You are on page 1of 2

Maru Grace P.

Perito
BSMA 1-9

Ang Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar ay pumapatungkol sa iba't ibang konsepto


ng pananaw ng mga Pilipino tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas noon.

Mula sa sulatin, isa kong napuna ay ang nakalulungkot na reyalidad patungkol sa


paggawa ng mga sulatin noon. Mahihinuhang mas binibigyang-pansin ang opiniyon ng
mga banyaga kaysa sa kanilang kapuwa Pilipino. Nakadidismayang isipin ang
katotohanan na hanggang ngayon ay buhay sa ating mga Pilipino ang ugaling isipin
muna kung nakaaakit o nakamamangha ba ang isang bagay sa mga banyaga bago
isaalang-alang ang interes ng ating kapuwa. Kadalasan, mas pinipili munang
maipaliwanag sa mga dayuhan ang ating sariling kultura at tradisyon kaysa maipaunawa
at maipasapuso ang mga ito sa ating mga Pilipino. 'Di rin mapagkakaila na kahit noon
pa man, bagamat may dugong Pilipino man ang mga manunulat, mas binibigyang-diin pa
rin nila ang mga pag-aaral na mula sa ibang bansa na ang tanging makikinabang lamang ay
mga tao sa partikular na bansang iyon at hindi ang kanilang kapuwa mamamayan. At dahil
hanggang sa kasalukuyan ay umiiral pa rin ang ganitong pag-iisip, tila lumalabas na tayo
ay nasa labas ng isang pantayong pananaw na makabubuo sa
bansa.

Nakababahala ang isang parte ng akda kung saan inilahad ni G. Salazar ang unti-
unting pagkawatak-watak ng mga grupong etnolingguwistiko sa ating bansa. Ayon sa
akda, ito'y napalitan ng wikang Kastila at sa kalaunan nito ay naging wikang Ingles na
ginagamit ng mga Amerikano. Aminin na natin na karamihan sa atin ay mas pinipiling
magsalita gamit ang banyagang wika upang maipakita na tayo ay mas intelektuwal at
angat sa iba. Isang napapanahon at malaking patunay rin ay ang paggamit natin ng
Ingles bilang "medium" ng komunikasyon sa paaralan. Nakasaad din sa akda na
itinuring ng mga "elite" ang paggamit ng wikang mula sa Anglo-Amerikano para sa
buong nasyon, ngunit, tila ang naging kapalit naman nito ay ang ating totoong
kasarinlan.

Maipapakita rin kung gaano kahalaga ang naging papel ng wika noon. Ito ang
naging daan upang maisakatuparan ang tuluyang pagsakop sa Pilipinas. Isang
karimarimarim na pagkakataon na tila ginamit ng mga Kastila ang mga Pilipino o mga
Ladino, mga katutubong natutong magsalita ng Kastila. Maaaring tinulungan ng mga
Ladino ang mga Kastila sa pagsasalin ng kanilang konsepto at kaisipan.

Akoy namamangha, hindi pagkamanghang may nakita akong maganda -- kundi


pagkamangha dahil tila hanggang ngayon ay nananaig pa ein ang pagkakaroon ng iba't
ibang lebel sa lipunan. Tulad na lamang ng nakasaad sa akda na hanggang sa kasalukuyan,
mayroon pa ring Indio, Sangley (mestisong Instik), mestisong Kastila, mga paring
sekular at mga “Hijos de Pais." Hanggang ngayon ay mayroong mga taong ang tingin
sa kanilang sarili ay nakaaangat dahil sila ay naliwanagan o nakapag-aral, mga taong
ayaw maagawan ng kapangyarihan at malamangan.
Nakalulungkot na noon ay itinuturing ng mga Kastila na mangmang ang mga
Pilipino. Sinasabi na ang ating kasaysayan at kaalaman ay sa kanila galing. Wala mang
pakialam ang mga lumad ng ating bansa, itinuring pa ring katawa-tawa at nanghihiram
lamang ng kaugalian, kabihasnan at pananampalataya ang mga Pilipino. Magpasa
hanggang ngayon ay laganap ang ganitong kaisipan o ang diskriminasyon sa mga
Pilipino na siya namang hindi talaga katuwa-tuwa.

Nakasasama ng loon na itinuturing na mababa ang mga Filipino noong pumasok na


ang kolonya ng mga Amerikano dahil sa mga larangan na mayroon na ang ibang
banyaga bago tayo. Magpahanggang ngayon ay pilit nating kinakamit ang mga
larangang ito at ginagawang batayan ang mga patakaran at paghuhusga ng mga
banyaga bago masabing tayo ay magaling at karapat-dapat.

Sa kabuuhan, kahabag-habag ang naging kalagayan ng mga Pilipino noon at


hanggang ngayon. Kailangan munang humiwalay ang mga mamamayan ng bansang ito
sa sariling kultura upang maipakita na ang mga Pilipino ay pwede na at karapat-dapat
na.

You might also like