You are on page 1of 7

MORALES, ADRIAN R.

FILIPINOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN

BSC 1-1 LAGOM SURI # 1

"Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan"

I. MAIKLING PALIWANAG SA MAY AKDA

Si Dr. Zeus Atayza Salazar ay itinuturing “Ama ng Bagong Histograpiyang

Pilipino”. Ipinanganak siya na panganay mula sa pitong magkakapatid sa Tiwi,

Albay noong Abril 29, 1934 mula kayla Ireneo Salazar at Luz Salazar. Mula sa

kanyang pag-aaral, at samakatuwid na pagtuturo sa Europa siya ay natuto na

makapagsalita ang 10 na wika, at nakakapgsulat sa wikang Filipino, Bicolano,

Ingles, Espanol, Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, at Malayo.

Itinatag niya ang ADHIKA, Inc. at ang Sangguni ng BAKAS, Inc. Mas kilala siya

sa kanyang pag-aaral ukol sa Pantayong Pananaw.

At marami ding karangalan na nantanggap si zeus salazar ito ang mga

sumusunod.

• Gawad ng Estadong Pranses na chevalier de palme’s academique (1978 )


 Gawad ng Komisyon sa Wika (1987 ),

 Gawad ng Sentro ng Wikang Pilipino (1999)

 Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (2009)

 Bayani ng Wika (2009)

•. Most Outstanding Bikolano Artist for Literary Arts (2009)


II. LAGOM NA PAPEL

Para po sa aking nabasa tungkol sa 'Ang Pantayong Pananaw Bilang

Diskursong Pangkabihasnan" sinasabi rito at Ipinaliliwanag ang pagkakaiba ng

mga punto de bista pananaw bilang ginamit ng mga naunang nagsagawa ng

paglilinang sa pag-alam at pag-aaral sa kabihasnan at pangkalinangang

pambansa ng Pilipinas. Binigyang depinisyon ang “Pantayong Pananaw”

bilang isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at kalinangang Pilipino na

nakabatay sa “panloob na pagkakaugnay-uganay at pag-uugnay ng mga

katangian, halagahin (values), kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian,

pag-aasal at karanasan ng iisang kabuuang pangkalinangan—kabuuang

nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng iisang wika, ibig sabihin sa

loob ng isang nagsasariling talastasan o diskursong pangkalinangan o

pangkabihasnan. Isang reyalidad ito sa loob ng alin mang etnolinggwistikong

grupo na may kabuuan at kakanyahan sa atin, at sa iba pang dako ng mundo.”

“Pangkaming Pananaw” ang nagawa ng hanay ng mga Propagandista

tulad nina Rizal, Luna . bilang pamamaraan sa paglilinang ng kabihasnan natin.

Ang kausap nila sa kanilang mga nilalathala ay ang mga banyaga—partikular

ang mga kolonyalistang Kastila. Ang mga Kastilang ito na pinapaniwala ang

mga indio na sila ang nagdala ng ‘kaliwanagan’ sa atin (bunga ng relihiyon) at


utang natin ito sa kanila dahil tayo daw ay mga barbaro at walang sariling

sibilisasyon, kung hindi pa sila dumating dito sa atin.

Mga edukado sa kaalaman ng liberalismo mula Europa ang mga

Propagandista at mahusay mag-Kastila, kaya’t karaniwang sa Kastila nila

sinusulat ang kanilang mga likha. Ang pangkaming pananaw ang isa sa

iniiwasan na mangyari sa suhestyon na metodo ni Salazar, sapagkat para

makabuo ng isang metodong nagsasarili, mainam na umpisahan

ang paglilinang sa mismong taga-loob. Dahil din gusto nila mabago ang ating

wika na ating gagamitin. Nakasaad din po sa aking binasa na halos sa wika

umiikot ang mga pinag uusapan, mababasa din po natin ang tinatawag na

"closed circuit" na ang ibig sabihin ay kayo lamang na groupo ang nakakaintindi

ng inyong sinasabi at hindi ito maintindihan ng ibang nakikinig dito. At kung ang

wika naman na ating gagamitin ay naiintindihan ng ating lipunan ito ay may

sinasabing "code" makukumpara ko po ito sa mga lalawigan na nasasalita po

nila ang mga kanilang linguahe at ito ay naiintindihan ng iba. At sinasabing

Bago pa dumating ang mga Kastila, wala pang iisang pananaw ang buong

arkipelago, dahil wala pa ang bansang Pilipino. Ang bansang Pilipino ay

nabuo lang sa ikalawang bahagi ng nagdaang dantaon. Ito ay nabuo sa

pamamagitan ng mga elite ng bahaging Kristiyano ng kolonyang

Kastila. Nabuo lang ito sa isang bahagi ng Kapilipinuhan na na-expose nang

husto sa kanluran, ng mga natuto ng Kastila at napapasok sa kabihasnang

Kastila.
Ang tawag ko sa mga ito ay mga akulturadong tao, na nagsimula sa

isang grupong panlipunan noong panahon ng unang pagkatagpo ng mga

Pilipino at Kastila. Tinatawag na ladino ang mga ito, sapagka’t sila ay natuto

ng Kastila, kaya ginawang tagasalin ng mga prayle. Isinalin nila sa kanilang

katutubong wika ang mga konsepto at kaisipang ipinasasalin ng prayle, at

isinalin din nila ang mga konsepto, ideya at kaisipang katutubo sa wikang

Kastila parae sa mga prayle. Sa madaling salita, ang mga ladinong ito ang

nakipagtulungan sa mga Kanluranin sa proseso ng pagkolonisa sa kanila

mismo at sa kanilang kakultura.

Napakasalimuot ng pagtatagpong ito ng Kastila at ladino, at ang

ginawa nilang pagsasalin ay napakahalagang aspeto ng kolonyalismong

Kastila, pagka’t ang ginawa nila ay isa ring pagsasakatutubo ng diwa at

kulturang kanluranin at bise-bersa, ang pagsasakanluranin ng diwang

katutubo. Isang aspetong intelektuwal ng pagtatagpong ito ay napagtuunan

ng pansin ng historyador na si Vicente Rafael sa kanyang kalalathalang

disertasyon na pinamagatang Contracting Colonialism. At tinuruan din tayo ng

mga kastila ng mga kanilang gawain. At Sinabi ng mga Kastila sa kanila,

“Kayo ay mga Indio lamang, at lahat ng nalalaman ninyo ay utang ninyo sa

amin, sapagka’t ang kasaysayan ng inyong bansa ay may dalawang bahagi


lamang: una, ang panahon na hindi pa kayo Kristiyano at sibilisado, kung

kailan lugmok pa kayo sa kadiliman; pangalawa, dumating kaming mga Kastila

dala namin ang kabihasnan at ang aming relihiyong Kristiyano upang kayo ay

bigyan ng liwanag.” Ganoon palagi ang direksyon ng paglait.

Simula noon ay unti-unting pumasok nang mas maramihan ang mga ladino sa

sistemang kolonyal ng mga Kastila. Sila ay naging mga escribanos na mga

abu-abugado o di kaya mga katuwang ng mga alkalde at iba pang opisyal na

Kastila. Ang iba naman ay pumasok sa sistemang pangrelihiyon, na naging

mga pare sila, ang mga pareng sekular. Noong dantaon, nagsimula nang

magtatag ang rehimeng Kastila ng mga seminaryo, dahil sa masidhing

pangangailangan at sa patakaran ng Hari. Kaya nakapasok sa mga Simbahan

at namahala sa mga parokya simula noon ang mga pareng Pilipinong ito ay

mga naging Indio, Sangley mestisong Instik, at mestisong Kastila.

Humantong naman ang penomenong ito noong sa paglitaw ng mga

ilustrado, mga ladinong pormal na nakapag-aral -- ibig sabihin, mga

“naliwanagan.” Ang diretsong pinagmulan ng uring ito ay ang mga pareng

sekular. Ang mga pare ay naghangad na maging kaparis ng mga Kastila mga

monghe. Higit sa lahat, ayaw nilang malamangan. Kaya ang gusto nila ay

sekularisasyon. Ayaw nilang agawan ng mga parokya sa pagbabalik ng mga

Kastilang Hesuita.
Ayon kay Rizal, nang dumating ang mga Kastila, nagkaroon pa nga ng

pagbagsak ang kabihasnang katutubo dahil sa nawalan ng interes ang mga

Pilipino na pagyamanin ito. Lagi na lamang silang nilulusob o isinasama sa

mga kampanya militar na inilulunsad ng mga Kastila sa loob man o sa labas ng

arkipelago, at ang ginagapas nila sa kanilang mga ginagawa ay hindi

napupunta sa kanilang sarili. Ang linya ng kaisipan ni Rizal (at ng iba pang

propagandista) ay: “Pag nawala na ang mga Kastila, sisikat muli ang

kabihasnan sa Pilipinas.” Kaya, mula sa kadilimang dala ng Kastila, babalik

ang dating kaliwanagan sa Pilipinas. Sinasabi ni Rizal na nawalan ng gana

ang mga pilipino dahil nga sa lagi naman silang nilulusob ng mga kastila at

hindi na nila pinag patuloy pag yamanin ang katutubo dahil lagi naman

dumadating ang kastila upang sila ay salakayin. At dahil nga sa gantong

paraan hindi na pinag yaman ng ating mga katutubo ang yaman natin bagkus

pinapabyaan na nila ito dahil sa kinukuha naman ng mga kastila ang ating mga

nagagawa

III. SURI

Para pa sakin mas binigyang diin ang mga dayuhang nanakop sating

bansa, at kung titignan natin ay madaming nagalit sa nanakop satin para po

kasi sakin may dalawang sagot dyan ayan ang positibo at negatibo. Bakit

positibo dahil sa kanila meron tayong tradition na ginagawa at nakuha natin sa

kanila at dahil sa kanila naturuan nila tayong gumawa ng mga bagay na hindi
natin magawa noon. Dahil sa kanila meron parin tayong ginagawa at minana

natin ito sa kanila, kaya dapat parin natin silang pasalamat dahil sa kanila

galing ang ibang bagay na ginagawa natin. Marami din naman silang natulong

satin. Dahil sa kanila madami tayong wika na sinasalita. Para po sakin ang

negatibong pananaw ko ay malayang bansa na tayo e, ibig sabihin dapat wag

na tayo dumepende sa kanila dahil malaya na tayo, pero sa nangyayari ngayon

sumusunod parin tayo sa kanila. Katulad nalang ng ugnayan ng china sa

pilipinas ginagawa tayong aso ng china imbes na gumalaw tayo ng sarili natin

at minamaliit nila tayo dahil alam nilang kayang kaya nila tayo. Sa madaling

salita, ang namamayani sa panahong kolonyal ay ang pansila at pangkaming

pananaw, samantalang nanatili ang pantayong pananaw sa loob ng mga

grupong etniko, pananaw na hindi naisipang gamitin sa pangkabuuan, para sa

kabuuan ng bansang itinatag. Dahil nga sa nabasa ko po nayan mas nanaig

ang mga lenguahe ng banyaga kesa sa ating mga pilipino,at mas ginagamit

natin ito dahil dito nababali wala ang ating bansa, dahil sa mga banyaga na

may kanya kayang sinasalita kaya po para sakin nawawala na talaga ang

pagiging pilipino ng mga tao, kahit naman po sa mga palabas at musika hindi

na nila tinatangkilik ang sariling atin mas nipipili nila ang sa ibang lugar. Mas

uunlad po sana ang ating bansa kung papalaguin natin ang sarili nating wika at

gagamitin natin san man tayo mapunta.

You might also like