You are on page 1of 4

ZABALA, Nicole P.

Filipinolohiya
BS Architecture 3-1 Prof. Glenda Salorsano

Talakayan Bilang 4: Pagsasanay Bilang 4

1. Sino si Zeus Salazar?


Si Zeus Salazar ay isang sikat na Pilipinong historyador. Pinakakilala sa kanyang
mga akda ay ang Pantayong Pananaw kung saan ibinahagi niya ang kanyang sariling
pananaw patungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Kumuha at nagtapos si Salazar ng kursong
Bachelor of Arts in History sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Napagtagumpayan
niyang makaming ang kanyang titulong Ph.D sa pag-aaral ng Ethnology sa Sorbonne
University, Paris. Matapos nito ay nagbalik siya sa Pilipinas at nagturo sa Departamento
ng Kasaysayan sa Unibersidad ng Pilipinas. Taong 1972, kasagsagan ng pagpapatupad ng
Batas Militar, nakulong si Salazar dahil sa kanyang pagdududa sa gobyerno at
panunugkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Dagdag pa sa kanyang kilalang akda ay
ang: Ang Pilipino sa Agham Panlipunan at Pilosopiya, Ugat at Kabuluhan (1997), Liktao
at Epiko at ang Takip ng Tapayang Libingan ng Libmanan (2004).

2. Ano ang mahahalagang punto na tinalakay sa artikulo batay sa mga sumusunod?


a. Wika
Wika ang siyang nagiging depenisyon ng isang pangkat o grupo. Ito ang
nagbubuklod at nagigin panali sa isang grupo na nauunawaan ang isa’t isa at
nagsasagawa ng iisang diwa, halagahin, kultura, tradisyon at mga bagay na
nagkakaisa sa kanila. Naibahagi ni Zeus Salazar kung paano magkakaroon ng
mahalagang parte ang wika sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Mahalagang may
iisang wikang ginagamit ang mga Pilipino sapagkat gayon na lamang masasabing
ito ay isang Pantayong Pananaw. Naihambing din ni Salazar ang isang lipunan sa
mga isda sa tubig, kung saan ang mga tagaloob lamang ang makakaintindi sa mga
taga-loob at tagalabas lamang ang makakaintindi sa tagalabas. Ngunit, maaari ring
matutunan ang mga kaugalian ng parehong loob at labas sa pamamagitan ng
pamamahagi ng mga gawa at ugali na sinusundan ng pagbabahagi sa kanya
kanyang kalinangan. Sa kabilang banda naman ay ang “pangkayong pananaw”,
kung saan ayon kay Salazar ay ang pananaw ng tagalabas patungkol sa mga
ZABALA, Nicole P. Filipinolohiya
BS Architecture 3-1 Prof. Glenda Salorsano
tagaloob. Dito naman ay nakapokus sa kung sino ang hindi kabilang sa naunang
kalinangan at parte ng isa pang bagong kalinangang higit na iba sa nauna.
Sa huli, binanggit din ni Salazar ang katotohanang walang nasyong Pilipino.
Ito ay sa kahilanang ang kolonyalismo ang nagsasabi ng mga magiging landas ng
pagkakamit ng pagkabuo ng bansang Pilipino. Makakamit lamang ang kabuuan sa
pagpapausbong at pagpapayaman ng pantayong pananaw. Sa simpleng salita ang
isang bansang Pilipinong may kasarinlan at kakanyahan. Dito pa lamang ay
masasabi nang may malaking parte ang wika sa pantayong pananaw ng Pilipinas at
pagkakabuo nito.

b. Kasaysayan
Kahit bago pa man masakop ang bansa ng mga Kastila, wala pa ring
pantayong pananaw at nasyong Pilipino. Hindi ito naging parte ng kasaysayan liban
na lamang noong ang mga ladino ay naging tagapagsalin ng mga konsepto at
kaisipang ipinaliwag ng mga Kastilang prayle. Kalaunan ay pinasok na ng mga
ladino ang mundo ng mga Kastila bilang mga abugado, klerk, sekretaryo, alkalde
at iba pang katuwang nga mga alkalde. Ang iba pa nga ay naging prayle na kalaunan
ay naging paksa ng pangungutya ng mga prayle. Ito ay marahil umabot sa puntong
namana at natutunan na rin ng mga Pilipinong prayle ang mga gawi at kaugalian ng
mga Kastilang prayle na para bang Kastila na rin sila mismo. Ngunit, giit ng mga
Kastila, hindi nila kailanman mapapantayan ang mga Kastila sapagkat sila mga
indio, barbaro at pagaya-gaya lamang. Ang mga nasabing insulto ay makikita sa
pribadong liham ni Fray Gaspar de San Agustin. Dumating ang ikalawang bahagi
ng ikalabinsiyam na taon, ang dating naturang ladino ay kilala na ngayon bilang
mga ilustrado. Ngunit, hindi pa rin naaalis ang mga insulto sa mga Pilipino,
nananatiling indio at pagaya-gaya ang tingin sa kanila, at sa puntong ito ay lumala
pa nga.
Ipinaliwanag ni Salazar sa kung saan masasaksihan ang tatlong pananaw:
pantayo, pangkami at pansila. Pantayong pananaw para sa mga lumad na nanatiling
mga katutubo kahit na laganap ang impluwensiya ng mga Kastila. Hiwa-hiwalay
man sa isa’t isa’y nananatili silang magkakamag-anak at magkakaugnay. Sa
ZABALA, Nicole P. Filipinolohiya
BS Architecture 3-1 Prof. Glenda Salorsano
kabilang banda naman ay ang pangkaming pananaw kung saan pinaniniwalaan ng
mga Propagandista at ikinalat na may sariling pagkakakilanlan ang mga Pilipino
bago pa man sila masakop. Ang magiging daan lamang upang maging Kastila ay
ang pagwalay sa mga katutubong kalinangan. At sa huli, ay ang pansilang pananaw
na nabuo na lamang noong sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas. Dito
masasalamin sa kung pano sinubukan ng mga ilustradong pantayan ang mga
kinagisnan ng bagong mananakop. Ngunit, nauwi pa rin ito sa ideyang ang mga
Amerikano lamang ang makapagbibigay ng hudyat o pamantayan upang matamasa
ng mga Pilipino ang kulturang banyaga, at sa lagay na ito, ay hindi ang orihinal.

c. Lipunan at Kabihasnan
Ang isang lipunan at kabihasnan ay masasabing may pantayong pananaw
kung ang lahat ay gumagamit ng iisang kaugalian. Higit na nakapunto sa kung
paano kumikilos, pagkakakilanlan at buhay ng mga elite ang parteng ito sa artikulo.
Ibinahagi ni Salazar sa kung paano ang identidad ng isang elite ay halo-halo lamang
at walang payak na identidad. Hindi madaling masagot ang katanungang, “Sino
ako?”, sapagkat lubos siyang naimpluwensiyahan ng kulturang Kanluranin at higit
pang dahilan ay tila namumuhay upang paglingkuran ang mga ito. Sa kabilang
banda naman, idinagdag din ni Salazar ang gawaing tila panloloko sa mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng koneksyon. Sa mga halalan, ang tatakbo at gagamit ng
wikang Filipino, at sa pagdating ng panahong siya’y nakaupo ay gagawa ng batas
na hindi naiintindihan ng karamihan sapagkat sa ibang wika ito nakasulat.
Higit na nakaapekto ang kulturang banyaga sa pagpapanatili ng pagka-
Pilipino pagdating sa kabihasnan. Dahil itinuturing na mas magaling at nakatataas
ang mga banyaga, nalilimutan ng mga Pilipino na mayroon pa rin tayong
kakayahang tapatan ito sa pamamagitan ng sarilining atin. Sa isang parte sa
artikulo, nabanggit na may mga batang mag-aaral na maging dayuhan ang kanyang
nasyonalismo kaysa sa Pilipino. Dagdag pa rito, nabanggit din na hirap tayong
alising ang bahid banyaga sapagkat pinagsusumikapan ng mga elite ang
pagpapanatili nito sa ating sistems. Ilang halimbawa ay sa pamamagitan ng mga
libro, pelikula, at iba pang bagay na nakalathala sa Ingles.
ZABALA, Nicole P. Filipinolohiya
BS Architecture 3-1 Prof. Glenda Salorsano

3. Ano ang iyong sariling pagtingin o palagay sa daloy ng talakay at nilalaman ng


Pantayong Pananaw ni Salazar?
Kamangha-mangha ang paraan ng pagpapaliwanag ni Salazar sa kasaysayan ng
Pilipinas ayon sa Pantayong Pananaw. Bagamat ito’y detalyado at naglalaman ng
maraming salitang nakakalito’t bago sa akin, hindi pa rin maikakaila na ang nilalaman ay
base sa kung ano talaga ang totoong nangyayari. Totoo ngang isa itong batayan at gabay
sa kung paano tayo magkakaroon ng sariling nating pagkakakilanlan. Dito, malalaman din
natin kung saan banda sa kasaysayan tayo nagkulang sa pagpapausbong at pagpapayaman
sa sarili nating ideolohiya, pagkakakilanlan at iba pang mga maaaring maging kaakibat na
depenisyon ng pagiging Pilipino.
Sa konklusyon nitong artikulo ay ibinahagi rin ni Salazar ang mga progreso at
matagumpay na pamamaraan sa kung paano muling iaangkat ang ating katutubo at
pagkaPipilino. Sa tingin ko, isa itong magandang halimbawa at motibasyon upang lalo
nating mapaigting ay mapalawak ang ating kultura’t pagkakakilanlan. Dito masasabi
nating kahit na ang munting pagsisikap ay higit na makatutulong sa pagbubuo ng ating
bansa. Sa kabilang banda, ang buong nilalaman ng artikulo ay maaari pang maging hindi
komplikado sapagkat ang mga ganitong ideolohiya’t pananaw ay marapat lamang na
mabasa ng mga Pilipino. Sa pamamaraang ito ay maaaring mabuhay muli ang damdaming
makabansa sapagkat ang batayang ito ay madaling maiintindihan ng maraming Pilipino.

You might also like