Sa aking pinanood na maikling dokumentaryo na nagngangalang “Ang Tao sa Piso”,
makikita natin kung gaano kalaki sana ang epekto ng mga ginawang kabayanihan ni Jose Rizal ngunit hindi lang natututo ang mga mamamayan ng Inang Bayan. Si Jose Rizal ay isang napaka husay at matalinong tao na mahal ang kanyang bansa, siya ang simbolo ng isang tunay na Pilipino. Sa mga nagdaan na taon, ang Pilipinas ay kinakalimutan ang pinanggalingan, nawawala ang pagka-Pilipino ng mga tao, at hindi sabik na ginugusto na gumanda ang situwasyon sa bansa. Tama ang mga sinabi ng mga nagsalita sa dokumentaryo, na hindi nakinig at ipinagpatuloy ng mga tao ang mga sinulat ni Rizal. Kahit pinag-aaralan ito sa mga eskwelahan, ito ay halos mababaw lang ang mga ginawa ng ating Pambansang Bayani at iba pang makaimpluwensyang tao katulad ni Bonifacio. Mayroong mga Pilipino na mas gugustuhin magsalita ng Ingles imbis na ang Filipino, pumunta ng abroad para magtrabaho, mas uunahin ang pera kaysa sa bansa, at mas iisipin ang buhay ng sarli kaysa sa kanyang kapwa Pilipino. Sa akin lang, kapag nakita ng buong Pilipinas na pag isinapuso lang natin ang mga sinasabing katotohanan ni Rizal, hindi na tayo maghihirap pa. Malalakas, mahuhusay, madiskarte, at mabubuti ang kalooban ng mga Pilipino, kaya gaganda ang situwasyon ng bansa kapag tayo ang nagtulungan at hindi nakikipag kompetensya sa bawat isa. Kulang na kulang ang pagiging makabayan, kaya kinukwestyon ng mga tagapagsalita sa dokumentaryo ang kagalingan ng mga guro sa pagtutro dahil maraming panahon ang inaalay sa eskwelahan, kaya pag embody ng mga guro si Rizal, ang malaking tanong is eto na ba ang simula ng totoong pagunlad ng Pilipinas, na masasabi kayang ipagmalaki ni Rizal kapag siya ay nabubuhay pa ngayon? Sabik na ako malaman kaya bilang isang parte ng kabataan o magaaral, ako ay handa na magimpluwensya ng maraming tao na ipagmalaki ang paging Pilipino. Sabihin sa lahat na gaganda ang kinabukasan kapag magtutulungan. Maging parang si Rizal tayo, at tiyak na mabilis ang pagsunod ng pagbabago.