You are on page 1of 5

Name: Keans Erol T.

Austria
Course and Section: BIT32
Subject: G-SOSC002
Professor: Mr. Jumel G. Estrañero
University: De Lasalle University Dasmariñas

Rizal bilang Inspirasyon sa Pagbangon ng Bayang Pilipinas

I. INTRODUCTION

Naging bayani si Jose Rizal dahil sa iba’t ibang rason. Una na rito ay ang paglaban niya
sa mga mananakop hindi sa pamamagitan ng dahas kung hindi sa pamamagitan ng kaniyang
talino at husay sa pagsulat. Sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela, naibulgar ang mga
masasamang gawain ng mga mananakop na Kastila. Maraming mamamayan din ang nabuhay
ang pagkamakabayan at nabuhayan ng dugo upang ipagtanggol ang kasarinlan ng Pilipinas,
kabilang ang ama ng Katipunan at ang isa ring bayaning si Andres Bonifacio. Isinugal din ni
Rizal ang kaniyang buhay para sa ipinaglalabang kalayaan. Pinatay siya ng mga Espanyol dahil
sa paglaban nito sa kanila.

Si Gat Jose Rizal ay tunay na inspirasyon para sa mga modernong bayani ngayon na may
hangaring magsilbi sa bayan lalo na sa panahong ating kinakaharap. Isa siyang modelo na maaari
nating gayahin sa taglay nyang pagmamahal para patuloy na makabangon at maghilom ang ating
bayan. Anumang pagsubok ang dumating at ating kakaharapin, hindi tayo magpapatinag bilang
mamamayan ng ating bayan.

Mahalin natin ang bayang Pilipinas dahil dito tayo pinanganak at lumaki. Dito tayo
nakaranas ng tunay na kaligayahan at ito ang nagbigay satin ng maraming opurtunidad. Eto rin
ang kumumpleto ng ating pagkatao. Ang bayan natin at ang mga mamamayan dito ang
nagbibigay inspirasyon sa atin upang tayo ay lumaban at manindigan.Tulad ng pagbangon ng
bayan, gaya ni Gat Jose Rizal ay mananatiling lalaban at titindig para sa ating minamahal na
bayan. Hindi magpapa apekto sa anumang kahaharapin at patuloy babangon para sa bayang
lubos na minamahal.

II. BODY

Manila, Philippines - Feb 4, 2018: The Martydom of Dr. Jose Rizal large metal statues
in Rizal Park, Manila

‘Consummatum Est’ (It is finished) ang huling naging salita ni Rizal. Kung ang
ibang mga kriminal na isinasailalim sa firing squad ay pinaluhod, si Rizal ay nakatayo ng
barilin. Nang tumama na ang bala sa katawan ni Rizal, kanyang pinilit na tumumba nang
hindi nakaharap sa lupa bagkus ay ginamit ang natitirang pwersa para bumagsak nang
nakatingin sa langit. Hanggang sa dulo ng kaniyang hininga ay dala dala padin niya ang
kanyang tapang na ipagtanggol ang ating kalayaan. Gayunpaman ay dapat tayo ay
manindigan at matapang sa mga kahaharapin ng ating bayan tulad ng ginawa ni Rizal.

III. ANALYSIS

Si Jose Rizal noon ay isang mapagmahal, matalino, at may paninindigan para sa bayan.
Ginamit niya ang kaniyang angking talino upang tulungan mamulat at makalaya ang ating bansa
mula sa kamay ng mga mananakop o mga Espanyol. Bilang Pilipino, ginampanan niya ang
kaniyang pagiging makata, at nilabanan ang abuso ng mga mananakop. Dahil sa kaniyang galing,
napakilos niya ang mga tao upang maghimagsik sa mga Espanyol.

Labis na hirap at sakripisyo ang pinagdaanan ni Jose Rizal, ako ay labis na namamangha
sa pinakita niyang pagkabayani. Talagang isang inspirasyon ito upang sa pagbangon ng isang
bayan. Anumang hirap at sakuna ang pagdaanan lagi natin isipin kung ano ba ang sinakripisyo ni
Rizal upang makamit natin ang ating kalayaan.

Bilang isang mamamayang Pilipino mahal ko ang aking bansa, ang aking mahal na
Pilipinas. Naipapakita ko ang pagmamahal na ito sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling atin
at sa pamamagitan ng pagiging isang masunurin sa batas. Pinagsisikapan kong maging isang
mabuting mamamayan at pagtulong sa kapwa ang akin layunin lalo na sa mga kapos palad.
Aktibo rin ako sa mga gawaing pangkomunidad at tumutulong sa mga suliranin nito.
IV. RECOMMENDATION

Ang aking rekumandasyon para sa mga bawat bayan at mamamayan na Pilipino, magsilbi
sanang inspirasyon si Rizal upang tayo ay laging bumangon. Alalahanin lagi natin ang mga
bagay at dahilan kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Rizal upang makamit natin ang inaasam
na kalayaan. Gayahin natin si Rizal na lahat ay gagawin upang maibangon ang kanyang sariling
bayan. Huwag tayo susuko sa ating mga pagdadaanan. Bawat bayan ay madaming kinkaharap na
problema. Ang ating bansang Pilipinas ay kayang bumangon muli basta ay magpagkakaisa at
pagmamahal sa bayan. Tangkilikin natin at mahalin natin ang sariling atin, suportahan din natin
ang mga lokal upang matulungan natin umangat ang bawat isa. Kailangan nating mga Pilipino
magtulungan upang makamit natin lahat ang tagumpay. Ang mga iniwan ni rizal na mga nobela
ay magsilbi sana sating instrumento para maimpluwensyahan ang bawat isa.

V. CONCLUSION

Nang aking binasa lahat ay aking napagtanto kung gaano ako kaswerte mabuhay bilang
isang maging Pilpino. Hindi man perpekto ang aking buhay, isipin mo lang palagi ang mga
bayani nang ating buhay na nagsasakripisyo mabigyan lamang tayo ng magandang kinabukasan.
Napakahirap nang mga pinagdaanan ng ating bayani, marapat lang sila na ay dapat
pagpahalagahan. Kung wala sila tayo ay tuluyan ng nasakop ng ibang bansa.

Tayo ay tumindig, lumaban at bumangon sa anumang ating kaharapin. Ang ating bayan
na nagsisimbolo ng ating pagkakasama sama ay wag natin hahayaang tumumba o sumuko sa
laban. Bilang Pilipino lagi nating ipaglalaban ang ating karapatan at palaging babangon para sa
Bayan. Kung gaano kamahal ni Jose Rizal ang ating bayan ay dapat mas matindi pa ang
pagmamahal natin. Sabi nga ni Rizal “Kabataan ang pag asa ng Bayan” nasa kilos natin ang
magiging resulta ng kinabukasan. Maging mulat tayo at sana ay laging isapuso ang pagiging
tunay na Pilipino. “Mahal ko ang Bayan ko”.
VI. REFERENCES

Bakit naging bayani si Jose Rizal? | Panitikan.com.ph

Rizal 2020: Inspirasyon sa pagbangon at paghilom ng Bayan | Municipality of Balayan

AbanTen: 10 detalye sa pagkamatay ni Rizal, ayon sa nakasaksi | Abante TNT Breaking


News

Photo of Manila, Philippines - Feb 4, - ID:103712394 - Royalty Free Image - Stocklib


nagsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino Hinangaan ang kanilang mga naging |
Course Hero

VII. MESSAGE TO YOUR PROFESSOR

Mensahe sa aking Professor na si Mr. Jumel G. Estrañero. Maraming salamat po sainyo


sa pagkakataong magturo po kayo samin ng Kursong Rizal. Dahil po sainyo ay madami po
akong natutunan, hindi lang sa buhay ni Rizal gano na din sa buhay ng reyalidad. Napakabusilak
po ng inyong puso. Nawa’y pagpalain po kayo ng Panginoong may kapal sa inyo pong tatahakin.
Maraming salamat po at natutunan ko din ang kahalagahan ng sarili na mailapit sa Diyos. Ako
po ay hindi naging perpektong estudyante pero dadalhin ko po sa aking pagtanda ang mga words
of wsidom na sinabe niyo.

You might also like