You are on page 1of 1

Ang Santo Niño ng Cebu

Isang araw, ang isang mahirap na mangingisda ay muling nangingisda na lagi na niyang ginagawa
araw-araw. Ngunit nang araw na iyon ay napakamalas niya dahil pag binuklad niya ang kanyang
lambat ay wala siyang makukuha kundi isang agipo (amber). Tatlong beses niyang itinapon ang agipo
pabalik sa dagat, ngunit nang hilahin niya ang lambat ang agipo pa rin ang kanyang makukuha.

Sa kanyang galit, dinala ng mangingisda ang kahoy sa kanyang pag-uwi. Pagdating niya sa kanila,
naabutan niya ang asawa na nagbibilad ng palay sa kanilang laguwerta. Itinapon ng mangingisda ang
agipo doon sa palay at sinabi sa sarili, “Kung ikaw ay totoong anting-anting, aber kung mapaalis mo
ba ang mga ibon at manok dyan sa binilad na palay.” Laking kababalaghan dahil wala ngang ibon at
manok na lumalapit sa binilad na palay. Nang gumabi, dinala ng mangingisda ang agipo sa loob ng
kanilang bahay at ito’y kanyang naiwan sa supot.

Kinagabihan, nanaginip ng isang kababalaghan ang mangingisda. Napanaginipan niya kanyang


nakuhang agipo nang araw na iyon na naging estatuwa. Isang napakagandang bata.

Pagkagising niya kinaumagahan, nasaksihan niya ang isang kababalaghan. Ang agipo ay naporma ng
isang bata. Lumipas ang mga araw, ang anyo ng bata ay nagging malinaw hanggang ito’y nagging
imahe ng Santi Niño na tulad ng ating nakikita sa ngayon.

You might also like