You are on page 1of 2

ALAMAT NG TIKTOK

Noong unang panahon sa nayon ng Sta. Maria may nakatirang mag-


asawa sina Mang Juan at Aling Mayang. Sila ay nabiyayaan ng isang anak
na ang pangalan ay Tikang. Isang mabait at matalinong bata si tikang.
Dahil kailangang mangibang bansa ang kanyang ama, lumaki si tikang na
wala ang kanyang ama sa kanyang tabi. Mahirap at malungkot ang trabaho
na malayo sa pamilya pero kailangan itong gawin ng kanyang ama para
maitagayod ang pamilya at mapagtapos ng pag-aaral si Tikang.

Isang araw, umuwi galing campsite si Tikang, nagulat sya pagdating


nya sa bahay ay nandoon ang kanyang Tatay Juan. Sobra ang saya na
kanyang nadama at niyakap nya ng mahigpit ito. “Tay, Masaya ako na
nandito kana, miss na miss kana naman ni nanay.” ani ni Tikang. “May
pasalubong ako saiyo anak”. sabi ni Mang Juan. Inabot ng kanyang ama
ang mga laruan at mga babasahing libro. Nalungkot si Tikang dahil akala
nya cellphone ang pasalubong sa kaniya ng kanyang ama. “Tay, kailangan
ko po ng cellphone, ito kasi yung uso na ginagamit sa klasrom namin.” ani
ni Tikang. “ Oo anak, pag marunong kanang gumamit ng cellphone,
bibilihan kita, wag muna ngayon, mag-aral kanalang muna ng mabuti.”
sagot ng ama ni Tikang.

Ilang buwan ang nakalipas, bumalik na ang kanyang ama sa ibang


bansa. Sobrang nalungkot si Tikang sapagkat di sya nagkaroon ng
pinapangarap niyang cellphone. Isang araw, tumawag ang kanyang ama.
“Anak, papadalhan kita ng pera, bumili ka ng cellphone na gusto mo.” sabi
ni Mang Juan. “Salamat po itay, iingatan kop o ang cellphone na binigay
niyo , at mag aaral po ako ng mabuti.” ani ni Tikang.

Pagkakuha ni Tikang ng padala ng kanyang ama, pumunta silang


dalawa ng kanyang ina sa Mall, at bumili siya ng cellphone. Masayang
Masaya si Tikang.

Ilang linggo nakalipas, laging abala si Tikang sa kanyang cellphone


at tila nag iba ang kanyang pananaw. Naging busy siya lagi sa games at
online messenger. Maraming napuna ang kanyang ina sa pagbabagong
kinikilos ni Tikang. Hindi na siya tumutulong sa gawaing bahay.
Pagkatapos nya kumain ay diretso na sya sa kanyang kwarto at naglalaro
ng cellphone.
Isang araw, habang naglalaro ng cellphone si Tikang ng cellphone,
may isang diwata nagpakita sa kaniya. Sobrang takot ang kaniyang
naramdaman, sa sobrang takot, nabitawan niya ang kaniyang cellphone at
nakatapon ito. “Dahil sa iyong sobrang pag gamit ng iyong cellphone,
paparusahan kita.” ani ng Diwata. Nakapasok si Tikang sa loob ng
cellphone. Pag dating niya doon, may narining siyang tunog, may nakita
siyang mga taong sumasayaw at kumakanta. Sumali sya sa kasiyahan na
iyon, at nawili siya sa kanyang ginagawa. Mas pinili niyang manirahan sa
loob ng cellphone sapagkat doon ay sobra ang saya na kanyang
naramdaman. Napangasawa niya si Toko. Simula noon, bumuo sila ng
isang samahan, silang dalawa ang namumuno dito. Araw araw na silang
sumasayaw at kumakanta at ang mag-asawa ang siyang nangununa dito.
At doon nagSimula ang TikTok. “Tik” na galing sa pangalan ni Tikang at
“Tok” na galing sa pangalan ng kanyang asawa na si “Toko”

You might also like