You are on page 1of 2

Paano Nagkaroon ng Damo sa Bukirin

Noong unang panahon, ang bukid ay walang damo. Pagkatapos magtanim, ang mga magsasaka,
inilalaan nila ang kanilang mga sarili sa inuman, sa sugalan at iba pang kasayahan. Nakita ni Bathala
ang kanilang ginagawang kasamaan, kaya nagplano siya kung paano dapat magsumikap ang mga
magsasaka sa kanilang trabaho, dahil hindi niya gusto na ang kanyang mga tao ay manatili sa ganoong
bisyo. Isang araw, inutos niya sa kalabaw na magtanamin ng mga buto ng damo sa daigdig at
mahigpit niyang inutos na isang buto lamang ang itanim sa bawat isang libong dipa (arm spam),
ngunit ang kalabaw ay may pagkabingi kaya itinanim niya ang buto sa bawat hakbang o lakang
(step). Hindi nagtagal, tumubo ang mga damo at nakita ito ng Bathala na masyadong magkadikit at
tinanong niya ang kalabaw.

“Gaano ba kalayo ang pagtanim mo ng mga buto?” “Isang hakbang o lakang”, sagot ng hayop.

“Hindi ba sinabi ko sa’yo na ang pagtatanim ng isang buto ay sa bawat isanlibong dipa? Ang mga tao
ay hindi makapaglinis ng kanilang bukirin. Mula sa oras na ito ikaw ay tutulong sa paglilinis ng
kanilang bukirin”, sinabi ng bathala.

“Panginoon, kakaini ko ang mga damo,” pakiusap ng hayop”.

“Tama! Kainin mo ang mga damo ngunit kung hindi mo kaya, tulungan mo na lamang sila sa
paglilinnis ng kanilang bukirin at magkakabit sila ng araro sa ‘yong leeg.” At iyan ang parusa ng
kalabaw, ang walang katapusang paglilingkod sa mga magsasaka sa bukirin.

Di-etiolohikal- isinasaad ng alamat na ito ang pagsasagupaan ng mga kataka-takang nilikha na


pinaniniwalaan ng matatanda gaya ng multo, ispiritu, at kaluluwa. Kasali rin sa mga ito ang mga
salaysay gaya ng nakalibing na kayamanan at mga diwata (Bascom, 1965:4)

Ipinahahayag din sa naturang alamat ang tungkol sa mga santo at mahimalang alamat.

Maliban sa ganitong mga salaysay, sa di-etiolohika;, laganap ang tungkol sa “santelmo” o iyong
bolang apoy (Gonzalez, at.al., 1982) na karaniwang makikita sa mga pook na malapit sa sementeryo at
mga lugar na pinangyarihan ng madudugong sakuna na nagging sanhi ng kamatayan. Pinaniniwalang
ang kaluluwa ng naturang mga patay na hindi natatahimik sa kabilang-buhay ay gamagala sa mga
lugar na ito. Kasama rin ang mga kuwentong nauukol sa mga aswang (Gonzales, te. Al., 1982) na
maaaring nagbabalat kayong ibang tao; sa mga aswang na lumilipad kung gabi at dinarayo ang mga
buntis upang kunin ang sanggol sa sinapupunan nito. Mayroon ding mga kuwentong tungkol sa mga
mangkukulam na nakakaalam ng iba’t ibang pangyayari sa pamamagitan ng kanilang itinatagong
kapangyarihan.

Ang oryentasyon o pananaw ng karamihan sa ating mga Pilipino ay tungo sa paniniwala ukol sa mga
milagro ng mga santo. Nagging bahagi na rin ito ng ating kuwentong-bayan. Ang paglalarawan ng mga
milagro ay matutunghayan sa ating di-etiolohikal na alamat.

You might also like