You are on page 1of 1

Ang Mga Cebuano

Ang ng Pilipinas ay binubuo ng humidity kumulang sa 7,000 mga pulo na nahahati sa tatlong
malalaking bahagi – ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa Kabisayaan matatagpuan ang Cebu na ang
umiiral na wika doon ay Cebuano na kahawig sa wikang ginagamit ng mga karatig pook nito. Ang mga
Cebuano ay masasabing mga saling-angkan ng Malay na naninirahan sa Pilipinas bago dumating ang
mga Kastila. Sa kanila makikita ang unang lakas ng pagtatanggol ng kanilang karapatan laban sa
panlulupig ng mga dayuhan. Kilala ang bantog na bayaning Cebuano na si Lapu-Lapu sa kanyang
matagumpay na pakikihamok sa mga Kastila. Sa kanyang dugo’y nananalaytay ang dugo ng unang
kayumangging sagisag ng katapangan.

Sa dalampasigan din ng Cebu noon 1521, ika-14 ng Abril unang nagana pang pagdaraos ng unang misa
ng mga Kristiyano na nagging tampok ang pagkabinyag kay Raha Humabon kasama ang kanyang mga
sakop at mandirigma. Matapos ang misa’y isang krus ang itinirik bilang sagisag ng pagyakap na ito sa
Kristiyanismo ng 800 Pilipino. Ang mga Pilipinong ito na kinabibilangan ng mga
Cebuano ang syang kauna-unahang matatawag na Kristiyano sa kapuluan ng Pilipinas. Samakatwid si
Raha Humabon at ang kanyang asawa ay sila ring kauna-unahang Pilipinong hari’t reyna na nataguriang
Kristiyano. Ayon kay Howard Lee Nostrand sa “Describing and Teaching the Socio-Cultural Content
of a Foreign Language and Literature” matapos na magkaroon ng hapunan ay bininyagan ang reyna sa
isang pananampalatayang Katoliko at ipinakita sa kanya ang imahen ng Birheng Maria na kupkop nito
ang sanggol na si Hesus at isang krus. Sa pagkakataong ito, nabakas sa kanyang mga mata ang luhang
nagpapatunay ng kanyang bukal sa pusong pagtanggap sa Kristiyanismo. Tinawag siyang Juana bilang
alaala sa ina ng Emperador ng Europa.

Ipinagpatuloy ng mga Kastila ang kanilang pagpapalaganap ng Kristiyanismo hanggang sa noong taong
1565 sa pamumuno ng anak ni Humabon na si Tupaz ay natagpuan nila ang pook na karapat-dapat na
maging pinakamalakas na kuta ng mga Kastila at katatagpuan ng maraming pagkain a dalampasigan ng
Cebu sa pook na ito, sa pamumuno rin ni Legazpi ay naitayo ang kauna-unahang simbahan na
pinangalanang “Ciudad Del Santisimo Nombre de Jesus” sa karangalan ng banal na pangalan ni Hesus.
Ito ang ginawang patron ng lunsod ng Cebu sa pamamalakad ng mga paring Agustino. Sa pagkakatuklas
nito noong taong 1565, ang siyudad ng Cebu ang siyang itinuturing na pinakamatandang siyudad ng
Pilipinas.
Sa ngayon, ang syudad ng Cebu ay tinawag na “Queen City of the South” Ang Basilica Mitiore del Santo
Nino ang pinakamatandang simbahan at nag-iisang basilica sa kalayuan ng Silangan. Marami rin silang
mga museum at mga koleksyon na antique. Ang University of San Carlos Museum ay nagdidisplay ng
mga antropolohikal at biyolohikal na mga koleksyon.
Ang syudad ng Mandaue, sunod ng Cebu ay makikita ang pinakamalaking San Miguel Brewery Complex.
Makikita rin doon ang “The Chapel of the Last Supper.”
Ang pulo ng Mactan ay may internasyunal na paliparan, ganon din ay may mga beach resorts tulad ng
Shangri-la Mactan Island, Cebu Beach Club, at Maribago Bluewater Beach Club. Makikita rin ditto ang
monument ni Lapu-Lapu kung saan dito sila naglaban ni Magellan.

You might also like