You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION

Buhay at Mga Sinulat ni Rizal

GEED 10013

W 04:30PM-07:30PM

Activity no. 1: Sanaysay:

Ang Maikling Talambuhay ni Jose P. Rizal

Bachelor of Science in Business Administration

Major in Marketing Management

Submitted by:

Joyce Micah Lim

Submitted to:

Prof. RODRIGO DOLOROSA

Novermber 2022
Sa bansang Pilipinas, hindi natin maitatangi na marami tayong bayani na talaga
namang maipagmamalaki natin ng lubos. Ngunit, bakit kapag naririnig natin ang
katanungan na ‘Sino ang pambansang bayani sa Pilipinas?’, agad natin naiisip si Jose
Rizal. Kung kaya naman ay hindi natin maiwasan na mapaisip sa kung ano ba talagang
meron sa kanya at siya ang tinaguriang pambansang bayani sa Pilipinas. Nakakabuo tayo
ng mga ilang katanungan patungkol sa kanyang pagkatao katulad ng sino nga ba siya?
Paano siya naging pambansang bayani ng ating bansa? Ano ang kanyang mga naiambag
sa ating bansa? Talaga namang nakakapukaw ng atensyon ang kanyang talambuhay.
Ngayon, atin nating alamin ang kanyang kwento.

Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang
kanyang buong pangngalan ay José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, o mas
kilala siya bilang Jose P. Rizal o kaya naman ay ‘pepe’. Sa murang edad ay mahahalata
mo na siya ay hindi pangkaraniwan sapagkat sa kanyang pambihirang talino. At talaga
namang kahanga hanga dahil sa kanyang talino, nailigtas at natulungan niya tayong mga
Pilipino upang makalaya sa pananakop ng Espanya sa bansang Pilipinas pati na rin sa
mga kastilang umaalipin sa atin. Malaki din ang naging papel ng kanyang mga nobelang
naisulat na Nole Me Tangere at El Filibusterismo dahil tinulungan tayo nito magising sa
katotohanan. Hindi batid ng mga Pilipino na ang mga kastila ay inaabuso na sila ng mga
kastila noon. Kung kaya naman, ang mga nobelang naisulat niya ang ilan sa mga
naiambag niya sa ating bansa na lubos na nakatulong sa atin upang makalaya sa mga
mananakop.

At talaga namang hanggang sa ating kasalukuyang panahon, tinatalakay pa rin ang


buhay ni Jose Rizal lalo na sa mga mag aaral, pati na rin ang kanyang mga akda. Talaga
namang nakakahanga dahil may mga bagay tayo natutunan sa kanyang mga nobela.
Hindi lamang siya isang magaling na manunulat, siya din ay isang manggagamot, makata,
iskultor,at madami pang iba. Isa siya sa magandang modelo sa mga mag aaral
ganunpaman siya din ay naniniwala na ‘Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan’. Batid ni
Jose Rizal na ang mga kabataan ang magiging simbolo para sa bagong henerasyon.
Lubos na hahangaan mo nga naman ang isang Jose Rizal dahil sa kanyang kaalaman.
Ginamit niya ang kanyang talino at hindi ang dahas upang maging isang bayani.

You might also like