad, pampubliko at pribado ang naitatag sa bansa.

Sistema ng Edukasyon

● Mayo 1898 – itinatag sa Corregidor ang unang Amerikanong paaralan matapos


ang labanan sa Maynila.
● Agosto 1898 ​– pitong paaralan ang binuksan sa Maynila sa ilalim ng
pamamahala ni Fr. William McKinnon.
​ ilang unang superintendent ng mga
● 1898 ​– itinalaga si Lt. ​George P. Anderson b
paaralan sa Maynila.
​ t si Dr. David Barrows ang unang
● 1903 ​– itinatag ang ​Bureau of Education a
director.
● Binuksan din ang mga pang-araw at pang-gabing paaralan sa mga bayan at
lalawigan.
● Karamihan sa mga panggabing paaralan ay para sa mga matatanda na
nagnanais matuto ng salitang Ingles.
● Sa lahat ng paaralan, ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng libreng aklat,
kuwaderno, at lapis.
​ ng unang guro ng mga Pilipino sa pag-aaral ng wikang
● Sundalong Amerikano a
Ingles.

Literatura at Pamamahayag

▪ Ingles – wikang ginamot sa lipunan ng mga Pilipino noon.


▪ ​ unang natatanging Pilipinong makata sa Ingles.
Fernando Maramag –
▪ ​ nang Pilipinong makata na tumanggap ng
M. De Garcia Concepcion ​– u
parangal sa ibang bansa.
▪ ​ unang pahayagang Amerikano ang umiikot sa bansa noong
American Soldier –
ika-10 ng Agosto taong 1898.
▪ ​ itinatag ni Vicente Sotto ng Cebu noong 1915, ito ang unang
The Independent –
Pilipinong babasahin sa Inglatera.
▪ The Philippine Herald ​– itinatag ni Manuel Quezon noong 1920.
▪ ​ sumulat ng mga tula at maikling
Godofredo Rivera at Jose Garcia Villa –
kwento sa wikang Ingles.
▪ Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Florentino Collantes ​– kampeyon
sa balagtasang Pilipino.
▪ ​ nakilala siya sa “Lola Basyang” dahil sa kuwentong pambata
Severino Reyes –
na sinulat niya. Tinanyag din siyang “Ama ng Nobelistang Tagalog”.
PILIPINASYON

Sistema ng Edukasyon

Inatasan ni pangulong William McKinley ang ikalawang komisyon ng Pilipinas o


ang komisyong Taft na ipinatupad sa bansa ang patakaran Pilipinisasyon. Pinalawak
ang libreng primaryang edukasyon at paggamit ng wikang Ingles bilang medyum sa
pakikipagtalakayan.

Ang Asemblea ng Pilipinisasyon

- Idinaos ang halalan para sa asemblea noong Hunyo, 1907.


- Ang pagkakaroon ng halalan ay nagpatunay na nais ng mga Pilipino ng
magkaroon ng Kalayaan.

Ang ilan sa mga nagawa ng assemblea ng Pilipinas ay:

● Nagtatag ng isang bangko para sa mga magsasaka.


● Nagpatibay ng batas para maipaglaganap ang edukasyon sa buong bansa.
● Nagpagawa ng maraming poso at patubig.
● Nagpatibay ng batas na lumikha sa kawanihan ng paggawa at mga kaugnay nito.
● Nagtatag ng pambansang aklatan at pampublikong mga gusali.

Ang simula ng Pilipinisasyon

Magkaiba ng palagay ang pangkat ng lapiang pampolitikong republika at pangkat


ng democrat ng Estados Unidos tungkol sa pangsarili ng Pilipinas.

Mga Hakbang sa Pilipinisasyon (1916-1921)

Noong 1913, bagama’t matagal nang napasailalim ng mga Amerikano ang ating
bansa may mga Muslim na nanlaban at ayaw magpasakop. Minasaker ng mga
Amerikano ang mga Muslim (kasama ang mga babae at bata) sa Bud Bagsak, Jolo
noong ika-11 ng Hunyo hanggang ika-15 ng hunyo 1913 “Philippine Autonomy Act.

Ang mga Misyong Pangkalayaan


● Unang Misyong Pangkalayaan
Makalipas ang maraming taon sa ilalim ng mga Amerikano, ng pagnanais na
maging malaya ay naging masidhi para sa mga Pilipino.
● Batas Tydings-Mcduffie
- (Opisyal na Pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong batas blg.
73-127) na inaprubahan noong ika-24 ng Marso 1934 ay isang Pederal na batas
ng Estados Unidos na nagkaloon ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng
Kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) matapos ang sampung taon.
- Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong Politikong si Manuel L. Quezon ang
“Misyong Pang-kalayaan ng Pilipinas” sa Washington, D.C. na nagtagumpay sa
pagpapatibay ng kongreso sa batas na ito.
● Ang Saligang Batas 1935
- Nahalal na pangulo ng kumbensiyon ay si Claro M. Recto.
- Noong unang araw ng Mayo 1934, sa pamumuno ni Manuel L. Quezon, pangulo
ng senado, patibay ng lehislatura ang batas Tydings-Mcduffie.
● Ang Makasariling Pamahalaan
- Nagdaos ng isang halalan para sa namumuno ng pamahalaang Commonwealth
noong ika-17 ng Setyembre, nanumpa si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng
Commonwealth at si Sergio Osmenna, Sr. ang pangalawang Pangulo. Agad
niyang isinaayos ang pamahalaan batay sa mga probinsyon ng bagong Saligang
Batas.

Pagpapaunlad ng Kabuhayan

Hindi naging matatag ang kabuhayan sa bansa noon dahil sa pagsasamantala


ng mga dayuhang mananakop. Nasalanta rin ang bansa dahil sa mga nagdaang
digmaan.

Mga Repormang Pang-Eduaksyon

Pinaunlad ng Pamahalaang Commonwealth ang Sistema ng edukasyon sa ating


bansa. Sa pamamagitan ng Executive Order No. 19, nilikha ni Quezon ang
Pambansang sanggunian sa edukasyon o National Council of Education. Si Dr. Rafael
Palma ang unang naging tagapamahal ng tanggapang ito.

Pagpapaunlad ng Sining at Agham - ​ang pamahalaan ay naglaan ng pondong


gugugulin para sa pagpapaunlad ng Sining, Agham at Panitikan. Nangdaos ng mga
patimpalak sa pagpipinta at pagsusulat. Nagkaloob ang pamahalaan ng malalaking
gantimpala para sa nagwawagi.

Pagpapaunlad ng transportasyon at komunikasyon ​– pinahusay ng Pamahalaang


Commonwealth ang mga sistema ng transportasyon at komunikasyon sa bansa, sa
pamamagitan ng pagpapagawa at pagpapahusay ng paliparan para mapabilis ang
transportasyon at komunikasyon sa malalayong lugar. Mga linya ng tren tulad ng La
Union hanggang Albay.

Kagalingang Panlahat ​– nakamit ni Pangulong Quezon ang simpatya ng mga


manggagawa dahil siya ay naging kampeon ng mga manggagawa. Sa ilalim ng
kaniyang pamumuno, ang pambansang Asemblea ay gumawa ng mga ilang batas para
sa kabutihan ng mga manggagawa tulad ng “Eight Hour Abor Act, Public Defender Act”
at iba pa.

Iba pang pagbabago ​– Magkaroon ng impluwensiya ang makabagong kabihasnang


Amerikano sa mga Pilipino. Naisantabi ang magagandang kaugaliang Pilipino.
Namihasa sila sa masasayang aliwin, maluluhong pamumuhay at mas mapahalagahan
nila ang materyal na bagay upang magbago ang moralidad ng bansa. Nagpalabas si
Pangulong Quezon ng “Code of Ethics” o kodiko ng kagandahang-asal.

KURIKULUM SA PANAHON NG HAPONES

Ang edukasyon ang isa sa pinakamakapangyarihang institusyong humuhubog sa


katauhan ng isang nilalang. Ito ang isa sa mga sandatang ginamit ng mga hapones
upang hubugin ang kaisipang ng mga Pilipino sa adhikaing nakapaloob sa patakarang
Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Noong 1942 nilikha ang Commission of
education, health, and Public Welfare sa bisa ng Military Order No.2 ng pamahalaang
Hapones. Bahagi ng simulain nito ang mga sumusunod:

1. Pagpapaintindi sa mga mamamayan ng kalagayan ng Pilipinas bilang kasapi ng


Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

2. Pagsupil sa mga kaisipang kanluraning nag-uugnay sa mga Pilipino at sa mga


bansa sa kanluranin, partikular sa bansang Gran Britanya at ang Estados Unidos.

3. Pagpapayabong ng kultura ng bagong Pilipino ayon sa kamalayan ng pagiging


Oryental o Asyano.

4. Pagtuturo ng wikang Nihonggo.

5. Pagkakaloob ng edukasyong elementarya at bokasyonal.

6. pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.

Makikita sa mga tuntuning ito ng mga hapones, tulad din ng mga Amerikano na
nagpapahalaga nang higit sa pagpapalaganap ng kanilang wika bilang paghubog sa
isipan ng mga sinakop. Sa balatkayong pagtatag ng katutubong kalinangan sinikap
nitong mawala ang lahat ng papuri sa Amerika na nakasulat sa mga aklat. Noong hunyo
1942 ay binuksan ang mga paaralan ng elementarya. Ang wika, kulturang hapones, at
Pilipino lamang ang itinuturo. Masusing sinuri ang mga aklat at ipinatatanggal ang mga
pahina nitong mayroong pahiwatig ng kulturang kanluranin. Ipinaalis ng mga hapones
ang mga pahina ng mga aklat na mayroong pahiwatig ng kulturang kanluranin.
Gayundin, noong 1943 ay binuksan ang mga institusyong naghahanda sa mga guro sa
layuning magkaroon ng sapat na gurong may Pilipino-Asyanong oryentasyon. Sa
muling pagbubukas ng mga paaralan ay naging sapilitan ang pag-aaral ng wikang
Niponggo at sa kulturang hapones ang mga simbahan ay ginagamit din upang makuha
ng mga hapones ang loob ng mga Pilipino. Ito ang mga gurong may malawak na
kaalaman sa kultura at pagpapahalaga ng mga Pilipino at maging ang mga Asyano.
Dahil sa matinding kahirapan sa buhay, kakaunti lamang ang mga batang nagpatala
upang mag-aral sa elementarya at sekondarya. Sa halip na sila ay pumasok sa
paaralan at mag-aral, karamihan sa kanila ay kasama ng kanilang mga magulang
upang maghanapbuhay. Bukod dito di rin maitatatwang mayroon ding pag-aalinlangan
ang mga Pilipino sa tunay na intensyon ng mga mananakop, dahil noong panahong
iyon ay malalim ng nag-ugat ang kultura at pagpapahalagang Amerikano sa puso at
ispan ng mga Pilipino. Sa bagay na ito, masasabing hindi gaanong nagtagumpay ang
mga hapones na hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon.
Nang mahalal na pangulo si Jose P. Laurel noong 1943 ay nagmungkahi siya ng ilang
mga pagbabago upang maayos ang sistema ng edukasyon sa bansa.

1. Pinakuha niya ng lisensya sa pagtuturo ang lahat ng mga guro at mga pinuno ng
mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad.

2. iniutos niya ang pagpapalaganap ng Tagalog bilang Wikang Pambansa.

3. Inutos niya rin na mga Pilipino lamang ang dapat magturo ng Wika, kasaysayan
ng Pilipinas, at kabutihang asal.

4. Inutos din niyang kinakailangang nakararami sa lupon ng bawat paaralan,


kolehiyo at unibersidad ang mga Pilipino.

5. Pinagbawalan niyang magturo ng kasaysayan ng Pilipinas at mga asignaturang


may kinalaman sa mga simulaing makabayan ang mga dayuhan.

K-12 KURIKULUM

Ang programang ito ay sinimulan ng ipinatupad ng pamahalaan noong School Year


2012 na naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sa buong
Asya tanging ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampung taon ng Basic
Education, kaya naman ipinatupad ng Pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon ang
k-12 Kurikulum. Sa programang ito, ginawang mandatory ang pagpasok ng mga bata
sa kindergarten, nagkaroon din ng Junior high school (grade 7-10) at Senior high school
(grade 11-12). Noong taong iyon 2012, maraming nagsasabi na nagkulang ang
Pamahalaan sa mga paghahanda sa pag-iimplementa na ito, ngunit sa nakalipas na
buwan ngayong taong ito, may iilang nagsasabing na hanggang ngayon ay kulang pa
rin ang mga libro na akma sa bagong kurikulum na gagamitin ng mga mag-aaral,
bagamat inamin ng kagawaran ng edukasyon, na naantala ang pagpapadala ng mga
materyales sa mga ibang pampublikong paaralan.

INTERAKTIBONG GAWAIN

Bumuo ng limang grupo, bawat grupo ay ipapakita ang kasaysayan ng edukasyon sa


panahon bago dumating ang Espanyol, panahon ng Espanyol, Panahon ng Amerikano,
Panahon ng Hapones at K-12 kurikulum.
Paglalahad ng aralin

ARALIN 6: TRIFOCAL EDUCATION SYSTEM


Layunin:

Interaktibong Gawain

1.

You might also like