Isinakripisyo niya ang sarili alang-alang sa pakikipaglaban sa katotohanan at kalayaan ng
bayan. Alam natin na lahat ng ating mga bayani ay nagbuhis ng buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Ang tanging pagkakaiba lamang ni Jose rizal ay hindi siya ‘yung tipo ng bayani na ibinuhos lamang ang buhay para sa kaligtasan ng iba. Siya ‘yung bayani na hanggang sa kamatayan ay tumutulong parin sa iba. Hindi niya sinarili ang gawain. Itinuro niya sa ating mga Pilipino na kaya natin. Itinuro niya na hindi mo kailangan ng matinding dahilan para ipaglaban ang iyong bayan. 2. Ang pamamaraan ng kanyang pakikipaglaban ay sa pamamagitan ng lapis at papel at walang madugong labanan dahil sa kanya. Lantad na sa ating mga libro at madalas nang nababanggit ng ating mga guro. Ito ay dahil hinarap ni Rizal ang mga kalaban at ipinagpilitan na maisaayos ang lahat nang walang dugo na dumadanak. Malamang ay mawari niyo na pawang naghuhugas kamay si Rizal sapagkat ang mga nobela niya ang nagtulak, hindi siya. Mawawari natin na walang kasalanan si Rizal sa mga dugong dumanak makalipas ang kanyang kamatayan. Nagsulat lamang si Rizal, hindi niya iniutos na magsimula ng himagsikan ang mga Pilipino. 3. Isa na si Pepe sa nagdidikta ng ating katauhan. Mayroon tayong kanya-kanyang pananaw at lathala sa mga mensahe ni Pepe sa atin, ngunit hindi natin maikakaila na isa siya sa nagturo satin kung pano mabuhay nang hindi nagpapatalo sa mga nangaalipin. Isa siyang taong hindi na mawawala sa pagkatao natin. Itinatak na niya sa ating konsyensya na ang hindi pagmamahal sa ating sarili wika, pananamit at produkto ay isang kasalanan hindi lamang sa bayan, kundi pati sa ating sariling pagmamahal sa kalayaan. 4. Matapang niyang ibinunyag ang kabulukan ng pamahalaan noon gamit ang kanyang mga aklat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Gumawa siya ng sulating nagpapahiwatig ng kanyang mga sentimento. Bagamat alam niyang mailalagay ang kanyang buhay sa peligro, hindi siya nagdalawang isip upang gumawa ng aksyon para sa bayan. Nagsulat siya ng dalawang nobela hindi lamang para maimulat ang ating mga mata sa nangyayari. Itinulak ng bawat titik sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang bawat mamamayan upang gumawa ng aksyon. 5. Hindi siya nagmakaawa para sa kanyang buhay. Si Jose Rizal ay nanindigan hanggang sa kamatayan. Tinanggap niya ng buong puso ang kanyang kapalaran. Kailan man ay hindi siya nagtaksil at kumampi sa mga kalaban upang maisalba lamang ang kanyang buhay. Ang kanyang pagkamatay ay naging dahilan upang lalong gisingin ang pagka-Pilipino sa puso ng bawat Pilipino. 6. Ang kanyang mga likha at sinambit ay ginagamit parin hanggang sa kasalukuyan upang maging gabay at magpaalala sa atin na mahalin ang Pilipinas. Mapagpa-hanggang sa ngayon ay naaangkop parin natin ang mga Nobela ni Jose Rizal sa ating buhay. Dahil wala itong pinipiling panahon. Katulad nalamang ng “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” at “Ang hindi lumingon sa sariling wika ay daig pa nito ang malasang isda”.
Isa Sa Pinakamahalagang Gawain NG Ating Pamahalaan Upang Mapanatili Ang Kapayapaan Sa Bansa Ay Ang Pagtitiyak NG Ating Kalayaan Mula Sa Pananakop NG Ibang Bansa