You are on page 1of 1

Leebron James V.

Bariring GEED 037 Life and Works of Rizal


BSME 2-2 10/10/2023

SEATWORK 1
Sino nga ba si Rizal para sa akin?

Para sa karamihan si Jose P. Rizal ay kilala bilang bayani ng Pilipinas. Siya ay kilala sa
kanyang pagiging makata, manunulat, at aktibista laban sa pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas
noong ika-19 siglo. Ngunit para sa akin si Rizal ang pinaka nagpausbong ng kaisipang pang-
Pilipino noong panahon na unti-unti ng nawawala ang ating pagka-Pilipino.

Isa siya sa mga taong lumaban upang hindi mawala ang ating pagkakakilanlan. Dahil sa
kanyang nagawang mga libro, tulad ng Noli Me Tanghere at El Filibusterismo, pinagalab nito ulit
ang natatagong nasyonalismo ng mga dating Pilipino. Ang mga rasong ito para sa akin ang naging
dahilan kung bakit siya naturingang pambansang bayani ng ating Pilipinas.

Ngunit kahit na tinuturing ko siya bilang pambansang bayani ng ating bansa mayroon
paring siyang mga ideolohiya na hindi ako sang-ayon. Ang gusto lamang ni Rizal noon para sa
ating bansa ay Repormasyon, ipinaglaban niya ang ating bansa sa pamamagitan lamang ng lapis
at papel. Hindi niya gusto na may dumanak ng dugo kaya tumutol siya sa Rebolusyon. Gusto niya
rin na turuan muna tayo ng Espanya kung paano maging malaya bago tuluyang kumawala sa mga
ito. Kung ito ang nangyari malamang sa malamang malaki parin ang impluwensya ng Espanya sa
ating bansa at hindi na tayo kailan man makakawala sa mga impluwensya nito. Sa aking tingin ang
Rebolusyon lang talaga ang paraan upang tayo ay tuluyang maging malaya sa mga kamay ng mga
Espanyol.

Kahit na magkaiba ang aming mga pagtingin, siya pa rin ay aking nirerespeto bilang ating
pambansang bayani dahil parehas lamang ang pinakagusto namin. Ang maging malaya ang ating
bansa ng tuluyan na walang impluwensya ng ano mang dayuhan. Kung hindi ang sarili lamang
nating pagkakakilanlan.

You might also like