You are on page 1of 2

Ang Pantayong Pananaw (Mula sa pakikinig sa forum ni Dr.

Zeus Salazar)

Vipotato

7 years ago

Advertisements

Isa marahil sa dahilan ng pagiging banyaga ng mga Pilipino sa sariling bansa ay dahil na rin sa kakulangan
nila sa kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas. Kung kaya’t hindi pinapahalagahan ng karamihan an lahing
kanyang kinabibilangan at ninanais pa minsang makapag-ibang bansa at maging katulad ng ibang bansa.
Wika nga ni Bob Ong sa aklat niyang Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pilipino?, “Pilipino ako, sapat nang
dahilan ‘yon para mahalin ko ang Pilipinas.” At kagaya ng isang magsing-irog, kung mahal mo siya,
kailangan mong malaman ang mga bagay na mahahalaga at hindi ganoon kahalaga tungkol sa kanya
upang lalo mo siyang maintindihan at lalong mahalin.

Pamayanan

Ang unang tao o ang ating ninuno ay ang mga Austronesyano (h-k. 500,000/250,000-7,000/5,000
BK) ay may nalalaman na o natatanging galling upang makabuo ng sinaunang kabihasnan ng Pilipino.
Lingid sa alam ng nakararami, ang pagsasambayanan o ang pagbuo ng estadong bayan o etniko ay nabuo
marahil ay sa kadahilanang isa tayong arkipelago kaya’t nagkaroon ng identidad agad kung saan ka
nakatira o kung saang grupo ka kabilang. Nakakamangha na sa panahong nabanggit ay natuto ang mga
taong makipagkalakal sa ibat-ibang karatig bayan. Dahil na rin sa kalakalang ito, naipalaganap ang Islam
sa Sulu, Magindanao at Maranao na aabutan ng unang pagsapit ng Kristiyanismo sa Sugbu at ilan pang
lugar sa hilagang Mindanao.

Bayan

Kapag naririnig ang salitang bayan, karamihan ang iisipin ay bayan ng bawat lugar. Halimbawa bayan ng
Calamba o bayan ng Los Banos. Ngunit maaari nating tingnan sa ibang perspektibo ito. Kung noon ay
nagsasarili ang bawat kapuluan, bawat lugar, sa panahong ito ay pinipilit magkaisa ng Pilipino para
maging isang bayan. Ang pagsasarili at ang kalayaan ang pangunahing mithiin ng mga Pilipino. Si Andres
Bonifacio ang isa sa magigiting na anak ng bayan sa panahon ng Himagsikan. Masasabing may
kinikilingan ang tagapagsalita na si Dr. Salazar dahil sa itinatag nito ang katipunan at nagbukas ng
kamalayan sa Pilipino na dapat nating ipaglaban ang dapat na sa atin ngunit mga banyaga ang
namamahala. Samantalang si Rizal ay may pagka-kanluraning pag-iisip.

Bansa

Ang pagkakamali siguro ng ilang tao noon ay mag ipinaglalaban nila ang kasarinlan kesa ang
pagiging malaya dahil sa mga elit at mg ingleserong Pilipino sa panahong ito. Kayat hanggang sa
kasalukuyan ay hindi natin mapalaya ang bansa sa kahapon at nakukulong tayo sa nakaraan. Katulad na
lamang ng proklamasyon ng kalayaan ni Aguinaldo sa ilalim ng bansang Amerika. Hindi rin nito tinanggap
ang katagalugan at ipinangalan pa rin na Pilipinas na galling sa wikang banyaga o sa isang taong banyaga.

Isa sa nakikita kong balakid kung bakit hanggang ngayon ay nahihirapan ang marami sa identidad natin
ay marahil sa dami ng sumakop sa atin at sa tagal na anahong sinakop tayo ay nawawala ang ideya ng
pagkilala sa sariling atin. Masyadong namulat ang mga Pilipino na kailangan maging katulad tayo ng mga
banyaga dahil ito ang isinubo sa atin ng pananakop. Hindi masamang magmahal ka ng ibang lahi o bansa,
ngunit sabi nga sa pag-ibig, mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng ibang tao.

Kaya’t hanggang ngayon masalimuot an gating daan. Ang ating bansa na isang arkipelago ay isang
malaking pagsubok para maging isa. Marahil ay masyado tayong nagbibigay halaga sa identidad kagaya
ng nasabi ko kanina. Masyado nating ikinukulong ang sarili na “Dito ako kabilang. At ibang tao kayo.” Isa
ng halimbawa ditto ay “Taga Up ako.” Bakit hindi nalang Pilipino ako at Pilipino ka din, iisa tayong lahi,
kaya’t isa lamang din an gating mithiin at kailangang isantabi ang pagkakaiba upang magtulong tulong sa
iisang mithiin – ang muling ibangon ang ating bansa sa kahirapan, iangat ang ating pagkatao at imulat sa
kamalayan upang magkaisa.

You might also like