You are on page 1of 19

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION
WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM
OUTCOME-BASED
ARALING EDUCATION
GRADE

6
ARALING GRADE
PANLIPUNAN 4 6
PANLIPUNAN
LEARNING QUARTER
2
4

MODULE WEEK
2
LEARNING QUARTER

MODULE WEEK

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 0


MODYUL SA
ARALING PANLIPUNAN

KUWARTER 4
LINGGO 2

MGA PAGKILOS AT PAGTUGON NG


MGA PILIPINO NA NAGBIGAY-DAAN
SA PAGWAWAKAS NG BATAS
MILITAR
Development Team

Writer: Gina Christie R. Coloma

Reviewers/Editors: Raul S. Quitoriano Abdon R. Manuel

Janet Rosario P. Luis

Layout Artist: Clifford B. Hernaez

Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao


Imelda Fatima G. Hernaez

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 1


PANIMULANG SALITA
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin sa Ikaapat na Kuwarter ng
Araling Panlipunan 6: Ikalawang Linggo. Nilalaman nito ang mga aralin tungkol sa Mga
Pagkilos ng mga Pilipino na Nagbigay-daan sa Pagwawakas ng Batas Militar.

Sa modyul na ito ay iyong malalaman ang tungkol sa Pambansang Halalan ng


1981, Pagpaslang kay Benigno Aquino, Jr., Krisis Pang-ekonomiya at “Snap Election”
ng 1986.

MELCS: Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipinong nagbigay-

daan sa pagwawakas ng Batas Militar.

➢ Natatalakay ang mga pagtutol sa Batas Militar na nagbigay daan sa


pagbuo ng samahan laban sa Pamahalaang Marcos

➢ Natutukoy ang mga pangyayari sa bansa na nagbigay daan sa pagtatapos


ng Pamahalaang Marcos

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 2


Subukin

A. Panuto. Hanapin sa kahon ang angkop na salita o parirala para mabuo ang
pangungusap at Isulat sa patlang ang tamang salita.

Benigno Aquino, Jr. Agosto 21, 1983 computer encoders


Arturo Tolentino snap election Cardinal Sin
Pang. Ferdinand Marcos tarmac Fidel Ramos
People Power National Citizens Movement for Free Election (NAMFREL)

1. Si ___________ ang Bise Presidente ni Pang. Ferdinand Marcos sa snap election ng


1986.

2. Si _____________ ay kilalang kritiko at mahigpit na kalaban ni Pangulong Ferdinand


Marcos sa pulitika.

3. Nagdeklara si ____________ ng pagkakaroon ng pambansang halalan noong 1981,


matapos ideklara ang pagtatapos ng Batas Militar sa bansa.

4. Noong ____________ ay lumapag sa Manila International Airport ang China Airlines


Flight 811.

5. Binaril si Benigno Aquino sa ulo at agad na namatay sa __________ ng paliparan.

6. Nagpahayag ng isang ___________ si Pang Marcos noong 1986.

7. Ang ___________ ay nagbantay sa pagbibilang ng boto sa Snap Election ng 1986


upang matiyak na walang dayaang nagaganap.

8. Nagwalk-out ang mga __________ bilang pagprotesta sa dayaang nangyayari sa


bilangan ng boto sa COMELEC.

9. Nanawagan si ___________ sa mga Pilipino na suportahan sina Fidel Ramos at


Juan Ponce Enrile at magtungo sa Camp Crame at Camp Aguinaldo para magdala
ng pagkain at kagamitan sa mga sundalong nag-aalsa.

10. Tinawag na ___________ ang mapayapa ngunit matagumpay na pagkilos ng mga


Pilipino para mapatalsik si Pangulong Ferdinand Marcos sa puwesto at maibalik ang
demokrasya sa Pilipinas.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 3


B. Panuto: Suriin ang mga pangyayaring kaugnay ng People Power Revolution.
Ipares ang naging bunga sa hanay A sa mga sanhi sa hanay B.

HANAY A HANAY B
1. Pagbaba ng halaga ng piso. A. Pag-alis ng mga nagbibilang ng boto

2. Pagkakaroon ng snap election B. Pagbawi ng puhunan sa pangangalakal

3. Pagkawala ng katahimikan C. Pagpapatunay ng kredibilidad ni


Pangulong Marcos

4. Pagprotesta sa pandaraya D. Pagkakaroon ng Snap Election


sa bilangan ng boto

5. Pag-alis ng dayuhang negosyante E. Paghihirap ng mamamayan

F. Paglalaban ng mga sundalo at rebelde

G. Pagbagsak ng ekonomiya

Alamin
Ang mga hamon at suliraning kinaharap ng mga Pilipino sa panahon ng Batas
Militar ay nagsilbing inspirasyon para muling itaguyod ang demokrasya sa bansa.
Marami ang tumutol sa Batas Militar at sa pang-aabuso ng mga pulis at sundalo.
Maraming Pilipino ang nagtipon-tipon sa lansangan para ipahayag ang kanilang mga
hinaing at saloobin. Ito ang naging mitsa ng People Power sa EDSA noong 1986.

Tuklasin

Maraming Pilipino ang nakaranas ng paghihirap, takot at pang-aabuso sa kamay ng


mga pulis at sundalo noong panahon ng Batas Militar. Ang mga pagbabagong isinagawa ng
Pamahalaang Marcos para sa pagpapabuti ng bansa sa panahon ng Batas Militar ay hindi
lubos na nakapagbigay ng solusyon sa krisis at mga suliraning kinaharap noon ng Pilipinas.
Hindi ganap na nakaramdam ng kapayapaan, kaunlaran, at kaginhawaan ang mga Pilipino
sa panahong ito.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 4


Sa kabila ng hirap na naranasan ng mga Pilipinong nadakip, nakulong, at nahirapan
sa panahon ng Batas Militar ay palihim na nabuo ang mga samahang nagsusulong sa
panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.

https://www.google.com/url?sa=i&url=http https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2
%3A%2F%2Fzemilou19.blogspot.com F%2Fkapirasongkritika.wordpress.com.

Mga Pangyayaring Naging Daan sa EDSA People Power 1


A. Pambansang Halalan ng 1981

officialgazette.gov.ph%2Ffeatured%2Fthe-fall-of-the-dictatorship

Kasabay ng pagwawakas ng Batas Militar, nagpahayag ng interes si Pangulong


Marcos para sa panibagong pamamahala. Ang Interim Batasang Pambansa ay nagmungkahi
ng pagbabago sa Saligang Batas. Sa mungkahi ng pagbabago, ang pangulo ay magiging
pinuno ng estado at sangay na tagapagpaganap, habang ang punong ministro ay siya naman
magiging pinuno ng gabinete. Upang mabigyang-legalidad, nagsagawa ng isang plebesito
noong ika-7 ng Abril 1981 at sumang-ayon ang maraming Pilipino sa pagbabago ng
pamahalaan. Pagkaraan ng 12 taon ay muling nagdaos ng halalan sa Pilipinas. Nagpahayag
si Pangulong Marcos na magkakaroon ng pampanguluhang halalan sa Hunyo 16, 1981 at
tatakbo siya sa pagkapangulo sa ilalim ng partiding Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
Nagkaroon ng oposisyon dito na kinabibilangan ng Partido Liberal, Partido Nacionalista, at ng
United Nationalist Democratic Organization (UNIDO) Ginawa ito ni Pangulong Marcos para
mapatunayang siya pa rin ang pipiliin ng mga Pilipino na mamahala ng bansa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 5


Hindi lumahok sa isinagawang halalan ang Partido Laban at Partido Unido (United
Democratic Organization). Tanging sina Alejo Santos ng Partido Nacionalista at Bartolome
Cabangbang ng Partido Liberal ang lumaban kay Ferdinand Marcos sa pagkapangulo ng
bansa. Si Pangulong Marcos ang itinanghal na nanalo pagkatapos ng halalan. Bunga nito,
muling nanumpa si Ferdinand Marcos bilang Pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 30, 1981. Si
Cesar Virata naman ang naitalagang Punong Ministro ng bansa.
Hango sa: Bebis,Kristine Conde. Batayang Aklat, Linangin ng Diwa 6, ph. 241. PLL Publishing House 2016, Quezon City. Ramos, Dexter John V. et,al.
Batayang Aklat: Bayanihan(Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa 6)ph. 215-216.Makati City Philippines, Diwa Learning System Inc.

B. Pagpaslang Kay Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Live with honor


and follow your
conscience

.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Benigno_Aquino, https://biograpiya.blogspot.co
_Jr m/2009/12/benigno-ninoy-
aquino-jr.html
Ang katawan ni Ninoy Aquino(nakaputi) noong
siya ay pinaslang sa tarmac ng paliparan

Habang nasa Estados Unidos ay nabalitaan ni Benigno Aquino, Jr. ang mga nangyayari
sa Pilipinas. Matapos ang halos tatlong taong pamamalagi bilang exile sa Boston, nagdesisyon
si Ninoy na bumalik sa Pilipinas. Sa kabila ng mahigpit na pagtutol sa kaniyang pagbabalik,
pinilit niya pa ring makauwi sa Pilipinas at nagwika pa ng “If it’s my fate to die by an assassin’s
bullet, so be it . . . the Filipino is worth dying for.”

Tinangkang pigilan ang pagbalik ni Ninoy sa Pilipinas sa pamamagitan ng hindi


pag-renew ng kaniyang pasaporte. Ngunit sa tulong ni Jose Ampeso na kaniyang kaibigan at
dating kongresista mula sa Mindanao, siya ay nagkaroon ng pasaporte. Ginamit niya ang
pangalang Marcial Bonifacio (Marcial para sa Martial Law at Bonifacio para sa Fort Bonifacio
kung saan siya ay ikinulong).

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+pagpaslang+kay+benign
o+aquino+jr&source

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 6


Agosto 21, 1983 nang lumapag sa Manila International Airport ang China
Airlines Flight 811 kung saan sakay si Benigno Aquino, Jr. Sa kanyang pagdating, sinundo
siya ng mga sundalo ng Aviation Security Command (AVSECOM). Pagbaba sa tarmac, bigla
siyang binaril at namatay. Isang nagngangalang Rolando Galman ang sinabing bumaril kay
Ninoy Aquino.

Upang maipakita sa mga mamamayan na nais niyang malaman ang


katotohanan, binuo ni Pangulong Marcos ang isang independent fact finding board. Ito ay
tinawag na Agrava Commission at pinamunuan ni Mahistrado Corazon Agrava. Ayon sa
imbestigasyon, sangkot sa pagpatay kay Ninoy si Heneral Fabian Ver, chief of staff ng AFP,
at halos 25 katao. Subalit sila ay napawalang-sala sa krimen dahil umano’y kakulangan ng
ebidensiya. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nabibigyan ng linaw kung sino ang may
kinalaman sa pagpatay kay Ninoy.

Sa libing ni Ninoy Aquino noong Agosto 31, 1983, mahigit sa dalawang milyong
mamamayan ang nakiluksa at naghatid sa kanya sa huling hantungan. Ang bilang ng mga
taong nakiramay ay naitala bilang pinakamalaki sa ating kasaysayan.

Ang pagpatay kay Benigno Aquino, Jr. ay nagsilbing inspirasyon sa maraming


Pilipino manawagan ng pagbabago sa pamamahala sa bansa. Marami ang muling tumuligsa
sa pamahalaan at sa mga paglabag sa karapatang pantao ng maraming Pilipino. Lalo silang
nagkaroon ng lakas na ipanawagan ang pagtatapos ng Pamahalaan Marcos.
Hinango sa: Bebis, Kristine Conde. Batayang Aklat, Linangin ng Diwa 6, ph. 241. PLL Publishing House 2016, Quezon City.

C. Krisis Pang-Ekonomiya

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+world++bank&t
bm=isch&ved

Ang krisis pang-ekonomiya na naranasan ng bansa sa dekada 1970 ay hindi napigilan


at nagpatuloy hanggang sa mga unang taon ng dekada 1980. Ilan sa mga suliraning dala
nito ay:

1. ang pagtaas ng presyo ng langis at pangkalahatang bilihin


2. pagtaas ng interes ng mga pautang panlabas.

Ang bansa ay naapektuhan din ng pandaigdigang recession o paghina ng


ekonomiya. Kahit ang mga bansang mauunlad gaya nga Estados Unidos, Inglatera at
Hapon ay lubhang naapektuhan nito. Bumaba ang antas ng pagluwas ng kita ng Pilipinas sa
mga naturang mauunlad na bansa. Sa ilalim ng patuloy na pamamahala ni Pangulong
Marcos, bumagsak ang ekonomiya ng bansa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 7


https://www.google.com/search?q=larawan+na+nagpapakita+ng+kahirapan+sa+buhay&tbm=isch&ved

Mga Pangyayaring Naging Sanhi ng Pagbagsak ng Ekonomiya ng Bansa

1. Pagpaslang sa kalaban at pangunahing kritiko ni Pangulong Marcos na dating Senador


Benigno Aquino, Jr. noong Agosto 21, 1983 nang siya ay bumalik sa Pilipinas. Ang
pagpaslang kay Ninoy Aquino ay ikinagimbal ng mga tao at naging dahilan ng pagkamuhi
nila at paggising ng kanilang damdaming Makabayan.

2. Pagkakaroon ng sunod-sunod na rally at demonstrasyon na humiling na bigyang-


katarungan ang pagpaslang kay Aquino, pagpapalaya sa mga political prisoners, at ang
pagbabalik ng kalayaan at katarungan sa ating bansa.

3. Paglisan ng mga dayuhang namumuhunan sa mga kalakal sa bansa.

4. Paglipat ng mga puhunan ng mga negosyanteng Pilipino sa ibang bansa dahil sa takot
ng magkaroon ng digmaang sibil.

5. Pag-alis ng mga mamamayan ng kanilang perang nakalagak sa mga bangko dahil sa


takot na ito ay mawala.

6. Pagsara ng maraming bangko.

7. Pagtanggi ng mga bangko na magpautang pang muli sa pamahalaan dahil sa takot na


hindi na ito mababayaran.

8. Pag-iwas ng mga turista na pumunta sa ating bansa dahil walang seguridad.

9. Pagbaba ng halaga ng pananalapi.

10. Paghina ng produksyon dahil sa kakulangan ng pondo na naging dahilan ng pagbawas


ng mga manggagawa o tuluyang pagsasara ng mga pabrika at paghina ng pangangalakal.

Ang mga pangyayaring economic recession ay nagpataas ng antas ng kahirapan ng


bansa. Ayon sa pag-aaral ng World Bank noong 1985, 59% ng mga pamilyang Pilipino ang
nabuhay sa ibaba ng poverty level. Ito ay bunga ng kawalan ng hanapbuhay, implasyon at
peso devaluation.
Sanggunian: Ramos, Dexter John V. et,al. Batayang Aklat: Bayanihan(Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa 6)ph. 216-217.Makati City Philippines, Diwa
Learning System Inc./
Antonio, Eleanor D.et,al Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 6:Kayamanan, ph. 257.Sampaloc, Manila. Rex Printing Company, Inc.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 8


D. Snap Election ng 1986

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fxiaochua.net%2F2013%2F02%2F10%2Fxiaotime-7-february-
2013-mga-naganap-noong-1986-snap-
elections%2F&psig=AOvVaw30dBSpIgtZbM5ikvYuNnd5&ust=1618130390639000&source=images&cd=vfe&ved=2ahU
KEwiNhazKo_PvAhVDKqYKHSjaAu4Qr4kDegQIARAz

Patuloy na tumamlay ang ekonomiya ng bansa sa pagdaan ng mga buwan. Lumakas


din ang panawagan na magpalit na ng pamahalaan ang bansa. Dumami rin ang mga kilalang
personalidad na nagpapahayag ng pagtuligsa sa pamahalaan. Dahil sa malalang kalagayan
ng ating bansa, ang mga dayuhang namumuhunan at mangangalakal sa bansa lalo na ang
Estados Unidos, pati na ang International Monetary Fund at World Bank na nagpapautang
sa bansa ay nangamba. Ibig nilang malaman ang tunay na kalagayan ng bansa at
kredibilidad ni Pangulong Marcos. Upang patunayan na mabuti ang kalagayan ng Pilipinas
at may tiwala ang mga Pilipino sa kanyang pamamahala, nagpatawag ng isang snap election
o biglaang eleksiyon si Pangulong Marcos na itinakdang gawin sa Pebrero 7, 1986.

Nakita itong pagkakataon ng oposisyon para ipakitang hindi na sinusuportahan ng


mga Pilipino si Pangulong Marcos. Hinikayat nila ang biyuda ni Benigno Aquino, Jr. na
tumakbo bilang pangulo ng bansa. Hindi ito agad sinang-ayunan ni Corazon “Cory” Aquino
dahil alam niyang wala siyang karanasan sa pulitika. Sa pamamagitan ng isang milyong
pirma ng mga Pilipinong nagpapahayag ng pagsuporta kay Cory Aquino ay nakumbinse ang
ginang na maging kandidato ng oposisyon sa pagkapangulo, laban sa Pangulong Marcos.
Pati ang simbahan ay nagpahayag ng pagsuporta sa biyuda at nagsabing tutulungan ito
kung kinakailangan.

https://kapirasongkritika.wordpress.com/2009/08/03/ang-cory-
aquino-na-gusto-ko

Larawan ng pangangampanya ni Ginang


Corazon Aquino

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 9


Tumakbo si Gng. Corazon Aquino sa pagka-Presidente at si Salvador “Doy” Laurel
sa pagka-bise Presidente laban kina Pangulong Marcos at Arturo Tolentino. Ayon sa
National Citizens’ Movement for Free Election (NAMFREL), sina Cory Aquino at Doy Laurel
ang mga nagsipagwagi sa halalan na may lamang na 800,000 boto. Ang NAMFREL ay isang
kilusan na kinabibibilangan ng mga mamamayan na nagbibigay ng libreng serbisyo upang
mabantayan ang mga presinto at maiwasan ang pandaraya sa halalan.

Ang opisyal na pagbibilang sa resulta ng snap election ay isinagawa ng


Commission on Election (COMELEC) sa Philippine International Convention Center (PICC).
Hindi naging magkapareho ang resulta ng ginawang bilangan ng NAMFREL AT COMELEC.
Dumating ang hinihintay nilang pagkakataon nang mag-walkout ang tatlong libong computer
encoders na namamahala sa tabulation machines ng COMELEC noong Pebrero 9, 1986
bilang protesta sa nakita nilang lantarang dayaan na nangyayari sa bilangan ng boto. Naging
malaking balita ito sa loob at labas ng bansa kaya lalong dumami ang tumuligsa sa
pamahalaan.

Noong Pebrero 15, 1986 ay idineklara ng Pambansang Asembleya na nanalo sa


halalan sina Marcos at Tolentino. Inaasahan na ito ng mga kritiko ng pamahalaan at agad na
nagprotesta. Kinabukasan ay hinikayat ni Cory Aquino na magsagawa ng civil disobedience
ang mga Pilipino para ipakita ang pagkadismaya nila sa resulta ng snap election.
Sanggunian: Antonio, Eleanor D.et,al Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 6:Kayamanan, ph. 258.Sampaloc, Manila. Rex Printing Company, Inc./ Bebis,
Kristine Conde. Batayang Aklat, Linangin ng Diwa 6, ph. 243. PLL Publishing House 2016, Quezon City.

Naging matagumpay ang


mga Pilipino sa
pagpapatalsik sa
Pamahalaang Marcos sa
mapayapa at matahimik na
paraan. Ito ang kilala
https://www.google.com/search?q=resulta+ng+snap+election+ng+1 ngayon bilang EDSA
986&tbm=isch&ved People Power ng 1986.

Suriin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Bakit nagpatawag ng pambansang halalan si Pangulong Marcos?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 10


2. Ano ang kahalagahan ng pagpatay kay Benigno Aquino, Jr. sa pagtatapos ng
Pamahalaang Marcos?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Ano ang naging epekto ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa sa taong-bayan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Bakit naisip ng oposisyon na hinikayat si Gng. Corazon Aquino na tumakbo bilang
pangulo laban kay Ferdinand Marcos?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Ano ang naging reaksyon ng mga tao sa resulta ng snap election?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagyamanin

A. Panuto: Itala sa kahon ang mga pangyayari na naging sanhi at bunga ng pagbagsak ng
Pamahalaang Marcos.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 11


B. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pangyayari ay nagbigay wakas sa
Pamahalaang Marcos at ekis (x) kung hindi.
__________1. Pang-aabuso ng pamahalaan
__________2. Pagtiwalag ng mga sundalo sa pamahalaan.
__________3. Pagkawala ng karapatang bumoto
__________4. Pagbagsak ng ekonomiya
__________5. Pagkakaroon ng mga rally
__________6. Pandaraya sa snap election
__________7. Pagdami ng dayuhan sa bansa
__________8. Pagkawala ng tiwala sa pamahalaan
__________9. Pamumuno ng Simbahang Katoliko
__________10. Paglapastangan sa mga karapatang pantao

Isaisip
➢ Ang Pamahalaang Marcos ay bumagsak dahil sa iba-ibang suliranin tulad ng
krisis sa ekonomiya at kawalan ng tiwala ng taong-bayan sa pamahalaan.
➢ Bumalik sa Pilipinas si Benigno Aquino, Jr. para kumbinsihin si Pangulong
Marcos na ibalik ang demokrasya sa bansa. Ngunit pinatay si Aquino bago pa
man siya makalabas ng paliparan. Ang pagkakapaslang kay Aquino ay naging
inspirasyon ng mga Pilipino na labanan at tuligsain ang pang-aabuso ng
pamahalaan sa kapangyarihan nito.
➢ Ang Pambansang Halalan ng 1981 at Snap Election ng 1986 ay paraan ni
Pangulong Marcos para ipakita at patunayang sinusuportahan pa rin ng mga
Pilipino ang kaniyang pamamahala.
➢ Hinikayat si Corazon Aquino na tumakbo sa pagkapangulo laban kay Marcos
sa pamamagitan ng isang milyong pirma ng mga Pilipinong nangangakong
susuporta at tutulong sa kanya
➢ Ang resulta ng Snap Election ay nagsilbing mitsa sa tuluyang pagkadismaya
ng mga Pilipino sa Pamahalaang Marcos. Nanawagan ang mga mamamayan
sa pangunguna ni Corazon Aquino at ilang matataas na opisyal ng
pamahalaan at sandatahang lakas.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 12


➢ Naging matagumpay ang mga Pilipino sa pagpapatalsik sa Pamahalaang
Marcos sa mapayapa at matahimik na paraan. Ito ang kilala ngayon bilang
EDSA People Power ng 1986.

Isagawa

ASSESSMENT:
PERFORMANCE TASK WITH TWO PRODUCT – GRASPS

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (PERFORMANCE STANDARD):

Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipinong nagbigay- daan sa


pagwawakas ng Batas Militar.
SITWASYON (SITUATION):

Ikaw ay isang photojournalist. Nakatakda kang magsagawa ng isang tanghal ng mga


larawan tungkol sa mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay -daan sa pagwawakas
ng Batas Militar. Ang pagtatanghal na ito ay dadaluhan ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang
at mga guro. Siguraduhin na ang mga larawan na iyong isasama sa tanghal ay nagpapakita ng
mga mahahalagang pangyayari mula sa Pambansang Halalan ng 1981 hanggang sa Snap
Election ng 1986. Ang iyong itatanghal ay dapat maglaman ng mga tamang caption at kaakit-akit
sa paningin.
LAYUNIN (GOAL):

Gumawa ng layout ng mga larawan gamit ang powerpoint presentation (Online Class)
Humanap ng mga larawan tungkol sa pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay – daan
sa pagwawakas ng Batas Miltar. ( Modular Class)

TUNGKULIN (ROLE):

Photojournalist at layout designer (Online Class)


Gumawa ng Collage (Modular)

PRODUKTO (PRODUCT CHOICES):

Online Class
Gumawa ng powerpoint presentation ng mga larawan na nagpapakita sa mga pagkilos at
pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay – daan sa pagwawakas ng Batas Militar. Lagyan nga
angkop na caption ang bawat larawan. Ipasa ang output sa classwork ng ating google
classroom sa Araling Panlipunan 6.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 13


Modular Class
Gumawa ng collage na nagpapakita ng mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino na nagbigay
daan sa pagwawakas ng Batas Militar. Gawin ang collage sa isang malinis na cartolina o manila
paper.

AWDYENS (AUDIENCE):
Mag-aaral sa ika-anim na baitang at mga guro

PAMANTAYAN (STANDARDS):
Online Group: Nilalaman, Pagkamalikhain, Disenyo, Produksyon
Modular Group: Pagkakayos, Nilalaman, Disenyo

PERFORMANCE TASK ANALYTIC RUBRIC (Modular Class)

1
4 3 2 Nangangailangan
Kraytirya Puntos
Napakahusay Mahusay Katamtaman ng
Pagpapahusay
Pagkaka- Lahat ng mga Halos sa mgaIlan sa mga Ang mga
ayos kagamitan ay kagamitan aykagamitan ay kagamitan ay
malinis at ang malinis at malinis at ilan hindi malinis at
collage ay halos sa sa mahirap
madaling impormasyon impormasyon maintindihan
maintindihan sa collage ay
sa collage ay
madaling madaling
maintindihanmaintindihan
Nilalaman Naipapakita ang Naipapakita Naipapakita Naipakikita sa
kahusayan sa ang pag- ang produkto ang
paksa sa unawa sa katamtamang kakulangan sa
pamamagitan ng paksa sa pag-unawa pag-unawa sa
produkto pamamagitan sa paksa sa paksa
ng produkto pamamagitan
ng produkto
Disenyo Napakamasining Ordinaryo
Masining ang Magulo ang
ang ang
pagkakagawa pagkakagawa.
pagkakagawa pagkakagawa
Kabuoan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 14


PERFORMANCE TASK ANALYTIC RUBRIC (Online Class)

1
4 3 2
Kraytirya Nangangailangan Puntos
Napakahusay Mahusay Katamtaman
ng Pagpapahusay
Napakawasto Wasto ang Medyo wasto Hindi angkop
Nilalaman ang nilalaman ng nilalaman ng ang nilalaman ng
powerpoint powerpoint nilalaman ng powerpoint
powerpoint
Pagkamalikhain Napakamalikhain Malikhain ang Ordinaryo Magulo ang
ang presentasyon ang presentasyon
presentasyon presentasyon
Napakamasining Ordinaryo
Masining ang Magulo ang
Disenyo ang ang
pagkakagawa pagkakagawa.
pagkakagawa pagkakagawa
Ang paggamit ng Ang paggamit Ang paggamit Ang paggamit
font style, font ng font style, ng font style, ng font style,
size, transitions font size, font size, font size,
at animation ay transitions at transitions at transitions at
Produksyon napakagandang animation ay animation ay animation ay
tingnan at magandang katamtaman magandang
nababasa ng tingnan at ang gandang tingnan at
mga tagapanood nababasa ng tingnan at nababasa ng
kahit nasa mga nababasa ng mga
malayo tagapanood mga tagapanood
tagapanood

Kabuoan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 15


Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing maigi ang pangungusap o sitwasyon. Sagutin at piliin ang
tamang sagot sa loob ng panaklong.
1. Si (Pang. Ferdinad Marcos, Gng. Corazon Aquino) ang nagdeklara ng isang
Pambansang Halalan matapos niyang ideklara ang pagtatapos ng Batas Militar noong
1981.
2. Pagkatapos ng pambansang halalan muling nanumpa si Pang. Marcos bilang
Pangulo ng Pilipinas noong (Hunyo 16, 1981, Hunyo 30,1981).
3. Si (Jose Ma Panganiban, Jose Ampeso) ang kaibigan ni Benigno Aquini na tumulong
sa kanya para magkaroon ng pasaporte para sa pag-uwi sa Pilipinas.
4. Lumapag ang eroplanong sinakyan ni Benigno Aquino sa Manila International Airport
noong (Agosto 23, 1983, Agosto 21, 1983)
5. Pagbaba ni Aquino sa (tarmac, pintuan) ng paliparan ay bigla siyang binaril at
namatay.
6. Ang naging katambal ni Gng Corazon Aquino sa Snap Election ng 1986 ay si
(Salvador Laurel, Juan Ponce Enrile).
7. Ang Snap Election o biglaang eleksyon ay nangyari noong (Pebrero 7, 1986, Pebrero
12, 1986).
8. Bilang protesta sa lantarang dayaan na nangyayari sa bilangan ng boto nagwalk-
out ang mga (computer encoder, computer adviser).
9. Tumanggi si Gng. Corazon Aquino na kilalanin ang resulta ng COMELEC at
nanawagan sa taong-bayan na magdaos ng (civil disobedience, civil defence).
10. (Pebrero 14, 1986, Pebrero 15, 1986) idineklara ng Pambansang Asembleya na
nanalo sa halalan si Ferdinand Marcos.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 16


SUSI NG PAGWAWASTO

SUBUKIN SURIIN PAGYAMANIN

A.1. Arturo Tolentino Malayang sasagot ang bata sa gawaing ito A. Malayang sasagot ang bata sa
2. Benigno Aquino , Jr. at maaaring ipakita ang ginawa sa guro gawaing ito at maaaring ipakita ang
3. Pang. Ferdinand Marcos para sa pagtatama ginawa sa guro para sa pagtatama
4. Agosto 21, 1983
5. tarmac B. 1. √
6. Snap Election 2. √
7. National Citizens 3. x
Movement for Free 4. √
Election(NAMFREL) 5. √
8. computer encoders 6. √
9. Cardinal Sin 7.x
10. People Power 8. √
9. x
B.1. G 10. √
2. C
3. E
4. A
5. B
Tayahin

1. Pang. Ferdinand Marcos 6. Salvador Laurel


2. Hunyo 30, 1981 7. Pebrero 7, 1986
3. Jose Ampeso 8. Computer encoders
4. Agosto 21, 1983 9. Civil disobedience
5. Tarmac 10. Pebrero 15, 1986

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 17


SANGGUNIAN
Antonio, Eleanor D.et, al Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 6: Kayamanan,
ph. 254-258.sampaloc, Manila. Rex Printing Company, Inc.

Bebis, Kristine Conde. Batayang Aklat, Linangin ng Diwa 6, ph. 240-244. PLL
Publishing House 2016, Quezon City.

Ramos, Dexter John V. et, al. Batayang Aklat: Bayanihan (Mga Hamon at Tugon
sa Pagkabansa 6)ph. 215-219,Makati City Philippines, Diwa Learning System
Inc.

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fzemilou19.blogspot.co
m
officialgazette.gov.ph%2Ffeatured%2Fthe-fall-of-the-dictatorship

https://tl.wikipedia.org/wiki/Benigno_Aquino,_Jr

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+pagpaslang+kay+benigno+aquino+jr&sourc
e

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+world++bank&tbm=isch&ved

https://www.google.com/search?q=larawan+na+nagpapakita+ng+kahirapan+sa+buhay&tbm
=isch&ved
https://kapirasongkritika.wordpress.com/2009/08/03/ang-cory-aquino-na-gusto-ko/

https://www.google.com/search?q=resulta+ng+snap+election+ng+1986&tbm=isch&ved

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Laoag City


Curriculum Implementation Division
Brgy. 23 San Matias, Laoag City, 2900
Contact Number: (077)-771-3678

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 18

You might also like