You are on page 1of 1

Isang malaking tanong ang mabibigyan ng linaw sa sulating ito.

Bakit nga
ba naging bayani si Jose Rizal? Si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
ay isang magiting na bayani na nakipaglaban gamit ang kanyang talino at mga
sulatin. Matalino’t tunay ang kanyang hangarin na mabigyan ng payapang
pamumuhay ang mga Pilipino.
Si Jose Rizal ay nakipaglaban ng hindi gumagamit ng dahas tulad ng ibang
bayani. Ang husay ni Jose Rizal sa pagsulat ang nagdala ng kalinawan upang
ibulgar ang mga kalupitan ng mga mananakop. Siya ang nanguna upang magkaroon
ng rebolusyon sa Pilipinas laban sa mga Espanyol na mananakop. Pinukaw niya ang
isip ng bawat Pilipino na nagtitiis sa mga maling gawain ng Espanyol. Nabigyan din
ng linaw ang mga taong hindi kayang ipaglaban ang kanilang sarili. Tunay ngang
siya ay isang matapang na bayani na sumulat ng napakaraming nobela na
nagtutuligsa sa mga gawi ng mga kastila, siya rin ay humarap sa isang pagsubok na
magdadala sa kanyang huling hantungan.Inialay nya ang kaniyang buhay para
lamang sa kaniyang minamahal na bayan. Si Jose Rizal ay pinarusahan ng mga
kastila dahil sa pangunguna nito sa pagkakaroon ng rebolusyon laban sa mga
kastila. Dalawa sa mga nobelang sinulat niya na nagpasiklab at bumuhay sa pagka
Pilipino ng mga Pilipino ay ang  Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Si Jose Rizal
din ay nagtatag ng samahan upang labanan ang mga Espanyol at ito ay ang La Liga
Filipina. Ito ag naging sandigan ng mga Pilipino upang makawala sa pagiging alipin
at mapigtas ang tali na nakakabit sa kanila na nagiging daan upang maging sunod-
sunuran sila sa mga mananakop.
Sa kabuuan, ito lamang ay nagpapatunay na si Jose Rizal ay isang bayani
na nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino. Isang rason upang maging inspirasyon ang
kanyang mga nagawa upang maging isang matapang at may pagmamahal sa bayan.
Siya ang kaisa-isang Pilipino ang gumamit ng pluma at papel upang ipaglaban ang
ating bansa sa kamay ng mga malulupit na Espanyol. Bilang isang Pilipino, nararapat
lamang na kilalanin at huwag kalimutan ang mga nakatatak sa kasaysayan, upang
magsilbing aral at inspirasyon sa mga kabataan at sa bagong henerasyon.

You might also like