You are on page 1of 2

Bauzon, Isak Jalandoni, Charlene Bb.

Kattleea Almajose
Braganza, Francis Rivera, Arjoy
Gaviola, Ma. Lilith Soriano, Cshania Nicole
Ibañez, John Patrick
H-323

TAKDANG ARALIN 3
Ang Sucesos de las Islas Filipinas na isinulat ni Antonio de Morga ay isa sa mga naunang
kasulatan na pumapatungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang ika-walong kabanata nito ay
tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino, mga kinagawain, kultura, ugali, pati na ang mga
tradisyon nito. Naging interesadong gawan ito ng anotasyon ni Rizal sapagkat sinasabi niya na si
Morga ay isa sa mga taong saksi sa mga nangyayari sa Pilipinas sa panahon ng pananakop ng
mga Kastila. Bukod pa dito, sinabi rin ni Rizal na lumalabas na may simpatiya si Morga sa
paraan ng kanyang paglalarawan sa mga Pilipino at sa bansang Pilipinas.
Ang mga anotasyon ni Rizal sa gawa ni Morga sa ika-walong kabanata ay karamihan
ukol sa maling baybayin o maling termino sa paggamit. Ang iba naman ay ang mismong
pagtatama ni Rizal sa mga nakatala sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga tulad na lamang sa
pahina 240 nito nakasaad na karamihan raw sa mga isla ng Pilipinas ay walang naninirahan at
hindi matitirhan. Ngunit, binawi ito ni Morga at sinabi niya na base sa kanyang karanasan,
marami raw nakatira sa mga isla ng Pilipinas at mayabong ang likas na yaman nito. Sa kabilang
banda, ang anotasyon ni Rizal dito ay bago pa man masakop ng mga Kastila ang Pilipinas,
mayroon ng sariling kultura ang mga Pilipino at likas na maunlad sa larangan ng literatura.
Bagopaman ang panahon ng pananakop ng mga Kastila, ang pananaw ni Rizal ay
mayaman na ang bansang Pilipinas sa kultura at likas na yaman. Maganda ang pamumuhay ng
mga Pilipino subalit nang dumating ang mga Kastila, nagbago ang kanilang takbo ng buhay.
Sa pahina 242, sinabi ni Rizal na ang pagkakaalam ni Morga ay ang panahon ng tagulan
sa Pilipinas ay ang taglamig at ang natitirang mga buwan ay taginit. Ngunit, ang sabi ni Rizal ay
sa Manila daw tuwing Disyembre hanggang Pebrero bumababa ang temperatura sa Pilipinas higit
pa sa mga buwan ng Agosto and Setyembre.
Bukod pa dito, sa pahina 255 ng Sucesos de las Islas Filipinas, nakasaad dito na malalaki
ang mga buwayang makikita sa probinsya ng Cagayan at tila nakahihigit ito sa mga taong
naninirahan dito. Sinabi rin dito na kasapi daw ng mga Kastila ang mga buwayang ito upang
kalabanin ang mga Pilipino subalit ang bersyon ni Rizal nito ay may mga ilang prayle pa nga
daw na nakain ng mga buwaya nang tumakas ang mga indio. Ibig sabihin ay mali ang pahayag ni
Morga ukol dito sa mga buwaya.
Sa pahina 279, pumapatungkol naman ito sa mga alipin sa panahon ng pananakop ng
Kastila at ang tawag nila dito ay "pamamahay" na nagsisilbi sa kanilang mga amo nang walang
kabayaran. Ang anotasyon ni Rizal dito ay iba ang tawag sa mga alipin hindi ito "pamamahay"
kundi "kasama" bilang manggagawa ng mga kapitalista.
Higit pa dito, sa pahina 256 makikita ang usapin dito tungkol sa islang hindi
napangalanan ni Morga na makikita gitna ng Lawa ng Bai. Sa anotasyon ni Rizal, sinabi niya na
ang isla sa gitna ng lawa na ito ay tinatawag na Talim Island. Sa kasunod na pahina,
pumapatungkol ito sa isdang laulau na inasnan at pinatuyo. Samantala, ang sabi ni Rizal ukol
dito ay maaaring ang isdang tinutukoy ni Morga ay ang tawilis na matatagpuan sa probinsya ng
Batangas.
Nang maglakbay si Rizal sa iba't-ibang bansa, binigyan niyang pansin ang pagaaral sa
kasaysayan, kultura, at wika ng Pilipinas. Binigyan niya ng importansya ang wikang Filipino
sapagkat ito raw ay ang salapi ng ating bansa at ito ang pagkakakilanlan ng bansang Pilipinas.
Masasabing makabuluhan ang pananaw ni Rizal ukol sa wikang Filipino dahil sabi nga ng mga
tao ang wika ng isang bansa ay ang kaluluwa ng bansa. Ito ay dahil ang wika ay ang nagsisilbing
tulay upang magkaroon ng pagunawaan ang bawat mamamayan sa isang bansa. Nararapat
lamang na pagaralan ni Rizal ang wikang Filipino sapagkat kung hindi maisasabuhay ng mga
Pilipino ang kanilang kinagisnang wika ay hindi magkakaroon ng pagkakasunduan.
Bilang pagtatapos, ang mga anotasyon ni Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga
ay masasabing lubos ang pagkakakilala ni Rizal sa bansang Pilipinas at sa mga Pilipino.
Masasabi rin dito na lubos na nagmamahal si Rizal sa kanyang bansa dahil itinama niya ang mga
kamalian sa paglalarawan ni Morga sa mga usaping pumapatungkol sa paraan ng pamumuhay,
kultura, kasaysayan, tradisyon, at mga kinagawian ng mga Pilipino sa buong sulatin nito na
mayroong walong kabanata at may 347 na pahina.

You might also like