You are on page 1of 1

Alamat ng Samar

Noong unang panahon may magkaibigang si Sam at si Ar-ar, sila ang palaging

magkasama sa kanilang paaralan. Si Sam ay mabait, matalino, at maganda kaya

marami ang nagkakagusto sa kaniya. Si Ar-ar naman ay matalino, masipag, at

matulungin, kahit hindi naman siya gwapo marami din ang nagkakagusto sa kaniya

pero hindi niya ito pinapansin, kasi si Sam ang gusto niya, di lang makapagsabi si

Ar-ar ng totoo kaya nilihim niya ito sa kaibigan niya. Noong nasa room na sila

magkatabi silang umupo kasi sila ang totoong magkaibigan. At makalipas ang ilang

araw si Sam ay nagkagusto sa isang lalaki na pogi, matangkad at masipag, at nung

nanligaw na ang lalaki sinagot niya ito at sila na ang palaging magkasama, nakalipas

ang ilang araw ay nalaman ni Ar-ar na may boyfriend ang kaibigan niya, nagselos

siya at palagi na lang niya ito sinusundan ng patago upang sila pagmasdan. Habang

kumakain si Sam at ang kaniyang boyfriend, si Ar-ar na nakamasid sa kanila at

naluluha na lang siya at siya’y umalis na lamang.

Isang araw nakita ni Ar-ar ang boyfriend ng bestfriend niya na may

kasamang ibang babae, at dali-dali niyang tinawag ang kaniyang bestfriend na si

Sam upang malaman niya ang katotohanan. Nang makita ito ni Sam ay

pinagsasampal at pinagpapalo niya ang boyfriend niya. At sinaway na ito ni Ar-ar.

Nagkahiwalay na nang tuluyan si Sam at nang dati nitong boyfriend, laking

pasasalamat nalang ni Sam kay Ar-ar na nandiyan palagi ang kaibigan at nang

ipinagtangggol siya nito sa dating kasintahan. Nasabi ni Ar-ar kay Sam na bukal sa

kaniyang kalooban na matulungan ito kasi bestfriend nga niya ito. Makalipas ang

ilang buwan hindi na mapigilan pa ni Ar-ar na hindi maipagtapat kay Sam ang

kanyang totoong nararamdaman, at sinabi niya ito kay Sam na gusto niya na maging

sila na. Nang makita ni Sam na totoo si Ar-ar sa kaniyang mga sinasabi at seryoso

ito, ilang minuto lang ay agad naman niya itong sinagot ng matamis na “OO” .

Lumipas pa ang ilang mga taon at habang buhay silang nagmahalang dalawa. Si

Sam at Ar-ar ay pinagtagpo ng pag-ibig. At sumikat ang kanilang pangalan, na

ginawa nila ang pangalan ng isang lugar at ito ay naging Samar.

You might also like